Chapter 3

2971 Words
"Aussie, dinalhan kita ng pagkain." Lumapit ito sa akin at nilapag ang mga tupperware sa tabi ko. Bakit pa siya nag-abala pumunta dito? Nakokonsensya ba siya? "What are you doing here? Make fun of me?" Pagtataray ko. "Leave me alone," pagtataboy ko sa kaniya. Napakamot ito sa sariling batok at lumapit sa tabi ko para umupo. "H-hindi ko sinasadya 'yung nangyari kanina. Akala ko aware ka." Tumawa ito ng alanganin. Umupo ito sa kabilang dulo ng kama. Sinamaan ko siya ng tingin. "This is all your fault—" ngumuso ako. "—but seeing you like this, being sincere to me, that you're sorry for what you did. I'll forgive you." Nginitian ko siya. Magsasalita pa sana siya nang may biglang pumasok ng clinic. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si kuya ito! Binalingan ko si Saffron na nagtataka sa inaakto ko. Bakit kasi nag-stay pa siya rito? Hindi ko rin alam na pupuntahan ako ni kuya! "Aussie, ito na 'yung pagkain— Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito?" Tinitigan niya si Saffron na hindi alam kung ano ang nangyayari. Idiot, make some damn excuses! Save your life. Umubo ako saka ngumiti sa kaniya. "Uh, he's my classmate, kuya. Saffron, he's my kuya, Ambrose." Ipinakilala ko sila sa isa't-isa. Bakit ba kinakabahan ako? Wala naman kaming ginagawang masama ni Saffron para kabahan ako ng ganito. Binalingan niya si Saffron na hindi makapagsalita. "Ano ang ginagawa niyan dito?" Tanong niya na para bang hindi naririnig ni Saffron ang pinagsasabi niya. Hindi ko pwede sabihin kay kuya na si Saffron ang gumawa sa akin nito. Oo, deserve niya masapak ni kuya sa ginawa niya sa akin pero hindi naman niya ata sinasadya 'yon. Just like what he said. Aussie, is that you? "Visiting me, hehe." Sagot ko habang simpleng nilalayo ang braso ni Saffron. Bakit ba hawak siya ng hawak sa laylayan ng damit ko? Natatakot ba siya kay kuya? Itinaas niya ang tupperware na dala ni Saffron. "Kaninong pagkain 'to?" "Binilhan niya ako ng—" napatigil ako sa pagsasalita nang lakihan ako ng mata ni Saffron. Nanlalaki ang mga mata nitong siniko ako. "Aussie.," bulong nito habang umiiling. "Kung manliligaw mo 'to, Aussie, basag mukha nito sa akin." Pagpaparinig niya at nakita ko na napalunok si Saffron. I want to tease him but this isn't a right time! "Kuya, he's just being kind to me." Singhal ko sa kaniya. Hindi niya ba ang maintindihan ang sinasabi ko? Akala ko ba gusto niya na magkaroon ako ng kaibigan? Ayan na. I have someone who will look after me. "Lalaki? Kind sa'yo? Bakla ba 'yan?" Tiningnan niya si Saffron mula ulo hanggang paa. "You're concern to me so he is!" Paliwanag ko, Pinanlakihan ako nito ng mga mata. "Eh, kapatid mo ako kaya nag-aalala ako sa 'yo! Kaano-ano mo ba 'yang singkit na 'yan? Boyfriend mo ba 'yan?" Dinuro niya si Saffron. Oo nga naman. Bakit lalaki? Kahit paniwalaan ako ni kuya, paano 'yung ibang tao? Ano ang iisipin nila? Kung may bibisita naman sa akin, dapat babae. "Ha?" Gulat na sabi ni Saffron at bigla na lamang tumayo. "Mamsh, hindi ka nagse-say may kuya ka palang namumutok ang maskels." Malandi siyang lumapit kay kuya at hinaplos ang braso nito. Nagulat ako sa paraan ng paglalakad nito. Kinekembot niya ang kaniyang pwetan at kasalukuyang nilalandi si kuya! Napahawak ako sa aking bibig, nagugulat sa ginagawa niya. "What the f**k?" Mura ko. Ano 'yang ginagawa niya? Mas lalo akong natatakot para sa kaniya. Baka bigla nalang sapakin ni kuya. "Kadiri, ampota. Bitawan mo nga ako," nandidiring sabi ni kuya habang inaalis ang kamay ni Saffron na nakakapit sa braso niya. Lumapit sa akin si Saffron. "Alis na ako, sis." Idinikit niya ang pisngi niya sa akin, nakikipag-beso. "Take care of her, baby." Kinindatan niya si kuya. "Oh my God, Saffron." Nagugulat kong bulong. "Manahimik ka nalang." Bulong niya rin sa akin bago maglakad papalapit sa pintuan. "See you soon, baby." Nag-flying kiss pa siya kay kuya. Hinatid ko ng tingin si Saffron. Napayuko ako at huminga ng malalim. Gusto kong humalakhak pero baka magtaka si kuya. Jusko! Grabe ang effort ni Saffron, 'wag lang masuntok. "Akala ko ba wala kang kaibigan?" Tanong niya habang abala sa pag-aayos ng pagkain. Ang dinalang tupperware ni Saffron ay ginamit namin na plato. May dalang Sweet and Sour Chicken, fried rice, wonton soup, at egg roll si Saffron. Puro chinese food. "What?" Nagtataka kong tanong. "No, I mean, he's not my frien9d." Kumagat ako sa manok. "Be friend with him." Tinaasan ko siya ng kilay. "He's still a guy." Umiling ako. The chaos. Damn! Ang gulo naming dalawa ni Saffron kapag naging magkaibigan kami. Walang oras na hindi kami magbabangayan, mag-aasaran, at magkakapikunan. Bukod do'n, ang ingay niyang lalaki. "I can trust him. Kapag wala ako sa tabi, may mapagkakatiwalaan akong tao na poprotekta sa'yo." Hindi ko kailangan ng poprotekta sa akin dahil kaya ko ang sarili ko. "He's a jerk." Nakanguso kong bulong. That bastard. Hindi ko pa rin makalimutan ang pang-aattitude niya sa akin noong first day ko. Sumunod pa 'yon nang tumabi ako sa kaniya. Akala ko kasi mababawian ko siya. Nagsisisi na tuloy ako. Ang lakas niya mang-asar! At wala akong choice kundi ang umupo sa tabi niya. Ayoko tumabi sa iba naming kaklase. "What did you say? Hindi kita narinig." Nginitian ko siya. "Let's eat." Pagkatapos namin kumain ay agad umalis si kuya, syempre, naglinis muna siya ng kalat namin. Maya-maya pa ay dumating na ang school doctor, ayos lang naman daw ang ilong ko. Wala naman nabaling buto or what. In-advise niya na magpahinga muna ako sa bahay. Huwag muna pumasok ngayon dahil baka biglang sumakit ang ulo ko at dumugo na naman ang ilong ko. Sinamahan ako ng isang lalaking nurse papunta sa building. Tinext ko na rin ang family driver namin na uuwi ako ngayon. "Third floor," sabi ko nang makarating na ako sa building namin. Sa labas lang ng room ako naghintay. Pumasok ang nurse sa loob para kausapin ang teacher. Nagulat ako nang lumabas si Saffron at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko para tingnan ang ilong ko. "Ayos ka na ba?" "I'll go home. Get my bag, Saffron." Utos ko na agad naman niyang sinunod. Ayan! Tama 'yan, sundin mo mga inuutos ko. Baklang ulikba. Kasalanan mo 'to! Mukhang magpapa-rhinoplasty ako kapag nasira ang ilong ko. Napatingin siya sa nurse na kausap pa rin ngayon ang teacher namin. "Uuwi ka? Bakit?" Inabot niya sa akin ang bag ko. Nginitian ko siya. "The doctor likes me." Nagtaas siya ng dalawang kilay, hindi naniniwala. "Weh? Babae ang school doctor." Lumapit na sa akin ang nurse. "Tara na, miss." Napatingin siya kay Saffron na nakaharang sa dinadaanan. "May driver ka ba?" Tanong niya sa akin. "Ako na maghahatid sa kaniya." Sumingit si Saffron. Tinapik-tapik ko ang braso ni Saffron. "I have a driver. Don't feel too guilty." Sinamahan ako ng nurse sa parking lot. Pinapaalahanan nito sa akin ang mga dapat at hindi ko dapat gawin. "'Yung ilong niyo po, huwag niyo masyadong—" Itinaas ko ang aking kamay sa harap niya para pigilan siya sa pagsasalita. "Yeah, thank you." Pumasok na ako sa loob ng kotse. Sinabihan na ako ng doctor kung ano ang gagawin ko. Gusto ko ng umuwi kaya hindi ko na kailangan pang marinig ulit. Tahimik lang ako sa sasakyan. Patingin-tingin si manong sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Akala niya siguro napaaway ako. Nakaabang na si mommy sa akin sa gate ng bahay. Agad siyang lumapit sa akin pagkababa ko ng sasakyan. Kinuha niya sa akin ang bag ko at inalalayan ako kahit kaya ko naman maglakad mag-isa. "Baby, what happened? Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito habang tinitingnan ang kabuuan ko. Tiningnan niya kung may mga pasa o sugat ako. Napairap ako. "Mom, I just tripped." Nanlalaki ang mga mata nitong napaturo sa aking ilong. "Your nose!" "Nagamot naman po 'to sa school." Tumingin ito sa likuran ko at tila may hinahanap. "Your kuya?" "Nasa school pa po. Alam niya po kung ano ang nangyari sa akin." Pumasok na kami sa loob ng bahay. Agad itong kumuha ng cold compress saka inabot sa akin. Nilapat ko ng dahan-dahan ang cold compress sa ilong ko. "Is it hurts?" Nilapag ko ang cold compress saka tumayo. "No, mommy. I'll just rest." Hinaplos nito ang aking buhok. "Sige, I'll make some meryenda." Umakyat na ako sa taas. Kumunot ang aking noo nang tumunog ang aking cellphone. Tumatawag sa i********: si Saffron. Ano ba naman 'tong taong 'to? Parang mamamatay kapag wala ako. Wala na ba siyang maasar? "Are you now okay?" 'Yon agad ang ibinungad ni Saffron sa akin pagka-open niya ng camera habang ako naman ay noo lang ang ipinapakita. Madilim sa kwarto ko dahil nakasarado ang bintana ko at nakapatay ang ilaw. "Why did you call? You still have a class." Napatingin ako sa aking wrist watch. Alas-kwatro palang at may klase pa kami ngayon. Ang lakas talaga ng loob nito mang-tarantado ng teacher. "General Mathematics. Nag-cutting ako." Natatawang sagot niya. "Why would I expect you to answer me sensibly?" Disapointed kong sabi. "Where are you?" Tanong ko nang makarinig ako ng sigawan. "Nasa gymnasium kami. Nagbabasketball." "Who are you with?" Takang tanong ko. He's probably with his cutting-mate. Aelius, Theros, and Haru. The cutting squad. "Mga kaibigan ko." Bulong niya saka ngumiti sa akin. "I called you to discuss the research." Napahawak ako sa aking ulo. Ayoko muna pag-usapan 'yang research na 'yan dahil baka mas lumala ang pagdurugo ng ilong ko. "We'll meet tomorrow. Just text me where. I'm tired, Saff." "Okay, take care." Kumaway siya sa akin bago ko p*****n ng tawag. Nagising ako dahil may humahaplos sa aking mukha. Idinilat ko ang aking mata at nakita si mommy na nakangiti sa akin. Bumangon ako saka ngumuso sa kaniya. Pumikit ako. "I want to sleep more." Nakanguso kong sabi. "May naghahanap sa'yo sa baba." Bigla akong napadilat. "What? Who?" May naghahanap sa akin? Dis-oras ng gabi? Gaano ba kaimportante ang kailangan sa akin no'n at nambulabog pa ng ganitong oras? Bored ba siya? "Lalaki 'yung bisita mo, 'nak. Magbihis ka kaya muna." "Anong pangalan, mommy?" "Saffron," nakangiting sagot nito. "What?" Gulat kong tanong. "Sinabihan ko siya na bukas nalang dahil magpapahinga ako ngayon." Napairap ako bago bumalik sa pagkakahiga. "Look," tumayo si mommy para hawiin ang kurtina. Tumayo ako bigla. "Umaga na? What the f**k!" Nagmamadali akong kumuha ng susuotin ko sa cabinet. "Your mouth, Aurelia!" Suway ni mommy. "Sorry, mom. Can you please talk to him? I'll just get ready." Pakiusap ko bago pumasok sa banyo. Bakit ba ang aga niya? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Wala ba siyang ibang ginagawa at naisipan mambulabog dito, umagang-umaga. Bwisit! "Sure, take your time." I just wear a plain black off-shoulder slim dress. I just look good every time I wear something black. Karamihan sa mga damit ko ay black. Naaasar talaga ako sa tuwing naaalala ko ang pang-aasar ni kuya sa akin tungkol sa pagkahilig sa kulay na black. Anak daw ako ng mangkukulam. Napatigil ako sa sala nang makarinig ng ingay sa kusina. Bakit may naririnig akong boses ng isang demonyo na nagngangalang Saffron?! Pumunta ako sa kusina at naabutan ko ang masayang nag-uusap na si daddy at Saffron! Ang baliw na lalaki ay nakaupo sa upuan ko. Ang kapal pa ng mukha makikain dito sa pamamahay namin. "Oh, good morning, Aussie." Bati sa akin ni daddy. Lumapit ako kay Saffron. "How did you find out where I live?" Gigil kong bulong. Hindi naman siya siguro nanghula kung nasaan ang tinitirhan ko. Wala rin akong maalala na sinabi ko sa kaniya ang address ng bahay namin. Kaunti nalang, maniniwala na ako na ipinadala si Saffron ng demonyo para tarantaduhin ang buhay ko. "Hindi mo ba ako babatiin ng good morning?" Ngumisi ito sa akin. Gusto ko siyang batukan, saktan, at kalmutin pero nasa harapan namin ang mga magulang ko. Lucky him! Sa isip ko nalang siya nagagawang saktan. "Don't you have food in your house and you eat breakfast here!" I hissed. Doon sumingit si mommy. "I invited him to eat, Aussie." Iminuwestra ni daddy ang katabing upuan ni Saffron. "Sit beside him and eat." Pagkaupo ko, pasimple akong dumikit sa kaniya pero lumayo siya. "I will forbid you to come here." Bulong ko para hindi marinig nina daddy. Napairap si mommy. "Aussie, let him eat." "Let me eat daw," natatawang bulong nito sa akin, nang-aasar. Wala akong nagawa kundi kumain ng almusal na may kasamang sama ng loob. Hindi ko mapigilan na pagmumurahin siya sa isip ko habang tinitingnan siyang nakikipag-usap kina daddy. Paano niya kaya nagayuma ang parents ko? Ayaw kaya nila na may lalaki na umaaligid sa akin! Itong singkit na 'to, exempted? May favoritism?! "Hijo, bakit ka nga pala napadpad dito? Nililigawan mo ba ang unica hija ko?" Nakangiting tanong ni daddy. Nanlaki ang mga mata ko. "Dad! He's just my classmate." Ako na ang sumagot kahit pakiramdam ko ay masusuka ako sa mga pinagsasabi ng tatay ko. Paano niya naisip 'yang bagay na 'yan? Ang ganda ng anak niya tapos pagkakamalan lang akong nililigawan ng dugyot na 'to? Nahihiyang napakamot sa ulo si Saffron. "Ah, opo. Kaklase po ako ni Aussie. May gagawin po kaming research." Doon kumunot ang noo ni daddy saka binalingan ako. "Bakit hindi niyo nalang gawin dito?" Ewan ko ba d'yan! Dapat nga dito nalang sa bahay para may karapatan akong palayasin siya sa oras na nainis ako sa kaniya. Napatingin sa akin si Saffron, nanghihingi ng tulong pero inirapan ko lang siya. "May kasama pa po kami. Magkikita-kita po kami sa isang cafè." "Oh, ilan kayo?" Hinawakan na ni Saffron ang pulso ko, nangangailangan na ng tulong. "S-sampu." Pagsisinungaling ni Saffron. Kahit tatlo lang naman kami. Huminga ng malalim si daddy bago ngumiti kay Saffron. "Maybe I can count on you to keep an eye on my Aussie." Binalingan ako ni Saffron. "Opo, babantayan ko po si Aussie, sir." Nang matapos kami kumain ay sinamahan kami ni mommy sa labas ng bahay. Pinakikiusapan ni mommy si Saffron na bantayan ako at huwag hayaan na walang ginagawa. Nang bumalik na ulit sa bahay si mommy ay agad kong hinampas ang braso ni Saffron. "Why did you even come to our house? You should have just texted me." Pumasok ako sa isang Chevrolet Corvette na hindi ko sigurado kung magkano pero mahal 'tong sasakyan na 'to. Two-seater ang sasakyan. Diba tatlo kami? Saan sasakay si Snow? Sa gulong? "Hindi ka nagrereply. Nakailang missed calls ako sa 'yo." Hinampas ko ang dashboard ng sasakyan niya dahil natutuwa ako sa sasakyan niya. "How did you find our house?" Tanong ko nang hindi siya tinitingnan. Abala ako sa pagkalikot sa sasakyan niya. I didn't know he has this kind of car. Hindi ko rin siya nakikita sa school na nakasakay dito o may nakikita akong sasakyan na katulad nito nakaparke sa school. Siguro, dinala niya lang 'to para magpa-impress sa mga magulang ko. "Sa kuya mo. Ayaw pang sabihin kung hindi ko pa hinarot." Ngumiwi ito. Nagsimula na siyang magmaneho ng sasakyan. Palabas na kami ng subdivision at kalsada agad ang bumungad sa amin. Napangiwi ako nang makitang kasing bagal ng pagong ang andar ng mga sasakyan. Traffic na naman. "Bagay sa 'yo maging bakla!" Natatawa kong sabi. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kahapon. Bagay nga talaga sa kaniya ang maging bakla. 'Yung pagkembot niya habang naglalakad, 'yung mukha niyang mas malandi pa sa akin. Mas maarte pa siya sa akin. Hinarot pa niya si kuya. "Mandiri ka nga." "Why? You pretended to be gay yesterday. My stomach ached from holding back the laughter." Bigla akong napahawak sa tiyan ko. "Buti hindi ka natae sa shorts mo." Inirapan ko siya at hindi na lamang sinagot. Nag-cellphone lang ako habang abala siya sa pagddrive. Napatingin ako sa cellphone niya na nakapatong sa dashboard nang bigla itong tumunog. Wow! May katawagan pala 'tong intsik na 'to. Sana all. "Sagutin mo nga," bumaling siya sa akin saglit. Kinuha ko ang cellphone niya at tiningnan ang screen. "Sino ba 'to?" Binasa ko ang pangalan ng tumatawag, Marquez. "Oh, Snow." Bungad ko at ni-loud speaker. "Ah, A-aussie?" Napahawak ako sa aking noo nang maalala na nakalimutan ko pala sabihan si Snow. "I didn't tell you that we will do the research paper now." Nakakahiya naman kung pagmamadaliin ko siya dahil hindi ko nasabi. Hihintayin nalang namin siya ni Saffron. Kasalanan talaga 'to ni Saffron, eh. "Nagsabi naman sa akin si Saffron n-na magkikita tayo." "Oh, really?" Binalingan ko si Saffron at tumango lamang ito sa akin. "We'll be there soon. Wait for us." Dagdag ko pa nang dumaan na kami sa BGC. "Sure, ingat kayo." Paalam niya saka pinatay ang tawag. "Lend me your cellphone, ha." Paalam ko sa kaniya. "Ano ang gagawin mo?" Inagaw niya sa akin ang phone niya pero hindi siya nagtagumpay. "Do not worry. I will not look at your gallery and messages. I'll just take selfies." Kung 'yon ang kinatatakot niya. Hinanap ko ang Camera icon pero napairap nang kailanganin pa ng password. Lahat siguro ng app niya may password. Ang lala naman ng trust issue ng taong 'to. I will not judge him kung mayroong p**n ang cellphone niya or what. Normal lang 'yon sa tulad niya na walang girlfriend. Kawawa naman kung pati ang panonood ng ganoon ay huhusgahan ko pa. Inagaw niya ulit ang cellphone niya kaya binigay ko nalang. "Wala ka bang cellphone? Nakiki-selfie ka." Inilagay niya ang phone sa bulsa niya. Inirapan ko siya. "Selfish." Nag-cross arm ako at tumingin sa labas. Maganda kasi ang lens ng cellphone niya. Magpapalit ako ng Display Photo sa IG. Sayang ang suot kong damit kung hindi ko rin naman mapipicture-an. Ang sexy ko kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD