Kabanata 24

2088 Words
Kabanata 24 Hindi parin ako makapaniwala na siya daw ang Ama ni baby Aldave. Tangina niya! Kaya pala lapit ng lapit sa amin dahil alam na niyang siya ang Ama. Nagpagawa na din ng DNA test. Mas lalo tuloy akong nangingitngit sa inis sa lalaking iyon. Bwesit siya! Hindi ko alam kung masasaktan ako o ano ang nararamdaman ko ngayon. Pero yung loob ko nakahinga ng mediyo maayos dahil ito pala ang nakabuntis sakin. Kahit papano may idea na ako sa Ama ng anak ko. Hindi na ako mahihirapan pa na magkwento sa anak ko kapag magtanong ito. Pero sa kabilang banda nagagalit ako. Dahil hindi ko alam na siya pala ang nakatalik ko sa gabing iyon. Dapat pala inalam ko na lang ang lalaking bibili sakin. Para makaiwas kung sakaling maglandas man kaming dalawa ng hindi sinasadya. Paano pa kami makakaalis dito. Paniguradong hindi kami papayagan na umalis sa lugar na ito. Planado ba lahat ng lalaki ito. O, nagkataon lang na ganito ang mangyayari sa amin ng kapatid ko. Kaya ito na ang gumawa ng paraan para dito kami sa Sevenity Club titira. Matalino ang gonggong na dracula na ito sa part na iyon. Wala man lang akong hint na ito Ang Ama ng anak ko. Wala man lang akong pagdududa na may pinabalak na palang gawin. Ang gago lang talaga ng gonggong na dracula na ito. Hindi niya iniisip ang kasintahan niya sa possible na mangyayari. Baka ito pa ang dahilan ng ikakagalit nito sa akin. Baka saktan na naman nito ulit ang anak ko. "Ang gago mo talaga dracula!"inis kong sabi. Bumangon ako dahil hindi ako makatulog. Napatitig na naman ako sa anak ko. Napaluha na naman ako. Ayokong mawala ka sakin anak ko. Ikaw lang ang lakas namin ng Tate mo. Kung may paraan lang ako para tumakas gagawin ko mailayo lang kita sa Ama mo. Gumalaw ito sa higaan niya. Nagsisimula na akong pagkumparahin sila ni dracula. Sa ugali at mukha napatingin tuloy ako sa kisame at iniimagine ang mata ni dracula at mata Ng anak ko. Dahil iyon lang ang hindi namana sakin ng anak ko. Minsan suplado din ito at naalala ko pa kung paano siya nagsuplado sakin. Noong time na hinawakan ko ang pasa nito. Pareho pa nilang peborit ang tinola. Marami pa ang pagkakapareho nilang dalawa na ngayon ko lang narealise. Pero hindi ko parin talaga matanggap na parang nascam niya ako. Paano niya nagawang lukuhin ang kasintahan niya. Oh, wait sila na ba ng girlfriend niya noong may nangyari sa'min? tanong ko pa sa sarili ko. Malalaman ko din yan balang araw. Nahiga na ulit ako at niyakap ang anak ko. Napangiti ako ng yumakap din ito pabalik sa akin. ***** Nagising ako sa katok sa pinto. Alas sais palang ng umaga eh. Napuyat Ako kagabi sa kakaisip sa gonggong na yun. Bumangon na ako para tignan ang kumakatok sa pinto. "Magandang umaga hija." Nagulat pa ako. Si Nanay Lucy pala ang kumakatok. "Magandang umaga din po. Pasok po kayo Nay. Ang aga niyo pong pumunta dito sa Sevenity Club Nay?"tanong ko pa. "Sinundo ako ni Ser Daven. Nag-aalala kami ng tatay niyo. Kumusta ka anak, mabuti hindi ka nila nakuha hija. Kaya mas mabuting dumito na muna kayo. Para sa kaligtasan niyong magkapatid at si baby Aldave natin."sabay lingon sa natutulog ko pang anak at kapatid. "Mabuti po nakatakbo po ako kahapon. Ang nasa isip ko lang ay ang tumakbo ng tumakbo para makalayo sa mga humahabol sakin. Thanks God at hindi niya ako pinabayaan."sabi ko Kay Nanay. "Lagi ako dadalaw dito para sa inyo. Mamimiss namin kayo ng Tatay niyo. Kahit pala gaano na katagal ang nangyari ay hinahanap parin pala nila kayo. Kung may magagawa lang kami ng tatay niyo para sa kaligtasan niyo. At para mahuli na ang mga gustong gawan kayo ng masama ay ginawa na namin. Kaso wala kaming lakas at ordinaryong tao lang din kami. Kaya si ser Daven na ang bahala sainyo anak. May privilege na rin akong makapasok dito. Dahil kay ser Daven para mabisita ko kayo kahit araw arawin ko pa."mahabang sabi ni Nanay Lucy. Kaya lumapit na ako sa kaniya at yumakap. Napaluha na naman ako. Gusto kong magsumbong kay Nanay pero ayokong marinig ng anak ko at kapatid ko ang sasabihin ko kay Nanay. Kaya yumakap na lang ako. Hinahagod hagod naman niya ang likod ko. "Nagdala pala ako ng mga damit niyo hija. Pasensiya na dahil nakialam na ako sa damitan niyo."paumanhin pa nito sakin. "Ayos lang po Nanay. Salamat." "Mama ko."tawag sakin ng anak ko. Gising na ito. Kaya lumapit na ako sa kaniya. "Good morning baby ko."sabay halik sa pisngi nito. "Gusto ko po ihi Mama. Iihi na ako."paos na sabi nito. Kaya nagmadali naman na akong nagtungo sa banyo. Salamat naman at hindi naihi ito sa higaan niya. May sariling banyo ang kwarto na ito. Hindi ko alam kong may kusina dito. Saan kami kakain ng anak at kapatid ko kung wala kusina dito? Tanong ko pa sa sarili habang pinapaihi Ang anak ko. "Bumati kana muna kay Nana."utos ko sa anak ko. Lumapit naman ito at yumakap kay Nanay. "Morning po Nana ko." "Kalambing talaga ng baby namin. Magandang umaga apo ko."magiliw din na sabi ni Nanay. "Tignan ko lang sa labas Nay kung may lutuan dito. Pero paano pala kami makakaluto e, wala naman kaming gamit na lutuan."sabi ko pa. "Meron kusina diyan sa tabi ng Sala sa labas ng kwarto niyo hija. Libre naman ang pagkain dito. Depende na lang kung gusto mo magluto ng iba. Maraming gulay at mga stocks na pagkain dito para sa mga trabahador dito. Alam ko iyon dahil dati Ng nagtrabaho dito ang Asawa ko. May malawak pa silang taniman dito ng mga gulay. Meron din yata manukan dito. Pero sa pinakadulo na iyon ng Lugar na ito. Para daw hindi maamoy ng mga bumibisita dito."mahabang paliwanag ni Nanay. Magkano na kaya ang kinikita ng Lugar na ito sa mga dumadayo dito. Hitech lahat ang kagamitan. Bongga at pang sosyal lang talaga ang lugar na ito. Marami na ding mga members dito. Marami din ang trabahador dito na natulongan na nila. Maraming nabigyan ng trabaho dahil sa Lugar na ito. Ang kagandahan pa libre ang tirahan at pagkain ng mga empleyado dito. Iyon palang malaking tulong na sa mga nagtatrabaho na kapos sa buhay. "Paano po yung gagamitin na lutuan Nanay? Pwede kaya makigamit?"ito na naman ang problema ko. Hindi ko mapigilan na hindi mainis na naman sa gonggong na draculang iyon. Nanggigil ako sa inis sakniya. Wag ka lang talagang magpapakita sa akin dracula! Gigil kong sabi sa isipan ko. Nagulat pa kami ng may kumatok sa pinto. Si Nanay na Ang nagbukas ng pintuan. Speaking of the devil, si dracula ang nasa labas. Umirap ako ng magtama ang aming mga mata. Nakita kong may mga bitbit ito. Pagkain kaya ang mga iyon? Pwede naman sigurong hindi ako kakain sa dala niya ngayon. Pero hindi pwede kakain parin ako kahit bwesit na bwesit ako sa dracula na ito. Kailangan ko ng lakas. Para kapag gusto ko itong suntukin ay maitutumba ko o masasaktan ito sa panununtok ko. Naipilig ko ang ulo sa naisip. Pagkababa niya sa mga plastic sa hindi kalakihan na lamesa ay tumingin ito sakin. "Pwede ka ng umalis."sabi ko agad. "Hija."sita sakin ni Nanay. "Imbes na tulungan ka niya e, baka mamaya mapalayas ka pa dito sa Sevenity. Hindi mo ba alam na Isa siya sa nagmamay-ari Ng lupain na ito."sabi pa ni Nanay. "May anim pa naman pong owner ng Lugar na ito. Sa aming dalawa baka ako pa ang kampihan nila at siya ang palayasin dito."kahit hindi siya sure sa sinabi ay pinanindigan na lang ang sinabi niya. Nakita ko itong ngumisi sa sinabi ko. "Ikaw talagang bata ka!"iiling iling na lang si Nanay sa sinabi ko. "At kung paaalisin niya ako dito mas magandang idea po iyon Nay. Para wala ng gugulo pa sa tahimik naming buhay."seryoso kong sabi. "Gutom lang yan. Kumain na tayo."baliwalang sabi ng dracula na ito. Uminit na naman ang ulo ko sa sinabi nito kay aga-aga. "Mama, wag mo po aaway si Papa Daven ah."at kumakampi kana sa lalaking iyan? Sabi ko pa sa sarili. Sana talaga hindi ko na ito hinayaan na maging malapit sila sa isa't isa eh. Lumawak ang pagkakangiti ng gonggong. Hindi ko pinansin ang anak ko at nagligpit na Ng higaan namin. Nasa toilet si Ajela. Si Nanay naman ay nag aayos na sa lamesa. Hindi na ako umimik dahil naiinis na naman ako. "Kakain na tayo hija. Ajela bilisan mo diyan sa loob ng banyo."sabi pa ni Nanay. Hindi ako umimik. Naupo lang ako sa may kutson ng matapos ko ng iligpit iyon. Lumabas na din sa banyo ang kapatid ko. Kaya sunod naman akong pumasok sa loob ng banyo ng hindi ko na sila pinapansin pa. Ano na naman kaya ang susunod nitong hakbang. Sana naman kaya kong paghandaan. Kaya kong tanggapin ng di masasaktan. Nagulat pa ako ng may kumatok sa pinto. "Masyado na ba akong matagal dito sa loob?" Tanong ko pa sa sarili. "Ate kakain na tayo. Ang tagal mo sa banyo."si Ajela iyon. "Lalabas na."sagot ko. "Ngayon na baka magtagal ka pa diyan eh."sagot din nito. "Ito na nga."irap ko sa hangin. "Ilang oras ba ako nakatambay sa loob?"tanong ko pa. "Ten minutes lang naman ate. Kain na po."tipid pa itong ngumiti sakin. "Tagal-tagal mo Mama."simangot ng anak ko. Tumingin din ako kay Daven na pati ito nakasimangot din. Napatulala ako saglit. Same talaga ng expression ng mukha nila. "Kakain na po Mama. Pi-pray na po Ako ah?"tanong pa ng anak ko. Tumango na lang ako. Napapaisip ako saan galing ang mga stool na upuan. Baka diyan lang sa labas siguro nanghiram sila. Ganado na naman ang anak ko na magpray. Gusto kong magroll eyes eh. "Ate hindi na ba ako papasok sa paaralan?"tanong ng kapatid ko habang kumakain na kami. "It's okay Ajela. Sa lunes kana papasok dito sa Sevenity school. Makakahabol ka pa naman sa next na pag-aaralan sa school niyo di ba?."Sagot ni Daven. "Hindi pa ako nakapag paalam sa mga kaklase ko at sa mga teachers ko Kuya."malungkot na sabi ni Ajela. "Hayaan mo na anak Ajela, mas importante ang kaligtasan mo. Baka mamaya Ikaw na pala ang nakuha nila. Kapag okay na ang lahat pwede ka naman bumisita doon sa paaralan niyo. Malapit lang naman dito anak."mahinahon na sabi ni Nanay Lucy. "Paano po yung mga gamit ko po. Pwede kaya kaming pumunta doon ni ate sa Bahay mamaya pagkatapos ng trabaho ni Ate?"tanong pa ni Ajela. "Sasamahan ko na kayo mamaya."sagot ni Daven. "Hindi ba pwedeng kami na lang ni Ajela? Kasama naman namin si Nanay eh."sagot ko din. "Bakit maililigtas ba kayo ni Nanay Lucy kapag may nagtangka na naman sainyong dalawa? Pwedeng wag ng makipagmatigasan pa sakin Alora!"seryoso nitong sabi sa'kin. "Hindi ako nakikipagmatigasan sa'yo."napatingin ako sa anak ko na nakatunganga na samin ni Daven. Gusto ko talaga awayin ang lalaking ito kung hindi lang nakikinig ang anak ko. Baka nasabunutan ko na ang lalaking ito. Bumuntong hininga ako ng malalim. "Okay pupunta tayo mamayang hapon doon sa bahay pagkatapos ng trabaho ko." "Ako ang kasama niyo."diin na sabi ni Daven. "Sino pa nga ba? Ayaw mo naman Kay Nanay Lucy di ba?"sumbat ko ng pabalang. "Anak huminahon ka. Nakikinig ang anak mo."mahinahon na sabi ni Nanay Lucy. "Sorry po Nay."sabay irap kay Daven. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kapag ganitong nai-stress ako. At sobrang naiinis sa nangyayaring ganito na naman sa buhay namin ng kapatid ko. Nagpasalamat talaga Ako dahil may banyo na dito sa loob ng kwarto. Pagkabihis ko ay nagpaalam na ako kay Nanay. Ito na daw muna ang magbabantay sa anak ko at kapatid. Para sabay-sabay na kaming uuwi sa bahay sa Sungay mamaya. May mga shuttle bus at electric car naman na nagkalat kaya hindi ako mahirapan na pumasok sa trabaho. Malayo pa naman sa Falls Sevenity Restaurant dito sa tirahan ng mga empleyado. Yung kwarto nila Ate Mina at Ate Jona ay sa Unahan. Sa dulo naman yung akin. Kay aga-aga chismis na naman ang naririnig ko sa mga empleyado dito na kasama ko sa loob ng shuttle bus. Hindi ako nakikijoin dahil wala naman Ako pakialam sa mga chismis nila. Gusto ko ng tahimik at masayang araw lang. Ayokong haluan ng chismis ang isip ko. Stress na nga Ako kay dracula dadagdagan ko pa ba ang stress ko sa mga walang kwenta na chismis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD