"You're going home, baby?"
Natawa ako sa paraan ng pagkakatanong niya. Excited lang siguro siya na makita ako ulit after five years ng pananatili ko rito sa Canada.
Ako lang ang mag-isang bumalik ng Canada at ngayon na lang ako uuwi ulit ng Pilipinas.
Sa chat at video call lang nila ako nakakausap at siguro, hindi 'yon sapat. Kahit ako rin naman, gusto ko sila makasama. 'Yung nakikita, nahahawakan, at nayayakap.
I don't know why I am still here, still remains in the past.
Nakangiting tumango-tango ako sa masayang mukha ng aking ina. "Yup, mommy."
"For good?" Nakangiti nitong tanong.
Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Hindi pa pumapasok sa isip ko ang umuwi ng Pilipinas para manatili.
That place caused so much pain in my heart and I still haven't recovered.
Nag-iwas ako ng tingin. "Mom, I'm going to prepare my things. See you soon!" Nginitian ko ito bago patayin ang tawag.
Tumagal ang pag-uusap namin ng isang oras. Wala si daddy at kuya sa bahay kaya siya lang ang nakausap ko. Napatingin ako sa oras at napangiwi nang makitang alas-dose na ng madaling araw.
Alas-tres na siguro sa Pilipinas.
Pagkagising ko kinabukasan ay agad akong naghanda. Mayroon pa akong three hours bago ang flight ko. Ang mga importanteng gamit ko ay nilagay ko sa maleta tulad ng damit, alahas, bag, at gadgets. Sa backpack naman ay puro pagkain ko. Mahal ang pagkain sa airport kaya nagdala ako ng mga chocolates at snacks.
Nag-chat muna ako sa pamilya ko na aalis na ako ng Canada. Nang makapasok ako sa loob ng eroplano ay in-assist ako ng mga cabin crew papunta sa seat ko. Nilagay ko ang mga gamit ko sa overhead bin. I turn on Airplane mode of my phone at nagsuot ng bucket hat saka binaba ito hanggang sa mata ko.
Inaantok pa ako! Ang aga ko nagising dahil nagmamadali ako. Nakapikit man, may naramdaman akong presensya sa tabi. Hindi ako gumalaw, tiningnan ko lang ang suot nitong sapatos na Timberland.
"Miss—" natigilan ito nang hindi ako gumalaw. "She's sleeping." Bulong nito.
Siya siguro ang katabi ko. Ayoko naman na hindi siya pansinin at baka umandar na ang eroplano, hindi pa siya nakakaupo.
Nag-angat na ako ng tingin at ngumiti. "Hello—what the f**k?" Natigil ako sa pagsasalita nang makilala ang lalaking nasa harapan ko.
Sa lahat ba naman ng makikita ko, si Saffron pa? Ang ex-boyfriend ko pa?
"Aurelia?" Gulat nitong sabi.
I cringed. Hindi ko na maalala kung sino ang huling nagsabi sa first name ko. I hate that name! I prefer Aussie than Aurelia. Nakakatanda ang Aurelia and I'm still 24 years old.
Lumipat na lamang ako ng upuan, sa may bintana at hindi siya pinansin. He's now a stranger to me. Sabi ni mommy, bawal makipag-usap sa stranger so, I will not talk to him.
Sa sobrang boring ng flight. Naglaro nalang ako ng offline games sa cellphone ko. Ang antok ko kanina ay nawala at bigla na lamang ako naconscious na matulog.
Mapaglaro ang tadhana, hindi na natuwa, ako na naman ang pinaglalaruan niya.
Wala ka na bang ibang kilala na paglalaruan mo? Kami ulit?
Nang matalo sa Piano Tiles ay naglabas ako ng pagkain ko. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakikita kong tumitingin sa akin si Saffron. Hindi ko alam kung naiinggit ba siya sa pagkain ko o kung ano, eh.
Bumuntong-hininga siya, medyo nilakasan niya kaya napalingon ako sa kaniya. Papansin talaga 'tong lalaking 'to sa 'kin.
"Aurelia—" I cut him off.
"Not that name, please." Nginitian ko siya.
Gusto ko manakal kapag naririnig ko ang Aurelia. I hate that name.
"Aussie—"
Ngumiwi ako. "We're not close so don't call me that."
"Chassè?"
"Yes, Miss Chassè. Call me that way." Nakangiti kong sabi. "Why, Mr. Wu?"
We're not that close to call be just by my name. The day we cut ties, I see him now as a stranger. So, Miss Chassè, I am Miss Chassè.
"Can I ask something?" Tinaasan ko ito ng kilay, urging him to talk more. "Nevermind," napailing-iling ito saka nag-iwas sa akin ng tingin.
Kinunotan ko ito ng noo saka napangiwi. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa utak niya. Hindi rin naman ako interesadong alamin kaya hahayaan ko nalang siya.
Nagkasabay lang naman kami ngayon. May ginawa siguro siyang importante sa Canada at nasaktuhan lang na nagkita kami. Kung ako ang tatanungin, wala akong plano na makita pa siyang ulit.
Ayokong magalit sa kaniya.
Ngayon, nagtitimpi ako na huwag maglabas ng sama ng loob, ng hinanakit, at magalit sa kaniya. Nasa eroplano kami, may mga kasama kaming estranghero.
Ayoko mag-cause ng eskandalo rito.
Inabala ko na lamang ang sarili sa paglalaro sa cellphone ko nang may biglang mabigat na dumagan sa balikat ko. Nahirapan ako lumingon dahil ulo nito ang nakadagan sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize na nakatulog ito sa balikat ko.
Gusto kong itulak ang ulo niya pero ang sama naman n'on, hindi ko alam ano ang ginawa niya pero naiisip ko palang na itulak ang ulo niya ay nakokonsensya na ako.
Tumitig na lamang ako sa kawalan. I suddenly recall our memories together. Hindi ko sinasadya na maalala ang mga sweet moments namin. Sumasakit ang dibdib ko kasi lahat ng ipinakita niya sa akin noon ay pagpapanggap lang.
Umasa ako dati na siya na nga, 'yung the one ko pero naging the one that got away lang. Nanghihinayang ako, syempre. Lahat ng first ko ay ginawa ko na kasama siya.
Sino ba naman ang hindi, diba? Nangako kami sa isa't-isa na hanggang sa tumanda kami ay magkasama kami. Magpapakasal sa simbahan at magkakaroon ng anak.
Lumapit sa akin ang nag-aalalang flight attendant. "Miss?"
Nilagay niya sa kamay ko ang dala niyang tissue dahil hindi ko maabot dahil baka magising si Saffron.
Huminga ako ng malalim. "Ah, thank you." Sabi ko at nginitian niya naman ako bago umalis sa harapan ko. Hindi ako makalingon ng maayos pero sapat na para makita ng maayos ang side profile ni Saffron. "Bakit hindi ako maka-move on sa 'yo? Hindi ako makahanap ng ipapalit sa 'yo dahil wala akong mahanap na katulad mo. Alam mo ba 'yon?" Mahinang bulong ko sa kaniya.
Malakas ang loob ko ng maglabas ng nararamdaman sa kaniya dahil hindi niya naman ako naririnig. Malalim ang paghinga niya at para siyang patay kung matulog. Alam ko kung paano siya matulog.
"Aussie.."
Agad kong itinulak ang ulo niya. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa akin. Napakurap-kurap siya, inaantok pa. Tulog ba siya kanina? Bakit niya binanggit ang pangalan ko? Narinig niya ba ako?
Hindi ko na siya nilingon pa. Kahit ayaw ko siyang makita, malabong mangyari dahil katabi ko lang siya! Hindi ako makakaalis sa kinauupuan ko hangga't hindi ko siya nakikita. Nakaupo ako sa tabi ng bintana.
Natulog na lamang ako dahil sa kakaisip. Overthink. Trauma. Pain. Lahat 'yon bumabalik. Agh! Move on, Aussie. Move on.
Mukha naman siyang masaya. Bakit hindi ko magawang maging masaya rin?
"Ladies and gentlemen, Ninoy Aquino International Airport welcomes you to Pasay City. The local time is 12:35 PM. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate. The Captain will then turn off the "Fasten Seat Belt" sign, indicating it is safe to stand. Please use caution when opening the overhead compartments and removing items, since articles may have shifted during flight."
Kinuha ko ang mga gamit ko pagkapark ng eroplano. As much as possible, gusto ko nang makalayo rito sa lugar na 'to. Unti na lang at malapit na ako mabaliw!
Nauna na akong bumaba. Napangiti ako nang makita ang mga magulang ko na may tinataas na cartolina kung saan nakalagay ang pangalan ko.
Aurelia, we miss you.
It would've been better if they put Aussie on it.
Hinila ko ang maleta ko para makatakbo papunta sa kinaroroonan ng pamilya ko. "Mommy!" Tuwang-tuwang sabi ko.
Nang makalapit ako sa kaniya ay nakita ko ang nagbabadya niyang luha. "Aussie.." Inilagay ni mommy ang kaniyang ulo sa aking balikat.
Naramdaman ko na nababasa na ang suot kong damit. Mom is crying. Namiss ko sila ng sobra. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang kasi kanina ko pa talaga gustong umiyak. Baka hindi ako tumigil sa pag-iyak.
Lumapit sa akin si kuya saka yumakap sa akin. "Aussie, may nabingwit ka bang lalaki sa Canada at hindi ka na nagbalak umuwi?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang. Namiss ka ni kuya." He kissed my temple.
"I miss you too, kuya. I miss you all."
Hinalikan ni daddy ang aking noo. "My baby, daddy missed you so much." Hinawakan nito ang aking ulo. "Hindi ko na hahayaan na may manliligaw ulit sa 'yo, nagpupunta ka ng ibang bansa kapag nasasaktan." Biro pa nito.
Lumabas na kami sa airport. Hawak-hawak ko ang kamay nina mommy at daddy, nasa gitna nila ako. Si kuya ay nasa likod, bitbit ang mga gamit ko.
"Dumating lang 'yung isa d'yan, inabandona na ako." Reklamo ni kuya kaya napalingon kami sa kaniya. "Aminin niyo nga sa akin, ampon ba ako?" Nagtatampong tanong ni kuya kina mommy pero hindi siya pinansin. "Ay, sige, salamat."
"Kuya, kahit ampon ka, mahal na mahal kita." Nginisihan ko si kuya.
"Ikaw ang ampon dito! Napulot ka lang sa gilid ng kalsada."
Namiss ko 'yung ganito. Asaran naming dalawa tapos kakampihan ako ni mommy kahit ako 'yung mali para sabay naming asarin si kuya. Alam kasi ni mommy na hindi ko kayang manalo kay kuya. Pero kahit gano'n, fair ang treatment niya sa amin ni kuya. Walang lamang at pantay lang.
Pagkapasok namin ng sasakyan, agad akong nag-open ng cellphone. Magpopost ako para malaman nila na nakauwi na ako ng Pilipinas!
Nagulat ako nang makakita na may nag-message sa akin sa i********:. "Oh.." May nag-request sa akin ng message.
@wuuv14
hi welcome to the philippines, it's saffron
@wuuv14
i'm still at the airport hoping to talk with you
Huminga ako ng malalim saka ito binura.
P3NNYLOP3