Nandito ako sa kitchen at inayos ang mga pagkain na ihahain mamaya. Napangiti naman ako ng marinig ko ang pagdating ng sasakyan. Nakita ko na lumabas agad si Jeremy at sinalubong ang magulang niya. Isa-isa ko nang inilapag ang mga niluto ko at tinulungan naman ako ni Manang Yena. Nang maayos na ang lahat ay sakto lang pagpasok ng magulang ni Jeremy pero nanlaki ang mata ko ng kausap at kalaro ni Calyx at Aaron ang mga anak ko. "Good evening po Tita Felicity, Tito Huey." bati ko sa kanila sabay mano. Ngumiti naman ako sa papalapit na kapatid ni Jeremy na si Aaron at niyakap ito. Nang si Calyx ay papalapit sa akin ay agad na akong tumalikod at dumiretso sa dining table. Inalalayan ko ang kambal na makaupo sa upuan nila. "Mama, my Tito's are so handsome but Papa is more handsome." bulong n

