Kabanata 27

2485 Words
Kabanata 27 Isang linggo ng hindi nagpapakita sa amin si dracula. Pabor iyon sa akin at naging tahimik ang buhay ko. Nagmukha na akong kwarenta dahil sa stress sa lalaking iyon! Nakikita ko pa minsan ang kapatid ko pero hindi ko na siya pinapansin pa. Kahit ang tignan ito. Masakit parin sa akin ang unang pagkikita namin muli. Pero gano'n pa ang ginawa nito. Hindi niya deserve ang matawag na Ate. Kahit hindi ko alam ang dahilan nito kung bakit niya ako itinanggi ay wala na akong pakialam pa! Pauwi na ako sa hapon na iyon ng makasalubong ko sa labas ang Ate ko. Nag-iisa lang ito at wala ang mga kaibigan nito. Hindi ko pinansin at mabilis ko itong nilagpasan. Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa'kin. Kunwari na lang wala akong narinig. Mabilis ang mga hakbang ko makalayo lang sa restaurant. Wala ng dahilan para pansinin ko pa ito. Para saan pa at nagpapapansin pa ito sa akin. "Alora, wait lang!"sabi pa nito at hinabol talaga niya ako. Pero hindi ko siya pinakinggan. May karapatan din akong magalit at magtampo. At ngayon tinawag pa niya Ako sa pangalan ko. Huh! Kilala pala niya ako. Pero noong tinanong ng kaibigan niya kung kilala niya Ako makatanggi wagas. Maka-No sa akin parang talagang hindi niya ako kilala. Tapos ngayon tinatawag na niya ako sa pangalan ko. Ang Gaga mo lang Ate Alisha! Tiimbangang kong sabi sa isipan ko. "I'm sorry Alora. Baka pwede mo Ako bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Please?"pakiusap nito. Tumigil ako pero hindi ako tumingin sa kaniya. "Ano pa bang gusto mo ha? Hindi ba pwedeng magkunwari ka na lang na hindi mo talaga ako kilala. Wag ka ng dumagdag pa sa mga problema ko. Maayos kana nga di ba? Maayos na ang buhay mo! Kaya pwede bang lubayan mo ako! At please lang wag na wag kang magpapakilala sa kapatid ko. Dahil hindi niya deserve ang kagaya mo. Na itinatanggi mo kami bilang kapatid mo."mapait kong sabi. Napaluha ako pero hinayaan ko lang iyon na maglandas sa pisngi ko. "I'm shock and I did not expect na makikita kita dito. I just thought na nasa puder pa lang kayo ni Tita Angela." "You just thought! Huh? Alam mo pala bakit hindi mo kami kinuntak noon. Or hinanap man lang if you really want to see me and my sister? You know what, I don't care about your explanations anymore!" sagot ko. "You don't know what I've been through. Hindi mo alam kung gaano ako nangungulila sa inyong lahat. Kung gaano ko kayo kamiss. I'm sorry Alora."madamdamin nitong sabi sa'kin. Pero tangina bakit Ako ba alam niya ang mga pinag-dadaanan ko. "You also don't know what I've been through. I'm suffer a lot! Kung umasta ka parang Ikaw lang ang nangungulila. Ikaw lang ang nakakamiss. Ikaw lang ang nahihirapan at lahat-lahat na. Hindi mo alam ang mga pinagdaanan namin ng kapatid ko para makasurvive sa mundong ito."umiyak na ako. Hindi ko mapigilan ang emosyon na nararamdaman ko. "Hayaan mo na kami. Isipin mo na lang na hindi mo kami nakita dito. Walang halong kaplastikan ito, masaya akong nakamit mo na ang pangarap mo. Mag-iingat ka parin palagi."Sabi ko at mabilis ko na siyang iniwan. Patakbo akong lumayo sa kaniya. Nang may nakita akong sasakyan ay sumakay na ako dun at nagpahatid sa apartment. Nakita ko sa labas ang kapatid ko at si Nanay Lucy. Mukhang hinihintay nila ako. "Ate!"tawag agad sakin ni Ajela at lumapit na sakin. Kasunod naman si Nanay Lucy. "Oh, bakit? May nakikita ka bang multo na kasama ko?"biro ko. "Akala ko kasama mo si baby Aldave."sabi nito. "Ha?"napatigil at napatulala ako sa sinabi nito. "Kinuha kasi siya ni Ser Daven, sabi niya ibibigay daw niya sa'yo si baby Aldave pagkauwian muna."sabi naman ni Nanay Lucy na mukhang hindi naman nag aalala. "Bakit hindi niya ipinagpaalam sa akin na kukunin niya ang anak ko?"kumabog na ang dibdib ko. Sana mali ang nasa isip ko. Hindi naman siguro nito kinuha ang anak ko at inilayo nito sa akin ng tuluyan. Kinuha ko ang cellphone ko. Tatawagan ko ang lalaking iyon. Tangina lang talaga! Pagkakuha ko sa cellphone ko ay may ilang message siya sa akin. Agad ko iyon binasa at nanlumo ako. Tama nga ang hinala ko kinuha niya ang anak ko. Inuwi nito sa Manila para daw ipakilala sa mga magulang nito. Napaluha na ako at biglang nanlambot. Sana ipapakilala lang nito ang anak ko. Sana ibalik din niya sa akin si baby Aldave. Hindi ko kakayanin kapag inilayo na niya ng tuluyan ang anak ko. "Bakit Ate? May masama bang nangyari kay baby Aldave natin?"nag-aalala nitong tanong sakin. Umiling agad Ako. "Sa loob ko na sasabihin."malungkot kong sabi. Nauna na akong naglakad papasok sa loob. "May problema ba hija?"tanong ni Nanay ng hindi ito nakatiis. "Sana tumawag ka po sa akin Nanay."mahina kong sabi. "Safe naman si baby Aldave kay Kuya Daven Ate. Baka lang nag-enjoy pa silang sumakay ng kabayo."sabi naman ni Ajela. "Alam kong safe siya. Pero sana...sana hindi niyo hinayaan na silang dalawa lang. Dapat sinabi niya sakin hindi yung basta-basta na lang niya kukunin ang anak ko."inis, gigil at galit ang nararamdaman ko ngayon. "Sabihin mo sa amin hija para maintindihan namin ang ikinaiinis mo kay ser Daven."mahinahon na sabi ni Nanay. Nagyuko siya ng ulo. Heto na naman hindi pa ako handang sabihin na si Daven ang Ama ng anak ko. Hindi ko pa nga nakikita ang DNA test. Pero mas mabuting hindi ko na lang makita baka masasaktan lang ako. Pero kailangan na sabihin ko dahil si Nanay Lucy naman ito. Ang tinuring namin na Ina ni Ajela. "S-siya...siya ang A-ama ni Aldave. H-hindi ko alam kung paano nangyari. Pero gumawa daw siya ng DNA test nila ni Aldave. Alam niya yung nangyari at siya ang nakasama ko sa gabing iyon. Pero ang unfair naman dahil hindi ko alam na siya ang Ama ng anak ko. Kaya pala inilapit niya ang sarili sa amin dahil alam nitong siya ang Ama. Tapos heto siya kinuha niya ng walang paalam Ang anak ko."napaluha na naman ako. Ang dami ko ng problema tapos nakidagdag pa ang lalaking iyon. Alam na nga nitong si Aldave na lang ang nagpapalakas samin ng kapatid ko. Bakit nilayo pa nito sa akin. Nakakasama naman ng loob. Nagpakahirap ako sa anak ko, tapos ngayon malaki na Ang bata saka lang niya kukunin. Gusto kong magalit, sumigaw at magwala. Dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ngayon. "Kaya pala ang bait niya sa atin Ate. Ginagawa lang pala niya iyon dahil kay Aldave."malungkot na sabi ni Ajela. "Pero mabait naman daw talaga si ser Daven sabi ng Asawa ko. Baka iuuwi din niya dito ang anak mo hija. Tahan na."Alo niya sakin. Yumakap nalang ako kay Nanay at umiiyak habang yakap niya Ako. Nakiyakap na din ang kapatid ko samin ni Nanay Lucy. Sa gabi din na iyon ay tahimik akong umiiyak dahil namimiss ko ang anak ko. Hindi ko matawagan ang number ng lalaking iyon. Kumusta na kaya ang anak ko? Tanggap ba nila ang bata? Okay lang ba ito sa Bahay nila dracula? Hindi ba niya kami hinahanap? Hindi ba ako hinahanap ng anak ko? Ang daming katanungan sa isipan ko. Sana naman tuwag Ang lalaking iyon sa akin. Ako parin ang may karapatan sa anak ko. Kidnapping ang ginawa ng lalaking iyon. Sana sinabi man lang niya sakin. Anak ko iyon eh, tapos biglang ilalayo niya sa akin. Napahagolhul na naman ako. Wala na akong pakialam kung marinig man ako ng kapatid ko. Gusto ko lang ilabas ang sakit, galit at hinanakit ko sa dibdib. ***** Daven POV I know, mali ang ginawa ko. Pero dahil nainis ako sa kaniya. Maybe this is the best way of punished her. But, I feel guilty of what I did. I know I hurt her. Pero buo na ang loob ko. Magalit man siya sakin I accept it. Ang mahalaga na lang sa akin ay ang kaligtasan at kinabukasan ng anak ko. He deserve a better life. Anak ko ito napakawalang kwenta ko naman na Ama kung pababayaan ko na lang ito. "Papa Daven, san tayo punta po?"excited na tanong ng anak ko sakin. Nasa likod ito. May binili akong upuan ng pambata para comfortable ito sa biyahe. "Bibisita tayo sa Lolo at Lola mo, little boy."ngiti ko sa bata. "Wow, may Lolo at Lola po ako? Gusto ko po sila kita, Papa Daven."masayang bulalas ng anak ko. Nawawala ang pagkaguilty ko kapag nakakausap ko si baby Aldave. Nakakawala siya Ng mga problema. Napaka daldal at makwento. I'm sure matutuwa ang mga kapatid ko at parents ko. Wala ang mga grandparents ko nasa Italy pa sila. Uuwi lang daw sila dito sa Pilipinas kapag may apo na sila. Pero hindi ko na muna sinabi na may anak na ako. Baka hanapin ang Nanay ng anak ko at ipakasal kami agad. Hell! May girlfriend na ako at malapit na ikasal ilang buwan na lang. Nasa Bahay nga ito at I'm sure na masu-surprisa dito sa ibabalita ko. Ilang oras din ang biyahe at nakatulog na ang anak ko sa likod. May pagkain naman akong dala pati meryenda, gatas at tubig nito. Hapon na ng makarating kami sa mansion. Nasa labas na si Mommy nakaabang na sakin. Excited sa surprisa ko sa kanila. Nakita kong lumabas din ang kasintahan ko at ang bunso kong kapatid. Pero si Dana ayaw talaga sa girlfriend ko. Mabuti na lang at marunong ito rumispeto. Civil lang ito nakikipag-usap sa girlfriend ko. Lumingon ako sa likuran ko ay tulog pa ang anak ko. Kaya lumabas na ako ng sasakyan ko at lumapit sa likod. "Baby Aldave. Nandito na tayo sa bahay nila Lolo at Lola."haplos ko sa noo nito. Pero masarap talaga ang tulog nito. Kaya kinalas ko na ang seatbelt nito at marahan ko itong binuhat. Umungot ito na parang galit kaya hinaplos haplos ko ang likod nito. Idinantay naman ito ang ulo sa balikat ko at yumakap pa sakin. Nagsimula na akong naglakad at kita ko sa mukha nila ang pagkagulat. Nakanganga pa silang tatlo habang nakatingin sila sakin. Particular na si Mom at si Cheska. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nilang karga ko na bata. "Oh my God!"bulalas pa ni Mom. "Mamaya na kayo magtanong. Tulog pa ang anak ko."sabi ko. "What?"bulalas pang sabay na sabi ni Mom and Cheska. "Anak mo ang batang karga mo?"malakas na bulalas ni Mommy. "Really Daven?"hindi rin makapaniwala na tanong ni Cheska. "Like what I've said I explain it later."seryoso kong sabi. "Bakit mamaya pa?"nahimigan ko ang galit sa boses ng kasintahan ko. But I don't care. "Natutulog pa ang anak ko."simpling sagot ko. "Kuya ako na ang magkarga."presinta ng bunso kong kapatid. "No! Baka mahulog mo. Mamaya mo na lang kargahin kapag gising na siya."sabi ko. Naramdaman kong gumalaw ang anak ko. Maya't maya ay bumangon na ito sa pagkakasandig sa balikat ko. "Gigising na po ako papa Daven."mahina pang sabi ng anak ko at nagkusot pa ng mga mata. "Nandito na tayo sa Bahay Ng Lola at Lolo mo little boy."magiliw kong sabi. Napatigil naman ito at ginala ang paningin sa paligid. "Wow, ang danda po ng bahay nila Lolo at Lola. Andami pang bibitin na hikaw laki-laki nila."bulalas ng anak ko. Tinuro pa nito ang mga naglalakihan na chandelier sa Sala. Natawa naman kami ni bunso. Tahimik lang si Cheska at si Mommy speechless habang nakatingin kay Aldave. "Papa Daven, gugutom na ako eh. Layo-layo naman bahay nila Lolo at Lola. Liit na tiyan ko gugutom na ako."ungot nito. Natawa ulit ako. "Okay let's go eat na, little boy."Sabi ko at hindi ko na sila pinansin pa. Pumunta na akong dining room. Gulat pa na napatayo si Dana. Habang si Daddy naman ay mukhang hindi rin makapaniwala sa nakikita nilang karga ko. "Papa Daven, dami pakain."bulong pa nito sakin. Napahagikhik ako sa anak ko. "Hello po. Ako po si Aldave sama ako ni Papa Daven dito. Kasi dito daw tira si Lolo at Lola ko. Gusto ko din po kain. Gugutom na po ako. Kawawa po tiyan ko."napangiti ako. Napakadaldal ng anak ko. "Holy s**t!"bulalas ng kapatid ko. "Kakain na muna kami. Mamaya na kayo magtanong at mamaya ko na kayo ipakilala."Sabi ko. "Anong gusto mong pagkain little boy?" "Pi-pray pa po ako ah, Papa Daven?"sabi ng anak ko. Nakalimutan ko na nagpi-pray pala ang anak ko kada magsimula silang kumain sa bahay nila. Nang makita kong nakaupo na kaming lahat ay pinag-pray ko na ang anak ko. I know na hindi kami sanay sa ganito na magpray bago kumain. Pero para sa anak ko kailangan na maki-operate sila. Nang tapos na ay nakatingin parin sila sa anak ko. Ang nakakatawa pa sa pagkain ang mga mata ng anak ko. Alam kong gutom na ito. "Papa Daven, gusto ko iyon po."turo niya sa tinola. Naglagay na muna ako ng kanin nito sa plato. Bago ko siya binigyan ng ulam. May mangkok naman na maliit kaya naglagay ako doon Ng sabaw ng bata. "Hey buddy! I'm Dale I want to play with you later. Gusto mo ba?"masayang tanong ng kapatid ko. "Sorry po. Di ko intindi yung sabi mo eh."sagot ng anak ko. Natawa naman ang kapatid ko sa sagot ni Aldave. "Maglalaro tayo mamaya gusto mo ba?"magiliw na tanong ni Dale. "Opo."sagot agad ni Aldave. "Papa Daven, asan po Lolo at Lola ko?"inosenti nitong tanong. Tinuro ko si Daddy na nasa gitna ng lamesa. At si Mommy na kaharap nito. Katabi ko si Cheska kaharap naman nito si Dana at magkaharap naman kami ni Dale. "Di naman po sila tanda Papa Daven para tawag ko sila Lolo at Lola eh."Tumingin pa ito kay daddy at kay Mommy. Sinusuri pa talaga niya ang mga ito. Natawa naman sila Mom and Dad. Parang speechless parin sila sa nakikita. Lumingon ito kay Dana. At napatigil bigla ng makita niya si Cheska ng lumingon ito sa katabi ko. Lumaki pa nga ang mga mata nito pagkakita kay Cheska. Nagyuko agad ito ng ulo. Hindi na umimik at tahimik na lang na kumakain. Nagtaka ang mga magulang ko. Tumingin sila sa akin na parang nagtatanong ang mga mata nila. Naubos na niya ang pagkain na hindi na tumikim sa ibang ulam. Sa tinola lang talaga siya at kanin. At hindi na talaga ito umimik pa. Nakayuko parin ito na parang walang balak magsalita at mag-angat ng mukha. "Hey buddy. Tara maglaro na tayo. Tapos na akong kumain. Ikaw ba?"tawag sa kaniya ni Dale. Tumango lang ito. Agad naman na lumapit ang kapatid ko at kinarga ang anak ko. Sumama naman agad ito kay Dale. Agad na yumakap at sinandig ang ulo nito sa balikat ng kapatid ko. Tahimik na lang kaming kumakain hanggang sa natapos kami. Sa sala na kami lahat nagtungo. Pero ang kapatid kong si Dana ay nagtungo sa Play room area ng mansion. Titignan daw niya ang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD