ANG MUNTING ANGHEL

1623 Words
CARL’s POV “Ilang taon ka na nga pala? Hindi naman pwede na makakasama ka namin ng isang gabi na wala kaming alam na kahit ano tungkol sa’yo.” Nakangiting sabi ni Elizasa batang lalaki. Ako nama’y panay ang sulyap sa aking asawa habang nagmamaneho. Aminado ako, ngayon ko lang ulit nakitang ganito ang aking asawa. Ngayon ko lang ulit nasilayan ang ngiti niya. Simula kasi ng nawala ang aming magiging anak sana ay naging tahimik na ito at malulungkutin. Ngayon lang muli nabuhay ang malamlam nitong aura. Kung hindi sana umandar ang kamalditahan ni Sarah. Alam kong sinadya niya iyon, para mawala ang anak namin ni Eliza. Natatandaan ko na sinampal ko siya at pinagsalitaan ng hindi maganda. Pinagbantaan ko nga din yata siya dahil sa nangayri. Galit na galit ako sobra sa ginawa niya. Matagal na kasi naming inaasam na magka-anak pero dahil sa inggit na nararamdaman ni Sarah, nawala ang aming munting anghel. Nagagalit si Sarah kay Eliza dahil nagtapat siya na mahal niya ako. Ngunit hanggang kapatid lang ang turing ko sa kanya sa simula pa lang. Hindi ko naman talaga kadugo si Sarah, step sister ko lang siya kay Tito Fernando na pangalawang asawa ni mama. Kapag nakikita ko ang asawa ko, nagu-guilty ako. Alam ko na ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang magiging anak namin. Kaya upang maiwasan ko ang guilt na nararamdaman ko, isisnubsob ko ang sarili ko sa trabaho. Pero ngayon, hindi ko maiwasang ngumiti na makitang masigla ang aking asawa sa kaharap na bata. “Six years old na po ako.” Ngumiti ang bata at lumabas ang ngipin nito na halos madami ng absent. Lalong lumapad ang ngiti ng aking maybahay. “Ano naman ang pangalan mo?” “Ako po si Angelito.” Mabilis nitong sagot, ikinagulat kong marinig na tumawa ang aking asawa. “Napakabibo mo namang bata at maganda ang pangalan mo, Angelito. Iyon ba ang binigay na pangalan sa’yo ng mama mo? Alam mo ba, para kang isang anghel na pinadala sa akin.” Hindi ko naiwasang makaramdam ng pagbabara sa aking lalamunan dahil sa sinabi ni Eliza at sa sayang nakikita ko sa kanyang mukha. “Pero ang mama ko..” biglang lumungkot ang mukha ng bata. “Alam ko sa ngayon hindi mo pa maiintindihan ang nangyari sa’yo, pero ang mama mo kasi..paano ko ba ipapaliwanag sa’yo ito?” napapakamot ng ulo ang asawa ko habang kausap ang bata. “Ang mama mo kasama na niya si Jesus sa heaven.” “Ibig po bang sabihin iniwan na naman ako ng bago kong pamilya?” napakunot noo ako sa tanong ng bata, kahit ang asawa ko ay nagtaka. “Anong ibig mong sabihin? Hindi mo sila totoong pamilya?” tumango-tango ang bata. “Ang pangalan ko po ay ibinigay ng isang madre sa ampunan. Opo, di ko po sila totoong magulang, kinuha lang po nila ako sa ampunan.” Matalinong sagot nito. “Ilang beses na po akong inampon, siguro pang-apat na po sila. Kapag kukunin nila ako, akala mo masaya silang pamilya. Papangakuan ka na mamahalin at aalagaan ka na parang totoong anak nila. Pero kapag nagkaroon na sila ng sarili nilang anak, babaliwalain na nila ako. May naging magulang po ako na binubugbog ako at hindi pinapakain. Nakaalis lang po ako ng magkasunog, tapos iyong namatay kong mama? Sabi niya isasama niya daw akong mamatay, kasi dahil daw sa akin kaya iniwan siya ni papa.” Malungkot na kuwento ni Angelito. Mangiyak ngiyak pa itong nagpatuloy sa kanyang kuwento. “Natatakot po ako. Lagi na lang ganoon ang nangyayari, hindi na ako nagkakaroon ng masayang pamilya. Ang gusto ko lang naman po magkaroon ng masaya at buong pamilya. Na magkaroon ako ng lugar kung saan mabibilang ako.” Nag-uunahang tumulo ang luha sa mga mata nito, agad itong niyakap ni Eliza. “Shh, tama na. Huwag ka na umiyak. Hindi ko naman alam na ganyan ang pinagdaanan mo.” Kahit ako hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para kay Angelito. Halo-halo siya. May awa, galit para sa magulang na nag-ampon sa kanya. Hindi ko alam na sa murang edad ay napagdaanan na niya ang mga ganyang bagay. Kaya pala akala mo matanda na siyang kumilos at mag-isip. Hindi ko siya masisisi kung maghangad siya ng ganoong bagay. Hindi ko naman naranasang maging malungkot ang buhay pagkabata ko. Dahil buo ang pamilya ko at naibibigay ng mga ito ang mga pangangailangan ko. Namatay lang si papa noong maghighschool na ako, hindi ko pinigilan si mama na maghanap ng bagong kaligayahan. Sa piling ng daddy ni Sarah, si Tito Fernando. Tiningnan ko ang asawa ko na naghi-hymn ng lullaby kay Angelito para makatulog. Binabasa ko sa kanyang mga mata kung ano ang kanyang nararamdaman. Hindi ko maiwasang mapaisip na pareho sila ng kalagayan ni Angelito. Naghahanap din si Eliza ng isang masaya at buong pamilya. ---- “Anong plano mo sa bata Eliza?” tanong ni Carl kay Eliza habang nilalapag ang bata sa kama. Himbing na ito sa pagtulog, dahil siguro sa nakakapagod na araw niya. Hinarap niya ang asawa at minasdan ang mukha. “Gusto ko siyang ampunin, ayoko siyang malungkot na kagaya ko.” Diretsong sagot nito kay Carl. “Hindi mo na ba hihintayin na magkaroon tayo ng sariling anak? Nawalan ka na ba ng pag asa na magkakaroon tayo ng sarili nating anak?” sunod sunod na tanong ni Carl sa asawa. “Alam mo ang sagot diyan Carl, hindi na natin alam kung may pag asa pa na masagot ang panalangin ko na magkaroon ng sarili ‘nating anak’. Nawawalan na ako nang pag-asa, dahil lagi kang subsob sa trabaho at wala kang panahon para sa akin.” Tila nakaramdam ng kirot si Carl sa sinabing iyon ni Eliza, binigyang diin pa nito ang salitang ‘nating anak’. Dahil doon napalayo ito ng tingin, hindi niya kayang tingnan ang mga mata ni Eliza na puno ng hinanakit. “Ginagawa ko lang iyon para sa future nat—” “--hindi ko kailangan ng madaming pera, ang gusto ko ay magkaroon ng masayang pamilya!” Putol ni Eliza sa sasabihin ni Carl. “Alam mo ba ang nararamdaman ko ng magkwento si Angelito kanina? Naawa ako, at naisip mo ba? Pareho kami ng nararamdaman, pareho kaming malungkot, pareho kaming naghahanap ng masaya at buong pamilya. Simple lang ang gusto namin, pero ang mga taong nasa paligid namin hindi iyon maibigay.” Nagsimula nang pumatak ang mga luha sa mga mata ni Eliza. Sa tagpong iyon parang sinaksak ang puso ni Carl. Ayaw niyang makita ang asawa niya sa ganitong kalagayan. Umiiyak at nasasaktan. Hindi lang iyon, dahil isa siya sa dahilan ng pagkakaganyan ng asawa. “Gusto ko siyang ampunin, alam mo kung bakit? Para kapag busy ka sa trabaho mo may kasama ako sa malaking bahay na ito! Hindi na ako malulungkot o parang baliw na mghihintay sa’yo kung uuwi ka ba o hindi! Para may dahilan akong ngumiti kahit nasasaktan ako..” nararamdaman ni Carl ang galit ng asawa at ayaw niya itong tuluyang maghinanakit sa kanya. Mahal na mahal niya ito, si Eliza ang buhay niya. Ayaw niyang maging dahilan ito ng kanilang paghihiwalay, ayaw niyang mangyari iyon. Ayaw niyang iwan siya ng kanyang asawa. Kanina nga lamang nang malaman niyang naaksidente ito, para kinukumyos ang puso niya sa sobrang takot na nararamdaman. Kailangan niya gumawa ng paraan. Kailangan nita mapawi ang sakit na dinulot niya sa asawa. Kailangan niya itong bigyan ng kasiyahan. Kaya nakapagdesisyon na siya. Humugot muna ng malalim na hininga si Carl bago nagsalita. “Bukas na bukas din tatawagan ko si Attorney Ferrer para magpunta sa ampunan at makipagusap sa mga nangangasiwa doon. Upang hingin ang mga kakailanganin natin sa pag-aampon kay Angelito.” Masuyong sabi nito sa asawa. Biglang napahinto si Eliza sa pag-iyak, may halong pagtataka ang mga mata nito na nakatingin sa asawa. “totoo ba ‘yang sinasabi mo?” “Opo, totoo po. Huwag ka nang magalit, mamaya magising pa ang anghel na natutulog.” Nakangiti at may halong paglalambing na sabi nito kay Eliza. Natigilan si Eliza, hindi niya akalaian na ngingitian siya ng asawa at hindi nito tinutulan ang gusto niyang pag aampon kay Angelito. Ngayon lang ito ulit nangyari, na ngitian siya nito at hindi umangal. Isa pa, totoo ba ang nahihimigan niya sa boses nito? Bakit feeling niya may halong paglalambing? Asawa niya ba ang nasa harap niya? “Sino ka? Kung sino ka man na nasa katawan ng asawa ko umalis ka!” Natawa si Carl sa sinabi ni Eliza. Namiss niya ang kawirduhan ng asawa niya. “Sumagot ka! Huwag mo akong tawanan!” “Ako po ito, Si Carl David Samaniego. Ang asawa ni Mrs. Elizabeth Avila-Samaniego. Ang lalaking paray na patay sa’yo mula noon hanggang ngayon.” Nilapitan niya si Eliza, hinila niya ito para yakapin. “I miss my crazy wife..” bulong nito sa tenga ni Eliza. Pumiksi si Eliza mula sa pagkakayakap nito. “I’m not crazy!” protesta niya dito. Tinawanan lang siya ni Carl at muling niyakap. “yes you are, sino ba naman ang mag iisip na napo-posses ako?” nanunudyong nakangiti si Carl kay Eliza, hindi na napigilan ni Eliza na gumanti ng ngiti dito. “Okay fine,” nakangiti niyang inirapan ni Eliza ang asawa. Ini-smack naman ni Carl ang naka-pout na labi ni Eliza. “Totoo ba talaga ang sinabi mo kanina na aampunin natin si Angelito?” paninigurado nito sa lalaki. Tumango si Carl bago hinalikan ang buhok ng asawa. “Lahat gagawin ko para maging masaya ka lang Eliza. I love you so much sweetie..” hindi naiwasang muling mapangiti ni Eliza sa narinig mula sa labi ni Carl. “promise, bukas na bukas paggising ko tatawagan ko agad si Attorney Ferrer. Siya ang pag-aasikasuhin ko sa lahat lahat patungkol kay Angelito.” “Tara na sa kwarto, para makapagpahinga kana. Alam kong nakakapagod ang araw na ito para sa’yo” hinila na ni Carl palabas ng guestroom si Eliza. Paglapat ng pinto sa madilim na kwarto. Makikitang nakaupo ng diresto si Angelito. Ang kanyang maamong mukha nito ay nagbago, naging tila isang nakakatakot na nilalang ito. Nanlilisik ang mga mata at malapad na nakangiti habang ang mata ay nakatutok sa sarado nang pinto. Sa ngiti nito ay tila may nagtatagong maitim na balak, kung ano man iyon tanging siya lang ang nakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD