Special Chapter 4: Ang Laro ng Kontrol Kumikinang ang buong siyudad sa ibaba. Mula sa malalaking salaming bintana ng penthouse ni Adrian, tila walang katapusan ang mga ilaw—parang mga bituin na bumaba sa lupa. Buhay na buhay ang gabi sa labas. Pero sa loob… Mas mabigat ang hangin. Mas tahimik. Mas delikado. Nakatayo si Lila malapit sa salamin, bahagyang nakayakap sa sarili, pilit inaayos ang paghinga. Hindi siya kinakabahan. Hindi naman siguro. Pero may kakaiba. Mas aware siya. Sa paligid. At higit sa lahat… Sa kanya. “Ang tahimik mo.” Bumasag sa katahimikan ang boses ni Adrian—mababa, kalmado, pero may lalim na agad nagpapabilis ng t***k ng puso niya. Hindi agad lumingon si Lila. “Siguro… nag-iisip lang.” “Delikado ‘yan,” sagot niya, may halong amusement. “Ano’ng iniisip

