Nagising ako ng sobrang bigat ang pakiramdam. Masyado rin akong nilalamig at halos hindi sapat ang isang kumot na nakatabon sa akin ngayon. Unti-unti kong inangat ang katawan at tumingin sa bed clock. Pagtingin ko ay ala-singko pa lang ng umaga. Pilit akong bumangon para makapagsimula ng maghanda ng almusalan. Wala ngayon si Jeremy dahil nasa business trip, may katulong naman na pwedeng magluto pero iba pa rin pag ako ang maghahanda ng almusalan para sa mga anak ko. Pagkahilamos at pagkatoothbrush ay itinaas ko ang buhok at tsaka dumiretso sa kusina. Pagkarating ko doon ay naglilinis si Manag Yena. "Magandang Umaga po Manang Yena." nakangiti kong bati. "Magandang ungaa din po Ma'am. Mukhang namumutla po kayo ah? Masama po ba ang pakiramdam niyo?" may bakas na pagaalala sa kanyang boses

