Chapter 13

2864 Words
"Huwag kang titingin kay Aelius."  Kapit na kapit sa akin si Saffron dahil nagsama-sama na naman ang cuttinh squad sa room. Tinatakpan niya rin ang mata ko para hindi ko makita si Aelius. Tawa ng tawa ang mga kaibigan niya sa kabaliwan niya. "Saffron!" Suway ko. Tumingin ng masama si Saffron kay Aelius. "Lumayo ka nga." Itinulak niya si Aelius palayo sa akin. "Takot na takot?" Pang-aasar ni Aelius. "Magkaibigan kami ni Aelius." Bulong ko kay Saffron. Sinamaan ulit ni Saffron si Aelius. "Wala akong tiwala sa pagmumukha n'yan." Ang layo na ni Aelius sa akin pero si Saffron ay gusto pa itong palabasin. Parang tanga, nasabi ko naman na sa kaniya na hindi na kami nag-uusap ni Aelius. "Bakasyon naman tayo na magkakasama." Sabat ni Theros. "After ng Christmas." "Tapos libre namin?" Sarkastikong tanong ni Saffron. "Ang kapal na ng pagmumukha mo." Hinawakan ko ang braso ni Saffron. "Baguio tayo. Gusto ko sa Baguio." Sabi ko sa kaniya. Gustong-gusto ko talaga kumain ng strawberries na pinitas ko mismo! Ang alam ko, may ganoon sa Baguio. Sikat din ang Baguio dahil sa strawberries nila. "Isasama ko si Snow." Ani Aelius. Dahil doon ay napatingin ako kay Haru na nagulat. "Isasama mo 'yung girl mo?" Tanong ko kay Haru. Nagkibit-balikat siya. "Kung papayagan siya." "Sana all may isasama." Si Theros. Nag-plano kami na magbabakasyon kami sa December 27 tapos babalik agad bago mag-New Year. Nagtoka-toka na rin sila kung ano ang dadalhin. Sumali rin si Snow sa amin sa pag-uusap dahil tinawag siya ni Aelius. Inakbayan ni Aelius si Snow. "Ilang tent ang dadalhin?" "Dalawa." Sagot ni Saffron. "Magkakasama 'yung mga babae tapos magkakasama tayong apat sa isa." Dagdag nito. "Ayoko katabi si Haru! Magdadala ako ng sarili kong tent." Reklamo ni Theros. "'Yung tent ng kapatid niya dadalhin niya." Natatawang sabi ni Haru. "Magpapabili ako, tanga." Nasa mall kami ulit ngayon ni Saffron para bumili ng ireregalo namin kina mommy. Malapit na ang Christmas at wala pa akong naiisip na ipangreregalo kay Saffron kasi parang lahat na ata ay nasa kaniya. "Ano ang hilig ni tito?" Nagpumilit din siya na bibilhan niya ng regalo ang pamilya ko. Nagpasama siya sa akin dahil hindi niya raw alam kung ano ang magugustuhan nila. "Bagong ballpen. Palaging nawawala 'yung ballpen niya sa opisina. Businessman ang tatay ko, eh." Natatawang sagot ko. Kahit sa bahay, nawawala ang ballpen niya. Siguro, kung reregaluhan siya ni Saffron ay itatabi niya talaga para hindi mawala.  "Magugustuhan niya ba 'yung Parker?" Tanong niya habang naghahanap ng ballpen. Nagulat ako sa sinabi niya. "Ha? Sobra naman ata 'yung Parker." Ang mahal kaya ng Parker!  "Christmas naman, Aussie." Rason niya. "Kay tita? Sa lola mo?" Tulak-tulak niya ang cart. Napahawak ako sa baba ko. "Teka, nag-iisip pa ako ng gamit na mura."  "Ano?" Natatawang tanong niya. "Si mama, mahilig siya mag-bake. Si lola naman, mahilig magluto o kaya bilhan mo siya ng salamin." Nilabas ko ang cellphone ko para mag-text kay kuya. "Tanungin ko lang kung ano ang grado ng mga mata." "Sa kuya mo?" "Naglalaro 'yon ng computer games." Sagot ko. "Kahit bilhan mo nalang siya bagong mouse pad." Suhestiyon ko. "Xbox kaya?" Tanong nito sa akin, nang-aasar. "Sipain na kaya kita?" Banta ko. Umabot na sa 50K ang ipangreregalo niya. Para sa amin lang! Ayos lang kung simple lang ang ibigay niya o kahit 'wag na siya magbigay ng regalo. Ako ang nag-aalala na baka maubos na ang pera niya.  "May regalo na ako sa'yo kaso nasa bahay." Tinaasan ko ito ng kilay. "Magkano?" "Secret," nakangising sagot nito. Aasahan ko na gumastos talaga siya ng malaki para sa akin.  Nang nasa sasakyan kami ay ikinonnect niya ang cellphone sa bluetooth ng speaker. Sinasabayan niya ang mga kanta at tinitingnan ko lang siya. I'll be your boyfriend I'll be your boyfriend Yeah, baby, let's go Nagulat ako nang bigla na lamang siyang kumanta. "Anong kanta 'yan?"  Hindi pamilyar sa akin ang kanta pero isa 'yong Korean song, K-Pop to be exact. "Nalaman ko lang 'yan kay Cindy." Ipinarinig niya sa akin ang kanta.  "Na-LSS ako." Natatawang sabi niya. Hinatid niya ako sa harap ng subdivision namin. Pagkapasok ko ng bahay ay naabutan ko si mommy na naglilinis ng mga sandok. Naghahanda na sila para sa lulutuin nila ni lola bukas. "Ano 'yan?" Tanong nito habang nakatingin sa paper bags na dala ko. "Regalo ko po para sa inyo." Sagot ko sabay taas ng paper bags. "Ay, ibalot mo na 'yan. Hindi ako sisilip," tinakpan pa ni mommy ang kaniyang mga mata. Natawa ako at nagmadaling umakyat. Itinago ko ang mga binili ko na pang-regalo sa ilalim ng kama. Habang inaayos ito ay nakatanggap ako ng tawag kay Saffron mula sa i********:, gusto niya makipag-video call. "Good afternoon," bati niya sa akin kaya nginitian ko siya. "Anong oras ako pupunta sa inyo bukas?" Dumapa ako sa kama.  "Alas-onse." Nakangusong sagot ko. "Mag-iisip pa ako kung paano kita ipapakilala."  Kahit ako rin ay kinakabahan, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya ko sa oras na malaman nila 'yung tungkol sa amin. "Ipapakilala mo na ako? Sure ka?" Naninigurado niyang tanong. "Hmm." Natatawang sagot ko. "Handa ka na bang masapak ni kuya?" Biro ko pa. Ngumisi siya sa akin. "Ayos lang basta mapakilala mo ako." Kinabukasan ay naghahanda na ang mga magulang ko. Maaga silang bumili kanina ng lulutuin nila. Bumili na rin sila ng pang-regalo dahil magkakaroon kami ng exchange gift. Nagsasawa na ako na palagi nalang si kuya ang nakakabunot sa akin, hindi siya matino magregalo. Nag-uusap din kami ni Saffron kapag hindi ako inuutusan. Kinakabahan siya kahit wala pa naman siya sa bahay. Nag-ooverthink din siya kung magugustuhan ba namin ang regalo niya.  Kinagabihan, lahat ng mga tao sa subdivision ay nasa labas. May mga nagpapatugtog na ng mga Christmas song na sobrang lakas ng volume.  "Ube halaya!" Tuwang-tuwang sabi ko nang mailapag na ang paborito kong pagkain tuwing Pasko. Ang hapag namin ay punong-puno ng mga pagkain. Si Lola at mommy ay nagluluto ng aming noche buena. Si kuya at daddy ay nagseset-up sa labas namin. Doon kami kakain sa labas. May binili rin kaming fireworks. Ang subdivision namin ay maingay dahil sa mga batang nangangarolling. Dahil wala akong ginagawa, ako ang taga-bigay ng pera sa kanila. Tuwang-tuwa ako sa tuwing kumakanta sila dahil hindi ko naranasan ang mangarolling. "Merry Christmas and a Happy New Year!" Kanta ng mga bata. Nag-abot ako ng isang daan. "Maghati-hati kayo, ha." Paalala ko. "Salamat, ate." Pumasok na ako ulit sa loob. Gusto ko sanang tikman ang bawat pagkain kaso baka mahuli ako at mapagalitan. Umupo na lamang ako sa sofa at nakipag-usap kay Saffron. zangwu : di ko alam ano ang susuotin ko aussienotanaussie : kahit yung casual lang  "Aussie, tulungan mo kami ilabas 'yung mga pagkain." Rinig kong sigaw ni daddy. Tinulungan ko sina kuya na buhatin ang mesa na dalhin sa labas. Natatakam ako sa tuwing nakikita ko ang lechon sa gitna. May Ube halaya at Leche Flan kami. Mayroong pansit at spaghetti. Fruit salad, shanghai, at iba pang ulam. Dahil kaunti lang naman kami, unti lang din ang handa namin pero wala nang mapaglalagyan ang mesa namin. Umupo si kuya at inamoy ang lechon. "Nakakagutom 'yung amoy." Pinisil niya ang lechon para kumuha ng balat. "Lola, si kuya, pinisil 'yung lechon." Sumbong ko. Tinakpan nito ang bibig ko. "Hati nga tayo," bulong nito sa akin. "Lola!" Sigaw ko. Umupo ako na lamang kami ni kuya at tinitingnan ang mga batang nagtatakbuhan. Ang iba naming kapitbahay ay nasa labas sila naglagay ng lamesa nila. May mga nag-iihaw ng manok at isda. Lumabas si lola na may hawak na mga plato. "Ambrose, ang pasaway naman." Nilapag niya sa mesa ang mga plato. "Prank lang 'yon, lola." Depensa ni kuya. Hinampas siya ni lola sa braso. "Lumayo ka nga d'yan na bata ka!" Lumabas si mommy na may dala-dalang basket ng mga prutas. "Ambrose, ilabas mo na 'yung mga regalo." Utos nito kay kuya na agad tumango. "Huwag mong aalugin, ha!" Paalala ni mommy. Nagpahinga si mommy sa tabi ko kaya lumapit ako sa kaniya ng kaunti. Baka magulat siya kapag nakita niya si Saffron kapag hindi ko sinabi. "Mom, pupunta po dito si Saffron. Wala po kasi siyang kasama mag-Pasko." Mahinang sabi ko. Napabaling ito sa akin. "Nasaan na ba siya?" Ngumiti ako. "Papunta na po 'yon." Nag-kwentuhan lang kami ni mommy at lola tungkol sa pangyayari noong baby pa ako. Nakikinig talaga ako ng mabuti sa bawat kwento nila dahil hindi ko naman alam ang nangyari sa akin noong baby pa ako. "Napakakulit mo, Aussie. Sa sobrang tigas ng ulo mo, tinatali ko paa mo sa kama mo para hindi ka makawala." Natatawang sabi ni mommy. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Saffron na nasa gate namin kaya napalingon din sina mommy sa tinitingnan ko. Tumayo ako para pagbuksan ito. Nakasuot siya ng dirty white na pantalon at naka-blazer. Ang gwapo niya! "Evening," nakangiting bati nito sakin saka naglakad papalapit sa mga magulang ko. "Magandang gabi po." Sinara ko ang gate bago lumapit. Tumayo si mommy para salubungin si Saffron. Niyakap nito si Saffron. "Saffron, mabuti na lamang at napabisita ka." Nginitian siya ni mommy at inalok ang inuupuang upuan. "Halika, umupo ka." Umiling si Saffron sa alok ni mommy. "Ayos lang po ako." Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Ah, inimbitahan po ako ni Aussie." Nahihiyang sabi ni Saffron. Mas lalong lumaki ang ngiti ni mommy sa nalaman kay Saffron kaya napairap ako. "Ang bait ng anak ko, diba?" Tanong nito, halatang binubugaw ako. "Sige, upo ka muna d'yan. Kukuha lang ako ng isa pang upuan."  Walang nagawa si Saffron kundi ang umupo. Lumabas si kuya na dala-dala ang mga regalo. Napatingin ito sa katabi ko. "Saffron, bakit ka nandito?" Gulat na tanong ni kuya. "Ambrose!" Sinuway ni lola si kuya. "Nagtatanong lang ako, 'la." Agad na depensa ni kuya saka inakbayan si Saffron. "Ang ganda ng sinuggest mong sunblock." "Ah," nahihiyang napatango si Saffron kay kuya kaya hindi ko maiwasang mapangisi. Bakit kaya hanggang ngayon ay naniniwalang bakla si kuya? "May regalo ka ba para sa amin?" Makapal na mukhang tanong ni kuya. "Mahiya ka nga, Ambrose." Suway ulit ni lola sa pabulong na pamamaraan. Tumango si Saffron. "Meron, kukunin ko lang sa kotse." Sinamahan ni kuya si Saffron sa labas. Bumalik silang dalawa na may bitbit na iba't-ibang laki ng regalo. Marahang inalog ni kuya ang mga regalo. Ang hawak na regalo ni kuya ay sa kaniya. "Ang solid naman nito. Ang laki ng sa akin." Xbox ang laman n'on kaya malaki. Hindi ko na napigilan si Saffron na bumili ng mga mahahaling gamit para lang iregalo sa amin dahil ipinagpipilitan niya sa akin na isang beses lang naman nangyayari ang Pasko sa isang taon. Nakakahiya lang dahil walang regalo ang pamilya ko sa kaniya. "Cooler 'yan, kuya." Biro ko. "May regalo para sa'yo, lola." Natutuwang sabi ni kuya at ipinakita ang nakabalot na regalo. Napangiti si lola kay Saffron. "Ay, talaga? Salamat, hijo." Ngumiti rin sa kaniya si Saffron. "Walang anuman po."  Napatingin si lola sa pinanggagalingan ng boses ni kuya. "Ambrose, ilagay mo muna 'yan sa gilid." Lumapit si lola kay kuya para suwayin ito. Nasira na ni kuya 'yung wrapper pero matalino ako. Bumili ako ng kahon ng alak para doon ilagay ang xbox. Wala siyang clue kung ano ang laman kaya wala ring kwenta ang pagsira niya. Nakangiti ako kay Saffrpn dahil halata namang kinakabahan siya. Aksidente kong nahawakan ang nanlalamig niyang kamay. "Kinakabahan ako," mula sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya ang kamay ko. Umiling ako sa kaniya. "Hindi 'yan." Natatawang sabi ko. "Ipapakilala kita kapag kumpleto na sila." Bulong ko. Nasa loob ang mga magulang ko, may inaayos pa kaya si lola at kuya lang ang nasa labas, kasama kami. Hindi talaga pwedeng hindi ko nahahampas si Saffron. May mga batang nangangarolling tapos binibigyan ng limang daan tapos isa-isa pa.  "Merry Christmas." Bati niya sa mga bata. "Last na 'yon. Ang sama na ng tingin mo sa akin." Natatawa niyang sabi at pasimpleng hinalikan ang noo ko. "Pauwiin kaya kita?" Hamon ko. Natatawang umiling siya. "Mas lalo akong kinabahan." Nag-uusap lang si kuya at Saffron nang biglang lumabas si daddy na kasama si mommy. Agad tumayo si Saffron nang lumapit sa kaniya si daddy. Tinapik ni daddy ang braso ni Saffron. "Hijo, kamusta ka na? Nakita kita sa VH." Ngumiwi ito. "Ah, may nakain po ako na bawal sa akin." "Mabuti at napadaan ka rito." Pag-iiba ni daddy. "Opo, ako lang po ang mag-isa sa bahay. Wala po akong kasama mag-Pasko kaya inimbitahan po ako ni Aussie." "Maganda ba ang anak ko?" Biglang tanong ni daddy. Ngumiti sa akin si Saffron saka binalik ulit ang tingin kay daddy. "Ah, opo. Maganda po ang anak niyo." Dumikit ako kay Saffron tapos pasimpleng sinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Daddy," Kinakabahang tawag ko.  "Mommy, may sasabihin po ako sa inyo." Ngumiti ako kay Saffron na nagsisimula nang manlamig ang kamay. "3." Napatingin kami sa mga kapitbahay namin nang sumigaw sila. "Countdown na!" Sigaw ni kuya. "2." "Saglit, 'nak." Ani daddy at naki-countdown din.  "1." Hinawakan ko ang kamay ni Saffron. "Si Saffron po, b-boyfriend ko po s'ya." Nakapikit kong sigaw para marinig nila ako. "Merry Christmas!" Bigla silang nagsilingon sa akin. "Ano?" Sabay nilang tanong sa akin, pati si Saffron ay nagulat sa bigla kong anunsyo. Tinuro ko si Saffron. "Siya po ang boyfriend ko." Ngumiti ako sa kanila kahit hindi ko alam kung ano ang naiisip nila sa sudden confession ko. "Aussie," nanlalaking tawag ni Saffron sa akin.  "Kailan pa naging kayo?" Seryosong tanong ni daddy. Napalunok ako. "Ngayon palang po." "Aussie?" Gulat na tanong ni Saffron. Nginitian ko siya. "I like you." Sinserong sabi ko. Nagkayayaan na kaming kumain. May mga fireworks display na galing sa mga kapitbahay namin kaya habang kumakain ay nakatingin kami sa maitim na kalangitan. Ngumiti sa akin si daddy. "It's okay to me. Ayos lang sa akin kung magkaroon man kayo ng relasyon. Hindi ko na pagbabawalan si Aussie dahil legal na siya. Gusto ko, alam niyo ang limitasyon ng relasyon niyo. Huwag kayong magmamadali." "I knew it." Natatawang umiling si mommy. "Bakla ka diba?" Tanong ni kuya kay Saffron. "Uto-uto ka naman," asar ko. "Straight ako." Natatawang sagot ni Saffron. Napatango-tango si daddy nang may maalala, ibinaba niya ang hawak na kutsara't tinidor. "Ah, ngayon lang nagpakilala si Aussie ng boyfriend niya sa amin. Nung nasa Canada pa kami, tinatago niya talaga. Minor palang siya at alam niya na magagalit ako sa oras na malaman ko na nagka-boyfriend siya ng wala pa sa tamang edad." Natatawang sabi ni daddy. "Hindi niya alam, kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam ko kung sino ang mga naging boyfriend niya." "Dad!" Nahihiyang suway ko. "Sana kayo ang magkatuluyan." Nakangiting sabi sa amin ni mommy. Napangiti si Saffron sa sinabi ni mommy. "Salamat po." Tumayo si Saffron at kinuha ang mga regalo niya para sa pamilya ko. "May regalo po pala ako sa inyo." Isa-isa niyang binigay ang regalo. "I consult Aussie about it." Binuksan ni daddy ang kaniyang regalo. "Oh, a parker ballpen." Napa-'o' ang bibig ni daddy. "Ayos lang ba sayo ang gumastos ng malaki?"  "Minsan ko lang po kayo mabibigyan ng regalo kaya inisip ko po talaga kung ano ang magandang regalo na magugustuhan niyo po." Sagot ni Saffron. Niyakap ni mommy si Saffron nang mabuksan ang regalong puro baking utensils. "Thank you for this, Saffron. I love it." Si kuya ay nagmamadaling binuksan ang box. "Woah! Xbox." Nanlalaki ang mga mata ni kuya sa nakikita niya at sinampal pa ang sarili kung totoo bang may nagbigay sa kaniya ng Xbox. "Bayaw, ang galing mo." Umakbay siya kay Saffron. Yumakap din si lola habang suot-suot ang salamin. "Salamat, hijo." "Si Aussie? Wala kang regalo para sa girlfriend mo?" Pansin ni kuya. Ngumiti sa akin si Saffron. "Ibibigay ko po mamaya." Tumuloy na kami sa pagkain pagkatapos ng bigayan ng regalo ni Saffron. Ngiti-ngiti siya sa akin dahil alam niyang boto ang pamilya ko sa kaniya. Nadaan sa regalo. Itinuro ko ang ube. "Paabot," bulong ko kay Saffron na agad niya namang sinunod. "Sana all talaga." Mahinang sabi ni kuya. Nag-abot si mommy ng pagkain kay Saffron. "Kain ka lang, hijo. Kami ang nagluto ni mama." Nakangiting alok ni mommy. "Salamat po," kinuha niya ang inihaw na manok. "Gusto mo?" Umiling ako. "Busog na ako." Inubos ko nalang ang natitirang pagkain ko sa plato. 'Yung diet na gusto ko, hindi ko alam kung kailan matutuloy dahil palagi nalang masarap ang kinakain ko. May New Year pa na paparating, tataba na ata ako. "Sindihan mo na 'yung fireworks, Ambrose." Utos ni daddy. Nagpunta si kuya sa gitna ng kalsada. Doon siya sa bakanteng lote pumuwesto. Sinindihan niya na ang fireworks at mabilis na tumakbo. Nakatingala kami habang pinapanood ang fireworks display namin.  "Saff.." tawag ko. Hindi siya lumingon dahil abala siya sa pagkuha ng video. "Hmm?"  Pagkalingon niya ay isang mabilisang halik sa pisngi ang iginawad ko. "I like you." Doon siya lumingon sa akin. "Wo ai ni." Nakangiting sabi niya. "That's I Like You in Chinese?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD