Kabanata 23

1654 Words
Kabanata 23 Daven POV Dahil may privilege na naman ang kasintahan ko na makapasok sa Sevenity Club. Hindi na ako nagtambay doon sa Falls Sevenity Restaurant. I plan to fetch Alora, again pero na gulat akong makita ang girlfriend ko sa Sevenity Club again. Kaya pumunta na lang ako sa bahay nila Alora to see my son. Yes my son. Alas sais mediya na e, wala parin si Alora na dumating sa bahay nila. Eh, alas singko uwian niya sa trabaho. Nakipag-usap na naman ba sa lalaking iyon. Kaya natagalan ang pag-uwi nito. Baka gusto ng lalaking iyon na matanggalan ng membership ah. Hindi marunong sumunod sa mga rules. Inis na sabi ng utak ko. Pero nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Agad ko iyon kinuha at tinignan ang tumatawag. Sinagot ko agad ng makitang si Alora ang tumatawag. "Yes Alo?" "N-nasaan ka?" "Nandito ako sa bahay niyo. Kasama ko si Baby Aldave at Ajela. Bakit may problema ba?" "Thanks God at nandiyan ka. Nakahinga na ako ng maayos."mukhang huminga pa ito ng malalim. Nagtaka ako sa inasal niya. Kaya nagtanong na ako. At hindi ko na naman maiwasan na magsungit dito. "Bakit? Tell me, straight to the point pwede?!"masungit kong sabi. Ito na nga nag kwento na ito. Mukhang takot na takot pa habang sinasalaysay nito ang engkwentro kanina. Kaya napamura na lang ako. Nagtanong ako kung nasaan siya para masundo na namin ito. Sa kabahayan sa kabilang lupain sakop parin ng Barangay Sungay ito. Paano ito napunta doon. Tumawid ba ito sa bandang mayabong na damuhan at kakahuyan. Pagkarinig ko sa lugar ay agad kaming sumakay sa sasakyan patungo sa lugar na sinabi nito. Kumusta kaya ito? May pag-aalala siyang nararamdaman sa puso. "Papa Daven, susundo ba natin si Mama ko?"tanong pa ng anak ko. "Yes baby."sagot ko. "Little boy gusto ko tawag mo sa akin Papa Daven eh."itinama pa talaga ako. Kaya bahagyan akong natawa. Namili pa talaga ang batang makulit. "Sorry little boy. Baby Dave kasi tawag nila sa'yo. Kaya nakikigaya din ako sa pagtawag nila sa'yo."Sabi ko na lang. "Eh, gusto ko po little boy tawag mo ah." "Okay little boy. Ayos na ba?"ngiti ko. Masaya naman itong nag thumb up. Napangiti na lang Ako sa kakyutan ng bata. I'm sure na matutuwa at maaaliw sila Lolo at Lola kapag nakita na nila ang bata. Nakarating na kami sa Lugar na sinabi nito. Nagbusena ako para malaman nitong nandito na kami. Dahil hindi ko naman alam saan siya banda dito nagtago. Sakto lang pala yung Bahay na tinigilan ng sasakyan ko. Dito pala siya nagtago. Nagpasalamat pa sa matanda at agad-agad na lumapit sa sasakyan ko. "Mama ko." "Ate." Sabay pa ang dalawang bata. Nakita kong yumakap pa Ang mga ito kay Alora. "Anong nangyari Ate sa mga kamay mo."tanong pa ng kapatid nito. Patungo na kaming Sevenity Club. Doon ko na muna ititira ang mga ito sa Sevenity Square hotel. "Wala ito, wag mo na lang pansinin."rinig kong sabi nito sa kapatid. "Dami-dami Mama. Sakit ba?"nahimigan ko din ang pag aalala ng bata sa Ina nito. "Ayos lang si Mama baby ko."sagot nito. "Eh, sugat-sugat kamay mo Mama. Wawa ka naman."nakita ko sa salamin ang pagyakap ng bata sa Ina nito. Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. "Bakit sa Sevenity Club tayo pupunta?"takang tanong sa'kin ni Alo. "For your safety."tipid kong sagot. "Akala ko ba safe kami sa bahay namin?" "Not this time. Dahil madali lang kayo matonton ng Tito niyo kapag hinanap kayo sa lugar na binabaan mo. You never know baka halughugin nila ang Barangay Sungay."sagot ko. "Pwede naman na kaming umalis sa lugar na ito. Maghanap ng panibagong matitirhan."sagot nito. Para ano? Para Ilayo mo ang anak ko sa akin. Hindi maaari iyon. Hindi kayo pwedeng umalis dito. "Paano kayo magiging malaya kung palagi na lang kayo magtatago. At least sa Sevenity Club safe na safe kayo doon. Maglakad sa kung saan-saang lupalop ng buong Sevenity Club ng walang kikidnap sainyo. Walang mananakit at malaya, mag eenjoy pa kayo sa lugar na ito."mahaba kong sabi. "Saan kami titira dito? Pwede ba kami sa tirahan Ng mga trabahador dito. May space pa kaya na matutuluyan namin doon?"tanong nito. Siguro doon na lang maganda at malinis naman doon. Buti nasabi nito dahil baka magcross ang landas nila ng girlfriend ko sa Sevenity Square Hotel. Double stress na naman ako kung sakali. "Pwede din kayo doon. Itatanong ko na muna mamaya kung may bakante pa doon."sagot ko. Hindi na ito umimik pa. Tumawag ako sa management ng Sevenity Club. Kung may bakante pa na kwarto sa employees house namin. Meron pa daw tatlo ang bakante sa dulo iyon. Kaya doon ko na sila dinala. Safe at may ilaw na naman na ang bawat kwarto. Sakto lang Ang Isang kwarto sa kanila malawak naman iyon. Pagpasok namin sa Isang kwarto ay may kutson na doon. May mga unan na din at kumot mga bago pa naman ang mga iyon. Dahil kong may aalis na trabahador dito ay inuuwi na nila ang mga kumot at unan na ginamit nila. Papalitan na lang ng mga bagong kagamitan na unan at kumot at bedsheets. Para sa mga susunod na mag stay-in dito na trabahador. Nagpadeliver ako ng pagkain dito. Napapangiti ako dahil masaya si baby Aldave na nagpagulong gulong sa kutson. Hindi naman makapal ang kutson na iyon katamtaman lang din ang laki ng kutson. Kumain na kami ng dumating agad ang mga order kong pagkain. Tahimik lang si Alora habang kumakain kami. Masasaktan ko ito panigurado sa gagawin ko. Pero buo na ang desisyon ko for the sake of the safety of my son. Pagabi na ng umalis Ako doon sa kwarto na tinutuluyan nila Alora. Pero hindi pa ako nakakasakay ng kotse ko ng lapitan ako ni Alora. "Bakit mo ginagawa ito?"tanong nito. Nangunot ang noo ko sa tanong nito. Hindi ba obvious na gusto ko siyang tulungan. Para na din sa kaligtasan ng mga bata. "Tinulungan ko lang kayo."sagot ko. "Alam ko! Pero hindi mo ba alam na habang tinutulungan mo kami ay padami naman ng padami ang utang na loob ko sa'yo. Tapos ano? Sigurado ka bang wala kang hihingin na kapalit?"nahimigan ko ang inis sa boses nito. "Why can't you just accept it. And be glad na may tumutulong sa'yo ng kusa."diin Kong Sabi. "E, di sana tumutulong ka lang! Hindi yung kinukuha mo pa lalo pati loob Ng anak ko at kapatid ko. Alam mo na may kasintahan kang isip bata tapos lapit ka pa ng lapit sa anak ko." "Dahil anak ko siya!"galit ko ng sabi dahil Ang dami niyang daldal. Napanganga ito sa gulat maya't maya ay bahagyan itong tumawa. "Sinungaling! Sinasabi mo lang yan dahil gusto mo gumanti sa ginawa ko sa kasintahan mo! Tapos heto ka aangkinin mo ang anak ko!"galit na nitong sabi. "I'm telling the truth. Ngayon na nahaharap kayo sa panganib ng kapatid mo. I want my son to be safe."seryoso ko ng sabi. I know nasasaktan ko na ito. Pero I really want to take care of my son. Ayokong madamay ito sa gulo ng buhay namin ni Alora. Mas safe ito sa bahay dahil ando'n sila mommy na magbabantay sa anak ko. "Paano mo anak ang batang iyan ha! Wag mong angkinin ang hindi sa'yo. Nagpakahirap ako sa anak ko tapos aangkinin mo na lang basta-basta. Kaya ba nilalapit mo ang sarili mo sa amin dahil sa anak ko?" naguilty ako ng makita ko itong lumuluha na. Pero mas nanaig parin ang kagustuhan ko na i-uwi sa Bahay Ang anak ko. "Sa madaling salita ako ang bumili sa'yo. Kasalanan ko din dahil hindi ako gumamit ng protection. Now that I found you again at nalaman kong nagbunga ang ginawa natin. Hindi kaya ng konsensiya ko na pabayaan na lang ang bata. Hahayaan na lang na pinapakain mo siya ng tira-tira lang na pagkain. Hahayaan na ganyan ang buhay ng anak ko kung pwede ko naman siya bigyan ng magandang buhay." "Malusog Ang anak ko. Kahit anong ipakain ko gusto niya. At hindi porke tira-tira ang pinapakain ko sa pamilya ko. Hindi ibig sabihin na hindi ko alam ang dapat at hindi dapat ipakain sa anak ko. Nagsusumikap ako mabuhay ko lang siya at mabigyan ng magandang buhay. Nag iipon ako para sa kinabukasan ng anak ko. Kaya wag na wag mo akong kweni-kwestyon sa pagpapalaki ko sa anak ko."sumbat nito. "Kaya makakaalis kana. Wag na wag mong angkinin ang anak ko dahil hindi naman ikaw ang nakasama ko sa gabing iyon. Hindi mo siya anak!"diin pa nito. "Gumawa ako ng DNA test and it's confirmed na anak ko siya. At kahit hindi na kami magpa-DNA na mag ama alam kong akin ang batang iyan. Anak ko si Aldave. Unang kita palang namin na attached na kami sa isa't isa." siguradong sigurado na sabi ko. Nakita ko siyang napaluha na naman na hindi makapaniwala sa narinig nito. Umiling iling pa ito. Hindi ba niya tanggap na Ako ang nakauna sa kaniya. Hidni ba ako gwapo para sa kaniya na makatanggi na ako ang Ama ng anak namin wagas. "Gago ka paano niya matatanggap na Ikaw Ang Ama eh, may kasintahan kana! Ikakasal ka na din. Iniisip lang siguro niya na kawawa Ang anak niya kapag nasa puder na siya ng pamilya mo. Lalo na ang girlfriend mong sinaktan ang anak niya. Kita mo naman ang pasa ng bata d'ba. Tanga nito!"sita ng sarili ko. "Sana hindi ka nalang nagpakita pa. Kung totoong Ikaw man iyong taong bumili sakin. Bakit hindi ka marunong tumupad sa usapan! Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na anak mo Ang anak ko. Bwesit ka!" Agad itong tumalikod at hindi na niya ako pinansin pa. So fiesty woman. Naiiling na lang ako. Sumakay na ako sa sasakyan ko. Nagtawag ako ng staff sa Sevenity Clinic para dalhan ng first aid na gamot si Alora. Marami kasing mga sugat sa kamay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD