Chapter 1

3256 Words
I am a transferee from Canada. Isa akong Filipino-Canadian at isang buwan na ang nakalilipas simula nang dumating kami rito. Hindi ko talaga gusto ang mag-aral sa Pilipinas kaso ang lola ko, mother ng nanay ko, ay may sakit at kailangan namin siyang alagaan. Si mommy ay ang bunsong anak ni lola at si mommy lang ang may kakayahang ipa-ospital si lola dahil ito lang ang mapera. Ang mga pinsan at kamag-anak namin ay nasa probinsiya. Naikuwento sa akin ni mommy na mahirap talaga siya bago niya makilala ang daddy ko sa Canada. Wala ring kaming aasahan sa iba naming kamag-anak dahil 'yung iba sa kanila ay walang trabaho. Umakbay sa akin si kuya pagkalabas ko ng kotse niya, "Ganda ba dito, Aussie?" Kahit laking ibang bansa ko, alam ko kung paano magsalita at umintindi ng Tagalog pero hindi pa ako confident na magsalita. May accent ako tuwing nagsasalita ng tagalog at pakiramdam ko, pagtatawanan ako dahil sa paraan ng aking pananalita. Nasa parking lot kami ng school kaya hindi ko pa masasabi kung maganda ba ang bago kong papasukan na school. I am looking forward to this school since the parking lot looks good. Unang araw ko palang ngayon papasok dahil I refused to study here. Si kuya ay dalawang buwan na nag-aaral dito. Napilit lang ako ni mommy dahil may tyansa raw na dito na kami manirahan for good.  Ayoko naman na hindi makapagtapos kaya pumayag na ako. "I don't know. Ang init sa labas." Nakanguso kong sabi habang hawak ang suot na blazer at pinaypay iyon. Gusto ko pumasok sa loob ulit dahil ang init talaga. May suot akong blazer dahil parte 'yon ng uniform namin, akala mo naman ay hindi tropical country ang Pilipinas.  Sino ba nagpauso nito? Ang init-init! "I really like your accent." He mimicked my accent. Kuya Ambrose really wanted to make fun of me. So I don't really speak Tagalog when I talk to him. Nakakainis siyang kasama! Kahit sa bahay, ako ang inaasar. It's sad to be a younger sister and then have older brother who is annoying. Walang magawa sa buhay. "Leave me alone." Tinulak ko siya para makaalis na ako sa harapan niya. "This looks great. I will definitely enjoy my first school year in this country." I really love old and vintage aesthetic. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa saka inabot kay kuya. "Take a picture of me," umayos ako ng tayo sa harap ng isang statue. I'll upload it in my i********: account. "Wow, miss mo na ba ang mga lalaki mo sa Canada kaya magpapapicture ka sa estatwang may etits." I looked at the statue and winced when I saw it had a carved c*ck. Hindi ko napansin dahil bakit ko rin naman papansinin, noh?! Inirapan ko ito, "Your brain is getting moldy. You're disgusting!" Sigaw ko sa kaniya sabay kuha ng phone ko sa kaniya. Buong buhay ko ay ngayon palang ako nakarating ng Pilipinas, nag-migrate ang mga magulang ko nung pitong taong gulang palang si kuya. Sa Canada na rin nag-negosyo ang mga magulang ko lalo na't galing sa isang mayamang pamilya ang daddy ko. Regardless of that, naturuan naman ako at natutunan ko alamin kung ano ang kultura at tradisyon dito. Inakbayan ako ni kuya habang naglalakad kami. "Ihatid ba kita sa room mo?" Ang bigat ng braso niya! "I don't want! When you're with me, I feel disgusted." Inalis ko ang kaniyang kamay sa balikat ko. "You're annoying as f*ck." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. "Kapal naman ng mukha mo, Aussie." Inirapan ko nalang ito saka naglakad sa loob. Pagkapasok mo palang sa gate ay mabubungaran mo na ang Main Building kung saan naroon ang opisina ng Dean, opisina ng mga admin, at faculty. Ang alam ko, sa first floor nakalagay ang mga announcement. Nag-message sa akin kahapon kung anong section ko pero hindi ko alam kung saang building. Pito ang gusali rito? Pupuntahan ko pa ba isa-isa? Napalinga-linga ako para may mapagtanungan. I don't know where the Senior High building is! Wala na rin naglalakad na estudyante kaya wala akong mapagtanungan. Naiinis kong tinawagan si kuya. Mas lalo akong nabadtrip nang hindi niya ako sinagot agad. Baka malate ako! "Ano ba 'yon?" Inis nitong bungad. "I am here at Main Building." Sagot ko. "Oh, tapos?" Napapikit ako sa sagot niya, calm down, Aussie. "Kuya, I don't know where Senior High building!" Reklamo ko. "Akala ko ba alam mo? Hindi na ako makakapunta diyan, malapit na mag-start ang klase ko. Maghanap ka nalang ng mapagtatanungan diyan." At pinatayan ako ng tawag. Ako pa talaga ang pinatayan ng tawag? Hah! Lagot ka sa akin mamaya, kuya. "Hi, miss." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Apat silang lalaki at tiningnan ko sila isa-isa. 'Yung isa na nasa likuran ng lalaking tumawag sa akin ay may dalang maraming lunch box, and he's handsome, 'yung isa may dalang gitara, tapos 'yung nasa gitna nila ay may hawak na basketball. Tinaasan ko ng kilay 'yung lalaking tumawag sa akin. "What do you want, bastard?" Pagtataray ko. "Bastard agad. Legitimate child ako, miss." Ngisi ng lalaking singkit, Chinese siguro. Wow! The confidence to annoy me. "I don't care." Sinamaan ko ito ng tingin. Ngumisi ito saka tinuro ang katabi niya na patawa-tawa. "Crush ka raw ng tropa ko, Theros nga pala, mapagmahal." tukoy niya sa lalalaking may hawak na bola. Nawala ang ngiti ng lalaki saka inilagay ang bola sa pagitan ng mga hita bago batukan ang kaibigan. "Hoy, b*bo." Napahawak ako sa noo ko sa inis. "I don't understand you," sinabi ko nalang sa kaniya saka binalik na sa bulsa ang cellphone. Bumaling ako ulit sa kanila nang may maisip. "Do you know where Senior High building is?" "Ano muna pangalan mo?" Tanong nito. "Why would I tell you?" Kailangan ba kapag magtatanong ako sa stranger, kailangan alamin ang pangalan? Hell, I only give my name to the stranger if I like him, noh! This man hasn't reached my standards yet. "Why would I answer you?" ginaya niya ang paraan ng pagsasalita ko. "Edi don't ask me where Senior High building is." Siya ang unang nakipag-usap sa akin tapos siya pa ang may ganang tarayan ako? The audacity of this guy? "Ahm, miss. We are also Senior High. We're going to the building now, you might want to come along." Sumingit ang lalaking may dalang gitara. Singkit din siya pero mahahalata mo sa mukha niya kung anong lahi ang mayroon siya. He's a Japanese. He looks concerned to me but I don't know who he is so I wouldn't trust him. Gusto niya akong sumama sa kanila? For what? I know that lines. I'm new here. Wala ako mapagkakatiwalaan kundi ang mga admin at mga mukhang mapagkakatiwalaan. Hindi sila mapagkakatiwalaan! "Why should I come with you? I don't even know you. Maybe you will do something bad to me." Nilakihan ko sila ng mga mata. Mabuti na lang at tanghali. May makakakita sa kanila kung may gawin man sila sa akin. Enjoy your murder case, bitches. "Angas! Pinagkamalan pa tayong masamang tao. Song, bro." Nakangiwing sabi ng lalaking may dalang maraming lunch box. Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang bell. Agad nagsitakbuhan ang apat na kalalakihan kaya nanlaki ang mga mata ko. Mala-late ako! Wala akong choice kundi sundan sila. Hindi ko alam saan sila pupunta pero sumunod nalang ako. Mahahaba ang kanilang binti kaya nahuhuli ako. Ang laki ng kanilang mga hakbang! "Damn it! Wait for me," sigaw ko saka naghubad ng sapatos saka tumakbo pasunod sa kanila. Malayo ang tinakbo ko dahil sa maliliit kong hakbang. Mainit pa ang inaapakan kong lupa dahil naka-medyas lang ako. Umakyat ako sa third floor nang hindi ko mahanap ang strand ko. Pumasok 'yung lalaking chinese sa HUMSS—2A na room. Nanlumo ako nang ma-realize na magiging kaklase ko ito. Kaya pala ang daldal niya! HUMSS student pala ang gago. Napatingin sa akin ang teacher na nagsasalita kanina. "Good afternoon, hija." Bati nito sa akin habang nakangiti. Sinuot ko ang sapatos ko. "I am Chassè, the transferee." Pakilala ko. "I am Sir Wanton, your adviser. You're in the right room, Chassè." "Thank you." Gosh! Thank God.  Napatango ito. "Oh, come in." Humarap ito sa mga estudyante habang ipinapakita ako. "She's from Canada so If you want to ask something to her, ask her in English language." Si Sir Wanton ay nakangiti sa akin habang pinapakilala ako sa mga estudyante niya na nakatingin naman sa akin kaya naiilang ako. Do I look like a rare breed?! Parang ngayon lang sila nakakita ng maganda. Well, pasalamat sila at kaklase nila ako. Araw-araw nila makikita ang kagandahan ko. "I know how to speak and understand Tagalog po, I am not just confident speaking Tagalog." Nahihiyang sabi ko. Gulat na napatingin sa akin si sir. "Oh, minding introducing yourself in Tagalog?" I do mind! I'm not confident nga tapos magpapakilala pa ako sa Tagalog? Pero hindi 'yan ang isinagot ko sa teacher ko dahil baka ipatawag ang parents ko kapag nagkataon. "No, po." Tumikhim ako saka dumapo ang mata ko sa singkit na lalaki na patawa-tawa. Aussie, calm down. After class, you can strangle him. "I—Ako si Aurelia Ssienna Chassè pero p-puwede niyo ako tawaging Aussie, and I am Canadian, ahm." Tumigil ako sa pagsasalita para tumingin sa teacher at manghingi ng tulong. "What's eighteen years old in Tagalog?" "Labing-walong taong gulang." Nakangiting sagot nito. "Yeah, I am eighteen years old. Born and raise in Canada," nag-english na ako dahil hindi ko kayang banggitin at baka mautal pa ako rito, nakakahiya! Nagsitawanan ang mga kaklase ko kaya namula ang aking pisngi. Wow, ha? I will ask you all in English language! Tawanan ko kayo kapag mali ang mga pinagsasabi niyo. Ngumiti sa aking ang teacher saka itinuro ang mga bakanteng upuan na nasa likuran. "You can now sit down wherever you want." Napangisi ako nang makitang may bakante sa tabi niya. Siya lang mag-isa ang nakaupo sa likod. Nang makaupo ako ay nginitian ko ang lalaki. Nakangiti sa akin ang teacher at mukhang natutuwa na katabi ko ang madaldal na 'toh. "Crush mo ba ako? Daming bakanteng upuan, sa tabi ko pa talaga. Hays! Pogi problem." Napailing-iling ito na parang dissapointed dahil sa pagiging pogi niya 'kuno'. Lumapit ako sa kaniya saka hinawakan ang kwelyo niya para sipatin ang pagmumukha niya, "What the f**k. Where? You're not that handsome." Tinulak ko siya. Ngumisi ito sa akin saka napahawak sa baba. "You're beautiful when you speak Tagalog." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I'm not flattered, ha! Hindi ako natutuwa sa kaniya. Kailanman ay hindi ako matutuwa sa pinagsasabi niya, he's probably trying to piss me off. Sasabunutan ko sana siya sa kaniyang patilya nang tawagin kami ng teacher. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. "Chassè, Wu, I don't mind, you guys, flirting at school because PDAs are not prohibited here but not during my class time." "Disgusting!" Agad kong tinulak ang lalaki saka lumipat sa kabilang upuan na bakante rin. Ngayon ko nga lang nakilala ang lalaking 'toh tapos flirting? Sa kaniya? May standards ako, noh! Hindi ako nakikipagharutan sa pangit. "It's okay, sir. Ipagpapatuloy nalang namin mamaya 'yung harutan namin. Medyo shy pa si Aussie." Hinaplos niya ang aking buhok. "Don't call me Aussie, you prick." Bulong ko. "And don't touch my hair." Nagsulat nalang ako habang nagtuturo ang teacher. Nagsasalita siya ng Tagalog at tinatanong ako kung naiintindihan ko ba. Pa-minsan minsan ay napapanguso ako dahil hindi ako maka-relate. Why did I choose HUMSS? I should just take Home Economics.  "So, before the end of the first semester, I would like to give a final research project." Tinuro ako nito. "Including you, Aussie." Tumango-tango ako. What an amazing way to welcome me in this school, research agad. Fresh akong papasok, uuwi akong haggard. Nagtaas ang lalaki na nakaupo sa harap. "Individual, sir?" Napameywang ang teacher. "Kaya mo ba?" "Palagi nalang research, sir." Reklamo ng katabi niya at nagkakamot pa ng ulo. May nakikita akong gumagalaw sa ulo niya kahit ang layo ko! No way! Huwag ko sana siya maka-group! Hindi ba siya naliligo?! "Sige, ibagsak kita para makalipat ka ng STEM." Nang-aasar na sabi ni Sir. Umikot sa buong room ang mata niya at napangiti nang makita ako. "Yes, Miss Chassè?" ani nito sa akin kahit hindi naman ako nagtaas ng kamay. Well, naiintindihan ko naman si sir. Sino ba namang hindi mapapatingin sa kagandahan ko?! "Uh, what will be the topic?" tanong ko. "It depends on you and your partner what the topic of your research is." Napatango-tango ako. "Ah, by pair." Nang mag-sink in sa akin ay nanlaki ang mga mata ko. I don't know a thing about research! Bakit dalawa lang? Paano kung tamad at wala ring alam ang makakapartner ko? Edi, sabay kaming babagsak. No, the horror! Malalagot ako sa mga magulang ko kapag nagkataon. "Yup, palabunutan, dear." Hinawakan ni Wu ang ulo ko saka hinaplos ang buhok ko. I don't know if he likes my hair or he just want to piss me off or he's just being gay! "Sir, si Aussie nalang partner ko. Close naman kami." This rascal smiled at me! Mas wala ata akong magagawang research paper kung siya ang makakapartner ko. Sa mukha ng taong 'to, mukhang hindi nagseseryoso. I smacked his arm. "What the f**k are you saying?" Gigil kong bulong. Ngumiti si sir sa aming dalawa. "Sige, at para naman maturuan ng ating with high honor ang ating transferee." This brute has an honor? I mean, an honor in school? Hindi halata sa mukha niya na nag-aaral siya ng mabuti. Wala siyang dangal?! Pagkatapos ng first class ay homeroom kaya ang ibang kababaihan dito ay abala sa pagreretouch ng mga make-up nila.  Ang iba naman ay naglilinis ng room kaso mukhang hindi malilinis ang room dahil nagsisilakad ang ibang mga lalaki sa winawalisan.  Mga wala na ngang silbi, nanggugulo pa. Siyempre, eto ako, pinapahaba ang pasensya dahil sinulid nalang ang pasesya ko sa lalaking katabi ko.  Gusto ko sana lumipat kaso wala ng bakante sa harapan, tanging sa likuran lang.  It's either ang instik na ito ang makakatabi ko o 'yung mga maaasim na nasa kabilang dulo nakaupo ang makakatabi ko. "Sige, seryoso na." Sinabi niya 'yon na may ngisi pa rin sa mukha. Inayos ko ang bag ko saka hinampas sa kaniya. "Tigil-tigilan mo ako, ha." "Pag-usapan natin 'yung research paper." "You're the one who will talk to me since I don't know how to do or create research paper." Hindi ko alam kung ano sasabihin at baka mapahiya pa ako sa kaniya, baka mag-asaran lang kami. "Bakit ka nag-HUMSS kung hindi ka marunong gumawa ng research paper? Pagsusulat ang seatwork, homework, at project dito." I know that! Pati nga ang pagsagot sa Math ay sulat. Ang tanga niya para maging honor student, huh. "How will you create a solution in Gen Math? Oral?" Panghahamon ko. Mangha na ako sa kaniya kung kaya niya mag-compute sa utak niya ng malalaking numbers. Division pa nga lang ay limang minuto ko na pinag-iisipan. He has this disgusted face, nilayo pa niya ako na akala mo ay nakakadiri ako. "Dugyot ka naman. Anong oral?" "Why the f**k you're thinking about oral s-x? Verbally, I mean." Kunot noong sabi ko. Diba, manyak siya talaga! "Damn, can we just talk about the research paper? I'm pissed, Wu." Napahawak na ako sa aking sintido. I think my brain was going to explode because of too much headaches given by this rascal. "Anong Wu? Saffron ang pangalan ko. Apelyido ko lang 'yon." See? Even a tiny thing, may sasabihin siya kaya walang katahimikan sa pagitan namin! "It is forbidden ba to call you Wu?" Pagtataray ko. Lumalaki nga lang ang away namin dahil pinapatulan ko siya. Ayaw ko nang inaasar ako! Bumabawi talaga ako. This brute is getting to my nerves. Hindi ako mahilig makipag-away sa mga kapwa ko babae pero malapit na ako makasapak ng lalaki.  Hindi ako manghihinayang kung masira ang pagmumukha nito. "Conyo," he made a face at napatitig sa mukha ko, parang inaalam kung ano ang reaksyon ko. "Sige, hindi na." Hindi ko siya pinansin saka nag-retouch nalang ng make-up. Nawawala na ang lipstick ko dahil sa kakasalita ko. Kakalma ko muna ang sarili ko bago magalit ulit, baka atakihin nalang ako bigla sa puso. Ngumisi sa akin si Saffron nang makitang pinapagpag ko ang aking uniform. "I like women who wears nothing." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Manyak!" Hinampas ko siya sa kaniyang braso. Wala talagang magandang lumalabas sa bibig niya. Kinakausap ako ni Saffron kahit hindi ko siya pinapansin. Kakausapin ko nalang siya mamayang uwian para mapag-usapan namin ang tungkol sa research at para kapag nainis ako sa kaniya ay uuwi nalang ako. Nang mag-ring ang bell, hudyat na lunch break na at sakto nakatanggap ako ng message galing kay kuya. ugly: sna alm m kng san ung cafeteria, aussie Kumunot ang aking noo sa text niya. Hindi ko siya maintindihan! Pang-tito ang chat niya! Nanirahan lang sa Pilipinas, naging gan'yan na typings niya. to : ugly: I'll go there, wait for me. Napatingin ako sa katabi ko at nagulat nang hindi ko na siya makita. Susunod nga ako sa kaniya papuntang cafeteria tapos nawala na siya? Paano ko pa malalaman kung nasaan ang cafeteria?! Lumapit ako sa isang babae na abala sa pagbabasa ng libro. Ahm, mukha naman siyang matino kaya kakausapin ko siya. "Miss, uhm, do you know where's caféteria?" Inalis nito ang tingin sa libro. "Yup, the cafeteria is located in Main Building, second floor." Ngumiti sa akin. Napatango ako. "Uh, thanks." Kinawayan ko siya saka umalis. Tinawagan ko si kuya habang bumababa ako ng hagdanan. Magpapabili na ako kaagad para hindi ko na kailangan pumila. "Hello, bilhan mo nalang ako. Papunta na ako diyan." "Sige, mag-heavy meal ka ba?" Napairap ako kahit hindi niya ako nakikita. Palagi niya nalang sinisira ang meal plan ko. Ang diet na gusto ko, ay hindi natutuloy dahil sa kaniya! Pinapakain niya ako ng kanin at tumataba na ako. Hindi ko na rin naisip na mag-gym dahil hindi ko naman alam kung saan may bukas na gym na malapit sa bahay namin. "Diet ako," sagot ko saka pinatayan na siya ng tawag. "Woi!" Gulat na napatingin sa akin 'yung lalaking may dalang gitara kanina, paakyat sana siya. "Woi ka rin." Sabi ko saka tumakbo na papuntang Main Hall. Nang makarating ako ay nakita ko si kuya na nasa dulo nakaupo at may dalang dalawang plato na may parehas lamang kanin.  See? Kahit anong gawin kong diet, walang nangyayari dahil sinisira niya. "Anong ulam?" Tanong ko pagkaupo ko sa harap niya. "Curry," nakangisi niyang sagot. Napanguso ako sa sagot niya. Ang sarap kaya ng sabaw ng curry! Mapapa-extra rice ako nito. "How was your first day?" Napangiwi ako sa tanong niya. "Don't ask me. I am just thinking how was it, I am tired right away." Hinawi nito ang buhok ko. "Kaya pala ang pangit mo." "Argh, kuya." Hinampas ko siya sa kaniyang braso. "And, to my horror, we have a research paper to do. f**k! I don't want that." Sumubo ako ng kanin. "Dapat nag-STEM o ABM ka nalang." Suhestiyon nito. "I would rather choose writing than numbers. Heck, I will go nuts." Umirap ako sa kawalan. Mabuti nalang at honor student ang kasama ko sa research. Babayaran ko nalang siya at siya na ang gumawa kaso sa mukha ng taong 'yon, hindi 'yon papayag na hindi ako tutulong. Sige, ako na bahala sa title.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD