ANG HILING NA DI MATUPAD

708 Words
ELIZA’s POV Hindi ko maiwasang mainggit sa isang pamilya na masayang kumakain, isang mesa lang ang layo mula sa akin. Masayang masaya ang mag-asawa habang inaasikaso ang kanilang anak. Bakas sa mga ngiti nila ang pagmamahal para sa batang babae na bunga ng kanilang pagmamahalan. Ang batang babae ay nasa apat na taong gulang na siguro. Nakakadala ang inosente niyang ngiti at ang mga mata na tila bituing nagniningning. Ang bata ay may cute na dimple sa kanyang pisngi. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naririnig kong kinakausap niya ang mga magulang niya. Napaka-bibong bata. Siguro kung nabuhay ang anak ko, dalawang taon na siya ngayon. Malamang kinakausap din niya ako gaya ng bata. Ngingitian, niyayakap at sasabihan ng ‘I love you’. “Ate, malungkot ka na naman.” Basag ni Julai sa pagmamasid ko sa masayang pamilya. Napabaling ako ng tingin sa kanya at ngumiti ng tipid. Nakatingin din pala siya sa pamilya na kumuha ng atensiyon ko. “Huwag kang mawalan ng pag-asa ate, matutupad din ang dinarasal mo. Bibiyayaan ka din ng munting anghel.” Bakas sa mukha ng bunsong kapatid ko ang simpatiya para sa kalagayan ko. “Sana nga.” Bulong ko sa sarili ko, pero narinig pala iyon ni Julai. “Ate Eliza bata ka pa naman, huwag kang mawalan ng pag-asa. Magdasal ka lang ng magdasal. Isa pa sa panahon ngayon high tech na. Lahat posible na.” nakangiti siya sa akin, alam ko na pinalalakas niya ang loob ko. Matagal ko ng alam na malabo ang porsyentong magka-anak ako. May problema ako sa ovary ko at ang nagpapahirap sa aking magbuntis ay ang irregular na period ko. Ilang beses na ba na muntikang matupad ang hiling ko? Dalawa? Tatlo? Tama. Tatlo, tatlong beses na akong nagbuntis pero nakukunan ako palagi. Ang pinakamasakit ay nitong nakaraang dalawang taon lang. Anim na buwan na ang dinadala kong sanggol sa aking sinapupunan, tumigil pa ako sa pagtatrabaho upang matutukan ang pagbubuntis ko. Hindi nga matawaran ang saya namin ni Carl dahil sa wakas nakabuo na kami. Hindi na pang isang lingguhang pagbubuntis para makunan lang. Tatlong buwan na lang bago isilang ang anghel namin Carl, ngunit dahil sa ‘di inaasahang pangyayari.. Nalaglag na naman ang sanggol, ang anak ko. Dahil sa kapatid ni Carl, si Sarah. Ipinaghanda niya ako ng pagkain at isa sa ingredients no’n ay may allergy ako, kaya naapektuhan din ang sanggol sa tiyan ko. Dahil doon, ang masaya naming pagsasama ng aking asawang ay nanlamig. Kahit sinasabi niya na okay lang iyon o huwag ko na daw isipin iyon, hindi niyon mababago ang pa-iisip ko na nabahidan na ang maganda naming pagsasama bilang mag asawa. Ang kapatid niya? Iyon parang wala lang nangyari. Humingi siya nang tawad ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang ismid sa kanyang labi. “Tara na ate?” pag-aya ni Julai, paalis sa kinainan naming restaurant. “Salamat nga pala sa pakikinig mo sa mga sentimiyento ko ha.” Ani ko. “Ano ka ba, wala ‘yon! Para ano pa at naging magkapatid tayo.” Natatawang reaksiyon ng kapatid ko sa akin. Naglakad na kami sa parking lot at bago kami naghiwalay patungo sa aming kanya-kanyang sasakyan ay niyakap niya ako ng mahigpit. “Basta kapag may hinaing ka ulit sa buhay, alam mo na ang ida-dial mo.” Tumango lang ako at kumaway pa siya bago pumasok sa kanyang sasakyan. Tinatahak ko na ang daan pauwi sa aming bahay. Alas otso na ng gabi, wala masyadong kotse ang dumadaan. Hindi ang nagmamadali dahil alam ko namang walang naghihintay sa aking pag-uwi. Wala akong aabutan doon kundi ang madilim at tahimik naming tahanan. Nagbago na kasi si Carl matapos kong makunan ng ikatlong beses. Palagi na siyang maiinitin ang ulo at minsan malamig ang pakikitungo sa akin. Para kaming hindi magkakilala, kahit nasa iisang bahay lang kami. Mas madami pa ang oras niya sa ospital kaysa ang manatili siya at makasama ako. Hindi na nga din niya ako tinatawagan or i-text para kamustahin, hindi tulad noon na halos oras oras niya akong tinatawagan at nagsesend ng sweet message. Ayokong pansinin ang pangamba na nabubuo sa aking isipan. Pangamba na nambababae siya, dahil hindi ko maibigay ang nais niya na magkaroon ng isang buong pamilya. Dahil sa lalim ng pag iisip ko, nagulat ako sa sumulpot na sasakyan sa harapan ko. Nasilaw ako sa liwanag ng headlight nila at lahat sa akin ay nagdilim na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD