Special Chapter 3 — Ang Takot na Bumabalik Hindi dahil tapos na ang laban… ay hindi na ito babalik. Minsan, ang tunay na kalaban— ay hindi ang mga taong nakasakit sa’yo. Kundi ang takot na iniwan nila. Tahimik ang umaga. Pero kakaiba. Habang nakaupo si Lila sa veranda, nakatitig sa dagat— may kung anong bigat sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag. Hindi malinaw. Pero naroon. Unti-unting bumalik. “Hey.” Napalingon siya. Si Adrian, may dalang dalawang tasa ng kape. “Ang aga mong gumising,” sabi nito. Ngumiti si Lila, pilit. “Hindi na ako makatulog.” Napansin iyon ni Adrian. Hindi niya sinabi agad— pero ramdam niya. May mali. “Here,” sabi niya, inaabot ang kape. “Thanks.” Tahimik silang naupo. Karaniwan, sapat na iyon. Pero ngayon— May pagitan. “May iniisip ka.

