Kinuha ko ang tungkod at dahan dahan na nagsimulang maglakad palabas. Sinalubong ako ng driver at tinulungan ako na makasakay sa saasakyan. Matapos nun ay nagtungo kami sa isang lugar na hindi ko nakakalimutan puntahan. Ang puntod ng mahal kong asawa na si Calyx. Pinaiwan ko ang driver sa sasakyan at sinenysan ko na kaya ko. Ilang hakbang lang ay narating ki na ang puntod niya. Inilagay ko ang bulaklak sa ibabaw at sinindihan ang dalawang kandila na nasa tigkabilang gilid. Naupo ako at hingaod ang puntod niya. "Happy 50th Anniversay Calyx Vin Mendoza." "Masaya ako dahil maaga ka mang kinuha sa akin pero yung pagmamahal mo sa akin ay ramdam na ramdam ko hanggang ngayon." "76 years old na ako pero heto at patuloy ka pa ring minamahal kahit magkahiwalay tayo. Yung mga anak natin, may mg

