Chapter 9

3104 Words
"Chassè, 48 over 50." Nanlaki ang mga mata ko sa anunsyo ng adviser namin. Gulat akong napatingin kay Saffron na nakangisi sa akin ngayon. Hindi ako makapaniwala na dalawa lang ang mali ko sa General Mathematics. At 'yong maling 'yon ay ang mga sinagutan ko! Saffron probably has a perfect score. "Wu, 50 over 50." Saffron got the perfect score! Ang galing niya. He's really good in numbers. "Galing ko diba?" Pagmamayabang pa niya. Tumango ako. "Tama lang ang desisyon ko na pasagutan sa'yo ang papel ko." Nagpalakpakan kami pagkatapos ng anunsyo ng scores namin. Natuwa sa akin ang adviser ko kasi kahit baguhan palang raw ako ay nakikisabayan na ako sa talino ni Wu. Hindi niya alam na si Saffron ang nagsagot ng papel ko. "I will treat you since I have an almost perfect score and that's because of you!" Masaya kong sabi na agad niyang inilingan. "Lutuan mo nalang ako." Pinanlakihan ko siya ng mata. "I don't know how to cook, Saff! Iba nalang." Baka magkasakit siya or what dahil sa luto ko. Hindi ako marunong magluto ng kung ano. Kahit ang mag-prito ng itlog ay hindi ko alam dahil sa takot ko na matalsikan ng mantika. My precious skin. "Ayos lang kung walang lasa o.. maalat." Umiling ako. "No, I will treat you somewhere." Pagpipilit ko pa. "In an expensive restaurant." Dagdag ko pa. "Adobo ang gusto ko." Pagmamatigas niya. Bumuntong-hininga ako. "Okay, fine. Wala akong kasalanan kapag nagkaroon ka ng UTI, ha." Nang tumunog ang bell ay ilang segundo lang ang hinintay ko at nagsama-sama na naman ang cutting squad dito sa room namin. Ang iingay nila! Mas maingay pa sa bell. "Perfect sana ang score ko kung pinakopya sa akin ni Aelius yung number 50." Reklamo ni Theros. Tiningnan siya ni Aelius na parang hindi makapaniwala. "Ang kapal na ng mukha mo, Maximo." "Ang lungkot naman, ako lang ang walang kakopyahan." Sabat ni Haru. "Nakita nga kitang may ka-call habang nag-eexam. Huwag ako, gago." Mura sa kaniya ni Theros. Tumayo ako at hinila si Saffron. "I will borrow Saffron, ha." Paalam ko kina Theros. "Kahit huwag mo na siya ibalik." Biro ni Haru. Hila-hila ko ang braso ni Saffron habang naglalakad kami. I will treat him sa cafeteria. Wala lang, I just want to thank him by treating him here. Hindi ko naman siya puwede ilibre sa labas dahil bawal kami mag-cutting ngayon. "Kuya, I got 48 over 50 in General Mathematics because of him!" Anunsyo ko kay kuya habang nakaturo kay Saffron. Tumayo siya para makabili na, "Matutuwa na rin sana ako kung pati akin ay sasagutan niya." Biro nito kaya alanganing napatawa si Saffron. "I will treat him." Sabi ko kay kuya sabay baling kay Saffron. "Choose what you want to eat." Agad itong umiling. "Aussie, ayos lang. Huwag na."  Umiling din ako sa kaniya."No, listen to me. I will treat you because I want to." Nginitian ko siya.  "Hindi ko naman siguro matatapakan ang p*********i mo dahil lang sa paglibre ko sa'yo." Paliwanag ko pa. "Nakakahiya lang sa kuya mo. M-may pambili naman ako." Bumulong siya sa akin habang nakatingin kay kuya. "Sige, I will treat you and I will cook for you. This is a sign of my gratitude." I decided. Natapos ang araw ko sa school ng masaya. Hindi mawala-wala ang ngiti ko dahil sa mga narinig kong score kanina. I am just proud of myself kahit hindi ako ang nagsagot. Nagsagot naman ako. Tinatanong ko lang si Saffron kanina sa mga questions na hindi ko alam at ipinapaliwanag naman niya sa akin ang mga hindi ko alam kaya kahit papano, kahit hindi perfect, ay nasa forty ang mga scores ko. Masaya ako pumasok ng bahay. Naabutan ko si mommy na nanonood ng TV sa sala, may kinakaing nachos. She's watching a Netflix. "Mommy! I have a good news." Sigaw ko at nakita kong nagulat ito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa. "Oh! You look happy, anak." Sabi nito sa akin nang makabawi mula sa pagkakagulat. "Well, mom. I almost got perfect score in GenMath." Pagmamayabang ko. "I have to celebrate," nakangiting sabi ko. Kumunot sa akin si mommy. "'Nak, nakakapagtaka lang na nakakuha ka ng almost perfect na score sa Math. Nangopya ka ba?" Nagtatakang tanong nito sa akin. Hindi niya dapat malaman na nangopya lang ako! Mas lalong hindi niya pwede malaman na nangopya ako kay Saffron dahil panigurado, isusumbong niya ako kay daddy!  Napahawak ako sa dibdib ko, kunwari ay nasaktan ako sa sinabi niya. "Mom! You don't believe in me?"  Bigla nitong hinawakan ang mukha ko, "I believe in you, anak. Nagtataka lang ako." Ngumiti ito. "Well, we have to celebrate your scores in Gen Math dahil once in a blue moon lang mangyari 'yan." "I want to eat some adobo!" Suhestiyon ko. Well, papanoorin ko siya magluto ng adobo para malaman ko kung paano 'yon gagawin para naman alam ko kung ano ang gagawin ko sa oras na lutuan ko na si Saffron. Natatawang pinatay ni mommy ang TV at dumiretso sa kusina. Inihanda niya ang lulutuing ulam. Mabuti na lamang at kumpleto ang mga kailangan sa ref namin. Kaya habang nagluluto si mommy ng adobo, aaralin ko kung paano lutuin para magawa ko ang tinupad ko kay Saffron na lutuan siya ng adobo. I don't know how to cook! "Kailangan mo unahin ang luya dahil hindi ito madali masunog." She sautè first the ginger, onions, and garlic. I sniff and it's smell good. Medyo malayo ako sa kawali dahil natatakot ako matalsikan ng mantika. Masakit pa naman kapag natalsikan!  "It's smells good." "You want some potatoes?" "May patatas po ba ang adobo? May carrots po?" "No, baby. Potatoes only." Natatawang umiling ito. Inutusan niya ako balatan at hiwain ang mga patatas. Tila naging si Princess Sarah ako ngayon dahil sa ginagawa ko.  Hinugasan ko ang mga patatas sa lababo. "How will I know if the meat was already cooked?" Inabot ko kay mommy ang mga patatas. "Pakukuluan mo lang siya hanggang sa lumambot o kaya tusukin mo ng tinidor." Napatingin ako sa mga ingredients na hindi pa nailalagay sa kawali. "Oh, what's this?" Isa 'yong dahon at inamoy ko ito. "Laurel, 'nak. Maganda 'yan para bumango ang luto mo." Sagot nito. "Bakit gusto mo matutong magluto?" Nagtataka nitong tanong habang naghahalo. Napakamot ako sa aking kilay. "Ah, you know, I am woman and woman should know how to cook." Palusot ko. "Once, I become independent. I know how," dagdag ko pa. Well, hindi rin naman ako habang buhay na nasa puder ng mga magulang ko. Kailangan ko rin matuto sa gawaing bahay sa oras na bumukod ako. Baka mabaliw ako sa sobrang kalat at hindi ko alam kung paano maglilinis. "Yes, baby. You should cook for yourself and to your future husband so he would love you more. There's a saying that a way to a man's heart is through his stomach." Nakangiwing tinanguan ko lang ang nanay ko. I will only cook for Saffron and I'll never cook again for him. Anong way to a man's heart? Hindi ko naman gusto si Saffron! Si Aelius, nakakahiya naman kung lutuan ko siya. Marunong magluto 'yon tapos baka mapahiya lang ako dahil walang lasa ang niluto ko o maalat. Syempre, nakakaturn-off 'yon. Ayos lang na si Saffron ang makatikim ng luto ko dahil hahampasin ko nalang siya bigla kapag nag-inarte siya. Napagdesisyunan ko na huwag na pumasok sa araw ng Biyernes dahil mag-checheck lang naman kami ng mga test papers ng ibang section. Wala rin masyadong gagawin at mayroon naman akong taga-balita kung mayroon mang homework. zangwu : ang boring ng buhay ko dapat umabsent nalang ako aussienotanaussie : deserve! weekends na nga lang ang pahinga ko sa pang-aasar mo I just sleep and eat whole day because I feel bored. Wala akong kasama rito sa bahay dahil ang mga magulang ko ay nasa ospital tapos si kuya ay pumasok dahil may exam pa sila.  May mga nakahanda namang pagkain sa ref. Pwede ako mag-init ng pagkain kapag nagutom ako.  Mabilis na lumipas ang araw at Halloween Party na! Mamaya pang alas-sais magsisimula ang party pero naghahanda na kami agad. Nilabhan ang susuotin kong gown. I also buy carrot nose for Saffron sa online shopping.  Naparami ang add to cart ko kaya hindi lang carrot nose ang nabili ko.   "Mom! I'll wear light make-up." Paalala ko pagkaupo ko sa isang upuan. "I'll braid your hair, Aussie." Ani ng baklang hair stylist. "You have a healthy hair." Sinuklay nito ang buhok ko. I have to bleach my hair for this party! Aasahan ko na ako na ang mananalo. Sa ganda kong 'to, kailangan kong manalo. Hindi ako magpapatalo. Hinatid ako ni kuya sa hotel kung saan magaganap ang party. Kumakanta siya habang sinasamahan ako sa loob dahil naka-heels ako. "Let it go~" "Stop na at baka umulan." Suway ko sa kaniya at pinaalis na siya. Dumiretso ako sa garden ng hotel at nakita kong marami ng tao. Halo-halo ang mga tao rito. May mga Senior High, College, at Alumni. Dahil sa dami ng tao, kailangan ko pang hanapin si Saffron. Hindi ko siya nahanap pero mabuti na lamang, nakita ko si Haru sa gilid, kausap si Theros. Napatingin sa gawi ko si Theros. "Wow! Ang ganda mo naman." "Nag-bleach ka?" Tanong sa akin ni Haru nang mapansin ang buhpk ko. Hinawakan ko ang buhok ko. "Hindi ba halata?" Umiling ito. "Ang ganda mo nga, eh." "Akala ko ba hindi kayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sabay linga sa paligid. "Si Saffron nga pala? Nasaan na? Nakakahiya naman kung wala akong ka-partner tapos ang bongga ng awra ko ngayon." Mahinang sabi ko pa. Biglang humalakhak si Theros at nakatingin sa likuran ko. "Papisil naman!" Asar nito kay Saffron. Agad akong lumapit kay Saffron habang bitbit ang carrots nose. "Saffron! You need to wear this. Naghanap pa ako sa online ng carrots nose na babagay sa 'yo." Isinuot ko sa kaniya ang ilong. "I think we will win. We have a good duo." "Sirang-sira na ang dignidad ko." Bulong niya habang nag-iiwas ng tingin sa mga iba pang estudyante na tinitingnan siha. "Bakit iba ang kulay ng buhok mo? Nag-wig ka?" Napansin niya rin ang buhok ko. Umiling ako. "No! I have to make an effort so we can win. Ang pangit naman kung wig lang, baka matanggal sa ulo ko. Okay na 'yung ikaw lang ang makaramdam ng kahihiyan, 'wag lang ako." "Thank you, ha?" Sarkastikong sabi nito. Pinisil ko ang pisngi niya. "Aww, you're welcome." Natigil na kami sa pag-uusap nang biglang tumigil ang pinapatugtog na kanta. May isang lalaki ang umakyat sa isang stage. Nakasuot ito ng suit at may nakasabit na pulang kapa. Dracula ang peg niya tonight. "Hello, Vista Hills! I am your MC for tonight. I've prepare some games for you before we start our main program." Anunsyo nito. Napalingon ako kay Saffron. "We have to play? Damn! I wear heels." Ipinakita ko sa kaniya ang suot kong heels. Umiling ito. "Hindi naman kailangan maglaro." "But I want to play." Nakangusong sabi ko. "Then, we will play."  Mayroong sampung monoblock chair ang naka-bilog. Mayroong labing-isang magka-pares ang maglalaro. The MC explained na ang lalaki ang uupo sa upuan at kakandong ang mga babae sa mga hita ng mga lalaki which I don't like. "Trip to Jerusalem!" Masayang sabi ng MC. "What's that?" Tanong ko kay Saffron. "Iikot kayo sa mga upuan habang sumasayaw, when music stop. Makikipag-unahan ka sa pag-upo sa mga upuan." Paliwanag nito. Kumunot ang noo ko. "I don't like that." Baka masira ang costume ko dahil lang sa pakikipag-unahan na umupo. "Sige, manood nalang muna tayo." Tiningnan ko ang mga kasali. Naningkit ang mga mata ko nang makita si Haru na hila-hila ng babae. "That's Haru, right? He's with someone." Tumawa siya nang makita si Haru. "'Yung crush niyang college student." "Oh? Really?" Gulat kong tanong. "They will join." Napatingin tuloy ako kay Saffron. Not that I don't want to sit in his thighs. His costume looks uncomfortable. Mabuti na lamang at hindi kami sumali kundi ay kami ang unang matatalo. "Ang daya." Natatawang sabi ni Saffron nang bigla na lamang hinila ni Haru ang lalaki paalis sa upuan para siya ang pumalit. "Tingnan mo nga 'yung catering kung may makakain ako." Utos ko. Agad itong tumayo. "What do you want? Sweets?" "'Yung puwede papakin." Haru and his crush won the Trip to the Jerusalem. Nakangiti ako sa kanila habang pumapalakpak. They look happy. What's the real score between them? I mean, naunahan pa ako ni Haru. Tumabi sa akin ulit si Saffron na may dalang plato. "Aussie, macaroons." Kinuha ko 'yon mula sa kaniya. "Thank you, Saff." "Fast Eating Challenge!" Doon ko napansin na may hawak-hawak na kawayan ang dalawang kalalakihan at may mga nakasabit na apples. By the name of the game, alam ko na kung ano ang gagawin. "We have to join!" Masaya kong sabi kay Saffron. Ngumiwi ito. "We might kiss."  "So? We have to be careful not to kiss each other." Paalala ko sa kaniya. "Gusto ko rin kumain ng apple. That red apple inviting me to eat it." Paliwanag ko pa. "Sigurado ka ba?" "Why? Ayaw mo?"  "Tara," hinila niya ako papunta sa gitna. "Step here and wait for the signal." MC said. Naglakad kami sa gitna kung saan may nakahilerang mansanas. Hindi ko na nakita si Haru at 'yung kasama niya na maglaro. Bigla na lamang silang nawala. "Okay." Bulong ko at tinitigan ang apple. "Look, it looks delicious. I will eat the most, ha." Ani ko kay Saffron. "Saffron!" Sumigaw si Theros kaya napatingin kami sa kaniya. Umiling si Saffron kay Theros. "Three… two… one.. Go!" Agad akong kumagat sa apple. Mahirap kumagat ng apple kapag hindi kami sabay ni Saffron dahil walang force na pumipigil para makakagat ako. Natutulak lang palayo ang nakasabit na apple. "Bilisan mo!" Utos ko nang magtagal ito sa pagnguya. Sabay kaming lumapit sa mansanas pero biglang ginalaw ng MC ang mga apple kaya hindi ko sinasadyang nailapat ang dila ko sa mga labi ni Saffron.  Agad akong napalayo. I don't think we can continue this game. Hinila ko na lamang si Saffron paalis doon. Tinatawag pa kami ng MC pero hindi ko sila pinansin. Nang makalayo sa kanila ay agad akong napatingin kay Saffron. Hinawakan ko ang mga labi niya para punasan pero agad siyang nag-iwas. "S-sorry! N-nalawayan ko 'yung lips mo." Alanganin akong tumawa sa kaniya. Bakit kasi nakalabas ang dila, Aussie? Baka nakakalimutan mo na may ka-partner ka na makikikain din sa apple! Pinunasan niya ang mga labi niya. "Ayos lang. Mabango naman." "Hindi na ako sasali ulit sa mga gan'yang laro." I rant.  "Let's go back inside." Hinila ko siya pero hindi siya nagpatianod kaya nagtataka ko siyang tiningnan. "I have something important to tell you." Paalala niya. Napapikit ako at biglang napatango. "Ah, yes. What is it?" May sasabihin nga pala siya sa akin. Kinakabahan ako sa sasabihin niyang importante. Baka bigla niya na lamang sabihin na hindi pala talaga ako kasali sa research. "You promise you'll not get mad?" Tinatansiya niya na ang itsura ng mukha ko. I raised my right hand. "I promise." Nakangiti kong sabi. Napakamot ito sa sariling batok. "Aussie, I'm sorry but I am the reason why Aelius can't like you back." Kumunot ang noo ko sa kaniya. "What? What did you do? You threathen him? You like him, perhaps?" Sunod-sunod kong tanong. I don't know his sexuality! I don't know if he's really a gay and he has crush on his friend. I'm not judging him, ha. Hahangaan ko pa nga siya if ever na mag-come out siya as a gay. I will be friend with him! Napaisip pa siya kung magsasalita pa ba siya o hindi dahil nararamdaman ko na kinakabahan siya. "I didn't threat him. He knows that I like you ever since I lay my eyes on you in the Main Building." Tila nabingi ako sa sinabi niya. Hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. Like? As in gusto? Or I heard lie? Oh my gosh! I don't know. Umiling ako sa kaniya. "Wait, what? Saffron, I don't understand you." Hindi ako naniniwala sa kaniya, I know him. He's just probably pranking me. "If you're just pranking me—" he cut me off. "Na-love at first sight ako sa'yo." He seriously said. Napahawak ako sa aking noo. "Saffron, hindi ko alam kung nagbibiro ka ba o hindi. You said to me very clearly that I am not your type." Paliwanag ko sa kaniya para ipaalala ang mga sinabi niya sa akin. "Or is it a way of telling me that you don't like me for Aelius. I understand because I know, you're just concern to me that Aelius is bad for me." Dagdag ko pa. He warned me before that I shouldn't fall to Aelius.  Naiinis itong umiling sa akin. "I like you since day one. You're not my type because you're my standard! I don't like you for Aelius, yes and it's because I like you." Dahan-dahan niyang sabi na para bang gusto niya na maintindihan ko ng maayos ang sinasabi niya. "Ask him why he doesn't like you. He's not interested with you—" pagdidiin pa niya. I slapped him. "And I'm not interested with you." Nangilid ang luha ko. "Hindi ako gusto ni Aelius, sige, sabihin nating totoo ang sinasabi mo but that doesn't change the fact that I don't like you. Am I being brutal to you? Yes dahil wala kang maaasahan sa akin. I only like you as a friend." I said bluntly. "I don't want you as my friend." Bulong niya. "Friendship lang ang mai-ooffer ko sa'yo ngayon, Saffron. I didn't know that you have feelings for me. Sorry for being clueless. Kung alam ko lang, hindi ko sana hinayaan ang sarili ko na mapalapit sayo. I'm sorry." Malungkot kong sabi. I treated him as a guy friend. He's the only one I have since I don't know some of my classmates. Siya rin ang naaasahan ko sa mga bagay na hindi ko alam. Tinuturuan niya ako sa lahat ng bagay. He's my comfort zone when I am sad because I can't open up my problem with my fam. I'm not mad at him. Hindi ako galit sa kaniya dahil ayaw sa akin ni Aelius at siya ang dahilan. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nakaramdam na may gusto na pala siya sa akin. Kung nalaman ko lang ng maaga, iniwasan ko na siya para hindi na mas lumalim pa ang nararamdaman niya sa akin. "I like you so much, Aussie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD