"Saffron!"
Imbes na tumayo si Saffron para lapitan ang mga kaibigan niya na tinatawag siya ay yumuko lang siya sa armchair niya! Napatingin ako sa mga kaibigan niya na nagtatawanan. Ano ba ang nakakatawa?
Si Aelius na nakangisi kay Saffron. Si Haru at Theros na tawang-tawa. Gusto ko maki-tawa kaso hindi ko alam kung ano ang pinagtatawanan nila.
Dahil ba mukhang babae na nag-iinarte ang peg ngayon ni Saffron?
Lumapit si Theros kay Saffron. "Saff, tara na." Natatawang yaya ni Theros.
Nanatiling nakayuko si Saffron. "Tulog ako, 'wag niyo ako guluhin."
"May tulog bang nakikipag-usap, gago." Natatawang sabi ni Haru.
Nakita ko kung paano sinenyasan ni Theros si Aelius na mukhang naintindihan naman ni Aelius ang gustong iparating ni Theros.
Wala akong maintindinhan.
"Aussie.." tawag sa akin ni Aelius habang nakangisi.
Nagtaas ako ng kilay, "Yeah?" Tanong ko, hindi ipinapakita ang ngiti dahil tinawag lang naman niya ako.
OMG! Parang biglang gumanda ang pangalan ko nung siya na ang nagbanggit.
"Do you want—"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang suntukin ni Saffron si Aelius!
Napahawak ako sa aking bibig sa gulat, "Saffron!" Sigaw ko.
Ang nanonood na si Snow ay biglang lumapit sa amin. "Aelius!" Hinila niya si Aelius papalayo pero hindi man lang umalis sa kinatatayuan si Aelius.
Imbes na masaktan at bawian si Saffron, ngumisi lang si Aelius! Ang mga kaibigan nila ay nagtatawanan na para bang normal lang ang nakikita nila.
Oh my gosh! Baka prank lang 'to, ha. Bigla tuloy ako naisip kung vlogger ba 'tong mga 'to kaya naghahanap ako ngayon ng camera sa gilid-gilid.
Wala? Bakit wala akong makita?
"Kahapon ka pa, ah." Galit na sabi ni Saffron kay Aelius habang dinuduro ito.
Hinawakan ko si Saffron sa braso niya at hinila papalapit sa akin. "Saff, tigil na." Bulong ko.
Napatingin si Aelius kay Snow, na katulad ko ay may sinasabi rin si Snow sa kaniya. "What? I didn't do anything, Snow." Natatawang ani nito.
"Durugin mo si Aelius, Saffron." Pag-cheer ni Haru.
"Gago, labanan mo, Ae." Sulsol ni Theros.
Mga gago!
Gumitna ako sa kanilang dalawa para hindi siya makasuntok ulit. "Wait, Saffron. He's not doing anything. Why did you punch him?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
Bigla nalang niya sinuntok si Aelius. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi sa kaniya ni Aelius para dumating sa punto na sinuntok niya si Aelius! Ang confusing lang.
Tinitigan niya ako. "Magsama kayong dalawa." Saka siya umalis ng room.
What did I do?
Natapos na lamang ang break time, hindi na bumalik si Saffron ng room. Hindi na rin siya bumalik ng room, at ngayong uwian. Wala pa rin siya.
"Nagpasa na si Saffron."
Napatango ako. "I'll just look for another group to join." Nakanguso kong sabi.
"Sayang 'yung incentives ni sir Wanton na dagdag grades para sa maagang nagpasa." Tumingin siya sa mga mata ko. "Mukhang hindi kayo okay ni Saffron."
Napatingin ako sa bag ni Saffron. "I don't know, Snow. I don't know If we're okay or not. Wala naman akong maalala na nag-away kami." Nginitian ko siya. "Thanks for your concern."
Nauna na siyang umalis ng room. Uwian na. Bukod sa akin, mga cleaners nalang ang naiwan at ang bag ni Saffron.
Hinihintay na ako panigurado ni kuya sa parking lot. Hindi ko maiwan ang bag ni Saffron kaya hindi ako maka-alis.
Bumuntong hininga ako bago damputin ang bag. Iuuwi ko muna 'toh. Icha-chat ko nalang si Saffron mamaya na nasa akin ang kaniyang bag at ibibigay na lamang bukas.
"Chassè.." si Saffron, hinihingal siya.
Inabot ko ang bag niya. "Saff, 'y-yung bag mo."
Kinuha niya sa kamay ko 'yon. "Thanks." Akma siyang tatalikuran ako nang hawakan ko ang kamay niya.
"Wait!" Sigaw ko.
"What?" Inis nitong tanong.
"P-pwede ba tayong mag-usap?" Nakangiti kong tanong.
"Ayoko."
Napanganga ako sa isinagot niya sa akin. Wow! Hindi ako makapaniwala na ayaw niya akong kausapin. Dati naman, parang mamamatay siya kapag hindi niya ako kinausap tapos ngayon, ako na ang makikipag-usap sa kaniya, ayaw niya?
Nababaliw na ako kakaisip kung ano bang kasalanan ang nagawa ko sa kan'ya at ganyan siya. Iba naman ang pakikitungo niya kay Snow, binati pa nga n'ya ng good afternoon kanina na imbes ako ang una niyang sasabihan.
Ngayong araw, bilang lang sa daliri ang tingnan niya ako. Kapag titingin naman sa akin, ang cold niya tingnan.
Masama ang loob kong naglakad papunta sa parking lot. Naabutan ko si kuya Ambrose na pinaglalaruan ang susi. Humakbang ito papalapit sa akin para pisilin ang pisngi ko.
"Mabuti naalala mong may naghihintay sayo." Sarkastikong sabi ni kuya.
"Kuya.." nakangusong sabi ko.
Hinawakan niya ang mukha ko. "Wala pang November 1 pero 'yung mukha mo, nagluluksa na. Namatayan ka ba ng kaklase?" Tanong niya habang tinitingnan ang mukha ko.
Umiling ako sa sinabi niya. "Malungkot lang ako."
Ngumuso ito. "Why are you sad?" Pang-aasar niya.
Hinampas ko siya sa braso. "Bahala ka d'yan!" Naiinis kong sabi.
Humalakhak siya. "Joke lang." Umakbay ito sa akin. "Oh, sige. Bakit ka malungkot? May nag-away ba sayo? Nanakit?"
Umiling ako ulit. "Ayaw ako pansinin—" napailing ako.
Ayoko magsabi kay kuya. Baka tuluyan niya nang masapak si Saffron kapag sinabi ko tapos aasarin niya ako dahil nalulungkot lang ako sa hindi pagpansin sa akin ni Saffron.
Advance ako mag-isip dahil 'yon ang gagawin niya, kilala ko siya.
"Nino? Sino ang ayaw pumansin sa maganda kong kapatid?" Malambing niyang sabi.
Umiling ako. "Nothing." Hinampas ko siya ulit sa braso niya. "It's a prank!" Natatawang sabi ko.
Nagpantay ang kilay niya sa sinabi ko. "Ang pangit mo mag-prank." Pumasok na siya sa kotse.
Sumakay na ako. "Pero naniwala ka." Tudyo ko.
Nakanguso ako habang naka-cross arm sa loob ng sasakyan. Inaasar ako ni kuya na 'wag ko raw pag-iisipan ang mag-vlog dahil baka ma-bash lang daw ako kapag nag-prank ako. Hinayaan ko na lang siya kaysa naman sa awayin niya si Saffron dahil lang sa ayaw niya ako pansinin.
"Hindi pa sikat, laos ka na agad."
Napairap ako sa kaniya at tumingin na lamang sa labas. Nasa kalagitnaan kami ng traffic. Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa school pero mukhang aabutin kami ng isang oras dito sa kalsada.
"Nakapagpasa ka na ng research paper niyo?" Bigla niyang tanong.
Ano ba ang isasagot ko? Hindi ko alam, eh.
"Ah.. oo?" Patanong kong sagot, hindi sigurado.
"Ang talino siguro ng baklang 'yon kaya natapos niyo agad ang research niyo. Kung ako siguro si Saffron, sabunutan kita dahil wala kang inambag."
Hindi na ako nagsalita. Totoo naman, sa sobrang talino niya, pwede niyang gawin individual project ang research paper. Masipag siya, active sa school. Malayong-malayo sa impression ko sa kaniya na pasaway, at hindi nag-aaral ng mabuti.
"Magbihis ka na, 'nak. Kakain na tayo."
Nagmano ako kina mommy at daddy bago ako umakyat sa kwarto ko. Humiga ako sa aking kama at nag-open ng i********:. Active siya agad. Blinock ko nalang siya kaysa magtanong kung ano ang ginawa ko sa kaniya.
Hindi niya rin ako rereplyan.
@aussienotanaussie
aelius, may pinagdadaanan ba si saffron?
Baka nga may pinagdadaanan lang si Saffron at nadala lang siya sa emosyon niya kaya pati ako nadamay.
@aeyow
i don't know, u ask him
Pero bakit ako lang ang hindi niya kinakausap? Si Snow, hindi niya naman close 'yon pero 'yon ang mas kinakausap niya kaysa sa akin.
@aussienotanaussie
he's not talking to me
@aeyow
kausapin mo siya bukas
In-off ko nalang ang cellphone ko saka chinarge bago bumaba. Naghahain na si mommy ng pagkain namin. Umupo ako sa tabi ni mommy. Sinandukan ako ni mommy ng pagkain.
"Kailan ang exam niyo, Aussie?"
Sa dami ng iniisip ko, nakalimutan ko na may exam pala kami. Hindi ko alam kung kanino maghihiram mg notes para makapag-review. Wala ring sinusulat si Saffron sa notebook niya dahil magaling naman na 'yon.
"Wednesday, dad."
"Nagrereview ka ba?"
Napalunok ako. "Magrereview palang po."
"Ikaw, Ambrose?"
Sila-sila nalang ang nag-usap. Agad akong nakatapos sa pagkain, iniwan ko ang plato ko sa lababo bago ulit umakyat sa taas. Nag-half bath ako at nagsuot ng pair pajamas bago humiga sa kama ko. Napatitig ako sa kisame habang inaalala ang galit na mukha ni Saffron kanina.
Galit siguro siya kay Aelius. Nadamay lang ata ako dahil nakikisali ako. Siguro bukas, maayos na kami. Hindi ako matitiis n'on.
"Snow, hindi pa dumadating si Saffron?" Si Snow agad ang nilapitan ko pagpasok ng room.
"Ayan na, oh."
Tinuro niya si Saffron na kakapasok lang ng room. Hindi niya ako napansin dahil dire-diretso siya sa paglalakad.
Sumunod ako sa kaniya. "Saff, I have something to ask." Hinawakan ko ang braso niya.
Napalingon siya sa akin, nakataas ang kilay sa akin. "Ano ba?"
"I want to know If I am included to the research paper."
"Tapos?"
"If not, gagawa nalang ako para sa akin."
Kahit hindi ako marunong, pipilitin ko. Ayokong bumagsak! Hindi rin naman siya nagsabi sa akin na gagawa na pala. Malay ko ba? Binasa ko lahat ng text at chat niya sa akin pero wala siyang sinabi na gagawin ko.
"Kasali ka," ani niya.
Hindi ko naitago ang saya sa aking dibdib. "Talaga? I mean, why?" Kunwaring gulat kong tanong.
Wala akong ginawa. As in wala akong inambag, kahit title ng research paper namin, hindi ako ang nag-isip.
"Hindi ka marunong kaya sinali nalang kita." Paliwanag niya.
Napatango ako. "Then, are we okay? What's our problem?" Nag-aalala kong tanong.
Huminga siya ng malalim. "Sasabihin ko sa'yo sa isang kondisyon." Seryoso niyang sabi.
"Okay? What is it?"
"Partner tayo sa Halloween Party." Nakangiti niyang sabi.
Nawala ang ngiti ko. "Pinagtitripan mo ba ako?"
So, nag-galit galitan siya sa akin para lamang maging partner kami sa Halloween Party? Pwede niya naman itanong sa akin 'yon! Hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin sa kaniya, ang tawanan ba o saktan.
Bumalik ang seryoso niyang mukha. "I'm serious!" Nagkibit-balikat ito. "But if you don't want, it's okay." Akma siyang aalis pero hinigit ko siya.
Okay, seryoso siya. Akala ko inaasar na naman ako. Nadala lang ako ng emosyon, pasensya na.
"Sige, payag na ako." Tumango ako. "Ngayon, sabihin mo na sa akin kung bakit ayaw mo ako pansinin." Seryoso kong sabi.
"Nahihiya ako."
"Sabihin mo na, ako lang 'to."
Wala nga siyang hiya kaya wala siyang karapatan na mahiya! Sa akin pa talaga siya nahiya. Hindi nga siya nahiya sa akin dahil sa pang-aasar niya.
"Hindi mo sinabi sa akin na nililigawan ka na pala ni Aelius!" Singhal niya.
"What? Hindi mo ako pinansin dahil d'yan?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Ang babaw naman ng dahilan niya!
"Oo! You should have told me about it." Sigaw niya.
"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo? Ano ba kita? You're not my brother."
"But I am your bestfriend."
Natigilan ako sa sinabi niya at tila nabingi ako bigla. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon sa akin, na bestfriend ko siya. Bakit hindi ko alam? Magkaibigan pala kami? Paano nangyari 'yon?
"Are you serious?" Gulat kong tanong.
"Yes, I am."
Napahawak ako sa aking bibig. "What the fuck."
All this time, akala ko may nagawa akong mali. Akala ko may nagawa akong masama sa kaniya na ikinagalit niya. Kung alam ko lang na gan'on lang kababaw ang dahilan ng galit niya, hinayaan ko na lamang siya na huwag ako pansinin.
"Ang galing ko umakting diba?"
Hinampas ko ang ulo niya. "Gago ka! Halos mabaliw ako kakaisip kung ano ang nagawa ko sa'yo, 'yun lang pala." Sinabunutan ko siya.
Inaalis niya ang kamay ko sa buhok niya. "Sorry na, hindi na ako uulit."
"Para mapatawad kita, kailangan mo sundin ang utos ko." Nag-cross arm ako saka tinaasan siya ng kilay.
Nagulat siya sa sinabi ko. "When did the tables turn?" Bulong niya pero nilakihan ko siya ng mata nang marinig ko. "Sige, ano?"
"Diba pumayag ako maging ka-partner mo sa Halloween Party." Tumango siya sa akin. "Gusto ko ako si Elsa." Ngumiti ako.
Kumunot ang noo niya. "Edi ako si Jack Frost."
Agad akong umiling. "No, ikaw si Olaf."
"Ayoko nga!" Sumigaw siya.
Tinakpan ko ang bibig niya nang pagtinginan kami ng mga kaklase namin. "Hindi tayo bati." Sinamaan ko siya ng tingin.
Hinawakan niya ang buhok. "Sige, oo na."
"Hindi pa ako nililigawan ni Aelius.." Nakanguso kong sabi.
"Talaga?" Tanong nito.
Hindi ko mawari kung natutuwa ba siya o nanghihinayang para sa akin dahil sa kaalamang hindi pa ako nililigawan ng kaibigan niya.
"Kung ayaw mo maniwala, huwag ka na magtanong." Pagtataray ko.
"Nagtatagalog ka na!"
Tinaasan ko ito ng kilay. "Kanina pa kita kausap, ngayon mo lang napansin?"
"Ang ganda mo.." Nakangiting sabi nito.
Napahawak ako sa aking buhok at sinuklay gamit ang aking mga daliri. "Inggit ka? Hindi magagaya ng plastic surgery ang mukha ko, sis." Pinisil niya ang pisngi ko. "Ah, f**k!" Tinulak ko ang mukha niya.
Nanlaki ang mga mata niya. Nagulat din ako dahil nagulat siya. Ano ba ang nakakagulat? Bakit gan'yan siya makatingin?
Bigla siyang nag-iwas ng tingin at umalis sa kinauupuan. Nagtataka kong tiningnan si Saffron na palakad-lakad sa room. Paikot-ikot lang siya.
Baka nabaliw na, buti nalang.
May nagtuturo sa harapan pero ang kadaldalan ni Saffron ay hindi niya napigilan.
Lumapit ng kaunti sa akin si Saffron. "Cutting tayo? Sama ka." Bulong niya.
Binalingan ko siya. "You're bad influence. Isusumbong kita." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pupunta kami ng mall."
"Buti hindi kayo nahuhuli?" Nagtataka kong tanong.
Ilang beses na silang nag-cucutting. Araw-araw nga silang nag-cucutting pero wala man lang nakakaalam kung saan sila nagpupunta.
Wala ring nagtatangkang magsumbong.
"Sasama ka nga?"
Inirapan ko siya. "Malalagot ako, Saff."
"Hindi kita pababayaan." Kinindatan niya ako.
Ilang beses na sila nag-cucutting pero wala silang record. Nagtataka na nga ako sa kanilang apat kung kaya ba nilang mag-invisible. Never sila nahuli kahit apat sila. Nababagot na rin ako sa room dahil puro nalang pagrereview ang ginagawa namin.
Tiningnan ko ang mga mata niya kung nagsasabi ba siya ng totoo. Malala ang trust issues ko sa taong 'to.
Bumuntong-hininga ako. "Okay, I will trust you. Sasama ako dahil bored ako, ah."
"Ibabalik kita rito bago mag-uwian." He assured.
"Ayusin mo lang, sasampalin kita." Pagbabanta ko.
Nang mag-break time, umalis si Saffron na dala-dala ang bag ko. Aalis na raw kami pagkatapos ng break time. Kumain kami ni kuya sa cafeteria. Kinakausap niya ako kahit hindi ko siya kinakausap.
Baka bigla ko nalang masabi na mag-cucutting ko dahil sa excitement.
Nang matapos ang break time, nag-chat sa akin si Saffron na magkita kami sa building ng mga Junior High. Nakita ko siya kasama ang mga kaibigan niya.
"Hide my bag!" Kinakabahang sigaw ko kay Saffron na abala sa paghubad ng sapatos.
"Oo na, teka lang."
Nilagay niya ang sapatos niya sa bag niya. Nakaapak na silang magkakaibigan habang ako, kinukuwestiyon ang sarili kung tama ba ang naging desisyon ko na sumama sa kanila.
Tinuro ko ang hindi kataasang bakod. "Aakyat tayo d'yan?" Tanong ko. "Masisilipan niyo 'ko! Ayoko na, babalik na ako sa room."
"Hindi kita type." Singit ni Haru.
Sinamaan ko siya ng tingin. "You're not my type, too."
"Dumaan nalang tayo sa gate." Suhestiyon ni Aelius.
Umiling si Haru kay Aelius. "Wala na akong pera." Inilabas pa nito ang bulsa na walang laman maliban sa isang papel na tuyo na.
Nag-iwas ng tingin si Theros. "May nilibre ako kanina." Nag-cross arm ito.
"Sige, kung ayaw mong umakyat. Babayaran natin 'yung guard." Ani Saffron sabay suot ulit ng sapatos.
"I'll pay!" Nakangiti kong sabi.
"Ako na magbabayad," sabat ni Aelius.
"Ako na, bida-bida ka, noh?" Sarkastikong tanong ni Saffron kay Aelius.
Nagtawanan ang tatlong lalaki habang si Saffron ay naiinis sa mga kaibigan niya. May mga CCTV akong nakikita. Kumapit ako sa braso ni Aelius para itago ang mukha ko.
"Jusko! One of the boys." Bulong ko dahil napapalibutan nila ako magkakaibigan.
Ako lang ang babaeng sumama sa mga lalaki dahil sa kagustuhang mag-cutting! Dapat hindi ako sumasama sa mga ganito dahil malay ko ba sa tumatakbo sa mga utak ng mga 'to at bigla na lang ako patayin at itapon sa bakanteng lote.
Kaso hindi ko na magawang husgahan si Saffron at Aelius dahil naging malapit na sila sa akin. 'Yung dalawa pa nilang kaibigan, kahit wala sa mukha ang pagiging matino, mapapagtiwalaan naman daw.
Hinila ako ni Saffron saka yinuko ang ulo ko sa braso niya. "Bakit ka ba nagtatago d'yan kay Aelius? Mas malaki braso ko." Inalalayan niya akong maglakad dahil wala akong nakikita.
Mabuti na lamang at malayo ang College building sa Main Gate kaya naibsan ang kaba sa dibdib ko. May mga naglalakad na mga estudyante na nanggaling sa gymnasium at nagtataka sa aming lima kaya todo hila ko sa manggas ni Saffron para itago mukha ko.
Lumapit si Saffron sa guard at may inabot. "Manong, dating gawi."
"Opo."
Grabe! Ginagalang ng guard 'tong estudyante na 'to? Mas mataas at mas matanda pa siya sa mga kasama ko tapos ginagamitan pa ng opo?
"Dadagdagan ko 'yan kapag nabura mo 'yung clip sa CCTV." Mahinang sabi ni Saffron.
"Sige po."
Pinagbuksan kami ng guard at pagkalabas namin ay tumakbo kami. 'Yung puso ko! Kinakabahan ako na naeexcite. First time ko lang mag-cutting. Natatakot din ako baka malaman ni kuya 'yung tungkol dito.
Pero sa huli pa naman 'yon.
"Sisiksik tayo d'yan?" Nagtataka kong tanong nang pumasok sina Saffron sa isang jeep.
"Kandong ka sa 'kin." Ani Saffron.
I raised my middle finger to him. "Saan ako uupo?" Tanong ko habang sinisipat ang loob ng jeepney.
May mga tao na sa loob kaya hindi ko alam kung kasya pa ba ako. Ayoko maiwan dito!
"Usog, punyeta." Mura ni Theros sa katabi niyang lalaki.
Umupo na lamang ako sa lapag sa takot na bigla na lamang umandar ang jeep at maiwan ako rito.
"Hindi 'yan upuan, Aussie." Natatawang sabi ni Haru. "Usog ka nga ro'n, ate, may uupong maganda." Ani nito sa katabi nito.
"Para mo namang sinasabing hindi ako maganda? Ang sikip na rito." Sabi ng babaeng katabi ni Haru.
"Sige, baba na tayo." Sabi ni Aelius.
Nagsibabaan sina Aelius kahit hindi pa kami nakakaalis ng jeep!
Narinig ko na nagreklamo ang driver nang bumaba ang apat dahil nawalan ng pasahero. Tumabi kami sa gilid para maghintay ng masasakyang jeep na papunta sa isang mall.
Napatingin ako kay Aelius na nasa kalsada lang ang tingin. Sina Theros at Haru na nagtatawanan, parang mga tanga. Si Saffron na abala sa pag-ayos ng paglalagay ng bag ko.
"Tara na," ani Saffron saka hinawakan ang braso ko.
Sumunod ako sa kanila. Pumasok na ako sa loob ng jeep. Nag-aagawan si Haru at Theros sa upuan malapit sa b****a ng jeep. Si Saffron ang nakaupo sa tabi at katabi ko naman si Aelius.
Pinaghahampas ni Saffron ang mga kamay nina Theros at Haru. "Hoy, pamasahe niyo?"
"Wala nga akong pera." Ani Haru.
"Mga hampaslupa." Bulong ni Aelius.
Hinawakan ko ang braso ni Saffron para makuha ang atensyon niya. "Let me pay!"
"Libre mo kami ng pamasahe, Aussie." Sabi ni Theros.
"Hayaan mo sila mag-123." Bulong sa akin ni Saffron.
Tumango ako sa kaniya. "It's okay.." Binuksan ko ang bag ko na nakapatong sa hita niya. "I can pay for them."
Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng pera. Hindi ko rin nagagastos ang pera na binibigay sa akin dahil nililibre rin ako ni kuya ng pagkain sa school. Naiipon lang ang pera ko sa wallet ko.
Natatawang umiling si Saffron. "'Wag na nga. Walang panukli sa isang libo mo."
"Bigay mo nalang sa 'min." Makapal na mukhang sabi ni Theros.
Nagulat ako nang biglang may naghampas sa bubong. May babaeng nakapatong at hinahampas ang bubong ng jeep.
"Bayad! Bayad." Lumapit ito kay Saffron.
"Limang Vista, at—kuya." Natawa nang alanganin si Saffron habang nagbabayad sa isang barker na babae.
Dumikit ako kay Saffron. "Pwede naman siguro bayaran nalang natin 'yung driver para masolo natin ang jeep. Ayoko ng masikip." Bulong ko kay Saffron.
Napatingin ito sa akin. "Sigurado ka?"
Tumango ako. "I will pay for it."
"Mahal ang babayaran mo."
"It's okay to me."
Kinausap ni Saffron ang barker tungkol sa hiling ko. Napatingin sa akin ang barker at napatango. Umalis ang barker at lumapit sa driver.
"Solo natin ang jeep?" Tanong ni Theros nang pababain ng driver ang ibang pasahero.
"Si Aussie lang daw ang sasakay, tol." Biro ni Haru sa clueless na si Theros.
"Pasensya na po, binayaran po ang buong kita ko." Humingi ng paumanhin ang driver sa mga pasahero.
Nagrereklamo pa ang iba at nagtataka kung bakit kami lang ang hindi bumababa. Hindi naman ako makatingin sa mga matang nanghuhusga sa akin. Iniisip siguro na sugar mommy ako ng mga 'to.
Yuck po!
"Pay," inabot ko kay Saffron ang isang libo.
Kinuha niya ang wallet niya para maghanap ng mas maliit na halaga ng pera. "Sobra 'to, tangeks." Binalik niya sa akin ang pera ko.
Umiling ako. "We will help the driver. He deserves it." Nginuso ko ang matandang driver.