ANG AKSIDENTE

1414 Words
Isang nakakangilong tunog nang pagsadsad ng isang sasakyan sa kalsada ang tanging maririnig bago ito malakas na sumalpok sa isa pang sasakyan na nakasalubong. Lahat ng nakakita ay nagtakbuhan palapit upang usisain ang mga taong lulan niyon. Sa itsura kasi ng dalawang sasakyan, sa pagkakayupi niya’y iisipin mong wala nang mabubuhay sa mga sakay niyon. “Tumawag kayo ng ambulansiya! May buhay pa dito!” sigaw ng isang usisero. Ang pintuan ng pulang sasakyan ay buglang bumukas, mula sa passenger’s seat ay may isang babae na halos gumapang na makalabas lang. Duguan ang bahagi ng noo nito at may natamong mga gasgas. “Miss, miss! Okay ka lang?” tanog ng isang usisero. Medyo hindi makasagot ang babae dala ng pagkahilo. Pero agad itong tinulungan ng mga taong nakapaligid at itinabi sa gilid ng daan. “Tumawag na ba kayo ng ambulansiya?! May bata dito sa isang sasakyan at ‘yong kasama niya malala!” Hindi nagtagal ay may dumating na dalawang ambulansiya at isang fore truck, agad inasikaso ang babae na nakalabas sa pulang sasakyan. Agad din sinaklolohan ang bata na lulan ng isang sasakyan. Nahirapan lang ang mga bombero at medical team sa paglabas sa babaing kasama ng bata. Naipit ang kalahating katawan nito sa nayuping sasakyan. May nakatusok na bahagi ng sasakyan sa kanyang dibdib at halos bumulwak ang dugo sa kanyang bibig. Kahit nahihirapan na siya, ito ay may pilit na sinasabi ngunit hindi maintindihan. “Huwag na po kayong magsalita, makakasama pa sainyo.” Wika ng isa sa medical team. Tumagal din ng ilang minuto at nailabas na ito sa kotse. Isinakay sa stretcher at nilagyan ng oxygen mask. Agad itong isinugod sa ospital. Sa isang ambulansiya naman ay maririnig mo ang tungayaw ng bata. “Mama! Mamaaa!” “Huwag ka na umiyak, magkikita din kayo nang mama mo pagdating sa ospital.” Pag-aalo ng isa sa medical team, ngunit parang walang narinig ang bata at patuloy ito sa pagtungayaw. “Mamaa! Mama koo!” Ang babae naman na nakaligtas sa isang sasakyan ay tahimik lamang na nakamasid sa bata. Nakakaramdam siya ng awa sa bata, dahil sinapit niya ito sa murang edad. Sa tingin palang niya sa kasama nitong babae ay mukhang ‘di na ito makakaligtas. Biglang lumapit ang babae sa bata, hinawakan niya ito sa kamay at bahagyang pinisil pisil. Napatingin ang bata sa babae, tila kinikilala siya nito. Nginitian niya ang bata at hinimas ang buhok. “Ako na lang muna ang mama mo..” Sumigok sigok ang bata at saka yumakap sa babae. ---- “Dok! Dok Samaniego!” humihingal na tawag ng nurse. Napakunot ang noo ni Carl sa itsura ng nurse. “Bakit? May problema na naman ba ang pasyente ko sa room 12?” umiling lang ang nurse sa tanong niya. “Hindi po Dok, ‘yong asawa niyo po nasa ER! Naaksidente!” “Hah?! Sigurado ka ba diyan? Anong nangyari? Bakit siya naaksidente?” sunud sunod na tanong ni Carl. Samantala, si Eliza ay nakamasid lang sa batang nag iiyak muli. Pagkakita nito sa inang nasa stretcher ay agad itong tinakbo ng bata. “Mama! Mama! Huwag mo akong iiwan!” palahaw ng bata. Ang babae naman na nasa stretcher ay pinanlakihan ang mata pagkakita sa bata na nakahawak sa kanya. Bigla itong nanginig sa takot. Ang isang nurse ay hinila palayo ang bata para mapakalma ang ina nito. Dumaan ang stretcher sa harap ni Eliza na ikinagulat niya, dahil bigla siyang hinawakan ng ina ng bata. Pinipilit niya iwaksi ang kamay niya mulla na mahigpit na pagkakahawak nito. Kinabahan siya sa itsura nang babae. “M-mag..i-ingat ka..demonyo..ang bata..i-ikaw na ang su..sunod..” Matapos sabihin iyon ay humugot na ito ng malalim na hininga at nalagutan na ng buhay. Nanginig ang katawan ni Eliza sa itsura ng babae, dahil hindi na nito nagawang ipikit ang mga mata. Iwinaksi niya muli ang kamay ng babae na nakahawak sa kanyang braso. Napaisip si Eliza sa huling salitang binitawan nito. Ano ang ibig nitong ipahiwatig? Kanino ba siya dapat mag-ingat? Sino ang tinutukoy nito? “Mamaaaaaaa!Huu.hu.hu..” malakas na iyak ng bata. Lahat ng nasa paligid ay napatingin at naawa para sa naulilang bata. Si Eliza ay nakaramdam din ng habag sa bata. Naisip niya na ang bata ba ang tinutukoy ng babae na demonyo? May napakainosenteng mukha, wala itong kamuwang-muwang sa mundo. Sinong matinong ina ang sasabihan ang anak ng ganoon? Humakbang siya upang daluhan ang bata sa pagtangis nito, ngunit isang pulis ang lumapit sa kanya. “Ma’am, maari po ba namin kayong mahingan ng pahayag tungkol sa nangyaring aksidente?” tumango lang si Eliza at sinundan ang pulis. Napatingin siya sa bata na ngayon ay sa kanya’y nakamasid. “Ma’am may natatandaan po ba kayo bago ang aksidente?” Ano nga ba ang natatandaan niya? Nagmamaneho siya pauwe, nang biglang masilaw sa headlight ng kotse na bumulaga sa harap niya at nagdilim nna ang lahat. “Pauwe na ako, tapos nasilaw sa ilaw nang kotse nila at nagdilim na ang paningin ko.” Tumango-tango ang pulis sa kanya habang nagsusulat ng kanyang pahayag. “Hindi naman ho ba mabilis ang pagpapatakbo niyo kanina?” “Hindi, nasa normal speed lang ako.” “Okay ma’am, salamat sa inyong kooperasyon. For further investigation, tatawagan na lang namin kayo.” Pamamaalam ng pulis. “Okay, thank you din.” Naglakad na paalis ang pulis matapos ang ilang katanungan nito. Si Eliza naman ay nilapitan ng isang nurse upang malapatan ng lunas ang kanyang mga sugat. “Nasaan ang asawa ko?” Dinig ni Eliza ang boses ni Carl sa information ng ER. Nang nakita siya nito ay agad itong lumapit sa kanya. “My god Eliza! Anong nangyari saiyo? Okay ka lang? May masakit ba sa’yo?” tahimik lamang si Eliza at hindi pinansin ang mga tanong ng asawang si Carl. “Your wife is fine Doctor Samaniego, just a minor injuries. Napakaswerte niya at iyon lang ang inabot niya.” Ang doktor na tumingin kay Eliza ang sumagot kay Carl. “Thank you Doctor Valdez.” Nakahinga ng maluwag si Carl pagkarinig niyon. “Siya nga pala, maari na siyang makauwe, since nalapatan na nang lunas ang mga sugat niya.” May inabot itong reseta kay Carl bago nagpaalam sa dalawa. “Eliza, anong nangyari? Paano ka nasangkot sa aksidente? Pinag-alala mo ako alam mo ba ‘yun?” “Carl, I’m tired. Gusto ko ng umuwe.” Malamig na tugon ni Eliza. Hindi na muling nag-usisa si Carl at hinayaan na muna ang asawa. Naiintindihan niya na sobrang nakakapagod ang araw na ito sa asawa niya. “Okay, tara na at umuwi na tayo.” Tinangka niyang alalayan si Eliza ngunit tinabig siya nito. Naglakad na ito at nilagpasan siya. Nang malapit na sila sa exit ng ER , natigilan si Eliza. Sinundan iyon nang tingin ni Carl, nakita niya ang batang kausap ng isang nurse. “Wala ka bang ibang kamag-anak na kakilala? Alam mo ba kung saan ka nakatira?” umiling lang ang bata sa mga tanong ng nurse. Nag-angat ng tingin ang bata at nakita nito si Eliza, agad itong tumakbo palapit sa babae. “Mama! Mama!” yumakap ito sa binti ni Eliza at nagsimulang umiyak. Nilapitan ito ni Carl, “Bata, hindi siya ang mama mo.” Pilit itong nilalayo ni Carl sa pagkakayakap sa asawa ngunit mahigpit ang pagkakakapit nito. “Mama..mama..” tiningala nang bata si Eliza ng may pagmamakaawa. Nasaling ang pusong ina ni Eliza sa itsura ng bata. Nangiti siya ng bahagya dahil sa naalala niya ang sinabi dito kanina, siya muna ang magiging ina nito pansamantala. Sino ba siya para tanggihan ang isang anghel na nangangailangan ngayon ng karamay. Lumuhod si Eliza upang magpantay sila ng bata. Tiningnan niya ito sa mukha at muling ngumiti. Pinunasan niya ang pisngi nito na puno ng luha. Hinila niya ito upang yakapin ng mahigpit. “Tahan na, nandito na si mama. Huwag ka nang umiyak.” Gumanti ng yakap ang bata at umiyak sa kanyang balikat. “Excuse me Dok, Nandito po si Miss Rita. Volunteer po siya mula sa DSWD, siya na po ang bahala sa bata.” Singit ng isang nurse. “Mama! Mama!” biglang nagwala ang bata ng pilit itong hilahin nang taga-DSWD. “Halika na, masaya doon. Madami kang kalaro at maraming laruan doon.” “Ayokooo! Mamaaaa!” hindi ito bumibitaw sa pagkakayakap kay Eliza. “Pwedeng sa atin muna siya Carl? Kahit isang gabi lang?” pakiusap ni Eliza, nagpalitan ng tingin si Carl at ang taga-DSWD. “Pero baka may maghanap sa kanya na kamag-anak niya Eliza.” “Nakikiusap ako Carl, kahit ngayon lang mapasaya mo ako. Kahit ngayon lang.” Marahas na napabuga ng hangin si Carl. Alam niya na may ibigsabihin ang mga salitang iyon ng asawa. Kaya walang nagawa si Carl kundi ayain ang taga-DSWD sa sulok upang kausapin. Ilang sandali pa ay bumalik na ito na may seryosong mukha. “Eliza, he will stay at our house just for a night.” Ngumiti si Eliza sa bata, “narinig mo ba iyon? Huwag ka nang umiyak, sa amin ka muna titira.” Tinanguan siya ng pasinghot singhot na bata. “Thank you Carl.” Pagpapasalamat ni Eliza sa asawa, bago hinila ang bata. “So? Tara na?” pag-aya nito sa bata at tinungo nila ang kotse ni Carl. Napailing na lamang si Carl na sumunod sa asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD