CHAPTER 4: GOODNIGHT

1183 Words
Nandito ako ngayon sa isang Supermarket at kasalukuyan akong namimili ng mga pagkain dahil wala na akong stock ng pagkain sa unit ko. Pero sandali akong natigilan sa pagtitingin ng mga products ng malingunan ko si Calyx. Anong ginagawa niya rito? Pinauwi ko na siya matapos ang check up ko pero anong ginagawa niya rito? Nakangiti siyang lumapit sa akin habang may tulak tulak din na cart. Kung siya ay nakangiti ako naman ay halos magdikit ang kilay dahil sa pagtataka kung bakit siya narito. "Bakit ka nandito?" tanong ko at muli ko ng itinuon ang tingin sa mga products na bibilhin ko. "Sasamahan ka." simple niyang sabi at hindi ko siya nilingon. "Wala ka bang gagawin? Meetings or what?" tanong ko kay Calyx habang namimili pa rin ako ng mga bibilhin. "Wala po Ma'am" Hindi ko alam kung nasa dugo ng mga Mendoza ang pagiging matigas ang ulo at mapilit. Ako ang nakokonsensya sa mga pinaggagagawa niya. Siya dapat itong pinagsisilbihan ko dahil siya ang mayaman pero eto at ako ang pinagsisilbihan niya. Swerte na kung swerte pero hindi ako yung tipo na dumedepende sa iba. Maagang nawala ang mga magulang ko kaya naman kahit saang anggulo mo tingnan ay kaya ko ang sarili ko. "Ayaw mo ba akong kasama?" malungkot niyang sabi habang nakatingin sa kung saan. "Hindi naman sa ganun pero syempre hindi mo ako responsibilidad. Tsaka kaya ko naman ang sarili ko. Hihingi naman ako ng tulong kapag di ko na kaya." paliwanag ko. "Sorry for over acting. I'm just concern to you, to your condition." aniya. Grabe yung concern niya ha, akala mo ay siya yung nakabunti sa akin. Siguro ganito kami ni Jeremy kung siya ang kasama ko este kung hindi siya nagloko. Hiyang-hiya na talaga ako dito kay Calyx dahil sinamahan niya rin ako kanina na magpacheck-up. Napagkamalan pa nga siyang asawa ko na siyang itinaggi ko. "Calyx" nahahagas kong saway sa kanya ng kung ano-ano ang nilagay sa cart ko. "Damihan mo na ang pagkain na bibilhin mo para hindi ka na lumalabas." at inirapan ko siya sa sinabi niyang iyon. "Wala akong pera para sa sobrang dami nito." saad ko at para akong naiiyak. Agad siyang kunapit sa akin at pinatahan. "Pregnancy Hormones." aniya at patuloy pa rin ang pagalo sa akin at matapos nun ay isinandal niya ang ulo ko sa kanyang dibdib at niyakap ako. "Ikaw kasi!" naiinis ko pang sabi. Nang mapatahan niya ako ay nakumbinsi niya rin ako sa mga pagkain na inilagay niya sa cart. At hindi lang sa cart ko kundi pati ang cart na kanya ay para rin pala sa akin. Wala na akong naggawa pa para pigilan siya dahil ang sabi niya ay siya na ang magbabayad ng lahat. Hindi rin niya ako pinayagan na bitbitin ang pinamili namin. Feeling ko tuloy ay wala akong kamay at paa sa mga pinaggagagawa niya. Hindi rin niya ako pinayagan magdrive ng sasakyan ko kaya sa sasakyan niya ako nakasakay kanina at ngayon. Kung kanina ay naiinis ako sa presensya ni Calyx ngayon ay napapangiti ako sa tuwing makikita ang mukha niya. Kung hindi lang ako buntis ay masasabi kong baliw na ako pero hindi dahil ito daw yung tinatawag na pregnancy hornones paliwanag ni Calyx habang nasa biyahe kami. Napansin niya kasi na nakangiti ako habang nakatitig sa kanya at doon siya nagsimulang nagdiscuss about pregnancy. Nakakapagtaka man kung bakit niya alam ang mga iyon pero hindi ko na siya tinanong tungkol doon. Bitbit ni Calyx ang mga pinamili namin kanina at mukhang masaya pa siya sa ginagawa niya dahil kanina pa siya nakangiti pero agad iyong naglaho ng may bumungad sa harap ng condo unit ko. Pagkadating namin sa condo unit ko ay naaabutan namin si Jeremy na nakasandal sa pintuan ng condo ko. "Jeremy" tawag ko at agad siyang napatayo. Napatingin naman ako sa dala-dala niya. Isang basket na puno ng prutas. "Savannah" aniya at niyakap ako. I felt pain but at the same time happiness. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang Jeremy ko. Namiss ko ang halik at yakap niya. Namiss ko yung laging nasa katabi ko siya. Lahat ng sa kanya ay namiss ko. Ilang saglit pa ay naghiwalay kami bigla ng tumikhim si Calyx sa gilid namin. Nakalimutan kong nandito pa rin pala siya. Agad ko naman na kinuha ang susi sa bag ko at binuksan na pinto. Ipinasok ni Calyx ang lahat ng pinamili namin habang si Jeremy naman ay pinaupo ko at binigyan ng tubig. "Thank you Calyx" "Always welcome, una na ako." paalam niya na parang wala sa sarili. Bigla na lang kais nawala ang ngiti niya at ngayon ay bagsak ang balikat. "Thank you Kuya Calyx sa pagsama kay Sav. Ingat ka sa paguwi." ani Jeremy at tumango lang siya sa sinabi ng kapatid. Nang makaalis si Calyx ay naupo ako sa tapat ni Jeremy. "I'm sorry Savannah. I'm sorry." bigla naman tumulo ang luha niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Alam kong parehas kami nasasaktan sa sitwasyon at nangyari sa amin. Pero ganun pa man, kahit ako ang lugi at kahit ako ang labis na nasasaktan dahil sa nangyari ay wala rin yung pinagkaiba sa nararamdaman ni Jeremy. Kahit magkaiba ang level ng sakit na nararamadaman namin ay hindi nito mababago na parehas kaming nasasaktan. Umiyak lang kami parehas habang magkayakap. Walang salita na umalpas sa pagitan naming dalawa. Ilang minuto pa ay naghiwalay na kami mula sa pagkakayakap. Hinawakan ng dalawang kamay niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. "I love you. I miss you. I need you but Ysabella needs you more. I can handle myself Jeremy. Remember, I'm a strong woman. Just take care Ysabella for me." ani ko at pilit na ngumiti kahit nasasaktan sa sinasabi ko. Ayokong pairaling ng galit ko kay Ysa o kay Jeremy dahil bahagi sila ng buhay ko. Matagal na naming kaibigan si Ysabella at tulad ko ay wala na rin siyang magulang pero mas malala ang sitwasyon niya kesa sa akin dahil wala siyang sapat na pera para ipantutostos sa magiging anak niya. Kaibigan ko si Ysa kaya alam ko ang sitwasyon niya. Alam kong mas kailangan niya si Jeremy at hindi ba't si Jeremy na rin ang pumili sa kanya. This time ayokong maging madamot at magalit. Kahit sa kabila ng ginawa nila sa akin pero alang-alang sa mga magiging anak namin magpapaubaya ako. He nodded and he didn't not resist on what I said. "But let me take care of you also." aniya at ngumiti ako. Ilang oras din ang itinigal niya sa condo ko. Inasikaso niya ako at pinagusapan ang schedule ng pagpunta ko sa hospital. Every weekends lang daw siya makakastay dito sa condo unit ko dahil may trabaho siya at pumayag naman ako. I sighed heavily and felt a little bit relieved today. Matutulog na sana ako nang biglang magvibrate ang cellphone ko. Calyx: Goodnight? Hindi na ako nagreply sa halip ay masaya akong natukof ngayon hindi dahil sa text ni Calyx kundi kasama at katabi ko ngayon si Jeremy sa pagtulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD