Chapter 14

3109 Words
"Dad, ihahatid ko lang si Saffron sa labas. Uuwi na raw po siya." Inilagay ko sa bulsa ng hood ko ang regalo ko kay Saffron. Ngumiti sa akin si daddy at tumigil saglit sa paghuhugas ng pinagkainan namun. "Dito mo muna ipatulog." Napangiti ako. "Sige po," tumango ako. Pinuntahan ko si Saffron na nakaupo sa sofa namin. Tumayo siya at lumapit sa akin. Mayroon siyang hawak na kahon na kasinglaki ng lagayan ng sapatos. Nagtataka ako kung paano niya naitago sa akin 'yon o kung paano niya napasok sa bahay nang hindi ko nalalaman. "Aussie," inabot niya ito sa akin. Inalog ko 'yon at alam kong maliit lang ang laman no'n. "Kahit maliit ang iregalo mo sa akin, mahal pa rin." Inirapan ko siya. Natawa siya. "Open it." Hinila niya ako at niyakap sa bewang. Binuksan ko 'yon at tumambad sa akin ang isang collar. "Collar?" Nagtatakang tanong ko. Tumango siya sa akin saka hinila ako palabas ng bahay namin. "Hmm." Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng maliit na boses ng tahol. Gulat akong napatingin kay Saffron nang mapagtantong niregaluhan niya ako ng puppy dog! Agad akong lumapit sa cage. "Woah! My dream dog." Binuksan ko 'yon saka maingat na kinuha ang puppy. "Saffron, ang mahal nito pero tatanggapin ko 'to." Naiiyak kong sabi na ikinatawa niya sabay yakap sa kaniya. "Pangarap ko magkaroon ng husky. This is my baby." Masayang sabi ko habang nakangiti sa puppy. Oh! I checked it genitals. It's her! And I love  color of her fur too. Ngumiti sa akin si Saffron. "That's her collar." Hinele ko ang aso. "Oh, a baby." I gave Saffron a peck kiss. "Thank you so much." Napahawak ito sa mukha ko at nagtaka nang maramdamang basa ito. "Bakit ka umiiyak?" Natatawang tanong nito habang pinupunasan ang luha ko. "Ang mura lang ng regalo ko sa'yo tapos ang regalo mo sa akin ay aso. Nahihiya tuloy ako ibigay." I sniffed. Nakakahiya naman! 'Yung mga niregalo niya sa akin, mula sa maliit na teddy bear na pinaghirapan niyang kunin sa claw machine, sa bag, at sa kwintas na gold. Then, isang aso. Hindi ko pa siya nabibigyan ng regalo kahit isang beses. Ngayon, I have gift to him. Mura lang ang binili kong regalo para sa kaniya. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba.  "Ayos lang sa akin kung second hand lang o mura basta ikaw ang nagbigay."  Inilabas ko ang maliit na kahon mula sa bulsa ng jacket ko. "I'll give you my assurance that you're the only I will love." I opened it. "And this is the proof." I smiled while showing a couple ring that I bought. He wear his and help me wear mine. "Yeah? Can't wait for the right time that you will love me." Ngumisi siya sa akin. "Kung gusto mo, dito ka nalang matulog." Nakangusong alok ko. "Nakakahiya." Umiling siya saka hinaplos ang ulo ng husky. "Punta ako rito bukas. Ipapa-vet natin 'yang aso." "She's Saffire." Ngumiwi siya sa sinabi ko pero tumango nalang. Nagpaalam na siyang aalis kaya hinatid ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hindi siya nagreklamo na isinunod ko ang pangalan niya sa aso. Well, he's the one who gave Saffire to me. Gustong-gusto niya kasi pangalanan 'yung teddy bear na binigay sa akin nina Theros pero si Arlia na 'yon. Masaya akong pumasok sa bahay na dala-dala si Saffire. Nagulat sina kuya sa bitbit ko. Well, sino ba namang hindi magtataka na lumabas lang ako saglit tapos pumasok ako ng may dalang aso? "'Yan ang regalo sayo ni Saffron?" Tanong sa akin ni kuya. "Kaya pala nagtanong kung ano ang gusto mong breed ng aso." He pat softly Saffire's head. "Wow! A puppy." Tuwang-tuwang sabi ni mommy. "What's her name, Aussie?" "Saffire, mommy." Nakangiti kong sagot. "Saff ang tawag ko sa'yo, kamukha mo naman si Saffron." Pagkausap ni kuya kay Saffire. Nang mag-umaga ay maaga akong gumising. I will buy dog foods for Saffire. Sabi ni Saffron ay four months old na si Saffire kaya puwede na sa solid foods so I searched what's good for a puppy. Isang oras ang naging tulog ko dahil tuwang-tuwa ako sa pagbantay kay Saffire. Ofcourse, Saffron fetch me. Nasa backseat si Saffire at nagkukulit siya sa likod. Nasa cage naman siya kaya hindi niya mangangatngat ang upuan. Mukhang makakabayad pa ako kapag may nasira siya sa sasakyan ni Saffron. "May vet ba ngayon? Christmas, eh." Tanong ko. "Veterinarian ang nanay ni Theros."  I didn't know much about Theros but it's not shocking to know his mother was a veterinarian. May aso siyang anak, eh. Just kidding! Tumigil kami sa harapan ng isang malaki. I wonder why Theros was so stingy where in fact, he's rich. Pumasok na kami sa loob dahil pinapasok kami ng guard nila nang mamukhaan ang kasama ko. Pinakiusapan talaga ni Saffron ang nanay ni Theros dahil kailangan talaga namin ng veterinarian ngayon for Saffire. I want her to be safe from virus. Bumaba si Theros naka-jersey short at sando. Mukhang kagigising niya lang dahil humihikab-hikab pa. "Kukunin lang ni mama 'yung gamit niya." Lumapit ito sa amin para tingnan ang bitbit kong aso. "Kanino 'yan? Aso niyo?"  "Yup, she's Saffire, our baby." Sagot ko. "Kamukha mo, Saff." Biro ni Theros. "Sipain kaya kita." Tumayo si Saffron at akmang sisipain si Theros pero agad natigil nang may babaeng bumaba mula sa hagdanan. "Tita, good afternoon." Bati ni Saffron.  "Oh, Saffron. Nag-aalaga ka pala ng aso." Tinuro ako ni Saffron. "Ah, aso po ng girlfriend ko." Napatingin sa amin si Theros na gulat na gulat. "Mag-jowa na kayo?"  "Gulat ka, noh?" "Nag-s*x na kayo?" Bigla nitong tanong. Napangiwi ako sa sinabi ni Theros. I want to strangle his neck until he can't breathe! It just made me awkward. It's not true, tho.  Nanlaki ang mga mata ng nanay ni Theros at nahihiyang napatingin sa amin ni Saffron. "Maximo!" Mariing suway nito sa anak. Napahawak si Theros sa kaniyang bibig. "Ay, nandyan ka pala, ma." Nakangiwing sabi ni Theros at umalis, natatakot na mapagalitan sa harapan namin. Nagpunta kami sa isang kwarto na parang isang clinic ang itsura. Sumasadya na siguro ang iba pang kliyente nito sa bahay nila kaya mayroong vet room. Sabagay, mukha naman busy si tita Roxanne sa iba pang gawain. She's telling some of stories about her son, Theros, kung saan mukhang hindi naman interesado si Saffron dahil mukhang sawang-sawa na siya kay Theros pero pinipilit niya na nakikinig siya ng mabuti. Naghubas ng gloves ang nanay ni Theros saka ngumiti sa amin. "Dadalhin niyo sa akin si Saffire every month for her vaccine. Papaliguan niyo siya after one week ng vaccination." Sabi niya habang hinahaplos ang fur ni Saffire. "Kung hindi naman siya masyadong lumalabas ng bahay ay kahit 'wag niyo na siyang paliguan ng linggo-linggo. One month to two months." Hinalikan ko ang ulo ni Saffire. "Thank you po." Umalis na kami ni Saffron sa bahay nina Theros at dumiretso sa pet shop. May hawak siyang isang sako ng dog food habang ako naman ay may hawak na maliit na basket kung saan may laman na mga treats at laruan na matibay. "She's cute." Tukoy ni Saffron kay Saffire. Niyakap ko siya. "Thank you for giving me Saffire." Hinalikan ko siya. "You're welcome, baby." Kinabukasan, Saffron came to our house with a van. Nagsipasok din sa bahay namin ang mga kaibigan niya na naghihintay sa sala namin. Niyakap ako ni mommy. "Mag-ingat kayo roon, ha." Paalala niya. Tumango si Saffron. "Opo, tita," at binuhat na ang bag ko. Lumabas na kami ng bahay. Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin sina Snow at 'yung babae na kung gumalaw ay pang-lalake! "Oh? Ikaw 'yung kasama ni Theros nung nasa Cebu kami. 'Yung bisexual?"  Ngumiwi ito. "Lesbian ako, miss." "Ay, sorry." Paumanhin ko. "Kaninong van 'to?" Tanong ko kay Saffron nang matapos siya ilagay ang mga gamit sa likuran. "Kay Aster." Singit ni Theros. "Wala tayong marerentahang van kaya kinausap ko si Aster. Pumayag siya basta kasama siya."  "Hello, Snow. I miss you." Bati ko at nginitian naman ako nito. Napalingon ako sa babaeng kasama ni Haru nung nasa Cebu kami. "Hi, I didn't know your name. Haru didn't mention you." Nahihiya itong ngumiti sa akin. "Ah, Yve, miss." "You can call me Aussie and I am Filipino-Canadian. Baka maisip niyo lang na isa akong Australian dahil sa pangalan ko. Its nice to meet you, guys." Masayang sabi ko saka tumingin kay Saffron. "He's my boyfriend, Saffron, a chinese." Kumapit ako sa braso ni Saffron. Tinakpan nito ang bibig ko. "Ang daldal mo."  Hinampas ko ang kamay niya nang humigpit ang pagkakahawak niya. "Aw!" Niyakap niya ako. "Sorry." Natatawang sabi niya. Nandidiring nag-iwas ng tingin sa amin si Theros. "Tibay, dito pa talaga sa harap ko nagharutan? Respeto naman." Tumingin ako sa likuran ng van kung saan walang nakaupo. "Doon kami sa likod?" Lumabas muna sila para paunahin kami pumasok ni Saffron. "Oo, masakit kayo sa mata tapos doon pa kayo sa harapan namin na maglalandian. Sana sinaksak niyo nalang ako, diba." Habang nasa byahe kami ay nagkukuwentuhan lang kami ni Saffron. May sari-sarili rin silang mundo kaya gumawa kami ng sarili namin. Naguusap-usap silang mga nasa harapan. Ipinatong ni Saffron ang kaniyang palad sa aking hita. "How's Saffire?" Napangiti ako dahil naalala ko na naman si Saffire. "She knows me na!" Natutuwang sabi ko.  "Sa kwarto ko siya natutulog at alam niya na kung saan magpapotty." I proudly said. "Thank you, again." I hugged him. I will miss Saffire! Hindi ko siya pwedeng dalhin dahil baka ma-stress lang siya. Panatag naman ako na maaalagaan siya sa bahay habang wala ako. Sino ba namang makakalimot na bantayan si Saffire kung oras-oras ko ipinaaalala na i-check ang banyo ko dahil nandoon ang mga poop at ihi ni Saffire dahil doon siya nagpopotty. Pakainin siya bago sila kumain. I am just being good mommy to Saffire. "Ang clingy mo but I like it."  "Take a picture of me, ha." "Yes," tumango ito. "I bought a matching pajamas. We will wear it before sleep, ha." Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat. "Ano pa?" Nag-iwas ako ng tingin sa akin. "Wala na." Mahinang sabi ko. I don't think I can handle his stares. Ang lalim at nakakaintimidate sa tuwing tinititigan niya ako. Sa tuwing nagsasalita ako, tititigan niya talaga ako. Siguro, dahil ngayon niya lang ako natititigan na hindi pinipigilan ang sarili sa kaalamang wala pa kaming relasyln. Now, he doesn't need my permission so he has now a freedom to stare at me like that! I'm chatting with my mom because Saffron is sleeping. Tulog silang lahat, actually. Maliban lang sa amin ni Theros dahil siya ang driver namin.  "Kain muna tayo ng lunch." Ani Theros. Tumigil kami sa isang fast food restaurant. Nauna nang bumaba sila kaya naiwan kami ni Saffron. "Wake up," I said while softly tapping his cheek to wake him up. "Hoy!" I slapped him. Bigla itong dumilat at humawak sa pisngi. "Aray!" I laughed. "Kakain na tayo ng tanghalian." Hinalikan ko ang pisnging sinampal ko. Nag-aayos ng mga mesa sina Haru. Kumukuha sila ng upuan dahil kulang sa amin. "I'll pay for our food, Saffron."  Kumuha siya ng pera sa wallet niya. "Shh!" "Let me pay!" I hissed but he gave me his wallet instead. "Ang kapal naman ng wallet mo." Sabi ko pero hindi niya ako narinig dahil naglakad na siya papunta ng counter. Oh! He has a black card. Marami siyang card at may iilang libo. Mas marami pa ang card niya na nakalagay sa wallet niya kaysa sa cash. He's earning.. a lot. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ginagawa niya kaya siya may ganitong kadaming pera. Nagtaka ako kung bakit may condom siya? Saan niya ginagamit 'to? May pinaggagamitan ba siya? Niloloko niya ba ako? So, mag-sstay kami sa Baguio for 4days. Nag-book na kami sa isang hotel na malapit sa Tree Top Adventure dahil adventurous ang mga kasama ko at susubukan namin na mag-camping sa loob kaya may dala kaming mga tent. May itinerary na rin kami. Marami kaming pupuntahang tourist spot at excited na ako! "So, ilang buwan na kayo? Hindi ko alam na nagliligawan na pala kayo." Nakangiting sabi ni Snow. "Nung Pasko niya ako sinagot." Nakangiting sagot ni Saffron bago sumubo ng kinakain. "Wow! I think that's so sweet." Nakangiti ring sabi ni Yve. "Hindi ko sinabi sa kaniya na sasagutin ko na siya. Ipinakilala ko lang siya sa mga magulang ko bilang boyfriend ko. He's also shocked that time." Singit ko. Natatawa pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang reaksyon niya. Hindi nga siya makapaniwala na sinagot ko siya by introducing him to my family. "Ang sabi mo kasi ay ipapakilala mo lang ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi mo." Bumalik na kami ulit sa van pagkatapos namin kumain ng tanghalian. Si Aelius naman ang nag-drive at katabi niya si Snow. Nasa likod pa rin kami ni Saffron na nakapwesto.  Nakasandal lang ang ulo ko sa kaniya habang ka-text si mommy. She's asking if we arrive safe in Baguio. Na mag-text ako sa kaniya kapag nakarating kami roon. I understand being this worried for me. First time ko lang din na mag-vacation na kasama ang mga kaibigan ko at hindi ang pamilya ko. "Mom," sagot ko pagka-open ng cam. "Nasa van pa kami." Ipinakita ko ang labas ng van saka humarap ulit. "Oh," bigla kong hinarap ang camera kay Saffron. "Hijo! Take care of my Aussie, ha."  Sinamaan ako ng tingin ni Saffron bago kunin ang cellphone sa akin. "Yes, tita." "Enjoy your vacation!" Saffrom gave my cellphone back. "Yes, mom. Don't worry too much. I'll update you every hour. I love you."  "I love you, anak." Nagsibaba na kami sa van nang marating namin ang lugar ng Le Monet Hotel. Pumasok na kami sa loob habang ipinaparke ni Aelius ang van. Si Saffron ang nakipag-usap sa front desk. "Apat na Junior Suite. Magkasama kami ni Aussie sa iisang kwarto. Kayo na bahala ang magdesisyon kung sino ang makakasama niyo." Ani Saffron at kumuha ng isang key card na ibinigay. "Wow! Hindi ako makapaniwala na gumastos ako para lang sa isang Suite." Hindi makapaniwalang sabi ni Haru.  "Nagagawa ng pag-ibig." Pasimpleng sabi ni Theros. "Tanga!" Ani Haru. Inayos ko ang mga gamit ko nang makapasok na ako sa hotel room namin. Mayroong 2 queen beds ang Junior Suite kaya tama lang para sa amin ni Saffron.  I flinched when he suddenly hug me from my back. "Nakakapagod!" Binitawan ko ang nililigpit kong damit saka humarap sa kaniya then hugged him. "Hindi ka naman nagmaneho. Natulog ka lang." I slapped his face slightly. He kissed my cheek. "'Yon nga, eh."  "I don't know how to kiss." Biglang sabi ko kaya naitulak niya ako at mabuti na lamang ay bumagsak ako sa kama. Malalagot siya sa akin kung sa sahig ako nalaglag. "Ouch! Bakit mo ako tinulak?" "Bakit parang may ipinapahiwatig ka?"  "Sinabi ko na lang naman na hindi ako marunong humalik, nanulak ka na agad." I hissed. "Malay ko ba!" "You know how to kiss?" I asked him. "Bakit ka n-nagtatanong?" He stuttered. Binuksan ko ang phone ko at ipinakita sa kaniya ang YouTube history ko. I was just confused when I watched the French kiss. I don't know how they do it! "Look, I watched some tutorials how to kiss for beginners."  His jaw dropped while looking at my phone. "Ha?"   "How to do it while the tongue is out?" "Ano ba 'yang mga pinapanood mo?" "I want to try the single lip kiss!" I read the in the article how to do it and I already have a clue about to do it and I want to know how does it feels like. "You kiss my upper lip while I kiss your bottom lip." "Dalawang araw palang tayo!" He said it like it will save his ass from me. "Walang namang pinagkaiba kung maghahalikan tayo sa mga susunod na buwan." Singhal ko.  "Open your mouth!" Utos ko. "Bilis." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. He pushed me a litte. "Huwag kang umupo sa hita ko." Inilagay ko ang braso ko sa kaniyang leeg. "I want it romantic so I have to sit in your lap!" Inayos ko ang upo ko sa mga hita niya pero pasimple niya akong inusog. "Okay, let's do French kiss if you don't want it." Inilabas ko ang dila ko. "Ano ang gagawin ko sa dila mo?" Takang tanong nito. "Suck it." Sagot. Napahawak siya sa sintido niya. "Táoqì." Namomroblema niyang bulong. Hinampas ko siya sa braso niya saka sinamaan ng tingin. "What? Minumura mo ba ako?" I asked while glaring. He's speaking Chinese! Malay ko na ba na minumura niya na ako. I just wanted to learn how to kiss! Is it bad? We're in a relationship! "Isang beses lang, ha." I nodded. "Mmm." I moaned when he sucked my tongue He stopped. "Huwag kang umungol!" He complained. Inilagay ko ang aking hintuturo sa kaniyang labi. "Stop talking," then started kissing him again. Oh my gosh! I didn't expect that our first make-out happened in a hotel. I just want to learn how to kiss so I know how to be romantic to him or give him a kiss whenever he feels tired. I think that's a good trait for being a girlfriend. First ever boyfriend ko siya—may mga exes ako noong bata pa ako pero hindi ko talaga sila tinuturing na naging boyfriend ko dahil uto-uto pa ako no'n! Iaangat ko pa sana ang katawan ko para mas magkadikit kami nang bigla niya akong buhatin para ihiga sa kama at lumayo sa akin. Nagsipasok sina Theros nang hindi kumakatok! It's Saffron's fault! He didn't lock the door. "Hello, every—bold!"  Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Theros na sumigaw no'n. "Hindi ba uso ang katok sa inyo?" Inis na tanong ni Saffron. "Nagugutom na 'yung mga girls." Sagot ni Haru. Sumipol si Aelius. "Wews, nabitin." Bulong nito. "Sikmuraan kaya kita." Banta ni Saffron at lumapit sa mga kaibigan niya. "Magpapahinga muna kami. Kakakain lang natin." Tinulak niya ang mga ito paalis. "Kakakain mo lang?" Rinig kong tanong ni Theros pero alam ko may ibang meaning 'yon kaya hindi ko maiwasan na ibaon ang mukha ko sa kama dahil sa kahihiyan. "Ang dumi ng utak mo."  "We're just kissing!" Sigaw ko. Sumilip si Theros saka ngumisi sa akin. "Kita ko nga nakaupo ka sa—" Sinuntok siya ni Saffron sa braso. "We'll just get ready. Hintayin niyo na lang kami sa baba."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD