Chapter 12

3185 Words
"Magpahinga ka muna." Kakagaling niya lang sa byahe tapos date agad ang naiisip. Ayos lang naman kung bukas nalang kami magdate dahil baka mapagod siya ng sobra, bigla nalang himatayin sa kung saan. Pinaupo niya ako sa sofa nila. "Hintayin mo 'ko. Huwag ka na magsalita." Nagmamadali siyang umakyat sa hagdanan kaya hindi na ako nakapagsalita. Nakababa na si Saffron na bitbit 'yung teddy bear ko at may hawak na maliit na box. Kumunot ang noo ko kung bakit may hawak s'yang ganoon. Ayoko naman mag-assume na regalo niya sa akin 'yon. Itinago niya sa bulsa niya ang box bago niya paupuin ang teddy bear ko sa sofa, katabi ko. "Si Saffire!" Masaya niyang sabi. Hindi niya ba ibibigay sa akin 'yon?  "She's Arlia," sinamaan ko siya ng tingin at yinakap ang teddy bear. "Pinalabhan mo?" Naamoy ko na ang bango ng amoy ng teddy bear ko. Amoy Downy. Tumango ito. "Ang tagal matuyo." Reklamo niya. Ngumuso ako sa kaniya at muling niyakap ang teddy. "Malaki s'ya, eh." Nginitian ko siya. "Iuuwi ko na 'to." Mayroon na akong kayakap tuwing gabi at mas lalong sasarap ang tulog ko. "Hindi mo ako ipapakilala?" Biglang tanong niya. "Hindi naman sa pinagmamadali kita. Tinatanong ko lang kung naisip mo bang ipakilala ako sa family mo ngayong pinayagan mo ako ligawan ka." Paliwanag niya. Natawa ako nang makitang kinakabahan siya habang nagpapaliwanag. Iniisip niya siguro na baka nagulat ako sa sinabi niya kaya kailangan niyang ipaliwanag kung para saan ang tanong n'yang 'yon. Napanguso ako, nag-iisip. "Hindi pa pumapasok sa isip ko na ipakilala ka pero 'wag kang mag-alala, ipapakilala rin kita kapag sigurado na ako sa nararamdaman ko." "May chance na magustuhan mo ako?" Naningkit ang mga mata ko. "Ah, oo." Sagot ko at nakita ko kung paano namula ang tenga niya.  "Kinikilig ka ba?" Hahawakan ko sana ang tenga niya pero bigla siyang lumayo. "Hindi," tumayo siya at naglakad paalis. "Nauhaw ako bigla." Excuse niya. Humalakhak ako nang makita ko ang namumula niyang tenga. Hindi ko tuloy napigilan na asarin siya habang papunta ito ng kusina nila dahil bigla niyang tinakpan ng mga kamay niya ang mga tenga niya. Nang makainom na siya ng tubig ay niyaya niya na ako lumabas ng bahay nila. Sinasamaan niya ako ng tingin dahil inaasar ko siya. Hinahampas niya ako ng mahina gamit ang teddy bear. "Ayos lang 'yan, sa susunod, sabay na tayong kikiligin." Biro ko pa. Inirapan niya ako at naunang naglakad papunta sa garahe. Ngayon ko lang nakita ang dalawa pang sasakyan niya at mayroon pa siyang motorsiklo. Kung bibilangin ang nagastos para mga sasakyang 'to, malulula ka nalang dahil sa sobrang mahal. Katulad kay Aelius, may Fortuner din si Saffron. Hindi kami kakasya sa sasakyan niyang two-seater dahil dadalhin ko na si Arlia sa bahay. Dahil sudden ang date namin, sa Vista nalang kami nagpunta. Mag-iisip pa raw siya ng special place para sa iba pa naming date. "Kailangan kong bumili ng damit. 'Yun ang sinabi ko kay mommy kaya ako maaga umalis." Sabi ko nang madaanan namin ang Department Store. Pumasok na kami sa loob at in-assist kami ng saleslady papunta sa section ng mga damit.  "I'll buy it for you."  Umiling ko at nagsimula na maghanap ng mga oversized t-shirts. "No, it's okay. May pera naman ako." "You should buy more dresses. It looks good on you." "Ang blooming ko ba kapag nakasuot ng dress?" Tanong ko sa kaniya.  "Ang ganda mo kapag nagsusuot ka ng dress." Hinanap namin kung saan ang mga dresses. Nagsimula na ako pumili ng kulay at disenyo ng mga dress. May revealing at mayroong kita ang likod. 'Yung susuotin ko lang naman ay puro pang-alis. Dalawang black na dress na magkaiba ang disenyo ang ipinakita ko sa kaniya. "This one or this one?" Tinuro niya parehas ang mga dress. "It's too revealing.." Bulong niya pero agad ding nagkibit-balikat. "..but that's your body so, you decide." Tinaasan ko siya ng kilay. "You don't want me to wear this kind of clothes?" "You look sexy." Reklamo niya. "Marami akong kaagaw kapag gan'yan ang suot mo." Natatawang sabi niya. Inaasahan ko na dahilan niya ay too much skin kaya ayaw niya na magsuot ako ng mga revealing clothes, nag-aalala lang pala siya na baka marami ang magkagusto sa akin kapag nagsuot ako ng revealing dress. Nang makabayad kami ay si Saffron ang nagbitbit ng mga paper bags. Pagkalabas ng Department Store ay nakatanggap ako ng messages mula kay mommy. mom: umuwi ka na, your lola is already here Napatigil ako sa paglalakad kaya nabangga si Saffron sa likuran ko. "Shit." Mura ko. "Bakit?" Nagtataka nitong tanong. Tumingin ako sa kaniya sabay pakita ng message ni mommy. "Nasa bahay na si lola. Pinapauwi na ako," sagot ko. Binasa niya 'yon at tumango ito sa akin. "Tara, iuuwi kita." Hinawakan niya ang braso ko at hinila na ako. Nang makarating kami sa sasakyan niya ay napanguso ako habang nagsusuot ng seatbelt. Ngayon na nga lang kami ulit nagkita tapos naudlot pa. "Ayos lang ba sa'yo na naudlot 'tong first date natin?" Bigla kong tanong. "Date pala 'to? Akala ko gala lang." Pagbibiro niya pa. "Seryoso ako," sinamaan ko siya ng tingin. Tumango-tango siya. "Ayos lang. Family first," ngumiti siya sa akin. Umalis na kami ng mall. Habang nagmamaneho si Saffron ay tinitingnan ko ang side profile niya. Sa school, palagi ko nakikita ang mukha niya nang malapitan pero I didn't appreciate his face that much. Inaasar ko siya palaging pangit pero ang gwapo niya. 'Yung pagkakasingkit ng mga mata niya, katamtaman lang. Nawawala nga lang mata n'ya kapag tumatawa but I found it cute. 'Yun ang asset niya. Maputi siya, mas maputi pa sa akin. Gala siyang tao pero hindi siya umiitim. I'll ask him about his skin care. His eyebrows, hindi makapal at hindi rin manipis.  "Ang kinis." Bulong ko at mukhang narinig niya dahil bigla siyang tumawa. Sumulyap siya sa akin saglit. "Huwag mo naman ako titigan, iisipin ko na talaga na may gusto ka na sa akin."  Habang nasa sasakyan ay nagsusuggest siya ng lugar kung saan ang next date namin. Gusto niya raw espesyal ang date namin. "Magpahinga ka kapag nakauwi ka na. Mag-ingat ka," paalala ko sa kaniya bago ako bumaba ng sasakyan niya. Malaki si Arlia kaya nahihirapan ako sa pagbuhat dahil tinataas ko baka madumihan kapag nalapag ko sa lupa. Basa pa naman ang daanan. "Kaya mo ba buhatin 'yang mga 'yan?" Nag-aalala niyang tanong.  "May papabitbit pa kasi ako sa'yo," mula sa backseat ay may kinuha siyang bag at inabot 'yon sa akin. "Wow! LV," gulat kong sabi. "Hindi ako mahilig sa bag pero I really love this." Natigilan ako nang ma-realize kung magkano ang halaga nito ng bag na ito. "Ang mahal nito, Saffron!" "Sige, 'yung pangsabit nalang sa pinto ang ibibigay ko."  Tinutukoy n'ya 'yung pampaswerte ng mga chinese, 'yung kulay gold na sinasabit sa mga pinto kapag new year o kaya chinese new year. Akma niyang kukunin ang bag pero nilayo ko ito mula sa kaniya. "Hindi, ayos na 'to." Bawi ko kaya napahalakhak siya. "Salamat." Sinsero kong sabi. Hindi pa ako nakakatanggap ng regalo na nagkakahalaga ng ganito tapos sa hindi ko pa kaano-ano. 'Yung mga magulang ko, sapatos ang ibinibigay sa akin dahil mahilig ako roon. Si kuya, random lang ang ibinibigay sa akin. May semento pa nga siyang niregalo sa akin nung birthday ko. "Gusto tuloy kitang ihatid sa bahay niyo. Naaawa ako sa'yo," nakanguso niyang sabi habang tinitingnan ako. "Malapit lang naman 'yung bahay. Malaki lang si Arlia pero hindi siya mabigat." "Saffire!" Giit niya. Inirapan ko lang siya, "Whatever." Ginalaw ko ang kamay ko bilang kaway. "Mauna na ako, mag-ingat ka." Ilan palang ang nahahakbang ko pero lumingon ako ulit. Nakangiti siya sa akin habang tumatango. Ngumuso ako at kumaway sa kaniya ulit bago magpatuloy sa paglalakad. Nasa pintuan palang ako ay naririnig ko ang boses ni mommy na may kausap na matanda. Itinulak ko ang pintuan at nakarinig ako ng reklamo. Binuksan ni kuya Ambrose ang pintuan. Sinamaan ako nito ng tingin habang hawak ang likod. "Hindi ka ba marunong kumatok?"  Ipinakita ko ang mga dala ko. "Makakakatok ba ako sa lagay kong 'to?" Sarkastiko kong tanong. Lumapit si mommy para tulungan ako. "Damit lang ang bibilhin mo, Aussie, may bitbit ka ng teddy bear at bag." Napatitig ito sa bag. "Gumastos ka?" Gulat nitong tanong. Nanlaki ang mga mata ko. "Po? H-hindi, binigay lang." Agad kong sagot. "Sino naman ang magbibigay sa'yo ng mamahaling bag? Wala ka namang kaibigan dito at kung may kaibigan ka man, bakit ka bibigyan ng gan'yan?" Singit ni kuya na para bang isa 'yong logic. Oo nga naman. Si Saffron ang nagbigay sa akin pero kapag sinabi ko, bibigyan nila ng malisya at aasarin ako kay Saffron. It's not I don't like it pero hindi pa nila alam na nililigawan ako ni Saffron at gusto ko alam muna nila ang estado namin ni Saffron. Napayuko ako. "Sorry po," ngumuso ako. "Pinambili ko naman po 'yan sa naipon ko." Palusot ko. Tumango na lamang ito at bumulong sa akin. "Talk to your lola." Kinuha niya mula sa akin ang mga dala ko. "Good afternoon, lola." Bati ko. "You're healthy na?"  Nakasakay siya sa kaniyang wheelchair kaya yumuko ako para mayakap ito. "Aussie.."  "I miss you po." Nang bitawan niya ako ay tiningnan niya si daddy ng masama, "Hinintay niyo pa talaga na magkasakit ako bago kayo magbalak na tumira rito." Nagtatampong sabi ni lola. "Ma.." suway ni daddy. Hindi niya pinansin si daddy at ako na naman ang napansin. "Ang laki na ng apo ko," umupo ako sa lapag para magka-level kami. "Ilang taon ka na?" Hinaplos nito ang aking buhok. "Eighteen po." "Ay, may boyfriend ka na ba? Sa ganda mong 'yan, imposible na walang magkagusto sa'yo." Nawala ang ngiti ko. "W-wala pa po." Peke ko itong nginitian. "Kayo po? Kamusta na po kayo? Wala na po bang masakit sa inyo?" "Parang dati lang, hindi ka marunong mag-Tagalog, ngayon ay diretso na ang pagsasalita mo ng Tagalog." Puna nito. "Ma, kain na po tayo. Nandito na si Aussie," sumingit si mommy. Tumango-tango si lola kay mommy. "Gusto ko tikman ang luto mo, Austria." Tumingin ito sa amin, "Halika, mga apo." Nagdasal muna kami bago kumain. Nagtaka ako kung bakit may pansit na nakahanda sa hapag. Sinandukan ni daddy si lola ng pansit. "Ma, ayos naman ang lasa ng pansit ko?" Tanong ni mommy kay lola na ninanamnam pa ata ang pansit sa bunganga niya. Napatango-tango si lola. "Masarap," ngumiti ito kay mommy. "Pwede mo na ako palitan."  "Napakasarap talaga magluto ng asawa ko, mama." Singit ni daddy. Sa akin naman tumingin si lola. "Si Aussie, marunong ka na ba magluto?" "Hotseat," natatawang bulong ni kuya. Pasimple kong inapakan ang paa ni kuya. "Ah, opo pero hindi pa po magaling." Nginitian ko si lola. "Nakapagluto na po ako ng adobo." Dagdag ko pa. "Sa susunod na araw ay titikman ko ang adobo mo, Aussie." Nakangiting sabi nito at tumingin na kay kuya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Ikaw, Ambrose, may girlfriend ka na ba?" Ngumiwi si kuya. "Study first po. Mahirap po pagsabayin ang pag-ibig at pag-aaral." Natatawang sagot ni kuya. "Sabagay, nasa kolehiyo ka na." Nang matapos kami kumain ay nagpahinga na si lola sa kwarto niya kaya umakyat na rin ako sa kwarto ko. Agad kong tinawagan si Saffron. "Ang daldal ni lola kanina. Puro siya tanong." Reklamo ko. "Nabuksan mo na 'yung bag na binigay ko?" Pag-iiba niya. "May laman pa ba 'yon?"  Hindi ko na tiningnan kung iba pa bang laman. Wala naman siyang sinabi kanina nung inabot niya sa akin 'yung bag. "Tingnan mo 'yung laman n'on, may tikoy do'n." Pagbibiro niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Tingnan mo kasi." Natatawang sabi niya. Tumayo ako at binuksan ang cabinet ko. "Eto na," sinandal ko ang cellphone ko para makita niya ako habang nagbubukas ng bag. Binuksan ko ang maliit na box na nakita ko kanina sa kamay niya nung nasa bahay pa niya kami. "Saffron? This is too much." Tumambad ang isang kwintas pagkabukas ko. "Why? Kwintas lang 'yan." "Teka nga," tumayo ako para buksan ang ilaw at tinitigan ang kwintas. "Gold 'to! Paanong naging lang 'to?" I exclaimed. "Tinanggap ko 'yung bag dahil hindi kita matanggihan pero ito? Sobra na," ibinalik ko ang kwintas sa box.  "Wala naman akong paggagastusan kaya gagastusan nalang kita." "Mukha ba akong nakikipagbiruan?"  "Hindi, hehe." Ngumuso ito,  "Sige, 'yan muna ang regalong matatanggap mo sa akin na mamahalin. Saka na 'yung isa," ngisi niya. "Nagbabalak ka na naman." "Sa future ko pa naman ibibigay." Natatawang depensa niya. "Last na 'to, ha." Paalala ko. Baka bumili na naman siya, nag-aalala na ako na baka maubos ang pera niya. "Yes, master."  Days passed. December na kaya naghahanda na kami ng decorations sa bahay. Mayroon kaming malaking christmas tree na lumalagpas na sa hagdanan namin. Si Kuya Ambrose ang naka-toka sa paglagay ng mga christmas balls sa matataas. Weekends ngayon kaya naisipan ni mommy na mag-decorate na for christmas. Excited na rin ako dahil masaya raw ang Pasko sa Pilipinas. Nung una, ignorante pa ako sa mga bagay-bagay. Nagtataka pa ako noon kung bakit may mga christmas lights nang umiilaw sa bahay ng kapitbahay namin. Dahil wala kami sa Canada, green ang christmas tree namin which is new to me. Nasanay na ako na white christmas ang pinaghahandaan namin. Malamig na ang simoy ng hangin kahit walang snow. "'Yung star, paabot." Utos sa akin ni kuya. Kinuha ko ang star na nakapatong sa mesa at itinago 'yon sa likuran ko. "Ako dapat ang maglalagay!" "Sumabit ka nga rito kung gusto mo ikaw."  Umakyat ako ng hagdanan para iabot sa kaniya. "Sige, ikaw na." Si daddy ay nagdedesign na ng mga christmas lights sa labas. Kasama niya si mommy na nag-aalalay sa kaniya dahil nasa taas si daddy. Umupo na lamang ako sa sofa namin habang abala si kuya sa paglagay ng star sa tuktok ng puno. I secretly take a picture of kuya then send it to Saffron. aussienotanaussie : unggoy  zangwu : ang mahal ng christmas tree May sinend siyang picture ng christmas tree at ang presyo nito na nagkakahalaga ng limang libo. Nasa mall siguro siya. aussienotanaussie : wao nagreklamo ka d'yan pero sa mga ginastos mo sa akin ay hindi? "Tumulong ka rito," sigaw ni kuya. May hawak siyang mga christmas lights.  Agad kong itinago ang cellphone ko at tumayo para lumapit sa kaniya. "Saan natin 'to ididikit?" Takang tanong ko. "Sa buong katawan mo para mag-shine ka." Sarkastikong sagot niya at nagsimulang ilagay ang christmas lights sa christmas tree. Ako na ang nag-ayos ng christmas lights sa mababang parte ng puno at si kuya naman ay naging unggoy ulit. Sumabit "Ang tagal naman mag-Pasko!" Reklamo ko. These past few days, napapansin ko na nag-iiba na ang nararamdaman ko kay Saffron. Ngumingiti nalang ako bigla kapag nakikita ko na may good morning greeting siya tuwing umaga o kaya kahit simpleng chat niya lang, napapangiti na ako. Then, na-confirm ko na may gusto na ako kay Saffron nang mag-alala ako ng sobra sa kaniya nung magkasakit siya. Gusto nga siya alagaan sa bahay nila pero bawal. I am not like this to Aelius so I must say, Aelius was right when he said that I like Saffron. I decided to confess to Saffron in christmas eve! Sasagutin ko na rin siya bilang boyfriend ko. Gusto ko na siya at mas lalalim pa ang nararamdaman ko sa kaniya sa loob ng relasyon namin. Bakit pa papatagalin kung doon din naman ang punta namin, diba? zangwu : tulungan mo ko magdecorate lods May sinend siyang picture ng pang-decorate. Agad akong nagbihis at nagpunta sa labas. Hindi pa rin sila tapos sa pagsabit ng christmas lights. Inayos ko ang strap ng dress ko bago lumapit kay mommy. "Ma, aalis lang ako." Paalam ko. "Saan ka na naman pupunta?" "Kaklase ko po, n-nagpapatulong." Ngumuso ako. Tinanguan ako nito. "Mag-ingat ka, ha."  Nag-commute nalang ako papunta sa bahay nila Saffron. Hindi naman ako marunong magmaneho ng sasakyan at wala pa akong sasakyan kaya magcocmmute ako hanggang sa magkaroon ako ng sarili kong sasakyan. Sinalubong ako ni Saffron. "Good afternoon, baby." Bati niya kaya inirapan ko siya.  "Joke lang," natatawang sabi niya bago isara ang pinto. Nilibot ng paningin ko ang buong sala. "Nasaan 'yung christmas tree?" Tinuro niya ang puno. "'Yang puno namin." "Akala ko bumili ka ng christmas tree." "Nagtitipid ako," sabi niya na para bang hindi gumagastos ng malaki sa pagregalo sa akin ng kung ano-ano. "Wow, ha?" Ako ang nagsabit ng mga christmas balls at christmas lights sa puno nila. Abala naman sa pagdikit si Saffron sa dingding nila ng malaking sticker ni Santa Claus. Umalis saglit si Saffron at pagkabalik niya ay may dala ng plato. "Kahit 'wag na lagyan ng star sa taas." Umupo siya sa sofa at nilapag ang plato sa coffee table. "May niluto pala ako." Lumapit ako sa kaniya. "Ano 'yan?" "Tikoy." Sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.  "Tikoy nga! Masarap naman 'to."  Kinuha ko ang tinidor mula sa kamay niya. "Akin na," sabi ko. Umiling ito. "Susubuan kita." Nakipag-agawan ako sa tinidor pero umiling-iling siya. "Huwag kang magulo." Kahit naman December na ay may pasok parin kami. Mayroon kaming dalawang linggong pasok bago ang christmas vacation.  As usual, hinahatid pa rin ako ni kuya sa school. Simula nang pumayag ako ligawan ni Saffron. Hinihintay niya na makaalis si kuya ng parking lot bago lumapit sa akin tapos sabay kami papasok sa room. "Tara na." Yaya niya. "Hinintay mo talaga makaalis si kuya bago lumapit sa akin." Natatawang sabi ko. Pagkapasok sa room ay naglabas siya agad ng notebook.  "May assignment ka na?" Tanong nito. "Oo, bakit? Kokopya ka?" Tumawa siya. "Titignan ko lang kung parehas tayo." Inabot ko sa kaniya ang notebook ko at nakisilip ako. Napangiwi ako nang mapansin na nasa three digits ang sagot ko habang siya ay two digits. "Ang laki ng sagot ko." Nakangusong sabi ko. "Bakit gan'yan?" Natatawang sabi niya. "Saan mo napulot 'yan?" Tinuro niya ang sagot ko. "Malay ko ba! Kay kuya ako nagtanong. Malay ko bang gawa-gawa n'ya lang 'yang formula." Pagrarason ko kaya mas lalo siyang natawa. "Tawang-tawa?" Naaasar kong sabi. Habang tinuturuan niya ako kung paano sasagutin ang assignment namin ay may naalala ako. Siya lang mag-isa sa bahay nila tapos nag-decorate pa siya so sa bahay nila sila mag-cecelebrate. "Uuwi ka ng China sa Pasko?" Tanong ko. "Hindi," umiling siya habang nasa notebook ang tingin pero agad ding tumingin sa akin. "Sila-sila nalang ang mag-Pasko. Hiwalay na ang mga magulang ko at may sari-sarili na ring pamilya. Ayoko naman makisingit sa kanila. Mas gusto ko pa na kasama ka kaysa sa kanila." "Half sister mo lang si Cindy?" Gulat kong tanong. Tumango siya. "Oo pero kahit magkaiba kami ng tatay, mahal na mahal ko 'yon kasi siya lang ang nag-iisa kong kapatid na babae." "You want your christmas to be more merrier?" I suddenly asked him. "Bakit?" Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Punta ka sa bahay ng Christmas eve. May sasabihin ako sa'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD