Chapter 11

3044 Words
"Aussie!" Kinuha ko ang cellphone ko bago bumaba. Ako nalang ang hinihintay para makaalis na. Napagdesisyunan namin ng pamilya na sa Cebu kami magbabakasyon. Three days and two nights kami roon. "Ang tagal naman." Pagpaparinig ni kuya Ambrose. Nagpalit pa ako ng susuotin ko dahil napangitan ako sa sinuot ko kanina. Hindi ko naman akalain na ako nalang pala ang hinihintay nila dahil masyado pang maaga. "Buhatin mo 'yung bag ni Aussie, Ambrose." Utos ni daddy. Binelatan ko si kuya bago ako naglakad palabas ng bahay. Pumasok na ako sa loob ng van habang nilalagay nina daddy ang mga gamit sa likod. Si mommy ang nagsara ng pinto at gate ng bahay. Six-seater ang van namin. Ang driver namin ang magmamaneho sa amin papunta ng airport. Nasa tabi ni manong si daddy at magkasama naman si mommy at kuya sa harapan ko. Ako lang ang nasa likuran. Abala ako sa pag-iisip ng ichachat nang biglang bumaling sa akin si kuya kaya agad kong binitawan ang cellphone ko sa tabi ko. Nagpanggap na para bang walang nangyari.  "May pang-dp na ako. Naka-two joints," ngumiti sa akin si kuya na para bang nagpapractice na kung ano ang pose niya.  I cringed, "So baduy." Inirapan ko siya. Nakikita ko siya palagi na nagsscroll ng feed niya sa f*******:. Doon niya rin natutunan ang pang-tito chat! Nakakainis. Ang jejemon niya! Naiwan pa ata siya sa taong 2012. Kahit 'yung mga profile niya, may mga frame.  Naningkit ang mga mata nito at naglabas ng dila, parang nagpapacute. "Picture-an mo ako ng pangmalakasan."  Hindi ko siya pinansin. Nag-open na lamang ako ng i********: ko. I don't have other social media accounts kaya sa i********: lang kami nag-uusap ni Saffron. Inaaya niya rin ako gumawa ng f*******: para may minemention siya sa mga sweet posts. zangwu : wow swimming sana all aussienotanaussie : hindi kayo nagswimming d'yan? zangwu : ang boring nga eh nasa bahay lang kami We talked about his vacation in China. Kinukuwento niya sa akin ang nangyayari sa bahay nila sa China. May naganap na family reunion sa angkan ng mga Wu at ang dami niya raw nakilala na mga pinsan niya. Nagmamayabang pa na siya lang daw ang gwapo. Pare-parehas lang naman silang singkit. Nag-chat lang kami hanggang sa dumating kami sa airport.  aussienotanaussie : nasa airport na kami mamaya nalang zangwu : call tayo mamaya Binuksan ko na ang airplane mode at pinatay ang aking cellphone. Tinulungan ko si kuya na magtulak ng maleta namin papasok sa loob. Kawawa naman siya, mukha na siyang hirap na hirap sa pagtutulak ng gamit ko. Ilang araw lang kami ro'n pero 'yung dala ko ay pang isang linggo. Nagdala ako ng make-up kit ko kaya malaki at mabigat ang gamit ko. Mabuti nalang, I have kuya who can help to carry my baggages. "Mauna na kayo sa loob." Ani daddy. Umakyat na ako sa eroplano. Itinuro sa akin ng isang flight attendant kung saan ako nakaupo nang ipakita ko ang plane ticket ko. Katabi ko lang si kuya. Nilagay ko ang shoulder bag ko sa overhead bin. Nagdala rin ako ng snacks incase na magutom ako sa byahe. Ang mamahal pa naman ng pagkain dito!  "Gusto ko ng lechon." Umupo siya na para bang nasa bahay lang. "Agh! Tama lang na sa Cebu tayo pumunta. Ang pangit mo mag-suggest ng lugar." "Maganda naman sa Boracay, ah. Hindi pa ako nakakapunta ro'n." Depensa ko. "Sawang-sawa na ako sa Boracay."  "Isang beses ka palang naman nakapunta ng Bora." "Nung bata pa ako, gusto ko sa Boracay, e matanda na ako kaya ayoko na." Inirapan ko siya. "Dagat pa rin naman ang pupuntahan namin."  May kinuha siya sa bulsa niya. "Bumili ako ng sunblock. Kailangan pala gumamit muna no'n para hindi masunog ang balat." Ipinakita niya sa akin ang papaya na nasa sunblock. "Papaya 'yan. Tinanong ko kay Saffron kung ano ang magandang sunblock. Daming alam ni bakla." Panigurado, nag-search lang sa google si Saffron. Hindi ko alam kung bakit paniwalang-paniwala si kuya na bakla si Saffron. Masyado na siyang nagiging uto-uto. In-on ko ang cellphone ko para lang mag-selfie. Si kuya ay nakikisingit kaya sinali ko nalang siya. Naiinis nga ako sa kaniya dahil ang ganda-ganda ng ngiti ko tapos nag-wawacky siya. Kung puwede lang manampal ng kapatid, ginawa ko na kaso nasa eroplano kami. Pasalamat siya. Abala ako paglalaro ng offline games sa cellphone ko nang mag-anunsyo ang piloto. I hide my phone and fastened my seat belt. Bigla akong na-excite dahil nasa Cebu na kami! Nang makababa ako ng eroplano ay nagselfie ako na katabi ang eroplano. Hinila ko na ang maleta ko papasok sa loob ng airport. Geez! First time ko ang makaalis ng Taguig at magbakasyon sa ibang lugar.  "Ambrose, dumiretso na kayo ni Aussie sa hotel. Sumakay kayo ng taxi papunta roon. Bibili lang kami ng mommy niyo ng pagkain." Utos ni daddy bago iabot sa amin ang mga gamit nila. Ipinatong ko sa maleta ko ang gamit ni mommy kaya hindi ako nahirapan sa pagbitbit. Naghintay kami sa labas ng airport ng masasakyang taxi.  Nang makasakay ng taxi ay agad ako nag-upload ng pictures. Tiningnan ko pa muna ang mga bawat litrato at baka may mahalong mukha ni kuya. Nag-caption lang ako ng red heart. Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng maraming likes at may mga nagcocomment. @nshmrhrm : bat di nang-aaya? @delmundongbuh4ym0 : pasalubong ko lods @aeyow : wow vacation with fam @zangwu : ganda mo po Gusto ko sanang replyan sila kaso pinagmamadali ako ni kuya. Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa hotel dahil puro utos si kuya sa akin. Kapag wala sina daddy, 'yung utos sa kaniya ay ipinapasa sa akin. Ang tamad! Ang dami niyang sinasabi kaya hindi namin namalayan na nasa resort na kami. Malapit lang pala ito sa airport. Tinulungan kami ng taxi driver sa pagbuhat ng mga gamit namin hanggang sa makapasok kami ng hotel. Binigyan ni kuya ng tip si manong at nagpasalamat. Binati kami ng mga staff. Dumiretso kami sa front desk. "Good afternoon, ma'am, sir. What can I help you?" Nakangiting bati nito sa amin. "May reservation kami. Chassè ang pangalan." "Ah," napatango ito at tumingin sa computer. "Room 1234 and 1235. Seventh floor, deluxe room."  "Ma'am," lumapit sa akin ang isang bell boy at kinuha ang maleta ko. Nginitian ko ito. "Thank you." Pumasok na kami sa loob ng elevator. Sinamahan kami ng bell boy hanggang sa makarating kami ng room namin. Kasama ko si kuya sa iisang kwarto. Dalawa naman ang kama. "Tumawag nalang po kayo sa front desk kapag may kailangan po kayo." Tinanguan lang siya ni kuya. Nagligpit na kami ng gamit namin. Ang kama ko ay malapit sa pintuan. May malaking flat screen TV na nakadikit sa pader. Mayroon ding mini-ref sa aking kaliwa.  "Magbibihis lang ako," paalam ko kay kuya. Pumasok ako sa banyo. Nagsuot ako ng red na two piece. Gusto ko sana mag-picture na suot 'to dahil bagong bili ko 'to. Sinuot ko na dahil excited ako. Agad akong nag-mirror shot, iba't-ibang anggulo ang kinuhanan ko.  Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko si kuya na hinahawi ang kurtina. Nasisilawan siya siguro kaya nagsasara ng bintana. Takot na takot maarawan. Napatingin ito sa akin at biglang ngumiwi. "Bakit 'yan ang suot mo?." Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang hanger. "Dapat nag-trunks ka."  Hinagis niya ang trunks niya at napangiwi ako. Hinding-hindi ako magsusuot ng trunks! Agad akong umiling sa suhestiyon niya. "Ayoko n'on." Kinuha ko ang cellphone ko at inabot sa kaniya. "Picture-an mo muna ako." Humiga ako sa kama kaya pumatong siya sa kama para lamang picture-an ako. "Akala mo naman may photoshoot kung maka-fierce ang mukha." Puna nito. Nginitian ko siya ng pagkalaki-laki. "Thank you."  Tiningnan ko ang Gallery ko. Ang gaganda ng mga shots sa akin ni kuya tapos ang ganda ko pa, edi sobrang ganda ng kinalabasan. "Mamaya na maligo. Hintayin muna natin sina dad para kumain muna tayo ng tanghalian."  Lumabas si kuya ng kwarto kaya nagbihis na ako. Dumapa ako sa kama at nag-chat kay Saffron. Nag-send ako ng sampung pictures ko na nakabikini. Hindi ko alam kung puro ba magaganda kaya tatanungin ko siya. aussienotanaussie : pili ka ng magandang i-upload zangwu : yuck bat ka nakahubad? ang bastos naman aussienotanaussie : si aelius nalang tatanungin ko zangwu : ganda mo sa lahat  Napahalakhak ako sa nabasa ko. Sasagot din pala, eh. Nag-post ako ulit sa i********: ko. 'Yung pictures ko na naka-red two piece. I simply caption it with emoji. Iniwan ko ang cellphone ko sa hotel dahil magsswimming na kami. Kasama na namin ni kuya sina mommy at nakakain na rin kami ng tanghalian. Nagdala si daddy ng camera na hawak-hawak ni kuya. "Kuya," tawag ko. Ngumiwi ito. "Ang dami mo namang dalang two-piece." Kulay pink na bikini naman ang suot ko ngayon. Marami akong dinalang swimswuit dahil baka may sirang bikini akong nadala, edi mayroon akong spare. Nginisihan ko siya. "Pang-awra lang 'yung kanina." Umusog ako ng kaunti. "Picture-an mo ako ulit."  Ngingiti palang ako nang bigla niyang ibaba ang camera at inabot sa akin. Hindi pa nga ako ready! Pumuwesto siya sa may nasisikatan ng araw. "Ako naman." Nag-two joints siya at ngumiti na para bang gangster sa kanto. "Ayusin mo naman pose mo. Kaka-f*******: mo 'yan." Reklamo ko. "Angas kaya. Two joints parang mafia." Wala na akong nagawa kundi kuhaan siya ng matinong litrato kahit hindi matino ang kinuhanan ko. Tinawag ni daddy si kuya para tulungan siyang mag-ihaw kaya naiwan ako sa dalampasigan.  Ang ganda ng view kahit maraming tao ang palakad-lakad sa harapan ko. Asul na asul ang dagat at sobrang linaw. May mga nagliliparang grupo ng mga ibon.  Tahimik lang akong nakaupo sa buhanginan nang may tumapik sa akin. Handa na sana ako sigawan ito nang mamukhaan ko ito.  Si Haru! "Aussie," nakangiting tawag nito sa pangalan ko. Napatingin ako sa babaeng nagtatago sa kaniyang likuran. "Oh? Nandito ka?" Nagtataka kong tanong. "Oo, nainggit ako, eh." Natatawang sagot niya. "Sino ang kasama mo?" Sinilip ko ang babae na pasimpleng nagtatago ng mukha. "Oh, your girl?" Suspetya ko. She's the girl last night! 'Yung kasama ni Haru sa halloween party. Pasimpleng napaigik si Haru. "Sinama ko siya." Alanganin niyang sagot. Tinaasan ko siya ng kilay. "Just the two of you?" Umiling ito. "Kasama ko si Theros. Kasama niya rin 'yung kaibigan niya." "Nasaan kayo?" "May inupahan kaming inn. Sakit sa bulsa ng hotel." Napatango ako. "Sasama ako sa inyo mamaya. Maliligo muna ako." Lumapit ito sa akin habang hawak ang cellphone. "Picture muna tayo." Nagtataka man ako sa kaniya ay ngumiti ako sa camera. Nagpaalam na siyang umalis. Kinawayan ko silang dalawa at hinatid sila ng tingin. Lumusong ako sa tubig at lumangoy. Magbabasa lang ako ng katawan bago bumalik sa hotel. Kinagabihan, kumain kami ng sabay-sabay sa inupahan naming cottage. Nag-boodle fight kami. Maraming pagkain ang nakahain sa dahon ng saging. Hindi kami marunong mag-kamay ni kuya kaya may hawak kaming kutsara't tinidor. Nang matapos ay tinulungan ko si mommy na magligpit. Tinitingnan ko si mommy kung paano maglinis ng mesa. Tinetyempuhan ko kung kailan ako magpapaalam na aalis ako. "Mom, can I go with my friends? Nandito rin sila."  Tinaasan ako nito ng kilay. "Girls?"  May babae namang kasama sina Haru.  "Ah, yes."  "Bumalik agad bago mag alas-diyes." Seryoso niyang sabi. Naglakad-lakad ako hanggang sa makalayo sa cottage namin. Nag-chat ako kay Haru at maya-maya pa ay dumating siya kasama ni Theros. "Wow! May kanin pa sa bibig." Sinamaan ko ng tingin si Theros saka pinunasan ang bibig ko. Sumunod ako sa kanila nang maglakad sila. Malapit lang naman ang inn nila at nakakarinig ako ng malakas na tugtog. "Nag-iinuman kami." Ani Theros at ipinakita ang lamesa nila. "Cheap version." Humalakhak siya. Napatingin ako sa mga kasama niya. Apat lang ang lalaki, kasama na r'on sina Theros. Lima ang babae at pang-anim ako. Napatingin ako sa ipinakita niya. "Ano 'yan? Alak 'yan?" Yumuko pa ako para amuyin. "Gin 'to." Napanguso ako. "Akala ko juice."  "Nalaman namin sa mga nag-iinuman d'yan sa gilid. Tikman mo," inabot niya sa akin ang plastic cup na may lamang alak. Umiling ako. "Hindi ako umiinom ng alak." Tinitingnan ko lang sila mag-inuman. May sari-sarili silang mundo. Ineentertain ako ni Theros at Haru dahil sila lang naman ang kilala ko. Hindi naman ako marunong makipag-socialize kaya nginingitian ko na lamang ang mga tumitingin sa akin. "Aussie.." Tawag sa akin ni Theros. Nagulat ako nang iabot sa akin ni Theros ang cellphone niya. Pagkatingin ko sa screen ng cellphone niya ay ka-video call pala si Saffron. Mabuti na lamang at naisipan ko ang mag-make up kaya hindi ako haggard tingnan. Sinamaan ako nito ng tingin. "Hindi ka sumasagot sa calls ko."  "Naiwan ko sa hotel." Natatawang sabi ko. "Paano mo nalaman na kasama ako nina Theros?" "Sinabi n'ya sa akin." Sagot niya at ngumiti. "Nag-eenjoy ba ka na kasama mo sila?" Tumango ako. "Oo naman. Hindi lang ako nakikipagsabayan sa kanila sa pag-inom." Maaamoy ako ni kuya sa oras na umuwi na ako na nakainom. Pipitikin n'on ang bibig ko. Isusumbong pa ako kay daddy, mas lalo akong napagalitan. "Uuwi na ako sa November 3. Sunduin mo ako sa airport?"  Tumango-tango ako. "Pasalubong ko?" Humalakhak ito. "Nakabili na ako. Hindi ko nga lang alam kung matutuwa ka." Ngumuso ito. Tinanguan ko ito. "I'll appreciate it." Nakangiti kong sabi. Oh, thinkin' about our younger years, Nagulat ako nang bigla na lamang siya kumanta kaya tumayo ako at lumayo para marinig ang boses niya. There was only you and me. We were young, and wild, and free. Now, nothin' can take you away from me. We been down that road before, But that's over now, You keep me comin' back for more. Hindi ako magsasawang pakinggan ang boses niyang napakaganda sa pandinig. Bihira lang sa mga lalaki ang magkaroon ng magandang boses kapag kumakanta dahil karamihan ay puro babae. Baby, you're all that I want, When you're lyin' here in my arms. I'm findin' it hard to believe we're in heaven. Ligo, kain, at pahinga. 'Yon lang ang ginawa namin sa Cebu. Nag-enjoy naman ako lalo na't nakasama ko sina Haru at Theros. Magtatagal daw sila roon kaya nauna kaming nakauwi ng Taguig.  November 3 na ngayon at bukas na ulit ang pasukan. Gusto ko patigilin ang oras dahil tinatamad pa ako pumasok. Grabe namang semestral break 'yon, parang kumurap lang ako. Nag-chat sa akin kagabi si Saffron na uuwi na siya ng Pilipinas. Agahan ko raw ang pagpunta ng airport dahil traffic daw. Ang mga magulang ko ay nasa bahay, gan'on din si kuya kaya hindi ko alam kung makakatakas ba ako nang hindi nila nalalaman. Nakasuot lang ako ng plain pastel yellow na dress at shoulder bag. Ito ang suot ko kapag may pupuntahan o gagala. Hindi ako makatyempo dahil naglilinis si mommy sa sala kaya wala akong nagawa kundi ang magpakita na lamang. Kung hihintayin ko pa umalis si mommy ng sala, maghihintay naman sa akin si Saffron sa airport.  "Saan ka pupunta? Alas-otso palang, Aussie." Napakamot ako sa aking ulo. "M-may bibilhin lang po ako sa labas."  "Ganyan ang suot mo?" Nagtatakang tanong nito saka pinasadahan ako ng tingin. Alanganin akong ngumiti. "Yes, mom." Tiningnan ko ang sarili ko. "Ah, magpapalit ba ako?" "Ano ba ang bibilhin mo at ang aga pa?"  "Damit, hehe." Walang kwenta kong sagot. "Sa mall po ako bibili." Dagdag ko pa. "Oh, right." Napatango ito.  "Agahan mo umuwi at ngayon ang discharge ng lola mo. Magluluto ako." Paalala nito. Hinalikan ko ang pisngi niya bago ako lumabas ng bahay. Pupunta pa ako ng Pasay kaya maaga talaga ako umalis. Traffic na siguro sa EDSA kaya baka ma-late talaga ako. Hindi ko alam kung nakalapag na ba ang sinasakyan ni Saffron. Hindi siya online. "Matatagalan pa po ba?" Alas-diyes na at nakikita ko na ang airport pero hindi kami umaandar dahil sa traffic. Tiningnan ako ng driver mula sa salamin. "Malapit naman na po tayo." Tumango ako bago buksan ang pinto ng sasakyan. "Sige, manong. Lalakarin ko nalang po," Hindi na ako nag-abala na kunin ang sukli. Mabuti na lamang at naka-flat shoes ako. Ilang metro lang ang layo ng airport kaya nilakad ko na. Pawisan ako nang makapasok sa loob. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa hingal. Hindi na ako nakakapag-exercise dahil palagi akong puyat. Pinupuyat ako palagi ni Saffron dahil nagtatagal ng ilang oras ang tawag namin at umaabot na kami ng madaling araw. Hindi siya nauubusan ng topic! "Boo!"  Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses.  Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Saffron ang nanggulat sa akin. "Gago ka," hinampas ko siya. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa gulat at kaba.  Yinakap niya ako pero agad ding bumitaw para hawakan ang noo at leeg ko. "Bakit pawisan ka? Saan ka nanggaling?" May nilabas siyang panyo at siya na ang nagpunas ng pawis ko. "Naghintay ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Iniisip ko lang na baka naghintay siya ng matagal since natagalan din ako magpunta rito.  "Hinanap nga kita sa mga naghihintay do'n kaya ako nalang ang naghintay sa'yo." Turo niya sa kumpol ng mga tao na naghihintay ng mga nagsisiuwi. "Ang sexy mo," tiningnan nito ang suot kong dress. Hindi ko naisip na 'yon ang una niyang mapapansin sa akin. Kapansin-pansin din siguro ang suot ko dahil bright color. Nahihiya lang ako dahil pinuri na naman niya ako. Hindi niya nakakalimutan na sabihan ako ng maganda sa tuwing nagkikita kami and I found it amazing. Consistent siya sa pagsabi sa akin ng ganoon. Isa 'yon sa gusto ko sa lalaki, 'yung pupuriin ako kahit ang pangit ko. Namula ang pisngi ko at agad nag-iwas ng tingin. "Tumakbo ako dahil sa traffic. Baka isipin mong pinaasa kita," pag-iiba ko. "Maiintidihan ko naman kung hindi ka makakapunta. Iisipin kong busy ka," ngumiti ito sa akin. Sumakay kami sa taxi. Nag-uusap kami habang nasa sasakyan. Pakiramdam ko nga ay naririndi na ang driver sa sobrang daldal namin.  Pumasok ang taxi sa loob ng subdivision nila Saffron. Nagbayad si Saffron sa driver bago kami pumasok sa loob ng bahay nila. Aakalain mong haunted house ang bahay niya dahil madilim at parang walang nakatira. "Uwi ko muna ang gamit ko tapos date tayo." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD