Kabanata 26

1842 Words
Kabanata 26 Tumakbo ako papasok sa loob matapos akong nagsorry sa boss ko. Sumandig ako sa pintuan pagkasara ko. Mahinang sinampal sampal ko pa ang mukha ko. "Nakakahiya ka Alora. Kung ano-ano na lang lumalabas sa bunganga mo. Baka pinagtatawanan kana ng mga taong nakarinig sa sinabi mo sa labas. Saan ka ba lupalop ng galing at ganyan kakapal ang mukha mo?!"kausap ko pa sa sarili ko. "Gaga kasi ang babaeng iyon sobrang papansin. Malinis naman ang lamesa nila makautos wagas ano siya Reyna? Maka-hoy babae akala mo hindi siya babae. Sarap niyang itapon sa bulkan!"inis ko pang sabi. "Waahhh...nakakahiya ka talaga Alora. Kailangan ko na din ba ang mag make up ng makapal. Para mapagtakpan ang makapal kong mukha. Shete, Otso, nuwebe, diyes talaga sh!t lang."bulalas ko sa inis. Nagulat pa Ako ng may mga nagtikhiman. Napataas ako ng tingin gulat ako ng makitang nakahalukipkip ang ibang mga katrabaho ko. Yung iba naman nakapamaywang pa sila habang nakatingin sila sa harapan ko. "Kanina pa ba kayo nakikinig sa akin dito? At nakikichismis?"tanong ko para mapagtakpan ang pangalawang pagkapahiya ko. "Hindi walang nakikinig dito."sagot ni ate Jona. "Nanonood sa sinasabi mo madami."segunda naman ni Ate mina. "Maganda ka naman talaga, Alora. Madamitan ka lang ng kagaya sa suot ni make up girl. Mas aangat ka pa sa kanila."Sabi ng isa pa. "Agree kami sa sinabi ni Andong. Lalaki na kami ah, pero walang halong ka-make up'an ang sinasabi namin."sagot naman ni Kuya Gibo. "Binubola niyo lang yata ako eh, pampalakas loob. Alam ko naman na wala akong ganda sa mukha. Sinaniban lang siguro ako ng lakas ng loob at kapal ng mukha kaya ko nasabi iyon."namula pa yata Ang mukha ko sa pagkapahiya sa sarili. "Maraming may gusto sa'yo dito. Kahit ang ilan sa mga members ng Sevenity Club may gusto sa'yo Alora. Hindi mo lang napapansin dahil no pansin ka sa mga lalaki. Kahit Ako nga dedma mo eh."Sabi ng katrabaho ko. Sumimangot ako sa sinabi nito. Binubola lang naman nila ako pampalubag loob lang naman mga sinabi nila eh. "Kunwari na lang din wala kaming narinig at nakita. Kaya sige na pagpatuloy muna ang kausapin ang sarili mo. Okay lang kami dito."natatawang sabi ni ate Mina. Natawa na din ang mga kasamahan namin sa kusina. "Nakalimutan kong nandito pala ako sa trabaho. Baka mamaya mapalayas na ako ng mga boss natin ng tuluyan. Saan na kami pupulutin ng kapatid at anak ko. Ang Gaga lang kasi ng babaeng iyon!"maktol ko. "Dapat kasi hindi mo na pinatulan. Hinabaan mo na lang ang pasensiya mo sana."sabi ni Kuya Gibo. "Hindi naman niya pinatulan yung bruhang iyon. Gawin ba naman niyang tanga ang mga serbedora dito. Bakit pa niya ipapalinis ang lamesa nila e, ang linis naman na. Nakita ko at narinig ko kung paano umasta yung babaeng iyon. Akala mo Reyna!"sagot ni Ate Jona. "Sinabunotan kaya niya ako. Natural na papatulan ko siya. Is it because I'm just a waitress here, she will just hurt me like that easily. Lintik lang talaga ng walang ganti!"gigil kong sabi. "Whoaaaah! English na ang bunso sa kusina!" malakas nilang bulalas. Sumimangot na ulit ako. Ano ngayon kung nag-english Ako? Bawal ba? Marunong naman Ako mag-english kahit papano. Englisera kaya ang bestfriend ko dati. Kumusta na kaya ang babaeng iyon. Bigla ko siyang namiss. "Grabe naman kayo. Anong akala niyo sakin bobo? Nakatunton din naman ako ng college second year din yun 'no. Hindi lang ako nakatapos dahil namatay si Tita ko na nagpapaaral sa akin dati. At ang kaisa-isa kong matalik na kaibigan ay englisera kaya natoto ako kunti lang."sabi ko pa. "Oo na matalino na ang bunso natin. Matapang at palaban pa."sabi ng Isa ko pang kawork. "Ano talent mo, Alora?"tanong ni ate Mina. "Wala akong talent. Tama na yung marunong Ako sa gawaing bahay. Marunong pa akong magluto, maghugas at kumita ng pera. Talent na siguro iyon di ba?"sagot ko naman. "Pwede na din iyon. May KTV dito sa loob ng Sevenity Club. Pwede tayo doon kumanta minsan. Marunong ka naman sigurong kumanta di ba?"tanong ni ate Mina sakin. "Oo, marunong akong magtula at magrap!"biro ko. Tumawa lang sila sa sinabi ko. "Baliw ka din talaga minsan 'no!"natatawang sabi ni ate Jona. May pumasok sa loob kaya napatigil kami sa pagchichismisan. "Hoy Alora, tawag ka ni ma'am sa opisina niya. Sana matanggal ka sa trabaho ang feeling mo kasi. Palaaway ka pa! Hindi kana nahiya!" "Hoy! Ikaw dapat ang matanggal dito. Umasta ka akala mo Ang taas ng posisyon mo sa trabaho dito. Mahaderang ito! Serbedora ka lang din naman dito."sagot agad ni Ate Jona sa Isang waitress. "Hmp! Malandi."sabi pa niya sakin sabay irap. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin ito. Nagulat ito sa ginawa ko. "Hindi kita pinapatulan dahil kahit papano may respeto ako sa kapwa ko trabahador dito. Pero ang tawagin mo akong malandi diyan tayo magkakatalo!"galit kong sabi. "Gaga ka talaga!"susugod sana ito ng awatin kami ng mga lalaki naming kasamahan dito sa loob. "Mas gaga ka!"sumbat ko. "Tama na iyan. Wag na wag ka kasing magsasabi ng kung ano-ano, kung wala ka namang pruweba Jasmine."sita ni Ate Jona. "Hindi mo ba nakita na hinalikan siya ni Sir Vander kanina? Gustong gusto naman niya! Hindi ba paglalandi iyon?"sumbat nito. "Sa pisngi lang iyon ilang segundo lang. Ang ginamit nitong paghalik sakin sa pisngi ko ay pisngi din niya. Beso-beso ang tawag dun. Hindi ako nagpahalik sa kaniya. Siya ang lumapit at beniso beso niya ako. Dapat alam mo ang pagkakaiba ng halik sa beso-beso lang."seryoso kong sabi. "Hinalikan ka parin niya!"diin nitong sabi na galit din. Tsk! "Pinapahalata mo lang na inggitera ka!"sabi ko at nilagpasan na ito. Lumabas na ako ng kusina at nagtungo sa opisina ng Boss namin. Kung anoman ang resulta ng sasabihin nila sa akin tatanggapin ko iyon. Dahil may kasalanan din naman ako. Kumatok na muna ako bago binuksan ang pinto ng opisina ng mga boss namin. Nakita ko ang mag-asawa na nag-uusap. Nasa harapan ng lamesa ang amo kong babae, habang ang amo kong lalaki ay nakaupo sa gilid ng lamesa naman. Nakatingala Ang amo kong babae habang matamis itong nakangiti sa Asawa nito. Ang sweet ng mga amo ko. Minsan naiinggit ako na sana makahanap din ako ng kagaya ni Sir Gray. Malambing ito at halatang mahal na Mahal nito ang Asawa niya. "Pasok ka Alora."bahagyan pa akong nagulat sa pagsasalita ng amo kong babae. Ngumiti pa Ito sakin. Nahiya ako bigla napakabait nito pero ako pasaway na taga hugas ng Plato. Dapat alam ko talaga ang limit ko. Kung kelan lalaban at tatahimik. Kaso pag dating sa babaeng iyon hindi ko siya sinasanto. Dahil na din siguro sa pananakit nito sa anak ko. Kaya mainit ang dugo ko sa kaniya. "P-pinapatawag niyo daw po ako ma'am, Sir."mediyo nautal pa ako sa pagsasalita. "Yes Alora and we will talk about what you did to the customers here at my restaurant."seryosong sabi ni Sir Gray. Pero hinampas lang siya ng Asawa niya sa balikat. Natatawa lang din itong umilag ng hahampasin nito ulit. Yumuko ako para hindi nila makita na napapangiti ako sa bangayan nilang mag-asawa. Ang swerte nila sa isa't isa. Ang sobrang perfect nila. Ang ganda at gwapo idagdag pa na ang babait Ng mga ito sa lahat. "Halika dito Alora, wag mong pansinin ang sinabi ng mokong mong amo."nakangiti na sabi ng amo kong babae. Pumunta kaming tatlo sa sofa at doon kami naupo. Kahit nahihiya ako ay kinapalan ko ng magtanong sa kanila. "A-ano pong sasabihin niyo ma'am, Sir? Tatanggalin niyo na po ba ako sa trabaho?"tanong ko pa. Inunahan ko na para magulat na lang ako sa sagot nila. Natawa naman ang amo kong babae. Sabay wagayway ang Isa niyang kamay sa ere. "Hindi at wala akong balak na tanggalin ka dito, Alora. Kaya don't worry. I'm also like you before nakikipag away din ako. Pero sa mga katrabaho ko naman dati. And they lock me in the locker room."sabi ni ma'am Charmy. Nagkwento na din sa iba pang experience ni ma'am Charmy sa pagiging waitress daw dati. "But, my wife is so very talkative, and annoying. Kung ano-ano pang kwento ang ginagawa niya dati sa restaurant ko. Para na siyang nasa peryahan na pinapanood Ng mga tao. Ang sobrang kulit din niya. Mabuti matapang ka lang at palaban Alora. Kaya iyan lang ang similarities niyo ng Asawa ko."sabi naman ni Sir Gray. So tinawag lang ba nila ako dito para makinig ba sa love story nila? O, Uutusan ba nila akong aawayin pa lalo ang babaeng iyon. Sana... dahil pabor ako kapag gano'n ang sasabihin nila sakin. "Anyway may itatanong lang naman kami sayo, Alora. Okay lang kung ayaw mo sagutin. Pero mas maganda kung sasagutin mo nalang ang tanong namin. Chismoso kasi ang Asawa ko. He just want to verify kung totoo bang anak ni Daven ang anak mo?"diretsa ng tanong ni ma'am Charmy sa akin. Napayuko ako bigla. Chismoso nga talaga ang Asawa nito. "Ahm...." "Kami lang ang nakakaalam at wala ng Iba. Lagi kasing sinasabi ni Daven na anak niya ang batang si Aldave. Actually nadulas siya so wala na siyang kawala sa amin."sabi naman ni Sir Gray. "But, wait a minute. Alam mo talagang siya ang Ama ng anak mo? Kaya gano'n ang sinabi mo sa girlfriend niya?"usisa ni ma'am Charmy. Umiling iling ako agad. "Nalaman ko lang po noong dinala niya kami dito ng anak at kapatid ko. Inaway ko siya dahil ayokong mapalapit lalo ang loob Ng anak ko sa kaniya. Nainis siguro sa mga pinagsasabi ko. Kaya nasabi niyang anak niya si Aldave."Sabi ko. "How come?"nalito pa yata si Sir Gray. "Hindi mo alam na siya ang Ama ng anak mo? Paanong hindi mo alam?"Takang tanong din ni ma'am Charmy. Umiling ako. Ayokong sabihin ang dahilan. Sobrang baba na nga ang tingin ko sa ginawa ko dati sa sarili ko. Tapos ikwento ko pa sa iba. Kahit pa mabait at mukhang hindi naman sila judgemental. Pero kahit na it's my privacy they talking about. "I'm sorry po. Pero pwede pong wag ko na lang po sagutin. Sa totoo lang hindi ko naman pinaniwalaan ang sinabi nito. Pero nagpa-dna test daw ito at confirmed na anak niya si Aldave."nagyuko ako ng ulo. Dahil nahihiya ako. "We understand and we are sorry for asking so many questions. We are just curious dahil may girlfriend ito tapos may anak sa ibang babae?"Sabi naman ni Sir Gray. "Ayos lang po sir."mahina kong sabi. Nakakaunawang ngumiti naman sakin ang amo kong babae. Nakakahiya lang dahil alam na nilang anak ni Daven ang anak ko. Ang gago lang ng lalaking iyon. Sarap niya pagmumurahin at pagsusuntukin. Bakit kailangan pa niyang sabihin na anak niya si Aldave. Hindi ba ito marunong mag tago ng sekreto. Gonggong siya! Yung uwian niya ay alas singko parin. Kaya nilalakad na lang niya kapag umuuwi siya. Noong una nagkanda ligaw-ligaw ako noon. Hindi ko pa talaga kasi kabisado ang Lugar. Mabuti at nakita ako ng driver ng electric car. Kaya hinatid ako sa apartment Ng mga empleyado dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD