Chapter 8

3009 Words
"Ang aga mo naman umalis, 'nak. Saan ka pupunta?" Napangiwi ako nang marinig ang boses ng nanay ko sa likuran ko. As much as possible, hindi ako gumagawa ng ingay dahil aalis nga ako ng maaga. Naka-uniporme na ako at naka-ayos. May group study kami nina Saffron at gusto kong sumama dahil pwede niya ako turuan sa mga aralin na hindi ko alam.  Ang talino kaya niya! Aminado naman ako na matalino nga si Saffron pero hindi ko 'yon aaminin sa kaniya dahil aasarin lang ako.  Napahawak ako sa basa kong buhok. "Mom, may g-group study kaming m-magkaklase." Sagot ko. Lumapit ito sa akin. "Oh, kasama ka?" Tumingin siya sa wall clock. "Bakit naman ang aga? Alas-nuebe palang." "Medyo matatagalan po." Napatango ito. "Yes, malapit na pala ang exam. Do well, anak. Ipapahatid kita kay manong." Hinalikan niya ang noo ko. Umiling ako. "It's okay, mom. S-someone will fetch me." Napatango ito. "Oh, okay. Mag-ingat kayo." I kissed her cheek first before I headed out. Habang naglalakad ay nagsusuklay ako ng buhok. Basang-basa pa dahil nagmamadali ako. Pinagmamadali rin ako ng naghihintay sa akin sa labas ng subdivision dahil kanina pa raw siya naghihintay sa akin. "Ang tagal." Reklamo nito nang makapasok ako sa sasakyan niya. Binuksan ko ang bag ko para kunin ang aking kit. "Drive." Suminghot ito. "Ano ang pabango mo?" Lumapit siya ng kaunti sa akin para amuyin ako. Nilapit ko ang damit ko sa kaniya. "Why? You will buy?" Takang tanong ko. Agad itong umiling. "Hindi, nagtataka lang ako kung bakit ang baho mo." Hinampas ko siya sa braso niya. "Ikaw, amoy tikoy ka!" Naiinis kong sabi. Umiwas siya sa akin. "Joke lang!" Natatawang sabi niya.  "Ang bango mo lang."  Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri. "That's probably my shampoo. Naubos ang perfume ko. Dadating palang ang in-order ko." Inilapit ko ang basang kamay sa ilong niya. "Weh?" Gulat na tanong niya. "Akala ko pabango. Ang tamis ng amoy mo." "'Wag mo singhutin baka maubos amoy ko." Nagmaneho na siya habang abala ako sa pagmamake-up. Bare face akong umalis ng bahay kaya nagdala ako ng kit ko. Dito na ako sa sasakyan niya mag-aayos ng mukha. "Dahan-dahan naman." Reklamo ko. Nagkakalat 'yung lipstick sa mukha ko.  "You know, I like your bare face." "Well, my face doesn't like you." "I'm not offending you, ha. Para sa akin, ang ganda mo kapag wala kang make-up." Ngumiti siya. "Maganda ka rin naman kahit may make-up ka. Ang ganda mo palagi." Hmm. He's sensitive. May mga babaeng na-ooffend kapag sinasabihan na maganda sila kapag simple lang. Siguro, iniisip nila na baka hindi sila maganda sa make-up.  Kahit ako rin naman, nag-effort ako mag-make up tapos sasabihin ka ng gan'on. Naningkit ang aking mga mata sa sinabi niya. "Crush mo ba ako?" Tumigil ako sa pagkikilay para lang tanungin siya. Pansin ko lang, palagi niya nalang ako pinupuri. Vocal siyang tao, kung ano 'yung gusto niyang sabihin sa isang certain na bagay, magsasabi siya. Agad na ngumiwi ang kaniyang mukha. "Mandiri ka nga." Nilayo niya ang mukha ko. "Hindi kita type." Wow? Siya pa ang may ayaw sa akin? Sabagay, hindi ko rin siya gusto. Not in this lifetime! Masisira ang ulo ko kapag nagkagusto ako sa kaniya. Mabuti na lamang, si Aelius ang gusto ko. Nag-cross arm ako. "Ako, tanungin mo ako kung crush kita." "Crush mo ko, noh?" Tudyo niya. "Hindi," sagot ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick. Asa siyang magustuhan ko siya. Nang makarating kami sa subdivision nila ay tumingin ako sa labas ng bintana. May pinapatayong bahay. Gusto ko rin magpatayo ng bahay kapag nagkaroon na ako ng trabaho at financial stable. Magpapatayo ako ng bahay para sa akin at sa magiging future husband ko.  Bumaling ako sa kaniya. "'Yung mama mo? Nandoon pa sa bahay niyo?" Baka may pupuntahan na naman silang importante para lang hindi kami makasama ng anak niya. Ewan ko ba, naiinis ako sa nanay niya.  "Bumalik ulit ng China." "Ginagawang bakasyunan ang bahay niyo, ah."  Parang nung nakaraang araw ay kakabalik lang nila ng Pilipinas, bumalik agad ng China?  "Ako lang naman ang may gustong tumira rito sa Pilipinas."  "Edi, ikaw lang mag-isa ang nakatira sa bahay niyo?" Gulat kong tanong. Sabi niya, 'yung tatay niya ay nasa Malaysia dahil may bagong asawa. Hindi ko alam kung bakit pumunta rin ng Pilipinas kung magkahiwalay na sila ng asawa niya.  Siguro importante talaga ang pinuntahan nila dahil sinadya pa nilang pumunta rito. "Yup," sagot niya sabay ngisi sa akin. "Gusto mo tumira kasama ko?" "Ayoko nga na makita ka, makasama pa kaya?" Pinagbuksan niya ako gate nila. Nauna na ako pumasok sa loob ng bahay nila dahil i-paparke niya muna ang sasakyan niya. Pagkapasok ko, wala akong marinig na ingay. Nasaan ba 'yung mga 'yon? "Nasa study room." Umakyat kami sa second floor ng bahay nila. Malawak ang hallway nila. Marami ang mga pinto at malalayo sa isa't-isa kaya I assumed na malaki ang mga kwarto. Sumunod ako kay Saffron nang tumigil siya sa isang oak door. Pagkabukas niya ng pinto ay narinig ko ang sigawan at halakhakan. Nag-rereview ba 'tong mga 'to? "Good morning, Aussie!" Binati nila akong lahat pagkapasok ko. "Good morning din." Bati ko at lumapit sa ginagawa ni Theros. "Ano 'yang pinag-aaralan niyo? Nevermind." Umalis ako kaagad nang makakita ng puro numbers. Nahilo ako bigla d'on ah.  "Basic Calculus, turuan kita?" Ani Theros na agad ko namang inilingan. "Ikaw nga nagpapaturo ka sa akin, tuturuan mo naman si Aussie? Baka mag-imbento ka lang ng formula." Sabat ni Aelius. Lumapit si Haru kay Aelius at may ipinakitang papel. "Paano 'toh?" "Bakit kaya hindi ka magtanong sa crush mong BSBA?" Tanong sa kaniya ni Aelius. "Pumapatol sa ate." Asar ni Theros. "Gago!" Mura niya at maya-maya pa ay kinuha ang sariling cellphone at may tinawagan. "Hello?" Lumabas ito ng study room. "Hulog ka na, tanga." Sigaw ni Theros. "So, no one will teach Haru? He's ABM, right?" Tanong ko nang may marealize. "Si Theros lang naman ang pabigat dito." Pang-aasar ni Saffron. Umupo sa lapag si Saffron, sa tabi ni Aelius. Naki-upo na rin ako nang maglabas siya ng mga notebooks niya. Tiningnan ko ang mga notebooks niya na iba-iba ang kulay. Ang colorful naman. "General Mathematics muna. Kaunti lang naman 'yon." "Ako na magtuturo sa'yo, Aussie." Singit ni Aelius. "Turuan mo 'ko, Ae. Ayoko bumagsak." Ani Theros at hinila pa ang ID ni Aelius. "Turuan mo nalang 'yan. Bida-bida lang?" Asar na tanong ni Saffron kay Aelius. Bakit ba asar na asar 'tong intsik na 'to kay Aelius? "Ang pangit ng penmanship mo." Sabi ko habang paisa-isa ang pag-scan ng notes niya. "Wala akong maintindihan." Sinara ko ang notebook niya bago ilayo. Paiba-iba ang sulat niya. May maganda, may pangit, at may mga chinese characters. Kung ano-ano ang sinusulat niya sa notebook niya! May nakita pa akong drawing ng ano..  "Pinasulat ko lang 'yan." Kinuha niya ang notebook niya at may nilatag na libro. "Fundamental Operations of Functions. 'Yan lang ba ang naabutan mo?" Tanong niya habang nag-flip ng pages. Napatango ako. "Ah, yes." Umayos siya ng upo. "Madali lang 'to kung makikinig ka sa akin ng mabuti." Tumango ako sa kaniya at nakisilip. "Yes, I will." May tinuro siyang number. "Eto, example." Napahawak ako sa aking sintido nang makita na kailangan hanapin ang x. "How will you get this answer?"  "Sagutan mo muna tapos i-cocorrect kita." "Alam ko sagot d'yan!" Pagbibida ni Theros. "Oh, ano?" Hamon ni Saffron. "2x³." Binato siya ni Saffron ng correction tape. "Bobo, lumayo ka nga." "I don't know." Pag-amin ko. Umiling siya sa akin. "Try mo lang. I won't judge you." Napalunok ako habang nag-iisip kung ano ba ang sagot. Ang alam ko substitute lang pero paano ba ang mag-substitue? Nakakahiya naman kung magkamali ako sa harapan ni Aelius! Nakatingin pa naman siya sa akin, hinihintay din ako magsagot. "Oral communication nalang," suhestiyon ko. Natatawang umiling si Saffron. "Mamaya na 'yon." "Sure ako may 2x³ d'yan." Sabat ni Theros. Tumango si Saffron. "Oo, tama si Theros."  Nagsulat na lamang ako papel, hindi na ako nag-isip kung ano ang tamang sagot. Ipapaliwanag niya rin naman sa akin. Sinabi niya sa akin na mali ako lahat kaya napanguso ako. Nakatingin si Aelius sa aming dalawa ni Saffron kaya naiilang ako! Napatango-tango ako sa kaniya. "Oh, madali lang pala. Na-gets ko agad." Tiningnan ko ulit ang solution na nakasulat sa papel. Naghanap siya ng libro sa shelf nila. "Hindi ka natututo dahil hindi mo gusto 'yung nagtuturo sa'yo kaya wala kang gana makinig." Tinaasan ko ito ng kilay. "Meaning to say, I like you?" Napatigil siya saglit. "Komportable ka sa'kin kaya gan'on." Pagkaklaro niya. Napatango-tango ako sa kaniya. Ginanahan tuloy ako mag-review. Si Aelius at Saffron ang taga-turo. Hindi naman daw nila kailangan mag-review dahil aasa sila sa stock knowledge nilang over-stock. Bumalik si Haru na may ngiti sa labi. "Goodbye, people. May magtuturo sa akin." Umalis na si Haru na dala-dala ang bag niya. Si Haru lang ang ABM student sa amin at walang magtuturo sa kaniya dahil HUMSS at STEM students sina Saffron at Aelius.  "Sana lahat may taga-turo." Ani Theros. "Kung magsagot ka na kaya d'yan?" Ani Aelius kay Theros. Bumaling ako kay Saffron na abala sa pagsusulat. "What's your full name?" Kinuha ko ang ID niya na nakalapag. "Saffron Wu? That's it?"  Kinuha niya sa kamay ko ang ID niya. "English name ko lang 'yan." "Maikli rin naman ang chinese name mo." Sabi ko sabay tumingin naman kay Aelius, kinuha ko ang ID niya na nasa leeg niya. "Abellana? Ang ganda ng apelyido mo, Aelius." "Del Mundo ang apelyido ko, Aussie." Sabat ni Theros. "I'm not asking," pambabara ko. Alas-onse nang matapos kami sa pagrereview. Nakahiga si Aelius sa sofa habang si Theros naman ay nasa sahig. Naka-carpet naman ang hinihigaan niya kaya hindi siya mapapasukan ng lamig sa katawan. Si Saffron ay abala sa paghahanda ng makakain namin. Dito na kami sa study room nila kakain ng pananghalian. Nang matapos kami kumain ay umalis na kami sa bahay nila.  Gusto ko sana sumama kay Aelius kaso umalis ito kaagad para puntahan si Snow. Si Theros ay may sarili ring sasakyan at nauna na ring umalis kaya naiwan ako kasama ni Saffron. "Do I look good?" Nag-pout ako sa kaniya. "Maganda ba ang shade ng lipstick ko?" Sinulyapan niya ang mga labi ko bago ulit tumingin sa kalasada. "Ano ba shade niyan?" "Dark red." Sagot ko at umusog papalapit sa kaniya.  "Lagyan kita?" Papahiran ko sana ang pang-ibabang labi niya nang bigla siyang umiwas. Tinakpan niya ang bibig niya. "Ayoko nga!" "Unti lang, promise. Ang putla ng labi mo." Ngumuso ako. "Waterproof naman 'to." Tumingin siya sa akin bago bumuntong-hininga. "Isang pahid lang, ha." Sa araw na 'yon, wala na kami ginawa sa room kundi ang mag-review quiz at magsulat ng reviewer. Nagbigay na rin ang mga teacher ng ipapagawa sa amin. Hindi na rin nag-cutting sina Saffron dahil may gawain ang mga kaibigan niya. Mabilis na lumipas ang araw at exam day na. Kinakabahan ako dahil baka makalimutan ko ang itinuro sa akin ni Saffron. He assured that he will help me answering my paper. Ayoko naman umasa sa kaniya kaya pipilitin ko sagutan ang mga tanong. Hinalikan ni kuya ang aking ulo. "Galingan mo, ha. Goodluck." Ginulo niya ang aking buhok bago naglakad papunta sa building nila. Nagulat ako nang may biglang humila ng bag ko. "Akala ko pa naman sindikato!" Hinampas ko sa braso si Saffron sa kaniyang braso. Napatingin ako sa hawak niyang plastic. "Ice-cream!" Kinuha ko ang gallon sa kaniya. "Bakit may dala ka? Anong flavor?" Chocolate at Ube. "Kakain ako habang nag-eexam." Sagot niya sa akin. "Patingin," Binuksan ko ang takip, baka isda ang laman. "Pahingi ako, ah." Sabi ko nang masigurado na ice cream nga ang kakainin namin. Pagkaupo namin ni Saffron sa upuan namin ay agad naming kinain ang ice-cream. Mabuti na lamang at dalawa ang kutsara na dala niya. Agad naming itinago ang kinakaing ice-cream nang pumasok ang adviser namin. Tinapik ko siya. "Subuan mo ako." Bulong ko sa kaniya. Walang reklamo naman siyang sumunod sa inuutos ko. Nasa tabi niya nakatago ang ice-cream dahil nasa dulo siya, hindi makikita ang ginagawa niya. "One-seat apart." Napatingin ako kay Saffron nang sabihin 'yon ng adviser namin. Hindi alam ni Saffron na isa 'yong bangungot sa akin kaya wala siyang kamalay-malay na lumayo sa akin! Grabe, kanino na ako magtatanong? Gusto kong tawagin si Saffron pero abala siya sa pagsubo ng ice cream at tinitingnan ni sir kung nagsilayuan na kami sa mga katabi namin. Napairap ako sa hangin nang wala na ako magawa. Ipinasa sa akin ni Saffron ang test paper habang may hawak na kutsara. "Iba 'yung papel mo." Bulong niya at may sinulat sa papel ko. Kinuha ko ang test paper ko at nakitang sinagutan niya ang number 1. Sa isang tingin niya lang, alam na agad ang sagot! Hindi ko alam kung tao pa ba si Saffron. Mostly sa mga Chinese, marunong talaga sa mga numbers. Hindi ko alam kung paano nahahasa ang ganoong skills nila but I want to have a skills like Saffron.  General Mathematics ang unang quiz namin. Wow! Biglang nagsiwala sa utak ko ang tinuro sa akin ni Saffron. Tinitigan ko lang ang number 2, iniisip ko kung magsasagot pa ba ako. "Paano nga ulit kunin 'to?" Tanong ko kay Saffron.  Nagkabuhol-buhol na ang naiisip ko dahil random nalang ang naiisip ko. Hindi ko maalala dahil kung ano-ano nalang ang lumalabas sa utak ko. Nagsalita si Saffron sa gilid ko. "Ikain mo 'yan." Inabot niya sa akin ang ice-cream at kinuha ang papel ko. "Ako na magsasagot ng quiz mo. Madali lang naman 'to." "Salamat, Saffron." Tumango lang ito at nagsimula magsagot. Para naman may silbi ako, sinusubuan ko siya ng ice cream. Feel ko lang na subuan siya dahil sinasagutan niya ang quiz ko.  "Last 20 minutes." Agad ibinalik sa akin ni Saffron ang papel ko. "Sagutan mo 'yung dalawa." Kinuha niya sa akin ang ice cream. Nakangiti akong tumango. "Ah, okay. Thank you." Napanguso ako habang tinitingnan ang number 49 at 50. Hindi ko alam ang sagot. Sure naman ako na tama lahat ang isinagot ni Saffron sa papel ko kaya huhulaan ko nalang. Pasado rin naman ako kahit magkamali ako ng dalawa. Nagkaroon kami ng 10minutes break bago ulit mag-exam. Kumain na lamang ako ng wheat bread habang nasscroll sa aking i********: feed.  Napakunot ang noo ko sa in-upload ni Saffron. Picture ko 'yon na stolen shot. Kunot ang noo habang nasscroll at may kagat na tinapay. At ang caption ay ang bansa ng Australia. Ang nakakainis! 'Yung mga kaibigan niya na nagcocomment. @nshmrhrm : stress yarn? @delmundongbuh4ym0 : cutting tayo aussie libre mo "May paepal na nag-comment." Bulong-bulong nito. @aeyow : cute Napangiti ako sa comment ni Aelius. See? Aelius appreciate my picture taken by his asshole friend. Cute raw ang side profile ko. Hays! Crush niya na siguro ako. Hindi naman matatanggi na cute nga ako.  Magrereply sana ako nang biglang mawala ang post. Tiningnan ko si Saffron na masama ang tingin sa akin. Ano na namang demonyo ang bumulong sa lalaking 'to? Ako na naman ang may kasalanan sa bagay na hindi ko naman ginawa! Wala na ba siyang ibang masisi kundi ako lang? "What?" Inis kong tanong. "Ngiti ka d'yan?" Naiinis din nitong tanong sa akin at tumayo. "Parang 'yon lang, ngumiti agad. Ako nga sinabihan siyang maganda, hindi ko man lang nakitang ngumiti." Bulong-bulong nito habang naglalakad paalis. Tinaasan ko ng kilay ang likuran nito. "May sinasabi ka ba?" I hissed. Bumaling ito sa akin. "Wala! Bahala ka magsagot ng exam mo." Lumabas ito ng room. "Ayos lang! Wala naman ng Math." Bulong ko pa atsaka naglabas ng notebook.  Magrereview nalang ako. Hmpk! Nababaliw na naman siya. Hindi ko siya papansinin. Akala niya, siya lang ang may kakayahan na huwag mamansin! Pwes, ibahin niya ako.  Nagsimula na ang sunod na quiz at hindi talaga ako pinapansin ni Saffron. Patingin-tingin siya sa papel ko kaya tinatakpan ko. Baka mangopya siya, eh. Inirapan ko siya nang magtama ang paningin namin. Mayroon akong exam na parehas sa mga kaklase ko kaya abala ako sa paghahanap ng sagot sa mga kaklase ko dahil wala akong maaasahan kay Saffron ngayon! "Snow, what's your answer in number 35? I'm not sure, eh."  Nagtataka itong napatingin sa akin. "B, bakit?" "Oh? I answered D." Gulat kong sabi. "Is it okay if I will copy your answer?" Nagulat pa ito sa sinabi ko pero tumango rin naman. "Ha? Oo naman. Ayos lang." Nginitian ko ito. "Thank you." Bumalik na ako sa upuan ko. Napatingin sa akin si Saffron kaya tinaasan ko ito ng kilay. Gusto niya rin komopya? Kapal naman ng mukha niya makinabang sa nakuha kong sagot. Naglakad-lakad ako ulit. "Hello, what's your answer in number 21? It's Enumeration and I don't know any thing." Palusot ko pa. Walang alinlangan itong sumagot. "HIV." Nginitian ko ito ng napakatamis. "Thank you."  Masaya akong naglakad pabalik sa upuan ko at nagsulat na ng sagot. Nag-ikot ako para lang magtanong kung ano ang mga sagot nila. Nakasulat siya sa palad ko. Inabot sa akin ni Saffron ang papel niya. "Kopyahin mo 'yung sa'kin. Sakit mo sa mata, palakad-lakad ka."  May sinabi ba ako na tingnan niya ako? Kasalanan ko na naman ba na sumakit ang mata niya dahil palakad-lakad ako? Ano 'to? Blame Aussie in everything?! "Then close your eyes. Not my problem." Pagtataray ko. Nang mag-break time ay nanatili lang ako sa room. Dinalhan ako ng pagkain ni mommy. Vegetable salads, banana, at wheat bread na naubos na dahil pinapak ko kanina. Healthy living! "I'll wear Olaf in Halloween Party." Biglang sabi niya. Sumubo ako ng pipino. "And so? I don't care anymore if you'll come or not. If you don't like your Olaf costume then it's okay for me. Hindi naman ako ang gumastos."  "I have something to tell." Seryoso niyang sabi. "Huwag mo nang sabihin dahil hindi naman ako interesadong malaman." "Sa Halloween Party, may aaminin ako sa 'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD