Zed's POV "Amythyst!" sigaw ko habang tinatanaw sila tangay ng lalaking nakahood ng itim at nakasakay sa ibon na phoenix. "Master! Anong nangyari?" tanong nina Luiz at iba pang mga kasamahan ko sa akin. Pero lahat sila ay nalaman na ang kasagutan ng makita ibon na lumilipad papalayo sa amin na lulan si Amythyst. Teka, napatigil ako. Ito 'yong... 'yong nangyari sa panaginip ko... pero ngayon hindi na ito panaginip. Dahil totoo na ang lahat. ***** Kaisser's POV Pagkababa namin ay hindi ko naririnig na nagsalita si Amythyst dahilan para muli akong mapangisi. Nilamon na siya ng kapangyarihan ko. Kontrolado ko na buong pagkatao niya. "May bago tayong bihag buksan mo ang kulungan," utos ko sa kawal. Agad niyang binuksan ang kulungan at itinulak ko si Amythyst sa loob. "Amythyst? A

