Chapter 7

3257 Words
"Umayos nga kayo." Sinuway ni Saffron sina Theros at Haru na nakahiga sa mahabang upuan. Ginawa nilang unan ang kanilang mga bag habang abala sa mga cellphone nila. "Let them." Pigil ko sa kaniya. Binitawan ni Theros ang cellphone niya para tumingin sa akin. "Para ko lang nanay si Aussie, isang kunsitidor." "Tapos tatay na kontrabida." Sabat ni Haru. Humalakhak si Theros. "Parang sinasabi mo namang kabit si Aelius, Haru." Pinaghahampas ni Saffron ang mga braso nila. "Malapit na tayo, magsitayo na kayo." Umayos na sila ng upo. "Kakain ba tayo?" Tanong ni Theros. "Masyado ng makapal ang mukha mo, Theros." Ani Saffron. "I will treat you, guys!" Singit ko. Napangiti si Haru. "Alisin na si Zang, ipalit si Aussie." Ngumisi siya kay Theros. "May bago ng taga-libre." Bumaba na kami ng jeep nang makarating kami sa mall. Maraming tao at karamihan ay puro estudyante rin. Hindi ko alam kung nag-cutting din ba sila o nagsiuwian na. "Ano ba ang gagawin natin dito?" Tanong ko kay Saffron. "Arcade, kakain, tapos maghahanap na rin tayo ng costume natin." Sagot niya. Tinuro ko sina Theros na nangungunang pumasok sa loob ng mall. "Wala talaga silang pera?" Taka kong tanong. Umiling siya. "Meron 'yang mga 'yan, nagkukuripot lang dahil may taga-libre." Napagdesisyunan namin na maglaro muna sa isang arcade. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na kasama ang apat na kalalakihan sa mataong lugar. Maraming mga bata ang nagtatakbuhan, may mga nanay na hinahabol ang anak. May mga dalagita na pagala-gala. "Daming chicks." Pumila sina Saffron sa counter para bumili ng token. Si Aelius, Saffron, at ako lang ang may pera. Nag-ambagan kami para may token din ang dalawa. Kawawa naman sila kung titingin lang sila sa amin habang naglalaro kami. "Unti nalang, liligawan ko na si Aussie." Ani Haru nang ako ang nagbayad. "Bida-bida ka rin?" Sarkastikong tanong ni Saffron kay Haru na halata namang nang-aasar lang. Patola 'to. Hindi ko rin naman papatulan 'yang si Haru. Choosy ako, noh! Umakbay si Theros kay Haru. "Itigil mo 'yang nararamdaman mo, tol, kung ayaw mo masapak." Biro ni Theros. "After one hour, dito tayo ulit magkita-kita. Kapag wala pa rin kayo after one hour, iiwanan, ha." Paalala ni Saffron. "Paano kapag ako ang na-late?" Sabat ko. Natigilan siya sa tanong ko pero ngumiti rin. "Hihintayin kita," sagot niya. Biglang nagsiubo sina Theros at Haru. "Tara na nga." Yaya ni Haru kay Theros at sabay silang umalis. Naglakad na ako papunta sa isang machine na gusto kong laruin pero agad na tumigil dahil nararamdaman kong may sumusunod sa akin. Sumabay sa akin si Saffron sa paglalakad. "Saan ka maglalaro?" Tanong niya. Tinulak ko siya ng mahina. "I can do it myself. Go, enjoy," Kumunot ang noo niya sa akin. "Sasamahan kita, baka mawala ka." "Mukha ba akong bata?" "Baka bigla kang mawala sa paningin ko." Inirapan ko siya. "We have a same height. Hindi ako mawawala sa paningin mo." Tinuro ko ang isang machine na pinipilahan ng mga bata. "I'll try claw machine." Tumango siya sa akin. "Sige, I'll get one for you." "Saffron, really? Maglaro ka na ng gusto mong laruin. Magkikita naman tayo rito." "Gusto kitang samahan kasi bestfriend kita." "Bahala ka!" Naiinis na ako sa kaniya! Ang kulit niya talaga. Naco-conscious ako sa kaniya dahil tinitingnan niya talaga ako habang pilit na kinukuha ang laruan sa loob. "Ako na nga, ako ang nahihirapan sa ginagawa mo." "It's okay. Mahirap talaga ang makakuha d'yan. Sinubukan ko lang kung ma-swerte ba ako." "Hindi, I'll get one for you." Pilit niya. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. "Huwag na nga." Napairap ako sa hangin nang maghulog siya ng token. He's always doing what he wants, anyways. Labas siya ng labas ng pera sa wallet niya dahil nauubos ang tokens niya. "Wait for me." "Tama na, bibili nalang ako." "D'yan ka lang. Magpapapalit lang ako." "Saffron!" Sigaw ko. Hindi niya ako pinansin at naglakad na paalis. Ang mga batang nakapila sa claw machine ay nag-unahan. Kanina pa kami rito ni Saffron at kanina pa sila naghihintay sa amin na matapos. Ayaw talaga magpapigil! Parang bata. Nang makabalik siya, pinaalis niya ang mga bata. Ang sama! Hindi man lang niya hinintay matapos sila. Nanlaki ang mga mata ko nang may makuha si Saffron. I hold my breathe. "Woah! Thank you, Saffron." Tuwang-tuwang sabi ko nang iabot niya sa akin ang kulay puting maliit na stuff toy. "Sabi sa'yo, I'll get one for you." Yinakap ko ang maliit na stuff toy. "Yeah, after spending one thousand for this." Sarkastiko kong sabi. Malaki rin ang nagastos niya para lang makuha ang maliit na stuff toy na 'to. Pinigilan ko na nga siya dahil pwede naman kami bumili ng mas malaki pa rito, 'yung mas mura pero ayaw niyang papigil. Gusto niya talaga makuha 'yung nasa loob ng claw machine dahil gusto niyang mag-effort. "Maliit lang 'yun." Sabi niya. Napatingin ako sa counter at nakitang naghihintay na sila. "Nando'n na sila!" Naglakad na kami papunta sa kinaroroonan nina Aelius. May mga hawak na ticket sina Theros at Haru. Sinulit talaga nila ang nilibre namin sa kanila. "Ang dami n'yan!" Bulalas ko. "Gusto namin kunin 'yung human sized teddy bear." Ani Haru. "Hahatiin niyo sa gitna?" Nagtataka kong tanong. Ipinagsama siguro nila ang nakuhang ticket para lang makuha ang human sized teddy bear na kulay bughaw. Mahihirapan sila sa pagbubuhat dahil malaki ito! Natatawang umiling si Theros sa sinabi ko. "Hindi, para sa'yo." "Weh?" Gulat kong tanong. "For me? Why? Hindi naman ako ang naglaro." "You are amazing woman." "Ayusin mo pananalita mo," banta ni Saffron na nakatayo sa gilid ko. Hinampas ko ang braso niya. "Shh! Paepal ka." Suway ko sa kaniya. Tumingin ako ulit sa kanilang dalawa. "Yes? Thank you." "Kasi maganda ka." Sabi naman ni Haru. "'Yon lang? Wala ng iba?" "Salamat sa mga magulang mo dahil may anak silang maganda na babagay sa gwapo naming kaibigan." Ani Theros. Napangiti ako sa kanilang dalawa. "What? Bagay kami ni Aelius?" Tanong ko. Napangiwi sina Theros at Haru sa sinabi ko. Si Saffron naman ay biglang nag-iwas ng tingin sa akin habang si Aelius ay ngumingisi. "Ipa-convert niyo na 'yan. Nag-iinit ang ulo ko sa inyong dalawa." Utos ni Saffron sa dalawa. Bumaling ako kay Saffron. "We'll eat later, right?" Tanong ko, Tumango ito. "Saan mo gustong kumain?" They're all boys. Matakaw ang mga lalaki sa pagkain habang ako naman ay nagdadiet. Gusto ko sana sila ilibre sa Mang Inasal dahil extra rice ro'n pero masisira ang meal plan ko dahil paniguradong makakarami rin ako ng kanin. "Bumili muna tayo ng costume." Suhestiyon ko saka napatingin kay Aelius na nakatingin pala sa amin ni Saffron. "Aelius, kasali ka sa party? May ka-partner ka na?" Umiling siya. "Hindi ako aattend," sagot niya. Napanguso ako. "Bakit? Sayang naman kung hindi ka pupunta." I will ask him to wear Jack Frost costume if ever he's going. "May immersion ako. Uunahin ko muna 'yon." "Humabol ka, ha." Matagumpay ngang nakuha nina Theros at Haru ang malaking teddy bear. Ang problema nga lang, masyado 'yong mabigat kaya kailangan pa nilang pagtulungan buhatin 'yon hanggang sa makarating kami sa Department Store. Damang-dama na ang Pasko kahit October pa lang. May mga nakasabit ng mga parol at nagsisiilawan ang mga christmas lights. Inikot namin ang buong store para maghanap ng costume ni Saffron. "Olaf, ampota." Mura ni Theros. "Hindi pwede magsalita ang walang pambili." Bara ni Saffron kay Theros. "Hanapan niyo nalang ako ng costume ni Elsa." Utos ko sa dalawang walang ambag. "Bakit ba Frozen ang naisip niyo? Ang baduy, ha." Sinamaan ko ng tingin si Haru dahil sa sinabi niya. "Joke lang." Nag-peace sign sa akin si Haru. Parang sinasabi niya na ang baduy ko, ah! Ako kaya ang nakaisip na Frozen characters ang gagawin namin ni Saffron. "Iwan niyo muna 'yang teddy bear. Mukha kayong kargador." Pang-aasar ni Aelius. Umalis na sina Theros habang pinauulanan nila si Aelius ng middle finger. Na-offend siguro sila sa sinabi ni Aelius na mukha silang kargador. May lumapit sa aming saleslady. "Hello, ma'am, sirs. Ano po ang hinahanap niyo?" Tanong nito sa amin. Tinuro ko ang small size na Olaf costume. "May malaki kayong gan'to? 'Yung kakasya sa kaniya." Tinuro ko si Saffron na nag-iwas ng tingin sa saleslady. Agad itong tumango. "Ay, meron po. Saglit po, kuhanin ko lang." "Nagbigti nalang sana ako kaysa magsuot ng costume ng snowman." Mahinang sabi ni Saffron. Lumapit ulit ang saleslady na bitbit ang mas malaking costume. "Eto po, fit po ito kay sir." Ipinakita niya sa amin ang size at itsura nito. Kinuha ko 'yon saka inabot kay Saffron. "Magbihis ka ro'n, tingnan natin kung kasya." Tinulak ko pa siya. Gulat siyang napatingin sa akin. "Seryoso ka? Aussie, pwede natin 'to pag-usapan." Hinawakan niya ang kamay ko at nagmakaawa. "Magbihis ka na raw." Natatawang sabi ni Aelius. Lumuhod si Saffron. "Aussie, huwag kang ganito. Jack Frost nga ako, ayaw mo?" Suhestiyon niya na inilingan ko. I want to see the cute side of him. He's not into cute things, eh. "Go," natatawang sabi ko at tinuro ang dress room. Nang makapasok si Saffron sa dressing room ay tiningnan ko si Aelius na nasa malayo ang tingin. Nang maramdaman niya na tinitingnan ko siya, napatingin siya sa akin. "Why?" Tanong nito. Napanguso ako. "When we will date again?" Natawa siya sa sinabi ko. "Manhid ka ba?" Hinawakan niya ang buhok ko at ginulo 'yon. Hinampas ko ang kamay niya. "Ano ba! You're ruining my hair." "I'm not manhid! Ako na nga ang nag-first move sa ating dalawa. Ikaw kaya ang manhid." "Manhid ka nga.." naiiling niyang sabi. "Do you like me now?" "I don't." Agad niyang sagot. "So, we have to know each other and date again and again." Bulalas ko. "I like you." Pag-amin ko. I like him so much! Bakit ayaw niya sa akin? May pumipigil ba sa kaniya na huwag akong gustuhin? May ugali ba akong nakaka-turn off para sa kaniya? "Hays, Aussie." "Why? I heard from Snow, you only don't want was under age. I'm not a minor!" Singhal ko. Tumingin siya sa papalapit na sina Theros. "Malalaman mo rin kung bakit hindi kita gusto." Bulong niya. "Bakit ayaw mo sabihin sa akin ngayon?" Tanong ko. "Ang cutie naman ng snowman na 'yan, papisil nga." Si Theros habang pinagtatawanan ang itsura ni Saffron. Nakarating na pala sila. "Gago!" Mura sa kaniya ni Saffron. Napatingin ako kay Saffron sabay lapit sa kaniya. "Oh, I will take a picture of you, Saffron." Tinalikuran niya ako. "Magbibihis na ako ulit. Kasya sa akin." Hinawakan ko ang braso niya. "No! Wait lang." "Smile naman d'yan, Olaf." Pang-aasar ni Haru. "Sapak ka sa akin mamaya." Banta ni Saffron. Pagkatapos namin mamili ng damit ko ay pumili sila ng restaurant kung saan kami kakain. May isang oras pa kami bago bumalik sa school. Tinutulak ni Saffron sina Theros at Haru kaya nadadapa ang dalawa dahil sa bitbit nilang malaking teddy bear. Ginusto nila 'yan, eh. "Okay na ako sa beef steak." Parinig ni Haru. "Bawal mag-inarte ang walang pambayad." Pagpaparinig din ni Saffron. "Saff, sa chinese restaurant nalang tayo." Suhestiyon ko. Pumasok na kaming lahat sa isang chinese restaurant. Pinagtitinginan kami dahil may dala-dala kaming malaking teddy bear. Nakipag-unahan maupo sina Haru at Theros sa tabi ni Aelius pero nauna si Haru. Nilagay din ni Haru ang malaking teddy bear sa dulo para mawalan ng espasyo si Theros. Humalakhak si Haru. "Tumayo ka nalang." Parang sofa ang inuupuan namin at pang-two seater lang kada upuan kaso lima kami kaya may isa talagang mawawalan ng upuan. Nagtawag si Aelius ng waiter para magpadagdag ng upuan. "Puro nalang chinese food kinakain ko. Malapit na ako maging intsik." Reklamo ni Haru. Tinaasan ni Saffron ng kilay si Haru. "Nagrereklamo ka?" "Hindi, nagsasabi lang. Galit agad?" Nagsikuha sila ng menu nang lumapit sa amin ang waiter. "Ang mahal!" Bulalas ni Saffron nang abutan kami ng menu. Ang average price ng mga pagkain ay nasa limang daan. Isang five-star chinese restaurant ang pinuntahan namin kaya mahal talaga ang mga pagkain. Bumaling ako kay Saffron at ipinakita ang pagkaing gusto ko. "I'm okay with this one." "Rice?" "I'm on a diet. Don't ruin my diet, please." Nag-roll eyes ako. "How to read this one?" Tinuro ko ang isang chinese words at ipinakita sa kaniya. "Youtiao." "Yes, this donut. I want that too." Ani ko. "Say it," natatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Magtawag ka na ng waiter, sisipain kita." Tumingin siya sa mga kaibigan niya. "May order na kayo?" "Gusto ko sana kumain ng marami kaso nakakahiya naman." Sabi ni Haru habang tinitingnan pa rin ang menu. "May hiya ka pala?" Tanong sa kaniya ni Aelius. Lumapit si Theros kay Haru at ipinakita ang menu. "Napapanood ko 'to sa YouTube, tol." Tiningnan naman 'yon ni Haru. "Ayoko n'yan." Tumingin siya sa akin. "Roujiamo sa 'kin." "Magkakanin ako," ani Aelius. "Bilisan mo mag-order." Utos niya kay Theros. "Dessert?" Sabat ko. Nginisihan niya si Saffron. "Halo-halo." Sagot niya. Nilapag na ni Theros ang menu sa mesa. "Jimbing sa akin, Saff." "Jimbing, ampota." Nagtaas ng kamay si Saffron para magtawag ng waiter. "4 of Sweet and Sour Chicken, 3 Jianbing, 1 Roujiamo, 1 Youtiao and 5 Halo-halo." "Drinks, sir?" Tanong ng waiter habang sinusulat ang order namin. "May tsaa kayo?" Tanong ni Haru. "Meron po." "Sige, coke sa 'kin," natatawang nag-iwas ng tingin si Haru sa waiter na nagulat sa sinabi ni Haru. Natawa ako kay Theros. "Tubig sakin." Bulong ko kay Saffron. "Apat na softdrinks tapos isang tubig." Nagkukuwentuhan sila habang hinihintay na dumating ang pagkain namin. Puro sila tawanan kaya ang ibang kumakain dito ay napapatingin sa amin dahil sa lakas ng boses ng mga kasama ko. Nang dumating ang waiter na dala-dala ang pagkain namin ay agad sila nanahimik. Ang hinain ay isang chinese crepe with sauce, 'yung sinasabi ni Theros na napanood niya sa YouTube. Isang burger na may pork sa loob. Kanin at manok at mga halo-halo. "Thank you," nakangiting sabi ko sa waiter. "Basbasan mo na, Saff." Biro ni Haru. Napatingin ako sa wrist watch ni Saffron. "Anong oras na?" "5:20." Sagot niya. "What?" Gulat kong tanong. Nanlaki ang mga mata ni Saffron nang ma-realize niya na malapit na ang uwian. Kailangan niya na ako ibalik sa school dahil malalagot ako kay kuya kapag nalaman niyang nag-cutting ako! "Take-out nalang. Kailangan na nating ibalik si Aussie." "Nakasubo na ako, Saff." Reklamo ni Theros. Tumayo si Saffron. "Traffic na sa labas." Nagtawag ng waiter si Saffron. "Pakibalot ng mga pagkain, take out nalang kami." Si Aelius ang nagbitbit ng mga pagkain namin dahil sina Theros at Haru ay dala-dala ang teddy bear. Si Saffron naman ay nangunguna sa paglalakad dahil naghahanap siya ng bakanteng jeepney. "Ayos lang ba makipagsiksikan tayo?" Tumango ako sa kaniya. "It's okay." Pinauna ako umakyat ni Saffron sa jeep. Tumabi na silang apat sa akin. Naging mabilis ang byahe dahil malapit lang naman ang school sa Vista Mall. "Aakyat tayo ng bakod, Aussie, maraming naglalakad na officials sa Main Gate." "I might fall! Na-trauma na ako sa ginawa mo sa 'kin. Ayoko dumugo ulit ang ilong ko." Bigla ako napahawak sa aking ilong. "Sasaluhin ka naman nila." Naunang umakyat sina Aelius. Hinagis ni Saffron ang bag naming dalawa bago siya lumapit sa akin. Hinawakan niya ang bewang ko. "Aalalayan kita." Lumayo ako sa kaniya. "Ayoko! Natatakot ako." "Hindi ka naman mahuhulog. May sasalo sa'yo sa kabila." He assured. "Magsalita kayo, mga gunggong!" Sumigaw siya. "Oo, sasaluhin ka namin." Hinawakan ni Saffron ang bewang ko at inangat ako. Mabuti na lamang at hindi kataasan ang bakod kaya nakayanan ko na sumabit at umakyat. Ang tatlong kalalakihan ay umaamba nang saluhin ako. Pakiramdam ko nasa isang cheerdance competition ako. Hinila na ako ni Theros. "Iwan na natin si Saffron, kaya niya na sarili niya." Napalingon ako kay Saffron na nasa bakod. Naglakad na kami papunta sa building namin. Sakto ay biglang tumunog ang bell kaya hindi na kami pumasok ng room, dumiretso nalang kami sa parking lot. Maaga pa naman kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na magpaalam kina Haru at Theros. Si Aelius naman ay itinapon ang plastic ng pinagkainan namin dahil nagpumilit sina Haru at Theros na kunin ang pagkain nila. Napatingin si Saffron kay Aelius na nakatayo lang sa gilid. "Ikaw? Hindi ka pa uuwi?" "Hihintayin ko si Snow." Sagot nito. Bumaling na sa akin si Saffron. "Sa akin na muna ang teddy bear. Baka magtaka ang kuya mo kapag nakita niyang may bitbit ka." Nginitian ko siya. "Salamat, Saff." "Mauna na ako. Baka maabutan pa ako ng kuya mo." Paalam niya. "Ingat ka," kinawayan ko siya. Napangiti ako. Hindi ko alam na ganito pala ang cutting nila Saffron, akala ko tumatambay lang talaga sila sa school at nag-iikot. Ang saya nila kasama dahil ang iingay nila. Hindi nila ako hinahayaan na ma-out of place. Kung may gusto sila, tatanungin nila ako kung ayos lang sa akin. Ivini-validate nila ang nararamdaman ko. Mas maganda siguro kung ang mga kaibigan mo ay puro lalaki. Walang plastikan. Walang inggitan na namamagitan sa kanila kahit puro murahan lang sila. Nagulat ako nang may biglang tumulak sa akin. "Hoy!" Napahawak ako sa braso ko. "Aray!" "Arte?" Pang-aasar niya. "Ano ba ang ginawa mo at pawisan ka? May ka-momol ka na dito?" "Kuya!" Histerikal kong sabi. May inabot siyang panyo sa akin. "Punasan mo nga ang pawis mo, baka matuyuan ka. Lagot ka kay mommy kapag nagkasakit ka." Pinunasan ko ang pawis ko. "Tumakbo lang ako kasi baka hinihintay mo na naman ako." Palusot ko. Pagkauwi sa bahay ay agad akong nagbihis. Wala sina mom at dad dahil nasa ospital sila. Ang alam ko, malapit ng umuwi ang lola ko pero kahit gan'on, mananatili muna kami ng Pilipinas para patapusin ang school year. Palabas na sana ako ng kwarto ko nang may tumawag sa cellphone ko. Si Saffron ang tumatawag. Naisip ko nalang na dapat hindi ko binigay ang phone number ko dahil alam ko, tatawag-tawagan niya ako. Pinatay ko ang ilaw ng kwarto ko bago bumaba ng hagdanan. "Yes?" Tumawa ito. "Wala lang, naisipan ko lang tawagan ka." Hindi ako nagsalita. "Kumain ka na?" Bigla nitong tanong. "Kakain palang ako." Bulong ko sabay silip sa kusina kung may makakarinig ba sa akin. Probably, si kuya Ambrose ay nasa harapan na ng computer niya para maglaro ng Valorant. "Kakauwi mo lang?" Binuksan ko ang ref para kumuha ng pitsel. "Yup, traffic, eh." Naglagay ako ng tubig sa baso. "Saffire wants to hear her mommy." Bulong nito. Kumunot ang noo ko. "Pinagsasabi mo? Who's Saffire?" Nagtataka kong tanong. "The teddy bear! I named her Saffire." He exclaimed. Nanlaki ang mga mata ko. "That's mine! How dare you to name her?" Singhal ko. Tumawa siya. "Blue ang color niya tapos sinunod ko sa pangalan ko." Hindi ako nagsalita. Wala naman akong magagawa dahil 'yon ang gusto niya. Papangalanan ko rin ang teddy bear ko kapag nasa bahay na siya. Mapang-angkin! "Saff, malapit na ang exam. Baka naman." Pahapyaw kong sabi. "Hindi ko madadaan sa dasalan ang exam." Natawa siya. "Magrereview kami bukas. Sama ka?" Napanguso ako. "Tuturuan mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya na agad ko rin namang binawi. "Huwag nalang pala. Nagcucutting ka tuwing GenMath." Araw-araw nagcucutting 'yan lalo na kapag GenMath ang subject kaya wala akong aasahan sa kaniya. "Nag-aadvance reading ako kaya ako nag-cucutting dahil alam ko naman ang ituturo." Napairap ako. "Okay, I'll go with you." Naglakad na ako palabas ng kwarto ko. "Uh, kakain na ako." Paalam ko. "Eat well." "K-kumain ka na rin, bye."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD