"I want to try it again."
Nagcross arm ako habang nakanguso sa kaniya. Kakalabas lang nila Theros and I want to kiss him again! His lips was addicting. Ang kissable ng mga labi niya dahil malambot at mamula-mula.
Inilingan ako nito habang nililigpit ang damit ko. "Hindi, aalis na tayo. Magtigil ka, Aussie." Pinanlakihan ako nito ng mga mata.
Wala akong nagawa kundi ang tulungan na lamang siya sa pag-tupi ng mga damit ko. Marami akong dalang gamit kaya natagalan siya magtupi habang ako naman ay nagdesisyon na iwan siya roon para maligo. I simply wear the dress I bought yesterday.
Tiningnan ko ang reflection ko sa elevator. "Do I look good, baby?"
"Ang ganda mo." Nakangiti niyang sagot sa akin. "Mauna ka na," ani sa akin ni Saffron pagkalabas namin ng elevator.
Sumenyas sa akin na may tumawag sa kaniya kaya tinanguan ko siya saka iniwan doon. Dumiretso ako sa isang restaurant kung saan kami kakain ng tanghalian ulit. Pagkarating ko roon ay nag-uusap ang mga boys habang ang mga girls ay nagtitingin lang sa menu.
Nginitian ko muna sila bago ako umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Snow. "Sorry, natagalan. Nag-shower pa ako." Hinawakan ko ang basa kong buhok.
Nakakahiya naman kung pinaghintay ko sila. Mabuti na lamang at hindi nila nakita 'yung ginawa namin ni Saffron sa suite namin. Iisipin nilang kaya kami nagtagal ay dahil may ginawa pa kaming kakaiba.
"It's okay. Nag-oorder palang naman kami." Si Yve ang sumagot sa akin at luminga, tila may hinahanap. "Nasaan 'yung boyfriend mo?"
"May ginawa lang. Pabalik na rin 'yon." Nakangiti kong sqgot saka kinuha ko ang menu. "Huwag ka mahihiyang mag-order ng gusto mo. We will pay for it." Sabi ko.
Mabuti na lamang at sinama siya ni Haru! I can be friend with them. Kaibigan ko na sina Haru dahil araw-araw ko ba naman silang nakakasama at nakakausap. Well, sana maging magkaibigan kami ng mga girls para naman kapag may galaan sa susunod ay sama-sama kami.
Agad itong umiling. "Ah, may dala naman akong pera. Hindi ko lang inaasahan na may kamahalan ang mga pagkain dito." Nahihiya nitong sabi.
Lumapit si Theros kay Aster. "Aster, what do you want to eat?" Tanong nito.
Nagtingin-tingin na lamang ako sa menu at nag-order. Hindi ko na sila pinansin nang matapos akong makapili ng makakain. Tumayo ako para salubungin si Saffron na kunot ang noo. Mukhang hindi maganda ang naging pag-uusap nila ng tumawag sa kaniya.
"You look grumpy. What happened?" Agad kong tanong.
"Pinipilit nila ako umuwi ng China sa January 1 kahit sa February pa ang New Year namin." Naiinis niyang sagot sa akin.
He's talking about his family. 'Yung mommy niya siguro ang tumawag sa kaniya. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko dahil mukhang namomroblema siya dahil doon. Well, best girlfriend is here to talk with his problem.
"Then, go. Why are you upset about it?" Nagtataka kong tanong.
Ang lungkot lang na mag-isa lang siyang magcecelebrate ng New Year. Pwede ko rin naman siyang imbitahin sa bahay para makisalo sa amin pero mas maganda pa rin na sabay-sabay kayo ng pamilya mo na icecelebrate ang pagsalubong sa panibagong taon.
Hinapit niya ako sa aking bewang. "Gusto ko kasama kita sa first New Year natin together."
Napatingin ako sa mga taong napatingin sa amin. "Family first, right?" Bulong ko saka bumalik ulit sa pagkakaupo.
Kumuha ako ng menu saka pasimpleng nagtago rito.
Hindi ko kinakahiya si Saffron. Nahihiya lang ako dahil hindi ako sanay na sa harapan ng mga stranger kami maghaharutan. Kina Theros pa nga lang ay nahihiya na ako dahil inaasar nila kami.
Napairap ito saka umupo sa tabi ko. "It doesn't apply to my family, Aussie." Nakisilip ito sa hawak kong menu. "Did you already order?"
"Yup and I order for you, too."
Nagsibalik kami ulit sa suite namin pagkatapos kumain. Nasa banyo ako ngayon at nagbibihis ng susuotin ko. Si Saffron ay naghihintay lang sa akin sa labas, kausap ang nanay niya. Tumawag na naman ang nanay niya sa kaniya.
"You should wear your jogging pants." Sigaw nito.
"Yup," sigaw ko habang inaayos ang suot na damit. "Bakit ka nga pala may condom sa wallet mo?" Tanong ko sa kaniya nang makalabas ako.
Bakit naman siya magtatago o magkekeep ng condom sa wallet niya kung wala pang nangyayari sa amin o baka may nabasa na naman siya sa internet tungkol sa pagtatago ng condom sa wallet.
"Sabi ni Haru, pampaswerte raw." Sagot niya sabay usisa sa damit ko. "You're wearing underneath?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Crop-top at isang camoufladge na pants ang suot ko. "I wear tubes." Tinaas ko ang suot ko para ipakita ang tube na iniwasan niya naman ng tingin kaya natawa ako.
Nagkita-kita kami sa labas. Lalakarin lang daw namin dahil malapit lang naman. Si Aelius lang ang nasa sasakyan dahil nandoon ang tent na itatayo namin. Exercise na rin para makapagbawas ng kaunting fats lalo na't dalawang beses kami kumain ng tanghalian. Tumataba na ako, I will check my weight when I get home.
"Mauna na kayo." Ani Saffron sa mga kasama namin saka lumapit sa akin. "Palagi ka nalang nakalugay, you should tie your hair." Naglabas siya ng isang tali mula sa bulsa niya saka itinali ang aking buhok.
Napahawak ako sa buhok kong naka-ponytail. "Oh, thank you." Nakangiti kong sabi.
"Nahaharangan 'yung mukha mo. Hindi ko makita ang ganda mo."
Nginisihan ko siya. "Patay na patay ka talaga sa akin." Pagmamayabang ko kaya napahalakhak siya.
Nang makarating kami roon ay nagsiupuan kaming mga babae dahil sa pagod sa paglalakad. Nagtulungan ang mga kalalakihan sa pagbubuhat ng mga tent mula sa sasakyan papunta rito.
"I-set up muna natin 'yung tent." Ani Aelius.
Tinulungan namin sila sa pagtatayo ng tent lalo na sa mga marunong magtayo nito. Noong nasa Canada pa ako, palagi kami nag-cacamping ng family ko kaya may karanasan na ako kung paano bumuo ng tent.
Inabot ni Haru ang tent ni Theros. "Walang tutulong sa'yo!"
Ngumisi ito. "Ayos lang, huwag lang kita makatabi."
Nang matapos sa pagbuo ng tent ay nagyaya na sila na subukan ang zipline rito. Gusto ko sana sumama kaso may fear of heights ako. Hindi ko kakayanin ang sumakay sa zipline lalo na't pakiramdam ko na malalaglag ako kahit secured naman.
"I'm not that adventurous so I'll just stay here. Go, enjoy." Sabi ko kay Saffron nang magpaiwan din siya.
"Edi, wala kang kasama?"
Tumango ako sa kaniya saka binuksan ang tent namin saka umupo roon. "Babantayan ko 'yung tent natin. May mga gamit din na naiwan at baka manakawan tayo." Sagot ko.
Umupo siya sa tabi ko. "Then, I'll stay with you."
Umiling-iling ako sa kaniya. "No, no. Sumunod ka na sa kanila, ayos lang sa akin. Nagpunta tayo rito para mag-enjoy, nagkataon lang na takot ako sa mga ganoon."
"Hindi rin naman ako mag-eenjoy doon kasi wala ka." Nakanguso niyang sabil
Sumuko nalang ako sa kakulitan niya. "Ang kulit mo."
Wala rin akong magagawa kung ayaw niya sumama kina Theros. Umupo lang kami sa tent at nag-uusap nang bigla akong humikab. Inaantok ako. Hindi ako natulog nung nasa byahe kami at napagod siguro ako kaya ako inaantok ngayon.
Ibinaba ni Saffron ang hawak na cellphone. "I texted Aelius."
"What did he say?"
"Maghintay nalang tayo rito." Sagot niya. "Inaantok ka pa?" Tiningnan niya ang mga mata ko.
Nakanguso akong tumango. "Oum."
Nauna siyang pumasok sa tent. "Tara sa loob." Kinuha niya ang bag niya para maglabas ng malaking kumot at itinupi iyon. "Oh, gawin mong unan." Nilagay niya 'yon sa dulo.
Pumasok ako sa loob saka humiga. "Sleep beside me." Sabi ko habang inaayos ang aking posisyon,
Kinuha niya muna ang pamaypay ko bago humiga sa tabi ko. "Hindi ako matutulog, babantayan kita." Hinawakan niya ang bewang ko saka pinaypayan ako.
Niyakap ko siya sabay nguso. "Let's kiss."
Nilayo niya ang ulo niya sa akin. "Ayan na naman tayo sa halikan." Sinamaan niya ako ng tingin. "Aussie, magtigil ka."
"Hindi naman mag—"
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Tanghaling tapat! 'Yung bunganga mo," suway niya.
Umiling ako sa kaniya saka nagmatigas, "Let's kiss then. Matutulog naman ako." Pumikit ako. "Hindi ko naramdaman 'yung labi mo." Dumilat ako saka nagreklamo.
"Dinikit ko!" Depensa niya kaya ako na ang humalik sa kaniya. "Aussie.." kinakabahan niyang bulong.
"Shh!" I shut him off by kissing him.
I kissed him to shut him off. He's talking too much. Napangisi ako nang maramdaman ko 'yung dila niya na pilit ipinapasok sa bunganga ko kaya nginisihan ko siya bago ibuka ang bibig ko. Iginagalugad ng kaniyang dila ang loob ng bibig ko.
"Ah," I moaned that made him stopped kissing my jaw.
"s**t! Aussie," mura niya sabay layo sa akin. Bumuntong-hininga ito. "Let's just sleep."
Inilagay ko ang ulo ko sa balikat niya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at hinahaplos 'yon. Ngumuso ako pero yumakap nalang sa kaniya. Lalayo pa sana siya sa akin kaso sinamaan ko ng tingin kaya napabuntong hininga, wala siyang nagawa kundi ang lumapit. Kinakantahan niya ako habang hinahaplos ang aking buhok.
Ah! I don't want to sleep. Gusto ko pakinggan lang ang boses niya pero inaaya ako ng maganda niyang boses na matulog. Hinding-hindi ako magsasawa sa boses niya at sa kaniya.
Nagising ako nang makarinig ako ng ingay. Basa ng pawis ang ulo ko at aalis sana mula sa pagkakahiga nang mapatingin ako kay Saffron na mahimbing ang tulog sa tabi ko.
Napangiti ako habang nakatitig sa kamay niya. "Ang gwapo mo." Pasimple akong lumapit sa kaniya at hinalikan ang kaniyang pisngi. "I'm lucky to have you."
He's sweet to me. Siya 'yung tipo ng boyfriend na hindi mo makikitaan ng red flag. He's always updating me whenever he's out of the country or he's busy, kahit noong nililigawan palang niya ako. Kahit hindi ako nagsasabi, binibigyan niya ako ng regalo. Palagi siyang nagluluto para sa akin kapag sa bahay niya kami tumatambay.
Nagdilat ito ng isang mata. "Yeah?" Nakangising sabi nito.
Nagulat ako sa kaniya kaya nasampal ko ang pisngi niya. "B-bakit gising ka?" Gulat kong tanong.
Hinawakan niya ang pisngi niya. "You're lucky to have me?" Nakangising tanong nito saka napailing-iling. "I am the one who's lucky because I have you."
Nagkatitigan kaming dalawa. Dalawang araw palang kami pero vocal na kami sa isa't-isa. Wala ng hiyaan sa tuwing magkasama kami dahil pinaparamdam namin sa isa't-isa na komportable kami sa tuwing magkasama kami.
Hinalikan ko muna siya bago ako bumangon. "Let's go." Anyaya ko saka naunang lumabas ng tent.
Hindi namin napansin na papalubog na ang araw. Sina Aelius ay naghahanda sa labas. Bigla ako tinamaan ng hiya dahil natulog lang kami ni Saffron habang sila ay may ginagawa. Agad akong lumapit kina Snow na abala sa paghihiwa ng kakainin namin ngayon.
Lumapit ako sa kanila habang nagtatali ng buhok. "Ano ang puwede kong matulong? Nakatulog ako, pasensya na."
Tumango sa akin si Snow habang abala sa pagpupunas ng mesa. "Ayos lang." Tinuro niya 'yung walis tingting na nakasandal sa puno. "Tulungan mo na lamang kami maglinis para hindi tayo mapagalitan ng may-ari."
Kinuha ko ang walis tingting saka nagwalis sa pinag-sstay an namin. Lahat sila ay may ginagawa. Si Saffron ay tumutulong sa pag-aapoy ng gagawin naming bonfire. Nakalagay naman ito sa ibabaw ng malaking bilog na stainless kaya maiiwasan namin na makagawa ng sunog.
Lumapit sa akin si Saffron saka kinuha ang walis sa akin. "Ako na, umupo ka na roon." Aalma pa sana ako nang panlakihan niya ako ng mga mata.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Umupo ako sa isang kahoy na upuan, katabi ni Haru. Nag-uusap sila ni Yve kaya nag-open nalang ako ng Messages kung may text na ba si mommy sa akin.
Mom:
Palagi kang dumikit kay Saffron, ha. Huwag kang hihiwalay sa kaniya at baka mawala ka.
Lumapit sa akin si Saffron saka hinawakan ang aking braso. "Kakain na tayo!"
Pumunta kami sa isang kubo kung saan nakaupo na sila roon. I pursed my mouth when I realized we were going to do a boodle fight. Hindi ako marunong mag-kamay!
Pasimple akong bumulong kay Saffron. "Walang kutsara?"
Napatingin ito sa akin. "Hindi ka marunong mag-kamay?" Gulat nitong tanong.
"Hindi," nakanguso kong sagot.
"Hiram tayo ng kutsara sa cafè."
Tinutukoy niya 'yung malapit na cafè sa Tree Top Adventure. Ayoko naman na makaabala pa ako sa kaniya at pupunta pa siya roon para lamang manghiram ng kutsara. Nakakahiya.
Umiling ako. "Ayos lang, Saff. Huwag na," tanggi ko.
"Subuan nalang kita." Suhestiyon niya.
Natatawang inilingan ko siya. "Turuan mo nalang ako mag-kamay." Ani ko.
Nagsimula na silang kumain habang tinuturuan ako ni Saffron. Gamit ang aking kanang kamay ay kumuha ako ng kanin at gamit ang hinlalaki ay tutulungan nito na maitulak ang pagkain sa loob ng bibig.
Nang matapos kami na kumain ay umupo na kami paikot sa bonfire na ginawa nila. Malamig na sa Baguio at tamang-tama lang ang init ng bonfire para maibsan ang panlalamig ko.
Itinapon muna ni Theros ang kinakaing manok bago umupo sa tabi ni Haru at Aster. "Laro tayo."
"Ano na namang katarantaduhan ang naiisip mo?" Tanong ni Aelius sabay abot kay Snow ng makapal na tuwalya.
"Put a finger down." Sagot ni Theros.
"Ano naman ang dare sa matatalo?" Tanong ni Haru.
"Bibigyan ng pera 'yung mananalo."
"Mukha kang pera, gago." Mura ni Aelius.
"Hindi naman ako ang mananalo." Natatawang sabi ni Theros.
Tumingin ako kay Saffron. "Paano 'yon?"
"Ibababa mo 'yung daliri mo kapag guilty ka o na-experience mo na 'yung sinabi nila." Paliwanag niya. "Bawal ang magsinungaling."
Napatango ako. "Oh, okay."
Si Saffron ang mauunang magsabi kaya kampante ako na hindi ako magbababa ng daliri ko.
"Nanood ng porn." Ani Saffron.
Sa sinabi ni Saffron ay nagsiasim ang mga mukha ng mga kaibigan niya.
Nagbaba ng daliri si Haru. "Ayusin mo naman!" Reklamo ni Haru.
Habang nagtatalo sila ay pinag-iisipan ko kung magbababa ba ako ng daliri o magsisinungaling. Normal lang naman na manood ng p**n kung nasa tamang edad na at alam kung paano lilimitahan ang sarili.
Nahihiya lang ako dahil ako lang ang babae rito na aksidenteng nakapanood ng porno!
"Kahit ako rin naman, nagbaba ako ng daliri." Ani Saffron.
Tiningnan kami ni Theros isa-isa at napanguso ako nang dumako ang tingin nito sa akin. "Si Aussie!" Natatawang ani Theros.
Tiningnan ako ni Saffron kaya napanguso ako. Nagpipigil siya ng tawa dahil kapag nakita ko na ngumiti siya ay malalagot siya sa akin.
"Aksidente lang 'yon!" Depensa ko.
Noon, nagtataka ako kung bakit ang ingay ng kwarto ni kuya Ambrose. Sumilip ako sa kwarto niya kung ano ang pinapanood niya at ang ingay ng tunog. Akala ko ay nanonood siya ng torture videos kasi may umuungol. Hindi ko naman alam na p**n 'yon! Nagsisisi nga ako kung bakit tinapos ko panoorin 'yung video sa sobrang curious ko.
Ngumisi si Theros kay Haru. "Nagkagusto sa mas matanda." Natatawang sabi ni Theros.
Sinamaan ni Haru ang kaibigan niya saka nagbaba ng daliri. "Demonyo ka."
"May condom sa wallet." Sabi ni Aelius sabay bato kay Haru nang hindi ito magbaba ng daliri. "Hoy, Haru, magbaba ka."
Pitong daliri na lang ang mayroon si Haru habang si Saffron ay walo. Guilty siya na mayroon siyang condom.
"Bakit ka may condom, Zang? Ikaw, ha." Tukso ni Theros kay Saffron na nagtaas ng gitnang daliri.
"Pampaswerte kasi 'yon, bobo." Agad na depensa ni Saffron.
"Pampaswerte para hindi makabuntis. Ang swerte nga non," natatawang sabi ni Aelius.
"Nagkagusto sa babaeng may jowa." Ani Haru saka nginisihan si Theros.
"Tanginang 'yan." Mura ni Theros.
"May bagsak na subject." Ani Yve at napalingon kay Haru.
Luckily, wala akong bagsak na subject. Tinutulungan ako ni Saffron sa paggawa ng project at assignments namin. Tinuturuan niya ako sa mga topic na hindi ko maintindihan.
Nanlaki ang mga mata ni Haru nang balingan siya nito. "Mahirap kasi 'yung ABM," depensa nito.
For me, pangalawa ang ABM sa mahirap na strand. Puro Math at calculation 'yon, eh. Kaya nga hindi ko pinili 'yon dahil ayoko maghirap.
Si Aster naman ang magsasalita. "Nakipag-momol sa public."
"Aster, ano ba namang tanong 'yan?" Reklamo ni Theros bago magbaba ng daliri.
Hindi ko alam kung counted ba 'yung sa amin ni Saffron. Private naman talaga 'yon dahil nasa kwarto kami at nagsipasok lang naman sina Theros kaya nakita nila.
"Nakapunta na sa ibang bansa." Si Snow.
Ngumuso ako bago mag-isip. "Ahm, single? Sino ang single?" Nagaalinlangan kong sabi at lahat sila ay nagbaba ng daliri maliban sa amin ni Saffron.
"Nice, baby." Ngisi ni Saffron.
Nagpatuloy ang paglalaro namin hanggang isang daliri na lamang ang kina Saffron, Aster, Aelius, at Theros. I still have three fingers at panatag ako na hindi ako matatalo. Si Theros pa naman ang magsasalita at baka may masabi siya na ikakatalo ng mga kaibigan niya.
Napahawak muna si Theros sa kaniyang bibig para magpigil ng tawa. "Na-love at first sight."
Tumayo si Saffron. "Madaya ka, gago." Mura nito. "Ayoko!" Nakakunot na sabi ni Saffron.
"I still have six fingers." Sabat ni Yve.
"Si Yve ang panalo?" Tanong ni Haru sabay ngiti kay Yve. "Pabalato naman," ani nito nang maglabas na ng wallet si Saffron.
"Here," nag-abot ng isang libo si Saffron kay Yve,
"Ah, pambili nalang ng pagkain natin." Ani nito kay Haru at nag-angat ng tingin kay Saffron. "Thank you."
Tumayo si Haru para buksan ang tent nila para kumuha ng gitara.
"Kantahan na!" Sigaw nito saka nag-strum.
So what we get drunk
So what we smoke weed
We’re just having fun
We don’t care who sees
So what we go out
That’s how its supposed to be
Living young and wild and free
Nakangiti lang ako habang nagkakantahan sila magkakaibigan dahil hindi ko naman alam ang liriko ng kinakanta nila. Paiba-iba ang kinakanta nila sa gabing 'yon at napuno ng tawanan at asaran ang lugar na inuukupahan namin.
Nakaakbay lang sa akin si Saffron habang kumakanta siya. Minsan ay tumitigil siya sa pagkanta kapag napapatingin sa akin. Ngumiti lamang ako sa kaniya.
"I like your voice.. and I like you."