Chapter 2

3320 Words
"Conduct a research for a draft proposal on a project on political engagement and youth empowerment." Ang pinag-aaralan namin ngayon ay Philippines Politics and Governance which I can't relate. Patapos na ang first sem kaya wala akong alam. Buti na lamang, exempted ako sa ibang subject kapag nag-exam na kami. Kailangan ko lang mag-review sa mga topic na naabutan ko dahil mayroon akong sariling exam lalo na sa mga major subject. 'Yon ang magsisilbing quiz ko. Napayuko ako sa sinabi ng teacher, "Damn, research again." Nakanguso kong sabi. Sana naman, this time, by group na. Hoping for our teacher consideration. Aware naman siguro siya na may research din kaming gagawin kay Sir Wanton. Mababaliw na ako kapag by pair na naman ang mangyayari. Hinawakan na naman ni Saff ang buhok ko! "You have me," ang walanghiya, kinindatan pa ako. Feeling gwapo, amoy sotanghon naman. Sinamaan ko ito ng tingin, "Shut up!" Bulong ko, tama lang para marinig niya. "By group ba, ma'am? May research kami kay sir Wanton na by pair po." May nagtanong sa harapan. "Siyempre, by group, pero huwag niyong iasa lahat sa leader niyo ang gawain. Grupo kayo kaya magtulungan kayo." Ngumiti si ma'm sa buong klase, "Binigay ko ang research na ito, isang buwan bago ang exam kaya inaasahan ko na matatapos kayo sa binigay kong deadline." Sampung estudyante sa bawat grupo. Basta sa matalino ako mapupunta, she or he can teach me how to do it naman. Pero kung wala talaga akong pag-asa sa research na 'yan, ako nalang bahala sa place na paggagawaan nila, ako na rin magpapakain sa kanila. Sagot ko na rin 'yung gagamitin na materials. Pagkatapos ipaliwanag ni ma'am kung paano namin gagawin ang research ay umalis na siya. May sampung minuto kaming libreng oras para maghanda sa susunod naming teacher. "'Yung gagawin natin kay ma'am, parehas nalang din kay sir Wanton. Hirap kaya gumawa ng research." Reklamo nito sa akin. Do I look a f*****g precint to him that he's complaning to me?! Wala rin naman akong pake kung magkaiba o parehas lang ang gagawin naming research dahil wala rin naman akong naintindihan. "Okay." Sagot ko habang naglalagay ng eyebrow tint. I am so beautiful. "Bakit ang tahimik mo? Akala ko ba patola ka?" Pang-aasar nito kaya napatigil ako sa paglalakay sa aking kilay. Sinamaan ko ito ng tingin. "Please, shut up." "Kailan natin gagawin 'yung research?" Hindi ba siya mabubuhay nang hindi nagsasalita?! Kailangan talaga may kausap siya? Sinulyapan ko siya saglit bago maglagay ng lip balm sa mga labi ko. "Weekends." Sagot ko sa kaniya habang nakatingin sa salamin. Wala naman akong ginagawa tuwing weekends dahil wala naman akong kaibigan dito. Ang boring! "Ang ikli mo sumagot. Ang lamig, ah." Puna nito. "Do I need to answer your question in a paragraph, ha?!" Singhal ko. He's feeling close. Kailangan ba dapat mag-ingay ako parati? I just realized na walang kwenta kung papatulan ko ang bawat pang-aasar niya. Naiinis lang ako sa kaniya. "Saan tayo gagawa? Sa kwarto ko?" Nanlaki ang mga mata ko saka sinabunutan siya. "You, bastard." "Joke lang." Tawa nito saka umilag. Natigil lang ako sa pagsabunot sa kaniya nang makarinig ako ng sigawan kaya agad akong napabitaw sa ulo ni Saffron. Napahawak siya sa ulo niya dahil napakalas ang pagbitaw ko. Sinadya ko talaga nang mahilo siya! "Saffron, cutting!" Nagsipasok ang tatlong kalalakihan na kasa-kasama kanina ni Saffron. Bakit nandito 'yang mga 'yan? Dito ba ang tagpuan nila sa room namin? Ang iingay! Tumayo si Saffron at lumapit sa kanila. "Gago, Gen Math na nga pala." Napatingin ito sa wall clock. "Nagpaalam ako sa teacher ko na magbabanyo ako pero hindi niya alam patatapusin ko lesson niya bago ako bumalik. Putanginang Basic Calculus 'yan," Reklamo ng lalaking may crush daw sa akin 'kuno' sabi ni Saffron. "STEM pa, tanga." Asar ng lalaking sa kapwa niya STEM student. He's handsome, ha. "Business Math ang sisira ng buhay ko sa ABM." Ani ng lalaking singkit, mas singkit nga lang si Saff. "Labas na habang wala pa teacher mo." Napatingin sa akin si Saffron kaya nagulat ako. "Sama ka?" Baliw ba siya? Puro sila lalaki tapos sasama ako? "What? No!" Umiling ako. "Pakilala mo nga ako, Saff." "Badtrip 'yan sa 'kin tapos ipapakilala pa kita?" "Akala ko ba crush ko 'yan?" Ani ng lalaking sira na ang buhay sa STEM. "Theros, mapagmahal nga pala. Ikaw lang at wala ng iba," Inabot nito ang kamay sa akin. Napatingin ako sa kaniya. "Aurelia, it's not nice to meet you." Hindi ko hinawakan ang kamay niya kaya ibinulsa niya na lang ang kamay niya. "Oww!" "Haru, miss. Hapon ako, ah. Si Wu lang intsik." "I'm not remember asking you." Pagtataray ko tapos napatingin sa lalaking naglahad ng kamay. "Aelius Gabriel," nakangiting pakilala nito. He looks innocent. Mukha siyang inosente pero alam ko basagulero rin 'to. Siya 'yung may hawak na maraming lunch box kanina. He looks smart, too. Mukhang hindi siya nasstress sa STEM. Hope all. "You're handsome. What's your digit?" I asked. Hindi naman siya mukhang minor. He looks matured. Nag-ggym na ata siya dahil habang naka-cross arm siya, mas nadedepina ang kaniyang mga muscle. Malaki rin ang katawan niya. "Ay, in-ignore ang pagmumukha ni Theros," natatawang bulong ni Haru. "Sabi ko na nga ba at ako ang pinakagwapo sa ating apat." Pagmamayabang ng Aelius sa mga kaibigan niya. "Type it," inabot ko ang cellphone ko sa kaniya. Kung interesado man siya makipag-kita sa akin or what then that's good. Tagal ko na rin hindi nagkaka-boyfriend. "Sana all may Iphone 12. 'Yung akin cherry mobile lang, lowbatt pa." Ani Theros sabay pakita ng cellphone niyang lumubo na ang battery. Ang yayaman nila tapos battery lang, walang pambili? Naghihirap na ba 'tong mga 'toh? Kinuha ni Haru ang cellphone ni Theros. "Pabili ka sa nanay mo. Tangina, pre, huwag mo na gamitin 'toh, parang sasabog na. Baka masabugan ka sa mukha, baka hindi ka na namin makilala niyan." "Pipilitin lang ako n'on makakuha ng 90 kaya huwag nalang. Hindi na nga ako umaasang makakuha ng 80 kahit sa biology. Ayoko na mag-engineer." "I'll call you," nakangiting sabi ko kay Aelius. Hinawakan sa braso ni Saffron si Aelius bago pa ito magsalita. "Tara, cutting na, maghaharutan pa ampota." Nakangiti akong kumaway kay Aelius nang tingnan ako nito mula sa bintana. Nawala ang ngiti ko nang takpan ni Saffron ang mata ni Aelius saka binelatan ako. Paepal! Nag-iisip ako ng itetext kay Aelius nang lumapit sa akin 'yung babaeng pinagtanungan ko kanina. "Where's Saffron going? Any time ma'am will come." "Cutting with his gang." Hindi na ako nito kinausap saka bumalik na sa upuan. Nagtataka kong tiningnan habang ang kaniyang tingin ay nasa pintuan. Don't tell me he has a crush on Saffron? But, he has a girl, right? That GAS student. Hindi niya alam? Uwian na! Nang matapos ang Gen Math kanina, hindi na bumalik si Saffron. Naglilinis na ang mga cleaners at hindi ko alam kung paano ibibigay ang bag niya. I'll give this to guidance office. I'm sure they have lost and found here even though his bag is not lost. To: Gab Hello, bakit hindi na kayo bumalik? Saffron's bag is still here. I don't know where he is. Gab: We're on our way back. Napatingin ako sa pinto nang may kumalabog. Pawis na pawis si Saffron. Napalayo ako sa kaniya nang lumapit siya sa akin, baka mabaho siya. "Oh, where have you been? Where's Gab?" tanong ko. Kumunot ang noo nito, "Akala ko ba ako ang hinahanap mo?" "I ask him where you at so I'm going to ask you where he is." "Ahh," napatango ito saka binitbit na ang bag. "Umuwi na siya." Napatango-tango ako saka nauna nang lumabas. Pababa nang hagdan ay sinasabayan ako ni Saffron, hindi ko nalang siya pinansin dahil baka nagmamadali siyang umuwi. Napatigil siya sa paglalakad at bumaling sa akin. "Si Aelius.." "What is it?" nabibitin kong tanong. Tumingin ito sa aking mga mata. "Huwag si Aelius." "Why? Is there a problem with Aelius?" Kunot noo kong tanong. Aelius looks nice but I believe in a saying, don't judge a book by it's cover. Magkakilala sila ni Aelius kaya paniguradong alam niya ano ang ugali meron ang kaibigan niya. And he shouldn't care if I like his friend. Walang red flag sa akin, colorblind ako. "Basta 'wag siya." Tinapik ako nito sa balikat. "Ingat," saka ito tumakbo. Nagtataka ko siyang tiningnan. Ano naman kaya ang nakain n'on para maging concern sa akin? Naglakad na ako papunta ng parking lot. Naabutan ko si kuya na naka-cross arm at masama ang tingin sa akin. "How was your first day?" tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pinto. Ngumuso ako, "tiring." "You already have friends?" Tinaasan ako nito ng kilay. "Nag-aalala lang ako na baka mag-isa ka lang." "I don't want." Na-trauma na siguro ako dati kaya natatakot ako makipag-kaibigan ngayon. But, I will try to find new ones. Hindi na rin ako mag-eexpect. "You'll be lonely," malungkot nitong sabi. He's just concern to me. School, where you can find a friends and an acquaintance. Siguro, tinamad na ako sa ganoong cycle, 'yung magpapakilala, magiging close sa isa't-isa, tapos aalis lang. Normal lang naman sa buhay 'yon ng tao but I want to cut ties with them. 'Yung memories na binuo namin magkakaibigan, mawawala nalang bigla dahil sa unknown reason. "It's okay. I want to be alone." Nang makauwi ay agad ako pumasok sa kwarto ko. Nagluluto palang ang mga kasambahay namin ng hapunan. Kapag nakauwi na ang mga magulang ko galing ng ospital, kakain na kami. To: Gab What's your IG username? Gab: @aeyow To: Gab Follow me back, ha I follow him and waiting for his follow back. Nag-scroll ako sa mga photos niya at puro pagkain 'yon. I think he has a thing for food. Well, I think we'll click, I love eating! Nakadapa ako sa kama ko at nag-iisip ng ichachat sa kaniya. Nag-text na ako sa kaniya kaya wala na ako maisip na sasabihin. @aussienotanaussie you love cooking? @aeyow baking, too OMG! Gusto ko matikman ang mga luto niya. I bet it's definitely good. @aussienotanaussie can i have a taste? @aeyow next time if i'm not busy, i am doing my assignments rn @aussienotanaussie Oh, sorry. I'll talk to you tomorrow. Nakanguso ako saka nagbukas nalang ng twitter. I have two twitter accounts, 'yung isa ay pang-bardagulan ko. Nakikipag-away ako sa twitter. 'Yung isa, personal account, pang-chismis lang. Tea time. @zangwu followed you Kumunot ang aking noo nang may lumabas na notification ko. May nag-follow sa akin sa IG. It's Saffron, obviously. May Wu, eh. Nagtaka lang ako bakit may Zang. @aussienotanaussie How did you find me?! zangwu : sa following list ni aelius duh aussienotanaussie : Are you stalking me? zangwu : Hindi mo binigay number mo sa akin. aussienotanaussie : Why would I? You'll probably call me every damn minute to piss me off! Tapos baka tawagan niya ako kapag kausap ko ang mga magulang ko, aakusahan nila akong may boyfriend! zangwu : wala nga akong load zangwu : Nakakatamad naman magtype baka gusto mo makipag-call para mapag-usapan natin research natin Napatingin ako sa pinto ko nang may kumatok. "Aussie, kakain na, hija." Boses ni Manang! "Okay po." aussienotanaussie : tomorrow nalang Kinabukasan, agad akong tumabi kay Snow pagkapasok ko ng room. I want to talk to her about group research. Hindi ko pa siya nakikitang nag-iingay. Nakikipag-usap siya pero saglit lang o kung may nagtatanong sa kaniya, do'n lang siya nakikipag-usap. 'Yung group research kay Ma'am Bonavie ay ginagawang by pair ni Saffron. May mga gustong sumali sa amin pero ayaw niya! Baliw talaga siya. Imbes na mapadali 'yon dahil maraming tutulong pero ayaw niya. Wala rin siyang magagawa kung isasali ko si Snow. She looks responsible naman. Umupo ako sa tabi niya, wala pa 'yung lalaking katabi niya kaya bakante pa. "Good afternoon, Snow," nakangiti akong bumati sa kaniya. Ibinaba niya ang binabasang notebook. "Ah, good afternoon din." Napahawak ako sa aking pisngi. "Ahm, do you already have a group for group research?" "Wala pa, bakit?" "Would you like to join in my group together with Saffron?" Alinlangan kong tanong. I have this impression to her na hindi mabago-bago. Just like her name, she looks cold. Nakaka-intimidate pero approachable naman siya kaya hindi ako kinakabahan sa tuwing kinakausap ko siya. "Hindi ba ako makakaistorbo sa inyo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ha? No!" May sasabihin pa sana ako nang may biglang humila sa akin. "Hey! Don't drag me, jerk!" Si Saffron ang humila sa akin dahil siya lang naman ang may lakas na loob na asarin ako. Ang kapal ng mukha! Sa bag pa talaga ako hinila, baka masira. Ang mahal pa naman nito pero hindi ako manghihinayang na sirain 'to basta ipanghahampas ko sa pagmumukha niya. Tinaasan ako nito ng kilay. "Bakit ka ba nand'on? Dito ka nakaupo diba?" "I'm just asking Snow about group research. She wants to join." Sagot ko. Nilagay ko ang bag ko sa kabilang upuan bago umupo sa upuan ko. Ngumisi ito sa akin. "Tayong dalawa nalang." Ngumiwi ako. "Ayoko ma-stress, ayokong mabaliw, at ayokong ma-badtrip. Nakakasawa na 'yang pagmumukha mo." Hindi talaga ako makapaniwala na top student 'tong taong 'to. Hindi niya talaga kakailanganin na maghanap pa ng ibang members na tutulong sa amin? "Sige, tayong tatlo nalang ni Snow." Desisyon niya. Napatingin ako sa kaniya. "Do you know her?" Close ba sila ni Snow? Hindi ko naman sila nakikitang nag-uusap. Sabagay, magkaklase naman kami. Kahit ako naman na dalawang araw palang dito, Snow agad ang tawag ko. Siya pa kayang simula pa June nakakasama si Snow. "What's your number? I-tetext nalang kita." Pag-iiba niya. "Wala kang load diba?" Tanong ko sa kaniya. "Magpapaload ako," sagot niya. Hindi na kami nag-usap pa nang pumasok na ang PE teacher namin. Magkakaroon kami ng outdoor activity, agad akong na-excite. "Tanginang 'yan. May babakat na naman sa akin, ampota." Reklamo ng katabi ko. "Bibigyan ko kayo ng ten minutes para maghanda. Dumiretso kayo sa gymnasium." Ani sir. Nagtaas ako ng kamay. "I still don't have a PE uniform, sir." Lumapit sa akin si Snow at may inabot na paper bag, katulad ng hawak niya. "Here, you can use my spare." "Ah, thank you, Snow." Sabay kaming dalawa nagbihis sa comforf room. Medyo masikip sa akin ang pajama dahil sa malaki kong balakang pero keri lang. Mabuti na lamang, mayroon din siyang ekstrang rubber shoes. Ikakahiya ko talaga ang sarili ko kapag nagsuot ako ng PE uniform tapos naka-black shoes. "Mukha akong suman," sabi ko at tiningnan ang sarili sa salamin. Sabay kaming lumabas ng comfort room at nagpunta ng gymnasium. Malawak ang gymnasium namin. May iba ring section na naglalaro rito, may mga naghahabulan. "Attention, everyone. For our last activity, we'll do volleyball. Anyone who knows how to play it?" Tanong nito sa amin at walang nagtaas ng kamay kaya napakamot siya sa kaniyang batok. "We'll divide into two teams." Dagdag nito. Tinapik ni Saffron ang balikat ko. "Swerte mo kapag ako ang kakampi mo." Kinindatan ako nito. "Isa kang malas na nagkatawang tao. Paano ako magiging swerte?" Pagtataray ko. "A to M, team A. The rest, team B." "Zhassè ang apelyido mo diba?" Tanong sa akin ni Saffron. Inirapan ko siya. "It's Chassè, idiot." Iniwan ko siya saka lumapit kay Snow. "I'm glad you're my teammate." Ngumuso ito. "I don't know a thing about volleyball." Napahawak ako sa aking mukha. "The ball might hit us in the face." Most of our opponents are men. Malakas sila kaya baka magsiilag lang kami buong laro sa takot na matamaan sa mukha. Tinuruan muna kami ni sir ng tamang gagawin sa paglalaro. Nag-practice muna kami ng pag-bum, set, at spike ng bola. Puro lamang kami tawa dahil may mga natatamaan sa ulo. "Let's start." Six players muna ang maglalaro sa team namin. Ako, si Snow, isa pang babae, at tatlong lalaki muna sa first set ng laro. Naeexcite na natatakot ang nararamdaman ko. Medyo kinakabahan dahil first time ko lang maranasan ang maglaro ng volleyball, baka magkamali ako. Lumapit sa akin si Snow at mahina akong tinulak papunta sa gilid ng net. "Go there," "Go Aussie!" Ngiwi kong binalingan si Saffron na nasa gilid ko lang pala nakaupo. Hindi siya kasali sa unang set ng laro kaya nasa gilid-gilid lang ang siya, kasama 'yung iba, nanonood. Napatalon ako sa tuwa at yinakap si Snow nang kami ang unang maka-score."Yes!" Natawa siya sa reaksyon ko. "Galing!" In a second without realizing what I stepped on, I tripped. Nanlaki ang mga mata ko nang may madapa ako. "Fuck.. it hurts." "Aussie!" Sigaw ni Saffron at agad lumapit sa akin. Nagsilapit din ang iba naming kaklase at pinalibutan ako. Napaangat ako ng tingin para samaan ng tingin ang lalaking kasalukuyan na tumutulong sa akin sa pagtayo. "Damn you, Saffron!" Napahawak ako sa aking ilong. "My nose!" Hindi ako retokada! Nag-aalala lang ako sa ilong ko na baka masira. Ang lakas pa naman ng pagkakabagsak ko sa sahig. Mukha ko pa unang bumagsak. May baliw na lalaking nagpagulong ng bola papalapit sa akin. I didn't see it! Abala ako sa pakikipag-usap tapos pagkahakbang ko, natapakan ko. Hindi ko nabalanse ang sarili ko kaya natapilok ako at bumagsak. Nakakahiya! May ibang mga naglalaro pa rito sa gymnasium at natigil lang sila dahil sa nangyari sa akin. "Aussie," umupo sa tabi ko si Snow at hinawakan ang ilong ko. Pinakita niya ang daliri niya sa akin at para akong nanghina. Nagdudugo ang ilong ko. "Bring her to the clinic." Nagpapanic na sabi ni sir. Sa sinabi 'yon ni sir, binuhat ako ni Saffron. Tinampal ko ang kaniyang kamay nang lumapat ito sa aking braso. "Ouch! Don't touch me." Pinilit kong kumawala sa kaniya. May pasa na ata ako. Gladly, he laid me down in the floor again. Hawak-hawak ko ang ilong kong dumudugo. I could not breathe properly for fear that I might inhale blood. "Ako nalang magdadala sa kaniya sa clinic, sir." may nag-volunteer na lalaki sabay lapit sa akin. "Saffron, bring me to the clinic!" Kinakabahang sabi ko at nag-angat pa ng kamay kay Saffron na parang batang nagpapakarga. "Bilis!" Agad naman niya ako binuhat. Naglakad kami palabas ng gymnasium at nagpunta sa clinic. Ipinaupo niya ako sa kama at nagtawag ng school nurse. Lumapit ang nurse na may dalang first aid kit. "Ano ang nangyare?" Umupo ito sa tabi ko at naghanda ng bulak at tweezers. "Nadapa," sagot ni Saffron. Hinampas ko siya. "Sinadya mo!" Singhal ko. "Gamutin muna natin 'yan. Wala pa si doc." Ani ng nurse habang pinupunasan ang dugo sa ilong ko. Nakatayo lang si Saffron sa gilid habang ginagamot ang ilong ko. Gusto ko siyang sapakin dahil nagpipigil siya ng tawa habang nilalagyan ng bulak ang butas ng ilong ko. Mukha siguro akong patay sa paningin niya kaya kung makatawa siya ay wagas. Tawa-tawa siya d'yan? Kasalanan niya kung bakit ako nagkaganito. Chinese siya pero hindi niya alam na isa siyang malas! Nagpaalam siya sa akin para bumalik na sa room. Natigil lang sandali ang activity namin dahil sa akin kaya kailangan niyang bumalik ulit sa gymnasium para maglaro. Hindi ko siya pinansin dahil nababadtrip ako sa kaniya. Pinakuha ko nalang ang cellphone ko sa kaniya para i-text si kuya. To ugly: i am at the clinic ugly: anu gngwa m jn? Pakiramdam ko sumakit bigla ang ulo ko sa reply niya. Hindi ko siya maintindihan! Pumikit na lamang ako. Ahh! Exempted ako dahil sa injury na natamo ko. Kailangan may nagbabantay sa akin na nurse habang hinihintay ang school doctor dahil nasa trabaho pa ito. Nagising ako sa malakas na tunog ng bell. Break time na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Napabangon ako at tiningnan ang Messages. Unknown: I'll bring you food Sakto pagkabasa ko no'n ay may biglang pumasok. Si Saffron, may dalang mga tupperware. Napahawak ako sa aking ulo at humiga. Ano naman ang ginagawa niya rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD