Chapter 10

3066 Words
"What was that?" Hindi ako makapaniwala sa sudden confession ni Saffron sa akin. Pumasok na ako ulit sa loob ng hotel at naabutan ko sina Haru at Theros na mukhang may hinahanap. "Si Saffron?" Hinihingal nilang tanong. Nagtataka man sa inaakto nila ay sumagot ako. "Nasa labas." Nag-commute nalang ako pauwi. Ayoko nang abalahin si kuya dahil naglalaro 'yon ngayon. Baka rin ay magtaka siya kung bakit malungkot akol Hinubad ko ang suot kong heels bago pumasok sa bahay. Naabutan ko si mommy na nagwawalis. Binitawan nito ang walis para lumapit sa akin. "Ang aga mo naman umuwi." Kinuha nito sa akin ang hawak kong heels. Hindi ko masabi sa nanay ko ang nangyari sa party. Hindi naman masaya ang mga nangyari.  "Inaantok na po ako kaya ako umuwi." "May naghatid naman sayo?" Tanong nito. Ayokong sermonan niya ako ngayong gabi sa oras na malaman niyang nag-commute ako.  "S-si Saffron po." Sagot ko. "Nasaan siya? Nasa labas pa ba?" Umiling ako. "Umalis na po." Nagpunas ako ng paa sa basahan. "Matutulog na po ako." What did I do to make Saffron like me? Sinungitan ko siya nung nasa Main Building ako. Wala akong ginawa sa kaniya kundi ang hampasin at awayin siya sa tuwing naiinis ako. Wala namang espesyal sa akin bukod sa maarte ako. Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Napatingin muna ako sa orasan bago tingnan kung sino ang tumatawag. Bakit tumatawag sa akin si Aelius ng madaling araw? "Hello, Aelius." Nakapikit kong sabi. "S-si Theros 'to, Aussie."  "Oh? Why?" Humikab ako. "Si Saffron, isinugod sa ospital." Biglang nanlaki ang mga mata ko at napabangon ako sa pagkakahiga. "Bakit? Ano ang nangyari sa kaniya?" Iniwan ko siya kagabi ng maayos. Hindi ko alam kung ano nangyari sa kaniya kaya siya sinugod sa ospital. Bigla akong nag-alala at kinabahan dahil baka kasalanan ko pero handa naman akong akuin 'yon dahil ako ang kasama niya bago siya na-ospital. "Allergic siya sa mansanas." The apple! Puwede niya naman sabihin sa akin na allergic siya sa mansanas para hindi ko na siya pinilit na sumali. Oh my Gosh! Paano kung ako ang sinisisi nila? Si Saffron? Sinisisi niya ba ako? "Nasaan siya ngayon? Is he okay?" Nag-aalala kong tanong. "Nasa VH kami ngayon. Ayos naman na siya. Pauwi na kami mamayang tanghali." Sagot nito. "Pupunta ka ba?" Mahinang sabi nito. Binantayan nila si Saffron buong magdamag? So, wala pa silang tulog?  Umubo ako. "Ah, no. Glad to know he's okay." Hindi siya nagsalita sa kabilang linya. "Uhm, bye." Pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako ng maayos, knowing na nasa ospital si Saffron dahil sa akin. Kasalanan ko ba kung bakit siya na-ospital?  Kinabukasan, para akong lantang gulay. Hindi ako nakatulog ng maayos. Wala rin akong ganang bumangon sa higaan dahil inaantok pa ako pero tanghali na. Nasa tatlong oras lang ang tulog ko. Nag-uusap sila sa hapag habang ako ay pinaglalaruan ang ulam sa plato ko.  "Pwede na makauwi rito sa bahay si mama sa susunod na linggo." Ani daddy. "I'll cook for mama." Nakangiting sabi ni mommy. "When we can visit lola, mom?" Kuya asked. "Oh, we will visit her later." Nakangiting sagot ni mommy. Nagpunas si daddy ng labi sabay tingin sa akin. "Oh, by the way, I saw Saffron in the hospital, Aussie. What happened to him?" Napatingin ako sa kanila at nakatingin silang lahat sa akin, "He has an allergy."  Tumingin ito kay mommy. "Oh, I saw him last night in a stretcher. Puro pantal ang mukha. Namamaga rin ang mga labi niya. Kawawang bata." Nahahabag na sabi ni daddy. Huminga ako ng malalim bago tumayo sa upuan ko. "I'm done." Nakahiga lang ako sa kama, nag-iisip nang biglang pumasok si mommy kaya nagtalukbong ako ng kumot.  Ginalaw nito ang hita ko. "Aussie, aalis na tayo. Maligo ka na." "Mom, m-medyo masama ang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko. Ayoko magpunta ng ospital dahil nasa VH din ang lola ko. Pwede ko makita sina Theros do'n at natatakot ako na baka awayin nila ako dahil sa ginawa ko sa kaibigan nila. Hinipo nito ang noo ko. "Oh? It's better if you'll stay here. Huwag ka na sumama at baka may makuha ka pang sakit sa ospital."  Tumango ako. "I'll just rest, mom." Bulong ko. Hinalikan nito ang noo ko. "Sure, take care, baby," saka siya lumabas ng kwarto ko. Naghintay ako ng sampung minuto bago tumayo at umalis ng kwarto. Nagmamadaling dumiretso ako ng kusina. Binuksan ko ang ref at naghanap ng sangkap. Mayroon pang manok na nakalagay sa freezer. Naghiwa ako ng mga igigisa ko. Nagbalat muna ako ng patatas bago magpainit ng kawali. I waited one minute before I pour some oil. Sabi ni mommy, kailangan mainit ang mantika bago maggisa. Dahan-dahan kong nilagay ang luya sa kawali at tumalsik ang mantika. "f**k!" Mura ko at napahawak sa braso ko na natalsikan. Hininaan ko ang apoy dahil nasusunog na ang luya. "Onions." Bulong ko at ipinagsabay na ang sibuyas at bawang. Pagkatapos ko magluto ay inilagay ko 'yon sa isang plastic tupperware. Nagpunta ako sa kwarto ko para maligo at makapagbihis na. Nang matapos ay agad akong nag-send ng chat kay Aelius. aussienotanaussie : can we meet at bgc? i have something to tell aeyow : sure Nag-commute ako papuntang BGC. I will meet Aelius at the Starbucks. Umorder ako ng paborito kong Frappucino habang naghihintay.  Napatayo ako nang makita si Aelius na naglalakad papasok. "Good afternoon, Aelius." Bati ko. Nginitian niya ako. "Good afternoon, too."  "Ahm, it's my fault that Saffron—" panimula ko. Nakangiting umiling ito sa akin. "It's okay. Ginawa niya 'yon willingly. Walang may kasalanan." "I feel bad." Pag-amin ko. "Alam ko na kung bakit hindi mo ako kayang magustuhan. Saffron told me everything." Mahinang sabi ko. "Madali ka namang magustuhan. I like you as a friend and I want to be friend with you. You're nice and adorable." Ngumiti siya. "That's why Saffron like you." Sumeryoso siya. "Wala siyang galit o sama ng loob sa'yo dahil hindi mo siya gusto." "Why?" "Sabi niya sa amin, susubukan niya lang. Kapag hindi maganda ang resulta, iiwas siya sa'yo para hindi na mas lumala ang nararamdaman niya para sa'yo." Aniya. "Pwede siyang magpalipat ng section kung kinakailangan." Lilipat siya ng section? Bakit siya lilipat? Hindi na pwede ang lumipat, ah!  "Aelius, I don't know. Gusto ko siya maging kaibigan hindi dahil nagbebenefit ako sa katalinuhan niya kundi nasanay na ako sa presensya niya. He's the only one I have." Nangilid ang luha ko. "He's nice to me kahit na nakakainis siya kasi mapang-asar siya pero hindi rin mabubuo ang araw ko kapag hindi niya ako inaasar." It's our daily routine. Mang-aasar siya tapos ako ang aasarin. Magdadaldalan kami kahit may teacher sa harapan na nagtuturo sa amin. Napa-finger snap ito. "Ah!" He laughed. "You like him." He pointed out. Pinunasan ko ang luha ko. "Yes! As a friend." Tinanguan ko siya. Natatawang umiling siya. "You like him as a man, not a friend." "Ikaw nga, you like me as a friend but not as a woman." Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. "In time, you'll know." Napatingin siya sa cellphone niya. "I gotta go. Saffron was looking for me." Tumayo siya. Hinawakan ko ang braso niya. "Can I come? I w-want to visit him."  "Sure," sagot nito. Tahimik lang ako habang nasa loob ng sasakyan niya. Mahigpit ang hawak ko sa paper bag. Malapit lang naman ang VH sa BGC kaya nakarating kami agad. Pagkapasok namin ng ospital ay agad akong nagtago sa likuran ni Aelius. "Hide me!" Kinakabahan kong sabi. I just saw my mom! "Why?" Gulat nitong tanong. "M-my mom. Naglalakad siya papunta sa atin. She doesn't know I am here." Bulong ko. Matagumpay naman akong nakalampas kay mommy nang hindi niya napapansin. Pumasok kami sa loob ng elevator. Ngayon ko lang napansin ang height difference namin. Ang liit ko. "He didn't know where I go." He said. "Baka magulat siya, kasama kita." Nagkibit-balikat ako. "It's okay. I just want to personally give this to him. Nag-request siya sa akin na lutuan ko siya ng adobo. Aalis din naman ako kaagad." Ipinakita ko sa kaniya ang paper bag. Nasa fourth floor ang kwarto ni Saffron. Sinenyasan ako ni Aelius na manatili muna sa labas. Sinara niya ang pinto pero may awang ng kaunti. "Saffron?" Boses ni Aelius. "Ligpitin niyo na ang mga gamit ko. Pinauwi na ako." Utos ni Saffron. Napansin ako ni Haru. "Teka lang, may tao sa labas." "Kaka-check lang sa akin ng nurse." Ani Saffron. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto. "Aussie?" Gulat na sabi ni Haru. Pumasok ako sa loob. "Ah, hello." Nahihiyang bati ko. "Saff, I brought your adobo." Inilabas ko sa paper bag ang tupperware. "I just want to know if you're okay since it's my fault." Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba ako naguguilty? Nagpunta ako rito para lang mangamusta.  Tinitigan niya ako. "Labas nga muna kayo." Sinenyasan niya ang mga kaibigan niya. Tumingin ako sa pintuan at nang makasigurado na nakalabas na sila ay tumingin ako ulit kay Saffron. "Uhm, I know I am giving you falsehope today by giving your adobo." Ngumuso ako. "Naisip ko lang na bigyan ka at bisitahin—" "Hindi naman kita sinisisi sa nangyari sa akin. Ako ang may kasalanan dahil alam ko naman na may allergy ako sa apples, pumayag ako sa gusto mo." Ngumiti siya sa akin.  "I just want you to be happy." "Saffron, I am sorry—" Tumango ito. "It's okay. Ayos lang naman sa akin kung hindi ako ang  gusto mo. Ayaw ko lang na hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin." Bumuntong-hininga saka nag-iwas ng tingin.  "Hindi ka dapat maguilty sa desisyong ginawa mo dahil tama lang ang ginawa mo." Mahinang sabi niya. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Hindi ko rin akalain na pag-uusapan namin ito agad. "Lilipat ka ng section?"  Umiling ito. "Hindi." Kunot noo nitong tanong. "Sino may sabi?" Huminga ako ng malalim. "By any chance, naisip mo bang ligawan ako?"  Natatawang tumango ito. "Oo, plano ko sanang ligawan ka kahit ayaw mo sa akin. Liligawan kita hanggang sa magustuhan mo ako. Hindi ako mapapagod ligawan ka hanggang sa ako na ang gusto mo at ang m-mahal mo." "Your future girl will be lucky," anas ko. I mean, lahat na ata ng tipo mo sa lalaki ay na kay Saffron na. "Mas maswerte ako kapag ikaw ang naging girlfriend ko." He smoothly said. "Aussie?" "Aray! Huwag kang manulak." Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang boses ni Theros.  "Pwede ba kitang ligawan?" Seryosong tanong nito. "Huwag kang maingay! Hindi ko marinig 'yung sagot ni Aussie." Hindi ako makapagsalita dahil naririnig ko ang ingay nila. Halata namang nakikiusyuso sila sa amin. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba kay Saffron o bubulungan nalang siya. Bibigyan ko siya ng chance para i-prove sa akin ang sarili niya at para na rin malaman ko kung may mararamdaman ba ako. Alam niya naman siguro na ang panliligaw ay hindi basta-basta na kapag nanligaw ka, sigurado na sasagutin ka. "Ahm, you can court me." Mahinang sabi ko at nakita kong napangiti siya kaya sinuot ko ang shoulder bag ko saka nginitian siya. "Ah, aalis na ako." Paalam ko. Naglakad na ako sa pintuan pero nanlaki ang mga mata ko nang harangan ako ni Haru. Si Aelius at Theros ay nakangiti kaya hindi ko naiwasan ang mailang. "Yiee! Kinilig," asar ni Haru. Hinampas ko sa kaniya ang bag ko sabay tulak. Nahihiya na nga ako dahil nakita ni Saffron ang pamumula ng pisngi ko tapos may mang-aasar pa sa akin. Umalis ako ng ospital at kasalukuyang nasa loob ng taxi nang makatanggap ako ng tawag mula kay Saffron. "Kakaalis ko lang, hinahanap mo na naman ako."  Humalakhak ito. "Wala lang. Ang saya ko lang." Napairap ako na para bang nakikita niya ako. "Pinayagan lang kita manligaw. Akala mo naman sinagot kita." "Hulog na hulog!" Rinig kong sigaw ni Theros. "Manahimik ka, gago!" Mura nito sa kaibigan. Tumikhim ito.  "Natikman ko 'yung adobo mo. Ayos lang siya, medyo matigas lang kasi hindi pa luto 'yung manok pero masarap naman." Maingat niyang pagkakasabi. Natawa ako. "Ayos lang. 'Yan ang una't huli kong luto." "Kumain ka na?" Biglang tanong niya. "Ahm, I'll just order later. Busog pa ako." "Bakit ang aga mo umalis? Hindi ka man lang nagtagal ng sampung minuto dito." Rinig ko sa boses niya ang pagtatampo. "Tumakas lang ako sa bahay." Natatawang sabi ko. Nag-usap kami hanggang sa makarating ako sa bahay. Ang dami niyang baon na kwento sa akin kaya hindi matapos-tapos ang call namin. Umabot na ng kalahating oras ang call namin nang hindi ako nagsasalita dahil hindi ako makasingit sa mga sinasabi niya! May gusto akong sabihin pero napuputol dahil naiiba agad 'yung topic. Hindi ko tuloy masabi ang opinion ko! Ang daldal talaga niya. "Alam mo ba kung paano ang manligaw?" Bigla kong naitanong. Nakabasa ako sa article kung paano ang tamang pamamaraan ng panliligaw. Nabasa ko 'yung tradisyunal na panliligaw dito sa Pilipinas. Pagsisilbihan mo ang mga magulang ng nililigawan mo sa pamamagitan ng pagsibak ng kahoy, pag-igib ng tubig, at kahit ano pang iutos. "Magsisibak ako." Sagot nito. "Wala kang sisibaking kahoy dito."  "Edi, tuwing gabi ay kakantahan kita sa call na magsisilbing harana. Nakakahiya naman sa mga magulang mo kung may kakanta sa harapan ng bahay niyo, gabing-gabi na." Bulong nito. "Baka bigyan ka pa ng pera." "Hindi naman 'yon pangangaroling." Reklamo niya. Napangisi ako. "Kumakanta ka pala? Hindi ko pa naririnig ang boses mo." "Maririnig mo 'yon mamaya." "Bakit hindi ngayon?"  "May mga chismoso akong kasama." Nagtagal ang call namin ng isang oras pa bago ko patayin. Magpapahinga muna siya sa kwarto niya at ako naman ay aabalahin ang sarili na manood ng TV.  Napatingin ako sa oras at alas-tres na ng hapon. Pinatay ko ang TV at umakyat sa kwarto ko. Inaantok ako ngayon dahil bitin ang tulog ko kaninang umaga. Siguro, nakonsensya talaga ako sa nangyari kay Saffron kaya hindi talaga ako makatulog ng maayos. Palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ni Aelius na may gusto ako kay Saffron. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o talagang gusto niya lang na magkagusto ako sa kaibigan niya. By saying yes to Saffron. Kailangan ko na pigilan ang nararamdaman para kay Aelius. Syempre, respeto na rin kay Saffron at desisyon ko rin naman ang magpaligaw. When time comes, mandidiri nalang ako bigla sa tuwing maaalala na nagkagusto ako kay Aelius. And Saffron, madali lang naman siya magustuhan. He's walking green flag to me. He's always checking if I am okay or there's something happened whenever I feel sad. Vinivalidate niya ang feelings ko at hindi niya pinaramdam sa akin ang ma-left out sa tuwing magkakasama sila magkakaibigan. May unting saltik lang siya pero alam ko, nagbibiro lang siya o kaya kapag nagtatampo siya, hindi ko rin siya sinusuyo minsan kaya siya na mismo nakikipagbati sa akin kahit hindi naman kami nag-away. Ang kulit lang. Kinagabihan nga ay tumawag si Saffron. Sakto ay kakatapos lang namin kumain kaya hindi ako maaabala. "Nandito sina Theros sa bahay. Dito raw sila matutulog." "Sleepover?" "Parang ganon na nga. Babantayan daw nila ako." "Yiee." Humalakhak ito. "May taste ako, noh." Tumigil siya saglit at narinig ko ang ingay ng mga kaibigan niya. "Ano ang gusto mong kanta? Kakantahan kita." "I don't know." "I have one song dedicated for you. Ikaw ang naaalala ko kapag naririnig ko sa radyo ang kantang 'to." "Hmm? What is it?" Umaga na sa ating duyan He has a good voice. Wag nang mawawala Umaga na sa ating duyan Magmamahal, o mahiwaga What Mahiwaga means? I think it's too precious to say it to someone you like. Ang nostalgic siguro sa pakiramdam. It's euphoric. Matang magkakilala Sa unang pagtagpo Paano dahan-dahang Sinuyo ang puso Agh! He's doing it already. Sinusuyo niya ako. Kaytagal ko nang nag-iisa Andyan ka lang pala Yes, Saff. Mahiwaga Pipiliin ka Sa araw-araw Napanganga ako nang marinig ko 'yon. He's referring to me? I am his Mahiwaga?  Mahiwaga Ang nadarama Sa 'yo'y malinaw "Wow! You have a good voice, Saff." Puri ko nang matapos siyang kumanta. "'Yon lang? Ano ang masasabi mo sa kinanta ko?" Magsasabi ba ako ng totoo? Ayoko lang na ma-overwhelm siya masyado. Siguro, mas maganda kung dadahan-dahanin ko muna si Saffron dahil baka umasa lang talaga siya. Hindi natin alam ang mangyayari. Baka hindi kami sa dulo. "Ano, 'yung pagkanta mo ay perfect. 'Yung lyrics ng kanta, maganda. Araw-araw pero gabi na."  I don't think it's good to joke in this serious situation, him, asking what's my thoughts. 'Yung seryosong sagot talaga.  "What the fuck." Mura niya, hindi makapaniwala na 'yon ang nasabi ko. Kinabukasan, naabutan ko ang pamilya ko na nag-uusap sa sala habang nanonood ng pelikula. Dahil semestral break na, walang pasok sa school kaya sa bahay lang kami nakatambay. "Saan mo gusto magbakasyon, 'nak?" 'Yon agad ang itinanong ni mommy pagkababa ko. "Boracay!"  Ngumiwi si kuya. "Ayoko na mangitim, Aussie. Ikaw nalang." Agad na nagreklamo si kuya. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin sa akin silang lahat sa akin, nagtataka kung sino ang tumatawag. Dahan-dahan kong sinilip ang pangalan ng tumatawag pero agad ko 'yung itinago nang makisilip din si kuya. "Si S-snow." Ngumiti ako sa kanila. Tumayo ako at lumayo sa kanila para sagutin ang tawag.  "Hello, Snow. Bakit ka napatawag?" Medyo nilakasan ko ang boses ko para hindi sila magduda. "Saffron ang pangalan ko." Rinig ko sa boses niya ang pagkayamot. "Talaga? Wait lang." Pang-aasar ko at lumabas ng bahay. "Bakit ka ba tumawag bigla? Kausap ko mga magulang ko. Kinabahan ako, bwisit ka."  "Gusto ko lang sabihin sa'yo na nasa airport ako." "Ano ang ginagawa mo d'yan?" Magbabakasyon ba siya? "May flight ako. Pinapapapunta ako ni mama sa China." "Ilang araw ka d'on?" "Babalik din ako kaagad pagkatapos ng semestral break. Miss mo na ako agad?"  Kung nakikita ko lang s'ya, napuno na ako ng asar. Mabuti na lamang at wala siya. Ayoko makita niya ang pamumula ng mga pisngi ko.  "Yuck!" Sigaw ko. "Ingat ka, ha."  "Aalis na ako, mag-ingat ka rin. Huwag mong kakausapin si Aelius, ha." "Loko!" Natatawang sabi ko. "Ingat ka. Huwag mo kalimutan 'yung pasalubong ko, ha." Biro ko pa. "Patayin mo na 'yung call."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD