Kabanata 25
Daven POV
Mahigit dalawang buwan na sila Alora na naninirahan dito sa loob ng Sevenity Club. Si Nanay Lucy parin ang nagbabantay kay baby Dave. Ito na din ang naghahatid kay Ajela at Dave sa Sevenity School. Pumapasok na sa paaralan si Dave at gustong gusto nito ang mag-aral.
Nakakatuwa dahil ang dami nitong mga kwento paglabas nito sa klassroom nila. Friendly ito sa mga ibang kabataan. Pero minsan kapag ayaw niya makipaglaro ayaw na niya talaga. Kahit anong pilit ng ibang mga Bata. Parang ugali ko lang din weather-weather ang ugali ng anak ko.
Si Alora, well she ignoring me big time. At kapag may pagkakataon inaaway ako. Lalo na kapag wala ang mga bata na nakikinig. Todo irap sakin at pinapaalis ako. Minsan pinagbabawalan na pumunta sa tirahan nila. Dahil mas sinusunod ko ang gusto ko hindi ko siya pinapansin.
Mas tiger pa yata ang babaeng ito kesa sa kasintahan ko. Ang kinaiinisan ko pa sa kaniya ay pabalang kung sumagot. Ang sarap sanang sibasibin ang nguso nito ng tumigil na sa kadadada. Kung wala lang ang kapatid nito at si Nanay Lucy eh. Nanggigil ako sa inis sa babaeng ito.
Nasabi ko na kay Mommy na may surprisa ako sa kanila. Ginagawan ko na lang ng paraan para maiuwi ko ang anak ko. Legal ko naman na kukunin ang bata hindi ko itatakas. Pero kapag ako nainis sa kaniya baka mas mabuting itakas ko na lang ang bata. He smirk.
Nag-message ang kasintahan ko na maglunch daw kami sa Falls Sevenity Restaurant. Bakit doon pa niya gustong kumain. Iniiwas ko nga siya kay Alora para hindi na sila magkita pang dalawa. Palaban din naman kasi itong si Alora pero nasa tama. Maldita lang talaga ang kasintahan ko kahit wala sa ayos. Gagawin parin niyang Tama ang mali.
Pagdating ko sa Falls Sevenity Restaurant ay kita ko na ang kasintahan ko. Kasama nito ang dalawa niyang kaibigan na modelo din. Akala ko magkapatid si Alisha at Alora. Pero hindi daw sabi ng kasintahan ko. Malaki talaga kasi ang pagkakahawig nilang dalawa.
Strong ang personality ni Alora at malakas ang appeals. Si Alisha naman ay mahinhin at very soft kung magsalita. Nang makita ako ng kasintahan ko ay humiwalay na ito sa mga kaibagan nito. Agad na lumapit sakin at agad akong hinalikan sa labi. I honestly don't like lipstick. I'm sure na dumikit na naman sa labi ko ang makapal nitong lipstick.
Naalala ko na naman ang anak ko sa panlalait nito sa kasintahan ko. 'pula-pula labi di naman danda. Aswang ba siya?' nailing siya bigla. Gusto niyang tumawa kaso baka mainis na naman ng kasintahan ko. Napaka sensitive pa naman nito. Ito na din nagpunas sa labi ko dahil may dumikit na lipstick.
"Bakit ang tagal mo, babe?"tanong nito sakin. Nakapout pa ang nguso. Tinignan niya ang oras five minutes lang naman ako nalate.
"It's just five minutes."sagot ko.
Nagtawag na ako ng waiter para makaorder na kami ng pagkain. Maarte pa naman ito sa mga pagkain. Tapos kapag mag order ang dami pero kapag kumain kukunti lang naman. Kaya no choice ako kundi ang kainin lahat ng in-order nito.
"Don't order a lot of food cheska. Hindi ako baboy na taga ubos sa mga ino-order mong pagkain."mahina kong sabi.
"I order what ever I want to order babe! If we cannot finish the food then throw it away that simple."mataray na nitong sabi sa'kin.
"Just because you have a lot of money doesn't mean basta-basta ka nalang nagsasayang ng pagkain. Hindi ka parin natototo kahit kailan."inis ko ng sabi.
"I don't care!"
"Shut up!"inis kong sabi.
"Hmp!"umirap pa sakin at humalukipkip pa.
Ako na ang nag-order ng pagkain namin. Dalawang dishes lang at kanin. With lemon tea.
Pagkaalis ng waitress ay may narinig akong boses sa likuran ko. Ang modelong lalaki na dikit ng dikit kay Alora. Kausap nito ang dalawang kaibigan ng kasintahan ko.
"Oh my God! Alora hello!"malakas pa nitong sabi ng makita si Alora palabas galing sa loob. Mabilis itong lumapit kay Alora at humalik sa pisngi ng dalaga.
Uminit bigla ang ulo ko sa ginawa ng lalaking ito kay Alora. Alam kong nagulat ang dalaga sa ginawa ng damuhong manyak na ito.
"Magkakilala ba ang mga iyan?"Takang tanong pa ng kasintahan ko. Pati pala ito nakatingin na sa dalawa.
"I don't know!"kunwari baliwala kong sagot. Pero naiinis ako sa closeness nilang dalawa.
"At niyaya pa talagang magdate sila. Really? Anong nakita niya sa asal kalye at cheap na babaeng iyan. Ayaw ba niya sa kaibigan ko? E, mas maganda naman ang kaibigan ko kesa sa babaeng iyan?!"inis na sabi pa ng kasintahan ko.
"Wag mo muna ako storbuhin Vander may ginagawa pa ako di ba?"
Wow huh! Pangalan na ang tinawag dito hindi na Sir Vander. Close sila? ngitngit na sabi ng isipan ko.
"Hoy! Babae pakilinisan ang lamesa namin ng boyfriend ko."lumingon lang si Alora pero hindi pinansin ang sinabi ni Cheska.
Mas inatupag nito ang paglilinis sa mga pinagkainan ng ibang mga turista dito. Papansin lang talaga itong kasintahan ko. Malinis naman ang lamesa namin. Mamaya mag away na naman ang mga ito.
"Naririnig mo ba ang sinabi ko?"malakas pang sabi nito kay Alora. Inawat ko na ito dahil magi-eskandalo na naman ito. Sakit talaga ito sa ulo.
"Yes narinig po kita ma'am. Pero bakit ako pa ang tinatawag niyo po eh, ang daming waitress dito. Nakikita mo naman naglilinis ako dito di ba po?"sarkastiko nitong sabi sa kasintahan ko. Napatitig ako kay Alora habang sumasagot sa kasintahan ko. Umirap na naman ito sa akin.
"Wag kang bastos. At wala kang karapatan na irapan ang boyfriend ko."
"Mas bastos yang boyfriend mo dahil nakatingin siya sakin."pabalang na naman na sagot nito. "At Isa pa po ma'am malinis po ang lamesa niyo."
God! Mai-stress na naman ako sa dalawang babae na ito. Mas pipiliin ko na lang na makipagbakbakan sa mga kalaban kesa umawat sa dalawang tiger na babae dito.
"At sumasagot kana sa mga customer dito huh!"
"Sa'yo lang po ma'am. Mabait po Ako sa iba."ayaw paawat na sagot ni Alora.
Tumalikod na ito sa amin at pinagpatuloy na nito ang ginagawa.
Nainis ang kasintahan ko sa sagot ni Alora. Kaya agad itong tumayo hindi ko naagapan ang kasintahan ko. Nakarating agad sa kinaroroonan ni Alora at sinabunotan niya ito. Nagulat ako sa ginawa nito. Agad naman na iniwat ni Vander.
Gumanti din ng sabunot si Alora. Kaya umawat na din ako. Inilayo ko ang kasintahan ko para hindi na lumala pa ang bangayan nila. Pero gusto pang manlaban ang kasintahan ko.
"Wag mong ilayo sakin ang babaeng iyan. Hindi pa ako nakakaganti sa babaeng iyan!"galit na sabi ni Alora.
"Stop it Alora!"inis kong sabi na.
"Bakit ako ang pinapatigil mo ha? Hindi ba dapat ay yang skwater mong kasintahan ang patigilin mo hindi ako?"
"Dahil bastos ka. Taga linis ka lang naman dito eh, umasta ka akala mo ikaw ang boss dito."sigaw ng kasintahan ko.
"Mas bastos ka. Makautos ka akala mo boss kita! Kasi ang ibang mga customers dito ay mababait at may respeto sa kapwa. Ikaw lang ang walang respeto."
"Mas bastos ka parin dahil customer ako ikaw taga linis ka lang dito! Makairap ka sa boyfriend ko akala mo type ka niya. Tumingin lang bastos na! Ambisyosa ka!"sagot naman ng kasintahan ko.
"Hindi siya titingin sakin kung wala siyang gusto sakin."sarkastiko na naman nitong sagot.
"Ang kapal ng mukha mong babae ka! Anong akala mo sa sarili mo maganda?. Ang cheap mo!"galit Ng sigaw ng kasintahan ko.
"Tama na pwede!"awat ko na. Super stress na ako sa dalawang ito.
"Yes makapal talaga ang mukha ko. Pero mas makapal parin ang make up mo kesa sa mukha ko. Cheap Ako Ikaw naman eskwater. Mas maganda pa ako sa'yo kung tutuusin nakadamit ka lang ng maganda. Pero bulok naman Ang ugali mo!"tumalikod na ito.
"Hindi pwede dito ang bastos na serbedora. Kaya ayusin mo Ang ugali mo!"sabi naman ng kaibigan ng kasintahan ko kay Alora. Napatigil naman si Alora sa sinabi ng kaibigan ni Cheska.
"Hindi rin pwede dito sabi ng amo ko Ang mga walang modo na customer. Nakakamalas sa negosyo nila. Hindi porke serbedora lang ako dito. Basta-basta niyo na lang kaming bastusin. At wala ba kaming karapatan na ipagtanggol ang sarili namin? Kung alam naman namin na tama kami."lakas loob nitong sagot.
Tumingin ito sa gawi ni Alisha. Nakita ko itong inirapan niya ang kaibigan ni Cheska.
"Sorry po sir Gray!"sabi nito ng makita ang boss nitong si Gray. Tumango lang ito.
Mabilis na itong pumasok sa loob ng kusina.
"Bakit hindi mo man lang makontrol ang sarili mo, Cheska?"stress na sabi ko.
"At ako pa ngayon ang may kasalanan ha?!"
"Ang sinasabi ko bakit hindi mo makontrol ang sarili mo? Nakikinig ka ba ng mabuti?"inis ko ng sabi.
"Narinig ko ang sinabi mo. Parang pinapalabas mong Ako ang may kasalanan?"
Napabuntong hininga ako ng malalim. I need fresh air.
"Kumain ka na lang dito. I'm so stress!"sabi ko.
"At iiwan mo ako dito na mag-isa?"inis na sabi ng kasintahan ko.
"Nandiyan ang mga alalay/kaibigan mo. I think you don't need me today. Kada magkasama tayo, you always make a scene and I'm so stress."Sabi ko at iniwan na doon ang girlfriend ko.
Hindi ko na ito pinansin pa. Nakakainis na ang pag uugali nito. Kahit saan na lang napaka warfreak. Na-stress Ako ng sobra sa kanilang dalawa. Mabuti na lang dala ko ang kabayo ko. Kaya pumunta ako sa toktok ng bundok sa dulo tabi iyon ng golf area. May hindi kataasan na bundok doon. Exclusive lang din iyon sa aming pito.
Nang makita ako ng guard doon ay agad na bumati sakin at pinagbuksan Ako ng gate. Maganda dito sa taas kaya minsan dito ko ipasyal si Dave at Ajela.
May pinagawa kaming covered court dito sa taas. Magandang tambayan dito kapag naiinis at stress Ako. Nakakarelax ang tanawin. Kaya pagkadating ko sa taas ay tinali ko na muna ang kabayo ko. Pasalampak akong naupo sa damuhan. Maya't maya ay humiga ako sa damuhan.
Napatingala ako sa kalangitan. Kahit mainit pa pero okay lang mahangin naman dito.
Naisip ko bigla ang sinabi ni Alora kanina lang. 'Hindi siya titingin sakin kung wala siyang gusto sakin!' pagak akong natawa. Nalito ako bigla sa nararamdaman ko. Una ko palang na nakita ito sa picture ay may something na akong nararamdaman dati pa. But, since may girlfriend na ako I ignore that feeling before. And now na nakikita ko na naman ito. Naguguluhan na ako sa sarili ko.
Shit lang talaga! Hindi pwedeng magkagusto Ako dahil ikakasal na kami ng kasintahan ko. Pero pakiramdam ko parang gusto ko na muna ng e-extend ang kasal namin ni Cheska.
Fvck! Mura ko pa sa kawalan. Kasalanan ng Alorang iyon kung bakit nararamdaman ko ito ngayon dahil sa kaniya. Bumuntong hininga ako ng malalim. Naiinis ako lalo sa sarili ko ng hindi ko man lang maawat ang dalawa kanina. Kami na naman ang tampulan ng chismis doon sa restaurant. Lalo na sa mga kaibigan ko.
Fvck!