bc

( Revenge To My Ex-Lover Book 2 ) Fixing The Transman's Heart [ Rated SPG ]

book_age18+
95
FOLLOW
1K
READ
revenge
forbidden
HE
friends to lovers
billionairess
heir/heiress
drama
gxg
like
intro-logo
Blurb

Warning: SPG 18+‼️

Amelia Erie Anderson is the daughter of Aaron Anderson and Valerie Fuentebella. 

Amelia Erie is a transman behind the name of Amier Anderson. Ang pagbabalik ni Amelia Erie bilang si Amier sa Pilipinas ay hindi lang para umupo bilang CEO ng Anderson Land Corporation kundi para maghiganti sa babaeng nagwasak sa puso nito. Ang ex-girlfriend niya na si Zaniyah Madison ang napakaganda na Filipina-American. Tumatak sa isip at puso ni Amelia Erie ang huling sinabe ni Zaniyah no'ng ito'y nakipaghiwalay. "Hindi ikaw ang pinangarap ko isa ka lang hamak na mahinang babae. Hindi mo ako mabibigyan ng anak at hindi mo ako mapapaligaya sa kama katulad ng nagagawa ng isang tunay na lalaki." Bilang paghihiganti ni Amelia Erie paiibigin ng katauhan ni Amier ng subra si Zaniyah, pag nahulog na du'n na ipinagtapat ni Amier na siya si Amelia Erie na isang transman na ngayon.

-

Is sexuality really important in love to make the relationship happy? 

~

Mabubuo pa ba ang puso ni Amelia Erie sa pamamagitan ng transman na katauhan?

Kung mahulog si Zaniyah sa paghihiganti ni Amelia Erie kaya pa ba na buuin nito ang puso na siya mismo ang nagwasak?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Transman's Arrival‼️
Free To Read, until the ending. Warning:‼️ Bawal po ito sa bata at sa mga isip bata, dahil may mga scenes at salita na para lang sa 18+/matured content. Ito ay forbidden romance,spg drama. Sa mga hindi po nakakaalam kung ano ang transman libre lang po mag google. Sinasabi ko 'to, para mas maintindihan niyo ang kuwento. NAIA Airport, Philippines Pagbaba sa eroplano kaagad niya isinuot ang itim na salamin habang hila ang isang itim na maleta. Naglakad siya para pumunta kung saan doon naghihintay ang kaniyang ama at ang personal assistant nitong si Banjo. Pagkatapos ng limang taon ngayon na lang ulit nakatapak sa bansang Pilipinas. Ang pagbabalik niyang iyon ay hindi na tulad noong unang umalis na, punong-puno ng pag-asa. Patay na ang Amelia Erie na umalis noon at ngayon na isa na siyang transman hindi lang itsura at kasarian ang nabago maging ang kaniyang puso at ang mga pananaw sa buhay. "Sir Aaron, nandyan na si upcoming CEO. Parang kailan lang ng umalis ito noon sa Pilipinas na isang magandang dilag, 'ngayon halos hindi ako makapaniwala na para na itong tunay na lalaki. Ang kagwapohan at lakas ng karisma namana niya sa'yo. Ilang babae kaya ang paiiyakin ng anak mo? Katulad noong kabataan mo." wika ni Banjo, na nakangisi habang nakaturo ang nguso sa parating na si Amier. "Banjo, sinasabi mo ba na matanda na ako? Cancel ko kaya ang bunos mo, this month," wika nito, na tiningnan ng masama si Banjo. "Joke lang sir, ang totoo niyan parang bampira kayo ni Ma'am Valerie hindi kayo natanda pariho. Ang gabi-gabi ba na pagkagat mo kay ma'am ang sekreto niyo?" nakangising kindat ni Banjo sa boss. Tiningnan ni Aaron si Banjo ng masama kaya't pangisi-ngisi ito na tumahimik. "Dad," tipid na wika niya, ng makalapit sa kinaroroonan ng ama at ni Banjo. "Son, welcome back!" malawak ang ngiti ng ama na niyakap siya nito. "Sir Aaron, pariho mo rin ang anak mo, hindi marunong ngumiti," nakangising wika ni Banjo, na kumindat sa boss at kinuha ang maleta at inilagay sa sa likod ng sasakyan. "Puro ka talaga kalukuhan' Banjo, ang mabuti pa paandarin mo na ang sasakyan para makaalis na tayo. Son, let's go. Hinihintay na tayo ng Mommy mo at ni Vera," wika ng ama. "Dad! Seriously!? Ako hinihintay ni Mommy? Isang malaking kalukuhan 'yun, halos isumpa niya ako dahil sa kasarian ko," Madilim ang mukha ni Amier ng sabihin 'yon at sumakay na ito sa sasakyan. Nakapamewang at pailing-iling na sumunod rito ang ama. "Son, alam ko na limang taon na kayong hindi maayos ng Mommy mo". intindihin mo na lang siya dahil ganon talaga ang mga ina. Basta ako at ang kapatid mo na si Vera supurtado ka sa buhay na pinili mo," Hindi na sumagot si Amier sa ama, isinandal nito ang ulo sa upuan habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. ( At The Anderson Mansion ) Naging tahimik siya sa byahe at ganoo'n din ang ama habang si Banjo naman ay tila pinapakiramdaman nito ang katahimikan nila. Pagbukas sa pintuan ng mansion ang bumungad ay ang kaniyang ina at ang kapatid. Makalipas ang limang taon walang pagbabago sa kaniyang ina. Napakaganda pa din nito at ang talagang pinaka xerox copy ay ang kapatid niya na si Vera. Halos isang taon ang tanda niya sa bunsong kapatid kaya't talagang malapit sila nito dahil noon pa man pag binubuli at tinutukso sa kasarian niya, 'ito ang unang nagtatanggol sa kanya. "Kuya Amier, welcome home!" Malawak ang ngiti ni Vera na sumalubong ng yakap sa kanya. "Huwag mong tawagin na kuya ang isang tao na ipinganak na babae. Vera, pati ba naman ikaw ay suportado ang ka abnormalan na kapatid mo?" Pagtataas ng boses na wika ng ina bumungad sa pagdating niya. "Mommy, kararating lang ni Kuya Amier, ito agad ang bungad mo. Supurtahan na lang natin siya kung ano ang magpapasaya sa kanya," wika ni Vera, na hinawakan ang kamay ng ina. "Pati pangalan pinalitan mo na? Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan palitan ang napakagandang pangalan na ibinigay ko?" tanong ng ina na halos mapatid ang ugat sa leeg. Nanginginig ang laman sa katawan dahil sa sama ng loob dahil hanggang ngayon hindi pa din matanggap ng ina na tomboy siya at ngayon ay isa ng transman. "Amier, Vera, ako na ang bahala sa Mommy niyo, sige na' pumunta na kayo sa kusina at lalamig ang pagkain inihanda nina Yaya Tess at Manang Lina," Pabulong na wika ni Aaron sa dalawang anak. Nagpakawawala siya ng magkakasunod buntong hininga at sapo-sapo ang ulo pumunta sa kusina, habang nakasunod ang kapatid na si Vera sa likuran niya. "Tsk, sir, galingan mo kasi ang paghimas kay Ma'am Valerie para naman hindi laging mainit ang ulo," nakangising bulong ni Banjo sa boss. Pinandilatan ni Aaron si Banjo dahilan para pangi-ngisi ito na lumabas sa mansion. "Sweetheart, hali ka nga dito. Malalaki na ang mg anak na'tin at may sari-sarili na silang buhay', hayaan natin sila na sundin kung ano magpapasaya sa kanila." Matapos sabihin 'yon hinapit ang baywang ng asawa palapit sa sariling katawan at siniil ito ng halik sa labi. "Anderson, dinadaan mo na naman ako sa mga paganyan mo, nakakainis ka! Ang sabihin mo masyado mong e,ni spoiled ang mga anak na'tin kaya sila nagkaganyan," wika ni Valerie na inirapan ang asawa. "Hindi naman sa e,ni spoiled ko sila, mahal ko ang mga anak na'tin kaya ako ganito ka supportive sa kung ano ang magpapasaya sa kanila." "Parang sinasabi mo na hindi ko sila mahal sa ginagawa kong ito? Anderson, mahal na mahal ko sila kaya gusto ko na mapaayos ang buhay nila," Nakasimangot na wika ni Valerie "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Ganito na lang, kung hindi mo pa rin matanggap ang bagong katauhan ni Amier. Ipaubaya mo na lang sa'kin at ako na ang bahala sa lahat." "Anderson, ikaw ang bahala, pero huwag kang umasa na matatanggap ko si Amier." "Ako na ang bahala sa lahat, hali ka sa kwarto at ako na rin ang bahala sa'yo," Bulong sa asawa na hinila ito sa kamay. "Anderson!?" Sambit nito na inirapan ang asawa. Sa huli wala rin itong nagawa kundi ang sumama dito. "Yaya Tess, Manang Lina, nandito na po si Kuya Amier, taran!!" magiliw na sigaw ng kapatid pagdating nila sa kusina. "Amelia Erie, alaga ko! Ikaw na ba 'yan? Napakagandang lalaki kamukha mo ang Daddy mo no'ng kabataan nito," wika ni Yaya Tess, na lumapit at niyakap siya. "Tama ka Tess, pati yung tindig ni Sir Aaron siyang siya e, siguro kung nabubuhay pa si Larry labis itong matutuwa sa pagbabalik mo," malawak na ngiti nito ngunit kaagad rin nawala ang ngiti ng mabanggit si Mang Larry. "Teka, kukunin ko sa refrigerator ang ginawa kong buko pandan para sa inyong magkapatid." wika ni Yaya Tess na tumalikod na ito. Nanatili siya nakatayo at walang emosyon ang mukha. Masaya naman siya na makita ang pamilya at ang mga kasambahay nila, ngunit parang hindi na niya kayang ngumiti pa sa dami ng sakit na dinanas at lalo na sa pagwasak ni Zaniyah sa kaniyang puso. "Ang mabuti pa kumain na kayong magkapatid, at lalamig ang pagkain inihanda namin para sainyo," wika ni Lina, na ipinaghila ng upuan ang magkapatid. "Salamat po Manang Lina. kuya! Hali ka na, kumain na tayo," wika ng kapatid na hinila siya sa kamay palapit sa lamesa. Sa ginawang paghila sa kamay niya ng kapatid tila du'n pa lang bumalik sa ulirat at nakita na lang na nakakuyom ang isang kamao. Kaagad siyang umupo sa tabi ng kapatid at nag-umpisa ng kumain. ( Night time ) Pagkatapos kumain ng hapunan kaagad na kumuha ng alak sa lagayan kung saan naroon ang iba't ibang mamahaling alak sa mansion. Kumuha ng isa at nagtungo sa veranda huminga ng malalim at umupo sa upuan na naroroon. Binuksan ang alak at tinungga iyon at pagkatapos ipinikit ang mga mata. Halos maghumiyaw ang isip ng ang rumihistro doon ay mukha ni Zaniyah kaya't hindi maiwasan magbalik tanaw sa nakaraan. Pagkatapos ng duty sa araw sa iyon sa isang restaurant siya dumiretso dahil doon naghihintay ang kaniyang girlfriend na si Zaniyah. Kahit kulang sa tulog at pagud pinili pa rin niya makipagkita dito, dahil ganon niya ito kamahal. "Babe, mayroon ba'ng problema? Hindi ka naman ganito dati, pag alam mo na pagud ako sa trabaho hindi ka nakikipagkita sa'kin," wika niya na humalik sa labi ng kasintahan. Huminga ito ng malalim at hinawakan ang kanan kamay niya at tumingin sa kaniyang mga mata. Bumilis ang kabog ng dibdib dahil alam niya na may bago sa ikinikilos ng kasintahan. "Ame, kailangan ko ng bumalik sa Pilipinas. Wala na sigurong pag-asa na makita ko dito sa America ang tunay kong mga magulang. Kailangan kong balikan ang mga magulang na nag-ampon sa'kin. Kailangan ko sila tubusin sa pinagkakautangan nila dahil kung hindi papatayin nila ang mga ito." Mangiyak-iyak na sinabe nito iyon at binawi ang kanan kamay na hawak niya. Tumayo ito at nagsalitang muli. "Ame, tinatapos ko na ang dalawang taon nating relasyon. Kailangan ko ng bumalik sa Pilipinas at wala na akong planong bumalik pa dito sa America," "Are you breaking up with me? Why? Hindi ko ito matatanggap! Mahal na mahal kita' Zaniyah, nagiging madali ang buhay ko dito sa America dahil kasama kita," wika niya, na halos sumabog ang dibdib sa subrang bigat. "Yes, dahil hindi ikaw ang pinangarap ko, isa ka lang hamak na mahinang babae. Hindi mo ako mabibigyan ng anak at hindi mo ako mapapaligaya sa kama katulad ng nagagawa ng isang tunay na lalaki." Walang kagatol-gatol na sinabi iyon ni Zaniyah, sa pagmumukha niya. Nakaramdam siya ng pagkahilo dahil 'yung sakit sa dibdib niya ay tila kumalat sa buong katawan. Napaluhod at gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas sa bibig kundi hagulgol na iyak. Tumutulo na ang kaniyang sipon at halos pagtinginan sila ng mga tao sa paligid. Ngunit balewala na iyon dahil higit na mas masakit ang mga binitawan nitong salita. "Zaniyah! Wawasakin ko din ang puso mo! katulad ng pagwasak mo sa puso ko!" Malakas na sigaw niya na halos lumuwa ang mga mata sa subrang galit. At sabay na ibinato ang alak na hawak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook