"Oh? Ang aga pa, ah." Ani mommy pagkapasok ko ng bahay.
Naglilinis siya ng sofa namin. Naabutan ko rin si kuya Ambrose na nanonood ng NBA. Sumulyap ito sa akin saglit bago ibalik ang tingin sa TV.
"Research ba talaga ang ipinunta mo kina Saffron? Mukha kang nakipag-date." Ani kuya habang kumakain ng nachos.
Napairap ako. "Gusto ko lang suotin para malabhan."
Bigla itong tumingin kay mommy. "Sus! Ma, pumapatol sa bakla si Aussie." Tinuro ako nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa akusa niya. Kahit naman straight si Saffron, 'di ko papatulan 'yan! May taste ako sa lalaki at kahit pa si Saffron nalang ang nag-iisang lalaki sa mundo, papatol nalang ako sa babae. Iniisip ko palang na magkahawak-kamay kami ay nakakasuka.
"Who? Saffron ba? Hindi naman bakla si Saffron." Ani mama.
Kumunot ang noo ni kuya kay mommy. "Nilandi nga ako ng baklang 'yon. Nakakadiri."
"Ah, oo, mama. B-bakla talaga siya." Singit ko.
Tumigil saglit si mommy sa pagpupunas ng coffee table para tingnan ako. "Sayang! Bagay pa naman kayo." Nanghihinayang nitong sabi.
"Yuck." Nandidiri kong sabi.
Tumawa ito at hinawakan ang damit ko. "Magpalit ka na ng damit. Malapit na tayo kumain ng tanghalian." Ani mommy.
"I just ate in Saffron's house. Dumating 'yung nanay niya galing ibang bansa kaya napaaga ang uwi ko dahil may pupuntahan sila." Paliwanag ko sabay tayo. "I'll go upstairs." Paalam ko.
To: Gab
Already home?
Napanguso ako nang wala akong natanggap na reply. It's okay. I don't know if he's busy or doing his assignments right now. That's his top one priority. Ayoko siya istorbohin at baka ma-turn off sa akin. Baka isipin na ang clingy ko at baka 'yon ang ayaw niya.
Binigyan niya naman ako ng assurance na magdedate kami bukas so baka abala siya sa pagtapos ng gawain niya ngayon para wala na siyang iisipin bukas.
Natulog na lamang ako. Nakakain naman na ako ng tanghalian kaya hindi ako malilipasan ng gutom. I suddenly remember Saffron's words, that I am beautiful.
Damn! Why I am thinking that?
Nagising ako sa isang kalabog sa pinto ko. Naririnig ko ang sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko. Ayoko pang bumangon. Kumuha ako ng unan para ilagay sa mukha ko at para wala akong marinig na ingay.
"Kakain na ng hapunan, tanga." Sigaw ni kuya habang malakas na kinakatok ang pinto. "Aussie! Gising na."
Inalis ko ang unan sa mukha ko. "Oo, palabas na." Nakapikit kong sigaw.
Bumangon na ako. Kinuha ko ang cellphone ko na naka-charge sa gilid. Napangiti ako nang makitang may message kaya dali-dali akong nag-open ng i********:. Nawala ang ngiti at excitement ko nang makitang si Saffron lang 'yon. Akala ko pa naman ay nag-chat na sa akin si Aelius.
@zangwu
ang boring dito lods
May sinend siyang picture. Nasa isang chinese restaurant siya at ang kinuhanan niya ng litrato ay isang dragon na design siguro sa restaurant. Ano ba 'yan? Ano ang gagawin ko d'yan? Mag-rawr?
@aussienotanaussie
wala ka bang makausap at ako ang binabadtrip mo?
@zangwu
ok..
Napairap ako sa reply niya.
@aussienotanaussie
ano ang ginagawa niyo d'yan?
Agad niya akong sineen pero imbes na replyan ako ay tinawagan ako. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Sa huli, pinatayan ko siya ng tawag at in-off ang cellphone. Hinihintay na ako sa baba at ayoko naman na tumawag siya nang tumawag.
Bumaba na ako ng kwarto ko at naabutan ang pamilya ko na nakaupo na sa dining table. Masama ang tingin sa akin ni kuya. Luh? Bakit gan'yan ang mukha niyan? Kagigising ko lang tapos ako na naman ang nakita.
"Kung kanina ka pa bumaba, edi sana tapos na ako kumain." Singhal niya sa akin.
Inirapan ko siya. "Sorry?" Sarkastiko kong sabi. Umupo ako sa tabi niya. Napatingin ako kay daddy dahil sa paraan ng pagkakatitig niya. "What?" Nagtataka kong tanong.
"Ang aga mo nakauwi." Pansin ni daddy.
Galing siya ng trabaho tapos dumiretso sa ospital para bisitahin si lola. She's doing good and she's now healthy. Kailangan niya muna manatili sa hospital para ma-monitor ng doctor at kapag maayos na ang kalagayan ni lola at pwede na ilabas ng hospital, mararanasan ko na rin ang alaagan ng lola.
"You want me to get home late, dad?"
Agad itong umiling. "Syempre, hindi. Parang wala naman kayong ginawa."
"Saffron's mom came. Hindi namin natuloy dahil may importante silang lakad." Paliwanag ko.
Ibinaba ni daddy ang binabasang dyaryo. "Saffron.." Tumigil ito sa pagsasalita para tingnan ang ekspresyon ko. "..looks nice." Dagdag nito.
Tinaasan ko ito ng kilay. "What are you implying?"
"You doesn't like him?" Nagtataka nitong tanong.
Ha! Ngayon lang nila nakilala si Saffron tapos nagtatanong na sila kung gusto ko ang lalaking 'yon? Hindi siya ang tipo ko!
"Same as him. We doesn't like each other." Sagot ko. "Bakit ba kayo nagtatanong sa akin?"
"Wala lang. Baka lang may tinatago ka sa akin. Sabihin mo na," ani dad at muling nagbasa ng dyaryo.
Hindi talaga ako nagsasabi sa kanila ng mga ginagawa ko dahil sa takot na baka pagalitan ako. Gaya nalang ngayon, may gusto akong lalaki. Hindi nila alam kung sino dahil tinatago ko.
Tapos iisipin nila na gusto ko si Saffron? Nakakadiri lang.
"Ano naman ang itatago ko sa inyo?" Nagtataka kong tanong.
Nagmamaang-maangan lang ako pero pinipilit nila ako magsalita. Hindi nila ako mapapaamin dahil magaling ako magsinungaling.
Nagkibit-balikat si daddy. "You know.. boyfriend."
"Well, I don't have so stop asking me."
Nagsimula na kaming kumain. Hindi ako nagsasalita kahit puro lang sila daldalan. Hindi ako sumisingit. Pinag-uusapan nila ako at si Saffron.
Hello, family. I am still here.
Nang matapos kumain ay agad akong umalis sa dining table. Humiga ako sa kama ko habang hawak ang cellphone, nag-iisip ng itetext.
To: Gab
let's date tomorrow
May plano naman talaga kaming mag-date bukas. Gusto ko lang ulit kumpirmahin.. at kiligin ulit.
Gab:
Okay, magkita tayo sa BGC bukas.
To: Gab
What time?
Gab:
Early in the morning. Let's have some breakfast together then date after.
I am not early bird pa naman. Minsan ay anong oras na akong gumigising lalo na kapag weekends.
To: Gab
Sure! Matutulog na ako. Ikaw din, hehe.
Gab:
I'm doing something rn so yeah goodnight, Aussie
Napangiti ako sa reply niya. He said goodnight! Magkikita kami bukas para magkaroon ng breakfast together. Kaming dalawa lang. Iniisip ko palang, kinikilig na ako.
Bago ako matulog, hinanda ko muna ang susuotin ko. As usual, black dress na naman ang susuotin ko pero iba ang design sa sinuot ko kanina. Nakaka-sexy daw ang pagsusuot ng black and I want to impress Aelius.
Duh! Lahat naman siguro ng babae kapag may crush sila, nagpapa-impress para mapansin lang. Humiga na ako sa kama at tumitig sa kisame. Ano kaya ang gagawin namin bukod sa kumain ng breakfast? Magpupunta ba kami ng mall? Manonood ng sine?
Nagising ako sa aking alarm. Mabuti na lamang at naalala ko na may pupuntahan pala ako kaya hindi ko nabato ang alarm clock ko. Alas-sais ako nagising. Agad naman ako naligo at nagbihis. Sa sobrang excited ko ay nakalimutan ko na ang pagsusuklay.
Gab:
otw
To: Gab
okaaaay see you
May narinig akong nagluluto dahil sa tunog ng paggisa. Nanlaki ang mga mata ko. Si mommy! Para hindi ako marinig ay hinubad ko ang suot na black stilleto at dahan-dahan naglakad papunta sa malaking pinto.
Bubuksan ko sana ng may nauna nang magbukas.
"Hoy! Saan ang punta mo?" Gulat na tanong ni kuya.
Napahawak ako sa aking dibdib. "K-kuya!" Gulat kong sabi.
Tiningnan nito ang suot ko. "Saan ang punta mo at naka-dress ka na naman? May pupuntahan ka ba?" Tanong nito.
"R-research?" Patanong kong sagot, hindi alam kung ano ang ipapalusot ko.
Tama! Maniniwala siya sa akin na research ang pupuntahan ko dahil uto-uto naman siya. Kakausapin ko si Saffron para pakiusapan siya na pagtakpan ko. Hindi ko nga lang alam kung papayag ito.
"Bakit hindi ka sinundo ni Saffron?" Nagtataka nitong tanong sabay tingin sa labas.
Napahawak ako sa aking ulo. "Ah, a-ano, sinundo niya 'yung mga k-kaklase namin." Kandautal-utal kong sagot sabay ngiti sa kaniya.
Kinunotan ako nito ng noo. "Tanungin ko nga mamaya kung nagsasabi ka ng totoo."
Tinapik ko ang braso niya. "I'll go now." Sinuot ko na ang stilleto ko. Tiningnan ko pa si kuya kung nakapasok na ba siya ng bahay bago kunin ang cellphone ko at tumawag, "Pick up, Saffron!" Nagmamadali kong bulong.
"Good morning." Malalim na boses ang narinig ko sa kabilang linya.
Nagtaka pa ako kung si Saffron ba talaga ang natawagan ko dahil iba ang boses.
"Saff!" Tawag ko.
"Ang aga mo naman mambulabog, Aussie." Reklamo nito.
"Kuya will call you ask something."
"Bakit naman siya tatawag sa akin?"
"May date kami ni Aelius and I said I am with you to do the research." Sagot ko habang kinakagat ang aking kuko.
"Date? May date kayo ni Aelius?" Tanong nito.
"Yup and I really need your help."
Hindi siya nagsalita. "Pag-iisipan ko.." 'Yon ang sinabi niya bago ako p*****n ng tawag.
"Saffron?!" Sigaw ko sa inis. "Damn it!" Mura ko.
Kahit walang kasiguraduhan na pagtatakpan ako ni Saffron, tutuloy pa rin ako na makipag-date. Hindi ako natatakot! Ipapakilala ko si Aelius bilang manliligaw ko kung ayaw niya akong tulungan.
Hindi ko na siya papansin sa school o sa kahit saan man. Lilipat ako ng upuan para maiwasan siya. Lakas niya man-badtrip tapos simpleng pabor lang, ayaw pa ako pagbigyan.
@zangwu
utang na loob mo 'to sa akin ah
Napangiti ako nang biglang mag-chat si Saffron. Hindi niya ako matitiis dahil wala na siyang maaasar kapag hindi ko na siya pinansin.
Ako lang naman ang binabadtrip ni Saffron. Ako lang at wala ng iba.
"You're beautiful."
Nahihiya akong umiwas ng tingin sa kaniya. Seryoso niya sinabi sa akin na maganda ako. Oh my gosh! Hindi ko inaasahan na sasabihan niya ako ng gan'on dahil hindi naman ako masyadong nag-effort.
Isinabit ko ang takas na buhok sa aking tenga. "Ah, thank you. You look handsome."
Natawa ito. "Kumain ka na ba?" Tanong nito.
Agad akong umiling sabay hawak sa tiyan ko. "Ah, no."
Breakfast date ang napag-usapan namin kaya hindi na ako kumain ng almusal sa bahay. Ewan ko ba, kaya niya siguro tinatanong kung kumain na ba ako dahil gusto niyang ma-fall ako sa kaniya.
Mga linyahan niya na nanggaling sa social media pero kung galing naman sa kaniya, kahit cringe, kikiligin ako.
"Starbucks?"
Tumango ako sa kaniya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Napangiti ako habang naglalakad siya papunta sa kabilang pinto. Ngumiti siya sa akin bago magsimulang magmaneho.
Hindi naman kalayuan ang Starbucks sa lugar ng tagpuan namin. Pumasok kami sa loob at umupo malapit sa pintuan.
"What do you want to eat and what's your drink?"
"Java Chip Frappucino and Blueberry cheesecake." Nakangiti kong sagot.
Nagpaalam muna siya sa akin na mag-oorder. Tinitingnan ko ang likuran niya habang nasa counter siya. He's tall. Gusto ko malaman kung ano ang pinapakain sa kaniya ng mga magulang niya kaya siya gan'yan katangkad.
Proud naman ako sa mukha ko dahil maganda ako. Ang sexy ko and the top of that, mabait ako. Lumalabas lang ang pagiging mataray ko dahil kay Saffron.
And why did I mentioned Saffron? At wala namang connect 'yon sa sinasabi ko.
Nginitian ko si Aelius pagkabalik niya sa table namin. Ngumiti rin siya sa akin habang nilalapag ang mga pagkain namin.
Humigop ako sa aking frappe. "Why did you choose STEM? I know, you're smart and all but I am wondering what is your dream job?" I asked him.
I want to know him more. Nasa stage na kami na kailangan alam na namin ang tungkol sa isa't-isa.
"First choice ko talaga ang engineer."
I don't know if he's doing good in his studies since we're not classmate. Mukha namang hindi niya pinababayaan ang pag-aaral niya and that's why I like him! He's smart and probably doing great in school.
Mas magaling siya siguro kay Saffron.
"Why?"
Oh, a future engineer. I'll hire him soom to build our own house.
"We have Real Estate company. Pagmamay-ari ng mga magulang ko. My mom wants me to run the business but I refused. I mean, I will run the company in the near future but I want to to reach my dream."
So, he's rich too. Ipinagpala talaga ang lalaking ito. Nakakahiya pintasan ang lalaking ito dahil sasampalin ka ng pera sa mukha. Nasa kaniya na ang lahat.
Napatango-tango ako. "A CEO and an Engineer."
Natawa siya. "Pero magdodoctor ako."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Ha? Why? A-ang dami mo namang gusto." Puna ko.
"I love kids. Hindi lang halata pero mahilig ako sa mga bata. Doon ko naisip na maging doctor ng mga bata."
"Pedia, huh."
Kailangan mayroon kang mahabang pasensya sa pagiging Pediatrics. Puro bata ang mga ginagamot niya at ang mga bata ay puro makukulit kaya nga hindi ko sila gusto.
"Yup. Ikaw? What's your dream job?"
Inalala ko ang dream job ko nung bata pa ako. Ang dami ko ring gusto noon. Pabago-bago kapag nakakakita o nakakaalam ako ng panibagong trabaho na pumupukaw sa interest ko.
"Policewoman, I want that job but I am too beautiful to chase some criminals and put them behind bars." Nag-flip hair pa ako.
"You're funny."
Mahina ko siyang hinampas sa kaniyang kamay. "Just kidding! Gusto ko maging teacher talaga kahit maikli lang pasensiya ko."
"Marunong ka na magsalita ng Tagalog." Puna niya.
"Yes and I am comfortable when talking Tagalog. Mayroon lang paepal na pumapansin sa accent ko." Nakangiti kong sabi.
Itatago natin sa pangalang Shunga (Zanghua). Kahit ang haba ng sermon ko sa kaniya, uulitin niya lang. Nakakainis lang!
"Saffron?"
"Oo, parehas sila ni kuya. Naiinis na ako sa kanilang dalawa. Sarap nilang sakalin ng walang bitaw." Nanggigil kong sabi.
"You have an older brother?" Gulat niyang tanong.
Tumangl ako. "Yes, his name is Ambrose, tatlong taon ang agwat namin."
"You're cute."
"Ah, really?" Nahihiya kong tanong.
Natigilan siya. "Ah, wait." Kinuha niya ang cellphone niya nang mag-vibrate ito kaya kumagat na lamang ako sa aking kinakain. "Si Saffron, tumatawag." Tumingin siya sa akin.
Nagtaas ako ng kilay. "Ano ba kailangan ng taong 'yan?" Tanong ko.
Nilagay niya sa tenga ang cellphone. "Saff, bakit?" Tumingin ito sa akin. "Aussie," inabot niya sa akin ang cellphone niya.
"What do you want? You can call me naman. Naka-abala ka pa ng ibang tao." Bulong ko.
"Sorry, ha. Hindi mo kasi sinasagot tawag ko. Pasensya na kung ganito lang ako." Sarkastikong sabi niya.
Natawa ako. "Ang cringe, Saff." Tiningnan ko ang cellphone ko, daming missed calls at tinadtad pa ako ng text messages. "Naka-mute ang phone ko, sorry. Ano ba ang kailangan mo at tumawag ka sa kalagitnaan ng date namin?"
"Tinext ako ng kuya mo, picture-an daw kita kung kasama ba talaga kita." Ani nito.
"Ha? Saglit."
Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya.
"Bilisin mo na."
"Sige," pinatay ko ang tawag. "Picture-an mo ko." Nakangiti kong sabi sabay abot ng cellphone niya sa kaniya.
"Ano ba sinabi ni Saffron?"
Nagtataka man ay kinuhanan pa rin niya ako ng litrato.
"Ah, w-wala 'yon. Alam mo na, umaatake na naman ang pagkaluwang ng turnilyo niya sa utak. Sundin nalang natin siya." Namumulang sabi ko.
Nagsisinungaling ako sa kaniya!
"Sige, isesend ko nalang sa kaniya." Sabi niya.
Nang matapos kami kumain ng almusal ay nilakad lang namin ang distansya ng mall. Naglakad-lakad lang kami sa loob ng mall. Gusto ko sana bumili ng bag kaso nakakahiya naman na paghintayin ko siya. Baka siya rin ang magbayad ng bibilhin kong bag kaya sa susunod na lang.
Napatingin ako sa kaniya nang tumigil siya sa paglalakad. May tumatawag na naman sa kaniya. Gusto kong mainis kay Saffron kung siya man 'yang tumatawag ulit.
"Saffron again?"
Umiling ito agad. "No, my mom. Excuse me, Aussie." Lumayo siya ng kaunti sa akin. "Mom? Nasa Pilipinas ka na?" Napatingin ako sa kaniya nang medyo lumakas ang boses niya. "What? Wait, I'll go there."
Agad akong lumapit sa kaniya. "Hey, what's the matter?" Nag-aalala kong tanong.
Napakamot ito sa kaniyang batok, tila nahihiya. "My mom wants me to pick her up in the airport."
Nanlaki ang mga mata ko. "Oh, pumunta ka na." Kinakabahan kong sabi.
Baka naghihintay na ang nanay niya sa airport.
Umiling ito sa akin. "Ihahatid muna kita sa inyo." Sabay kaming naglakad palabas ng mall. "Sorry, Aussie." Paghingi nito ng tawad nang makarating kami sa parking lot.
Ngumiti ako sa kaniya. "Kaya kong mag-commute, Aelius. Puntahan mo nalang ang nanay mo." Ani ko.
"No, I am responsible for this. And I still owe you a one date." Ngumiti siya sa akin.
Hindi kami nakakapag-usap habang nasa sasakyan niya kami. May kinakausap siya sa cellphone niya habang nagmamaneho. Ayoko naman maka-istorbo kaya pinili ko na lamang manahimik sa kinauupuan ko.
He's talking with Snow. Magkapatid sila kaya panigurado hihintayin din siya ni Snow sa bahay nila para sabay silang magkapatid papunta ng airport.
"There.." Turo ko sa isang malaking gate. "Thank you, Aelius. I did really enjoy our breakfast date."
Bumaba na ako sa kotse niya. Hindi na ako nagpahatid sa loob ng subdivision namin baka makita siya ni kuya. Malalagot ako panigurado. Puwede ko naman lakarin dahil malapit lang naman ang bahay namin.
"Pasensya ka na, importante lang."
Nakangiti akong tumango sa kaniya. "It's okay. Your mom is more important. Take care," kumaway ako sa kaniya habang pumapasok siya sa loob ng sasakyan niya.
Pagkapasok ko ng gate ay tumigil ako para lang alalahanin ang sinabi niya sa akin dahilan para kiligin ako. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ang magiging date namin pero naudlot lang 'yon dahil sa mommy niya.
Hindi naman ako nainis or what sa mommy niya, naiintindihan ko naman. Mommy niya 'yon, mas mahalaga 'yon sa akin. Hindi ko nga alam kung may gusto na ba sa akin si Aelius dahil sa kaniya mismo nanggaling na hindi niya pa ako gusto.
And I am willing to wait.
"Ano ba ang ginawa niyo ni Saffron at ang bilis niyong gumawa ng research paper?" Si kuya ang naabutan ko na nasa sala.
Nanonood ng TV. Hanga ako kay kuya sa pagiging tamad niya. Nagagawa niyang palipasin ang araw nang walang ginagawa kundi ahg manood, kumain, at magpasaway kay mommy.
"Title lang ang inambag ko kaya mabilis."
"Sabagay, sa kapal ng pagmumukha mo, kahit kapwa mo pabuhat, bubuhatin ka rin, eh." Asar niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Sorry, ganda lang ang ambag ko."
"Bakit nga pala nasa Starbucks kayo?" Bigla niyang naitanong.
Nanlaki ang mga mata ko. "H-hindi ako kumain ng almusal, diba?" Pagpapaalala ko sa kaniya. "N-nagkape lang kami ro'n b-bago umuwi." Palusot ko.
Bakit ba ang dami niyang napapansin?
"Baka nagdedate na kayo, ha." Pang-aasar niya pa.
Nginisihan ko siya. "Mas bagay kayo." Pang-aasar ko.
Mabilis lumipas ang araw at Lunes na naman. Sa Miyerkules na ang exam namin at hindi pa ako nakakapag-review sa mga lessons na naabutan ko dahil hindi naman ako nagsusulat.
Ang layo ko kaya sa blackboard. Naniningkit na ang mga mata ko para lang mabasa 'yung nakasulat sa pisara.
Pumasok ako sa room na may ngiti sa labi.
"Good afternoon, Snow." Bati ko kay Snow na abala na naman sa pagbabasa ng kaniyang notes.
Ngumiti ito sa akin, "Afternoon.." bati niya pabalik.
"Did you know, I date your older brother yesterday." Nakangiti kong sabi sa kaniya.
Kumunot ang noo niya sa akin. "Si Aelius?"
"Sino pa ba ang kuya mo? Siya lang naman ata."
Napatango ito sa akin. "Ah, so you're the girl he's talking about."
Lumaki ang mga ngiti ko, "Why? Did he tell it to you?" Agh! Si Aelius, kinukwento na ako sa kapatid niya. "Bagay ba kami?" Tanong ko pa.
"Ah—" sasagot sana siya nang may biglang pumasok
"Good afternoon, Snow."
Nakilala ko agad ang pumasok at tumabi sa akin dahil sa amoy ng pabango.
Kumunot ang noo ko sa kakapasok lang na si Saffron. Imbes na ako ang unahin niyang batiin, si Snow pa talaga? Hindi man lang niya ako sinulyapan ng tingin. This guy!
"Oh, good afternoon, too, Saffron. Nakita mo na ba ang sinend kong email sa 'yo? Pasensya na kung may mali-mali."
"It's okay, na-revise ko naman ang ginawa mo. You did a good job." This brute smiled on Snow!
So, ano ako rito sa paningin niya? Bato na iniputan ng Ibong Adarna? Mukha ba akong hindi nag-eexist sa paningin niya?
Lumipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "What are you guys talking about?" I asked.
Tumango si Saffron kay Snow. "Ipapa-print ko nalang 'yon bago ipasa." Tinapik niya ang balikat ni Snow.
Yes! Tinapik niya si Snow. Bakit hindi niya ako pinapansin? Ako nga dapat ang hindi siya pansinin! Ang kapal ng mukha niyang unahan ako.
"Saff—" tawag ko pero naglakad na siya papunta sa upuan namin, "Snow?" ani ko.
Nahihiyang ngumiti si Snow. "Uh, nag-chat sa akin kahapon si Saffron. Pinagawa niya sa akin 'yung part ko sa research paper natin." Sagot niya at maya-maya pa ay kumunot ang noo niya sa akin. "Wala ba siyang sinend sa 'yo?" Nagtataka niyang tanong.
"He didn't.. He's not even talking with me now." Mahinang sabi ko. Iniwan ko na si Snow at dumiretso na sa seatmate ko. "Saffron, good afternoon," bati ko pero hindi man lang ako tiningnan! I just want to know my p-part in our research paper." Dagdag ko pa at ginalaw ang paa niya. "Bakit hindi mo ako kinakausap?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "You don't want to be annoyed, right? Ngayon, kakausapin mo ako?" Pagsusungit niya.
Napanganga ako sa kaniya. "I j-just wanted to know my part." Naiinis kong sabi. "Okay, it's look like we're not okay."
Fine! Kung ayaw niya akong kausapin, edi wag. Ayoko rin sa kaniya, noh. Sino may sabing gusto ko siya kausapin?
"Ayos lang."
Gusto ko magngitngit sa inis. Hindi ko alam kung inaasar niya lang ako o hindi niya talaga ako pinapansin. Hindi ko rin mabasa ang naiisip niya dahil seryoso ang mukha niya kung saan first time ko makita ang side niya na ganito.
Nakanguso ako habang pasimple ko siyang sinusulyapan. Ano kaya ang nangyari sa kaniya at nagkakaganyan siya? Maayos naman kaming nag-usap kahapon.
Hindi ko alam kung bakit siya umaarte ng gan'yan ngayon. Sumasakit lang ang ulo ko sa pilit na alalahanin ang mga nagawa ko sa kaniya nitong mga nakaraan araw. Halos hindi ko na nga siya pinapatulan sa mga pang-aasar niya kaya panigurado ako, wala akong nagawa sa kaniya na ikakasama ng loob niya sa akin.
Hindi ako sanay na gan'yan siya. Kapag papasok siya ng room, ako ang una niyang babatiin. Agad niya akong aasarin at kung ano pang maisip niyang katarantaduhan.
Nagtataka ako kung bakit bigla na lamang siya nagsungit bigla. Gusto ko sana siyang kausapin pero baka mainis lang siya sa akin kaya pinili ko na lamang na tingnan ang ginagawa niya.
Ngumuso muna ako sa kaniya at nagpapapansin bago tumigil dahil baka mahuli na naman kami ni sir Wanton at may maisip na naman tungkol sa amin ni Saffron.
"Hello, good afternoon, students. I have announcement to make so listen carefully."
"Psst." Sumitsit ako sa kaniya dahil kahit may guro sa haralpan ay abala siya sa pagpindot sa cellphone niya. "May announcement." Bulong ko.
Itinago niya ang cellphone niya at tumingin na kay sir Wanton. Hindi man lang ako tiningnan. Hmpk! Bahala ka diyan. Dapat nga natutuwa ako ngayon dahil hindi niya na ako inaasar. Mas maganda nga 'yon para magkaroon na ako ng tahimik na buhay.
"So, the head Admins decided to have a Halloween Party this year. You will wear a costume you desire on the said event. Puwede rin kayo maging aso tutal 'yung iba naman dito mukhang aso." Gusto kong tumawa sa sinabi ni sir pero napanguso na lamang ako. "Ang event natin ay mangyayari sa Linggo, bago ang semestral break."
"Sir, may pera ro'n?"
"Meron, tutal mukha naman kayong pera. Magkakaroon ng cash prize ang tatanghaling Halloween Party Couple. Kunwari, si Snow si Belle tapos ikaw ang Beast tapos kayong dalawa ang mananalo. Gan'on ang mangyayari pero kung wala talaga kayong mahanap na ka-partner, mag-solo kayo."
Ano kaya ang susuotin ko? I really want to be like Princess Jasmine. Bagay lang sa akin 'yung costume niya, nakaka-sexy lang. Tiningnan ko si Saffron na nakatingin lang sa harapan. Ano kaya ang susuotin nito? Magsusuot ba siya ng panda costume at magiging Kung Fu Panda?
Break time na pero hindi niya talaga ako pinansin o sinulyapan lang ng tingin. Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko kahit nagsisialisan na ang ibang kaklase namin para pumunta sa cafeteria. Hindi rin umaalis sa upuan si Saffron kahit naririnig ko na ang ingay ng mga lalaki niyang kaibigan.
Nabobother ako sa inaakto ni Saffron. Hindi naman ako dapat maging apektado sa pinapakita niya dahil mas gusto nga ang ganito pero naninibago talaga ako.