"Puntahan mo na si Snow."
Lumabas na ako sa sasakyan niya nang makarating kami sa harapan ng isang building. Nakita ko si Snow na palinga-linga, may hinahanap.
Pumasok na ako sa Starbucks. I want some Frappe. Mabuti na lamang at sa Starbucks kami magkikita. Lilingon sana ako para utusan si Saffron kaso abala siya sa pagpaparke ng sasakyan niya sa gilid. Mamaya ko nalang siya uutusan kapag nandito na siya.
"Snow!" Nakipag-beso ako kay Snow nang salubungin niya kami sa pintuan ng Starbucks. "I'm just going to say that we will meet."
"Uh, m-mutual friend kami." She answered, pertaining to Saffron.
Napatango-tango ako. "That's why." Nagulat ako nang umupo si Saffron. "Do we have anyone else with us?" Tatambay pa ba kami rito? Kakain ng almusal? "Why don't you answer me?"
Ang alam ko, tatlo lang kami kaya bakit umupo si Saffron? May hihintayin pa ba kami? Bakit hindi sila nagsasabi sa akin? Oh my gosh!
"K-kasama ko si Aelius." Sumagot si Snow. "Nasa CR pa siya kaya hinihintay natin."
Kumunot ang aking noo. "W-what? What is he going to do?"
Hindi rin namin siya ka-group sa research paper namin kaya bakit siya nandito? STEM student siya at HUMSS students kami.
Or he really meant to come here because he knew along I was going too.
Nakakakilig naman!
Umupo na lamang ako sa tabi ni Snow at inutusan si Saffron na mag-order ng Frappe. Hindi naman siya nagreklamo. Susumbatan ko siya kapag hindi siya pumayag na utusan ko siya.
Napatingin ako kay Aelius nang lumabas siya mula sa male comfort room. "Oh, Aussie, good morning." Bati niya.
Agad akong tumayo saka kumapit sa braso niya. "Good morning, Aelius." Bati ko. "I didn't know you're friend with Snow." Nakanguso kong sabi.
Natatawa siyang umiling. "She's my little sister."
Napailing ako habang tinitingnan ang mukha niya at ni Snow. "You're not look alike."
Edi sana ginawa kong tulay si Snow sa road-to-relationship namin ni Aelius. Willing naman siguro si Snow na tulungan ako at sino bang aayaw na maging hipag ako? Ha! Bukod sa napakaganda ko, ang swerte niya dahil palagi niya akong nakikita.
Sumingit si Saffron na may dalang Frappe. "Alis na tayo. Convoy."
Kinuha ko ang Frappe ko mula sa kamay niya. "I will go with Aelius." Kumapit ako ulit sa braso ni Aelius.
Like, duh? We're now in getting to know each other stage. Baka umepal pa si Saffron at sirain ang araw ko. Si Aelius na nga lang ang nagpapaganda ng mood ko.
Napasulyap si Snow kay Aelius bago tumango sa akin. "Ah, sige. Kay Saffron na lang ako sasabay." Sabi niya saka naunang maglakad.
Nakakapit ako sa braso ni Aelius habang naglalakad kami sa labas. Hindi naman siya nagrereklamo at sa tuwing napapatingin siya sa akin ay nginingitian ko siya. Baka mahulog siya sa ganda ng ngiti ko, eh.
Namangha ako sa sasakyan ni Aelius. Isang Fortuner! Ang ganda ng sasakyan niya lalo na't usable ang Fortuner. s*x in the car, hehe.
Don't judge! Lahat naman siguro ay may s****l fantasy.
Tinitigan ko lang siya habang nagbubukas ng radio. Ang bango ng sasakyan niya tapos ang bango pa niya. Sarap lang singhutin ng amoy niya.
Si Saffron? Amoy tikoy.
"I have a question." Basag ko sa katahimikan.
Siya siguro 'yung tipo ng tao na hindi magsasalita hangga't hindi kinakausap, just like his sister. Edi ako na. Ako na ang magfifirst-move kahit nakakahiya. Hindi ko naman siguro ikakamatay ang first move, masisira lang ang dignidad ko.
Kailangan ko ng progress, noh. Baka makinabang din ako sa gagawin ko. Isang iglap ay kami na. Nakakakilig naman kung isipin na magiging kami. We'll be the most wonderful couple in the world.
Sumagot ito kahit nasa kalsada ang tingin. "Hmm?"
"Are you interested with me? Do you like me, perhaps?" I asked bluntly.
Kung hindi niya naman ako gusto, I will make him like me. Lahat na siguro mga hahanapin niya sa babae, nasa akin na. Well, lucky him, someone like me have a crush on him. Maraming lalaki ang may gusto sa akin at lahat ng 'yon ay nireject ko dahil hindi pa ako handa noon.
Ngayon, I'm now ready kung siya lang din naman ang magiging boyfriend ko.
"I don't." Seryosong sagot niya.
Understandable. Kakausap palang namin tapos ako lang ang nagkagusto sa kaniya dahil sa physical appearance niya. I was just attracted and I want to know him more. I like him. Hindi niya ako mapipigilan sa nararamdaman ko, noh. In time, he will like me back then we will live happily ever after. Parang fairytale ang mga ganap.
At siya ang aking prince charming.
Napahawak ako sa aking dibdib. "Wow, so brutal." Sarkastikong sabi ko.
Hindi man lang niya naisip na i-filter 'yon? Tagos hanggang buto.
Ngumisi ito sabay tingin sa akin. "But, I am willing to learn how to like you back."
Napakagat ako sa aking ibabang labi habang tumatango-tango sa kaniya, pinipigilan kong ngumiti. There's a chance. I'mm looking forward to it, then.
Huminga ako ng malalim. "Let's date?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya.
Umiling ito. "May research kayong gagawin."
Gusto kong mapairap. Gosh! Mabuti na lamang at crush ko siya. Medyo slow siya, ha.
"Tomorrow? Are you free?" Nakangiti kong tanong.
Weekend naman bukas at pwede niya ako solohin bukas.
"Sure." Sagot nito.
Pumasok kami sa isang subdivision. Nakakamangha ang mga bahay na nadadaanan namin. Ang ganda ng exterior, paano pa kaya ang interior design?
Malalaki ang mga bahay at nakahilera. Iba-iba ang kulay at itsura. Talagang pinag-gastusan. Napaisip tuloy ako bigla kung magkano ang nagastos nila.
Excited tuloy ako kung ano ang itsura ng bahay nila Saffron. May clue na rin ako sa magiging itsura nito dahil nga Chinese sila. Aasahan ko na puro halaman. Mga bonsai gan'on.
Tumigil kami sa isang malaking bahay. Bumaba ako sa kotse ni Aelius nang makita ko si Saffron na lumapit sa gate nila.
Tinuro ko ang malaking bahay na nasa harapan lang naman namin. "What the? That's Saffron's house?" Gulat kong tanong.
"Ganda diba?" Tanong ni Aelius sa gilid ko.
Tumango ako. "I'm not expecting that their house that would be this big."
Siguro, anak mayaman si Saffron kaya ang laki ng bahay nila. He's chinese. Karamihan sa mga chinese ay interesado sa mga negosyo at baka may negosyo ang pamilya niya. Kung pagkukumpara ang bahay namin sa kanila, mas lamang sa kanila.
'Yung bahay namin ay binili lang namin. Aa
Ngumisi ito sa akin. "Matutuwa ka sa sala nila dahil may puno do'n tapos doon sumasabit si Saffron."
Humawak si Saffron sa gate nila. "Welcome to our small house."
Naunang pumasok si Aelius. "Pa-humble ampota." Natatawang sabi ni Aelius at mas lalong natawa nang ipakita ni Saffron ang middle finger niya kay Aelius.
"Wow! Ang ganda ng bahay niyo." Namamangha ring sabi ni Snow habang tinitingnan ang bahay nila Saffron.
May malaking gate sa harapan namin tapos may mga bonsai tree sa kung saan. Pumasok kami sa loob at may mga puno pa habang naglalakad kami, nagsisilbing silong sa araw.
Habang naglalakad ako ay hinahawakan ko ang mga dahon na nadadaanan namin. As usual, may mga bonsai na may pigura.
"Buti walang kapre sa bahay niyo," ani Aelius nang makapasok na kami sa loob ng bahay nila.
May puno sa sala nila. Malaki ito at umabot na ang mga sanga sa second floor nila. Grabe! Hindi ko inaasahan na may puno sa bahay nila. Iniisip ko tuloy kung may unggoy silang alaga o kaya panda since chinese sila.
O si Saffron na mismo ang lumalambitin.
Binatukan ni Saffron si Aelius. "Bakit magkakaroon ng kapre dito? Bobo ka." Bumaling siya sa akin. "Upo muna kayo."
Umupo kami sa isang mahabang sofa. Nagpatalbog-talbog ako sa sobrang lambot. Natigil lang nang may lumapit na matandang babae sa amin.
Nag-alinlangan pang magsalita ang kasambahay at napatingin sa amin. "Zăo ān, shàoyé. Nǐ māmā láile." Mahinang sabi nito.
Napangiwi ako. Wala akong maintindihan. Ayoko isipin kung ano ang pinag-uusapan nila at kailangan pang magsalita sa native language nila dahil sasakit lang ang ulo ko. Nag-cellphone na lamang ako habang nag-uusap si Saffron at ang kasambahay.
Hindi ako interesado, eh.
I will take some selfies later. Namimiss na ako ng mga followers ko.
Nanlaki ang mga mata ni Saffron. "Zhèlǐ? Zài fēilǜbīn?" Gulat na tanong nito.
Ano ba 'yung nakakagulat na sinabi ng matanda at ganyan ang reaksyon niya? Bakit ba ayaw nila magtagalog para maka-relate naman kami? Hindi 'yung sila lang nagkakagulatan.
"Shì de, shàoyé. Rènhé shíhòu tāmen dūhuì zài zhèlǐ."
Tumango-tango si Saffron. "Hǎo de xièxiè nǐ." Pinaalis na siya ni Saffron.
Hinatid ko ng tingin ang matanda bago bumaling kay Saffron. "What did she say? I just heard shingshang." Naguguluhan kong sabi kay Saffron.
Natawa si Saffron sa akin bago napakamot sa ulo. "Ahm, puwede bang bukas nalang tayo gumawa ng research?"
"Ano ba ang sinabi ng kasambahay niyo?" Tanong ni Aelius.
Magsasalita pa sana siya ng makarinig ng boses na nanggagaling sa sa pintuan. Nanlaki ang mga mata niya at agad kaming inutusan na tumayo.
Bakit? Ano ba ang nangyayari?
"Zànghuā.."
"Māmā," kinakabahang salubong ni Saffron sa babaeng naka-red slim dress.
Sophisticated. Isang plain red dress lang ang suot niya but she manage to bring it as if the dress was made only for her. She looks elegant.
Napansin ko rin ang pagkakahawig niya kay Saffron. Mayroon siyang mataray na mukha. Hindi halata sa kaniya na may edad na siya.
Napatingin sa amin ang nanay ni Saffron kaya agad akong napayuko sa takot. Kinakabahan ako. Hindi naman siguro sila nangangain ng tao?
"Who are they, Zang?"
Dumikit ako kay Snow nang magsalita ang nanay ni Saffron. Nakangiwi siyang tumingin sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya napailing nalang siya sa akin.
"T-they're my friends, mama." Nautal pa si Saffron sa pagsagot.
Ngumiti si Mrs. Wu. "If you don't mind, Zang, tour them around your house while your maid prepares for early lunch." Tiningnan niya kami isa-isa nina Snow. "I'm sorry and if you don't know you'll see me here because I also didn't tell Zang about my sudden return to the Philippines." Tinaasan kami nito ng kilay.
"I-it's okay, Mrs. Wu." Nagsalita ako.
Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "You look good in your dress."
Ako 'yung tinutukoy. Ako lang naman ang naka-dress dito bukod sa kaniya.
Nahihiya akong napaangat ng tingin. "Ah, thank you po."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "I will rest first. Make yourself comfortable here." Nginitian niya sina Snow bago kami talikuran.
Napaupo ako sa sofa ng makaakyat na si Mrs. Wu sa hagdanan. "Oh my gosh!" Napahawak ako sa aking dibdib.
Kinabahan ako ng sobra. Akala ko bubugahan na ako ng apoy. Hindi ko alam kung compliment ba tawag do'n dahil hindi naman siya mukhang masaya nang sabihan na ang ganda ko sa suot kong dress.
Si Saffron ay kumunot, nagsasalita mag-isa. "Kung nandito si mama, nandito rin si—"
"Ahia!"
Agad kaming napatayo ni Snow sa narinig na sigaw. Bumalik din kami sa pagkakaupo nang makitang isang babaeng bata lang ang pumasok. Sumasakit na puso ko sa sobrang kaba.
"Jusko! Ang daming dumadating." Reklamo ni Snow.
Agad natigil sa paglapit ang batang babae kay Saffron nang mapansin ako. Lumapit ito sa akin saka ngumiti. Nagtataka akong tiningnan ni Saffron, nalilito kung bakit ako ang nilapitan.
Hinawakan nito ang kamay ko. "Nǐ fēicháng měi." Ngumiti ito sa akin.
Pilit akong ngumiti. "What?" Naguguluhan kong tanong.
Hindi ba nakakapagsalita ng Tagalog 'to? Baka minumura na ako nito. Etong si Saffron, hindi man lang naisip na i-translate 'yon para sa akin!
"Ang pangit mo raw." Singit ni Saffron.
Sinamaan siya ng tingin ng bata. "No! I said, you're beautiful." Ngumiti siya ulit sa akin. "What's your name?"
Parang tumaba ang puso ko sa sinabi ng batang ito. "Ah, thank you. I am Aussie. Your name?" Nakangiti kong tanong.
"Cindy, short for Cinnamon." Masayang sagot nito.
Ay, kung weird pangalan ni Saffron, mas weird sa kapatid niya. Ano ba ang iniisip ng mga magulang nila at 'yan ang ipinangalan sa kanila?
"Umuwi nalang kaya muna kami? Saka nalang tayo gumawa." Suhestiyon ni Snow.
Lumapit ako kay Saffron. "Take a picture of me first." Inilahad ko ang kamay ko. "Lend me your phone, Saffron."
"Wow, ha?" Sarkastiko niyang tanong pero nilabas pa rin ang cellphone sa bulsa. "D'yan ka sa puno, mukha ka namang unggoy." Tinuro niya pa kung saan ako pupuwesto.
Hindi ko siya masasaktan dito dahil teretoryo niya rito tapos baka makita pa kami ng nanay niya na nagsasabong dito. Jusko, Aussie, ang poise. Kahit anong mangyari, huwag mong hahayaan na masira ang reputasyon mo. Huwag papakabog.
Sinamaan ko siya ng tingin. "This is good?" Nag-cross legs ako sabay hawak sa bewang at nag-pose na para bang isa ako sa mga highest paid model.
Tatalbugan ko si Kendall Jenner.
Tumango ito habang nasa cellphone ang tingin. "Oo, ngiti ka na."
Ngumiti naman ako sa camera at nag-iba pa ng pose na para bang nagpophotoshoot ako.
Lumapit ako sa kaniya. "Let me see.. Oh, that's good." Napatango ako sa kaniya saka bumaling kay Aelius. "Aelius, come here." Hinila ko ang braso.
You know, minsan lang mangyari ang mga kaganapan ngayon kaya lulubusin ko na.
"Yeah?" Nagtataka niyang tanong pero lumapit pa rin sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. "We're look like a couple?" Tanong ko kay Saffron.
Hindi pa ako nakakaayos ay biglang lumapit si Saffron. "Oh." Inabot niya sa akin ang cellphone niya para ipakita ang mga pictures namin ni Aelius.
Puro epic ang mukha ko! Hindi naman siya nagsasabi na kinukuhanan na pala kami ng litrato. Baliw talaga.
"Thank you, Saffron." Sarkastiko kong sabi habang naghahanap ng matinong litrato kasama si Aelius.
Hinawakan nito ang buhok ko. "Tayo? Hindi tayo magpipicture?"
Agad akong lumayo sa kaniya. "Ayoko nga."
Nag-scroll lang ako sa aking Gallery, umaasang mayroong matinong kuha si Saffron sa amin ni Aelius kaso malakas ang kapit niya sa demonyo. Wala akong mahanap! Kung mayroon man, si Aelius lang ang maayos ang mukha tapos pagdating sa akin ay napakalabo.
May lumapit sa amin na dalaga. "Sir, nakahain na po 'yung mga pagkain." Ani nito kay Saffron.
Bakit kaya nila ginagalang si Saffron? Hindi naman kagalang-galang ang tarantadong ito. Dapat nga rito ay hinahampas ng upuan para magtino sa buhay.
"Hihintayin pa ba natin si mama?" Tanong niya sa amin.
"Malamang! Nakakahiya naman kung mauuna tayong kumain. Hintayin nalang natin ang nanay mo." Sagot ko.
"Malameng. Nakakaheya neman kung mayuuna tayowng kowmain—"
See? 'Yan ba ang dapat galangin? Isip-bata!
Naiinis ko siyang sinabunutan. "Idiot!" Naiinis kong sabi.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong saktan siya!
"Hintayin nalang natin. Maaga pa naman tapos medyo busog pa kami kasi kakakain lang ng almusal." Ani Snow.
Humiga si Saffron sa sofa. "Sige, huwag nalang tayong kumain." Pero agad ding napabangon nang makita ang nanay niyang bumababa sa hagdanan.
Ngumiti sa amin si Mrs. Wu. "Let's now eat."
Si Mrs. Wu ay nakaupo sa kabisera. Si Snow at Saffron ang katabi nito sa magkabilang gilid at kaharap ko si Aelius.
"Lahat kayo ay kaklase ni Saffron?"
Uminom si Mrs. Wu sa kaniyang tsaa bago ngumiti sa amin. Ako ang napapagod sa kaniya sa pag-ngiti niya sa amin. Halata namang ayaw niya sa presensya namin. Ayaw niyang narito kami sa bahay niya.
Hindi niya maitatago ang emosyon niya sa akin. Hindi na nga ako masyadong nagsasalita dahil ayoko makipag-usap sa plastick. Kumain lang ako at pinipilit na gumamit ng chopstick.
Malapit na akong mairita dahil hindi ko makuha-kuha 'yung pagkain. Napapasulyap na nga sa akin si Snow dahil nahuhulog ang mga pagkain sa plato ko.
Huminga ako ng malalim saka nag-cross arm na lamang. Ayoko na. Nakakapagod. Sana naman naisip nila na may tatlong Pilipino rito at naghanda sana ng kutsara at tinidor.
"Ah, opo. Kaming dalawa pong babae ay kaklase ni Saffron." Sagot ni Snow habang nakangiwing tumingin sa akin.
Bumaling si Mrs. Wu kay Aelius na katabi ni Saffron kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na isubo ang isang manok. "You're one of Saffron's guy friend, right?"
Isang mabilisang sulyap ang binigay sa akin ni Aelius bago sagutin ang ina ni Saffron. "Yes, Mrs. Wu."
Natawa si Mrs. Wu. "No need to be formal. You can call me tita or anything. Close naman kayo sa anak ko." Pinunasan niya ang mga labi ng tissue. "How was Saffron in school? Is he doing great?" Nakangiti nitong tanong.
Iinom sana ako ng tubig nang lingunin ako nina Snow kaya napatigil ako. What? Pati ba naman tubig kailangan gamitan ng chopstick?
"Aussie," siniko ako ni Snow na para bang ako lang ang kaklase ni Saffron.
Katabi ko lang si Saffron at nakakabadtrip na sa tuwing may nagtatanong tungkol sa kaniya, ako ang tinatanong! Malapit na maputol ang sinulid kong pasensya para sa kaniya. Gusto ko man siraan si Saffron sa nanay niya, hindi ko magawa. Ayoko naman magsinungaling at aware naman siguro ang nanay ni Saffron na he's doing really great in school.
"Ha?" Gulat kong tanong sa kaniya. Agad akong bumaling sa nanay ni Saffron saka ngumiti. "Ah, yes. He's o-our top student. He's doing great."
Pasimple kong inirapan si Saffron na nakaupo sa harapan ko. Nakangisi siya sa akin, halata namang inaasar ako.
'Yan ang gusto niya, ang pinupuri. Lumalaki ang ulo niya kaya nga kahit na aminado naman akong magaling talaga siyang estudyante, tinatanggi ko.
Sa ugali niyang gan'yan, hindi niya ako patatahimikin. Aasarin niya ako! Mamamatay nalang ako, inaasar pa rin ako.
Bumaling naman ito kay Saffron kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kumain. Normal lang naman ang kumain pero nacoconcious ako! Hindi ako marunong mag-chopstick kaya kinamay ko nalang ang pagkain na nakahain sa harapan ko.
Hindi man lang sila naghanda ng kutsara!
"Sinabi sa akin ni manang na may gagawin kayong research paper. Dito niyo ba gagawin sa bahay?" Ngumiti ito sa amin. "Pwede bang sa susunod niyo nalang gawin? May importanteng lakad kami."
She's saying it to us comfortably. Nagpapaalam siya para sa anak niya. Naiintindihan naman namin kung hindi matutuloy 'yung research paper namin dahil ngayon lang sila nagkita mag-ina and they want to spend their time together.
Plastic pa rin siya.
"Ayos lang po 'yon, tita. Pwede naman po pag-usapan muna namin saglit kung ano po ang gagawin namin at isesend nalang po namin kay Saffron." Ani Snow habang nakangiti.
Napatingin ako kay Saffron na para bang bitbit ang problema ng buong mundo. Bumubulong-bulong siya at nagsasalita mag-isa. Parang tanga lang.
Napatango ang ginang sa suhestiyon ni Snow. "Yes, you can." Tumingin ito kay Saffron na mukhang nagulat. "Saffron? What do you think?"
"Shénme?" Gulat na tanong ni Saffron. "Ah, a-ako nalang mag-rerevise at proofread ng research paper." Sabi niya sa amin.
That's what you'll do anyways. Oh my gosh! Edi, ako mag-isa ang gagawa ng research paper ko? 'Yung mismong part ko? How? Wala nga akong alam sa paggawa tapos individual naming gagawin?
Pagkatapos kumain ng tanghalian sa kanila ay nagyaya na ako umuwi. Mabuti na lamang at pumayag si Snow at Aelius na umuwi kami. Wala rin kaming gagawin dito sa bahay nila dahil hindi naman matutuloy.
"Mama, ihahatid ko lang sila sa bahay nila." Paalam ni Saffron sa kaniyang ina.
Tinaasan kami ng kilay ng nanay ni Saffron sabay ngiti sa anak. "Ihatid mo nalang sila sa gate. Kaya naman nilang umuwi mag-isa. May kotse naman ata si Aelius." Tiningnan niya si Aelius.
"Ah, ako po kasi ang nagsama kay Aussie rito." Paliwanag ni Saffron
"Then? She can go with Aelius. He has Fortuner. Kasya silang tatlo."
Napairap ako at mabuti na lamang ay walang nakakita sa akin. "Ah, yes. I'll go with Aelius, Saffron." Ngumiti ako kay Saffron.
Hinawakan niya ako sa braso. "Teka, hintayin mo ako." Lumapit siya sa nanay niya at nakipag-usap.
Hindi namin sila maintindihan dahil they're speaking Mandarin. Nilampasan ko sina Aelius para mauna nang lumabas. Naramdaman ko na sinundan nila ako.
"I think Saffron's mom doesn't like us." I mumbled.
"Hindi naman siguro. She's smiling and approachable." Ani Snow.
Hindi ko siya sinagot. That's what she observe. Plastick ang nanay ni Saffron, halatang ayaw sa amin. Ngumingiti lamang sa amin dahil nasa harapan kami ng anak niya. Okay? Ayaw ko rin sa kaniya.
The feeling is mutual.
Nakita namin si Saffron na tumatakbo papalapit sa amin. "Tara na," tumingin siya kay Aelius. "Mauna na kayo, Ae. Ako na maghahatid kay Aussie."
"Pinayagan ka?" Gulat kong tanong.
Aalis na nga sana kami dahil ang akala ko ay hindi siya papayagan. Ayos lang naman kung kay Aelius na lang ako sasama habang siya ay maghahanda na para sa pupuntahan nila.
"Oo.." Sagot niya.
"I'll go with Aelius and Snow." Pagpilit ko paa.
Kumunot ang noo niya sa akin. "Bakit ka sa kanila sasama? Sa akin ka ipinagkatiwala ng tatay mo." Seryoso niyang sabi.
Hindi na ako nagsalita. Nauna na lamang ako maglakad palabas ng bahay nila. Wala na ang kotse ni Aelius sa garahe nila Saffron, umalis na sila. Pumasok ako sa kotse niya saka nag-cross arm.
Hindi niya ba naiintindihan na gusto ko makasama ang kaibigan niya? Aware naman siya na may gusto ako sa kaibigan niya at gusto ko na tulungan niya ako. Mukhang clueless siya sa gusto kong iparating.
Tapos 'yung nanay niya, ako lang ata ang ayaw sa mga kaibigan ni Saffron.
Walang nagsalita sa amin. Umalis kami ng subdivision nila na walang nagsasalita sa pagitan namin. Wala rin naman akong sasabihin. Wala rin kaming mapag-uusapan.
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba ng kotse niya. Inayos ko muna ang suot kong dress bago siya talikuran.
"Aussie!" Sigaw niya kaya napatigil ako sa paglalakad para lingunin siya. "Hindi ka ba magpapaalam sa akin?" Nakangisi niyang tanong.
Ah, kailangan niya muna akong inisin bago siya umalis?
Lumapit ako ulit sa kaniya. "Goodbye, Saffron!" Ipinasok ko ang kamay ko sa bintana ng kotse niya para sabunutan siya.
Hindi siya bumaba ng sasakyan. Ibinaba niya ang bintana saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Bigla akong nahiya sa kaniya. Bakit ba siya gan'yan makatingin?
Naiinggit ba siya? Bilhan ko pa siya ng dress na mas maganda pa sa suot ko.
Napakamot ito sa sariling batok. "Goodbye." Ngumuso siya. "Uhm, ang ganda mo."
Sasagot pa sana ako nang biglang niyang itaas ulit ang bintana at bigla na lamang umalis. Napakurap-kurap ako habang hinahatid ng tingin ang sasakyan niya.
Did he just call me beautiful? Ha! Niloloko na naman ako ng tainga ko. Si Saffron? Sasabihan ako ng maganda? Baka mangyari 'yon kapag hindi na singkit mga mata niya.