Chapter 16

2841 Words
"Hindi kita makakasama sa New Year." Nag-cross arms ako habang siya ay nakangiti sa akin. Hindi ko tuloy siya matingnan dahil naiilang ako sa paraan ng pagkakatitig niya. Aalis na siya ngayon papunta ng China. Sanay na ako sa kaalamang aalis talaga siya ng Pilipinas saglit para pumunta ng China pero nalulungkot lang ako dahil bakit ngayon pa na malapit na ang New Year. Hindi naman ako selfish. Gusto ko rin na makasama niya ang family niya sa New Year pero nanghihinayang lang ako dahil first New Year namin together. "Susubukan ko na makauwi ng New Years Eve." He assured so I just nodded. "We'll spend the New Year together, Aussie." Niyakap niya ako. "Take care," bulong ko. I'll miss him. Ngumiti siya sa akin. "Tawagan kita agad pagkababa ng eroplano." Kumaway siya sa akin bago maglakad paalis. Tiningnan ko lang siya hanggang sa makapasok siya sa loob. Napangiti ako nang sumilip siya para lang kumaway sa akin ulit. Sumimangot ulit ako nang hindi ko na siya makita. 'Yon nga, tumawag sa akin si Saffron kinagabihan. Hindi raw siya nakatawag agad dahil may pinuntahan sila kaagad nung kakalapag lang ng eroplano na sinasakyan niya. Gusto kong mainis dahil hindi man lang nila pinagpahinga kahit sandali si Saffron. Kinabukasan, kausap ko agad si Saffron. Hindi man lang ako nakapag-hilamos dahil kakagising ko lang. Hindi naman ako nag-on ng camera dahil nakakahiya naman kung makita niya ang mukha ko. Baka may muta ako tapos makita niya. Baka ma-turn off. "Baby! I have a good news." Rinig ko sa boses ni Saffron ang tuwa. Nagmumog ako saka nag-toothbrush. Kakain na ako ng almusal namin dahil panigurado ay magrereklamo na naman si kuya dahil ang tagal ko na naman bumaba. Iniluwa ko ang bula para makapagsalita ng maayos. "What?" "Uuwi na ako mamaya." "Akala ko ba sa January 3 pa?" Nagtataka kong tanong. "Ang bilis mo namang umuwi." "Pinilit ko 'yung Ahma ko." "Tatay mo?" Pag-uulit ko. "Lola ko. Nanay ng tatay ko." Paglilinaw niya. Napangiwi ako. Malay ko ba na ganoon ang tawag niya sa lola niya. Binuksan ko ang camera. "Kailan ka naman uuwi? New Years eve na ngayon." Nakanguso kong sabi. Babalik na siya ng Pilipinas ngayon. Akala ko nga ay hanggang January 3 siya sa China pero pinilit niyang makauwi ng mas maaga. Masaya ako dahil makakasama ko pa rin siya sa New Years Eve! Alas-syete palang naman ng umaga at nagpaalam sa akin si Saffron na magliligpit lang siya ng gamit. Tatawagan niya nalang ako kapag papunta na siya ng airport. Tatlo hanggang apat na oras lang naman ang magiging byahe niya kaya makakabalik siya agad ng Pilipinas. Sinamahan ko nalang si mommy sa grocery para bumili ng kakailanganin namin para sa lulutuin niya. Mababagot lang ako sa bahay dahil wala akong kausap. Bumili rin kami ng torotot kahit ayoko pero pinilit ako ni Saffron dahil may paniniwala 'yong lalaking 'yon sa mga swerte. "Bili ka ng damit na may design na bilog. 'Yung polkadots." Nakasakay siya sa isang van na pagmamay-ari ng pamilya niya. Papunta na siya ng airport ngayon. Eleven AM pa siya makakadating ng Pilipinas at excited na ako makita siya ulit kahit na nag-uusap naman kami thru video call. Namimiss ko 'yung amoy niya. Hindi talaga siya amoy tikoy. Dati, indenial pa ako sa mga napapansin ko kay Saffron dahil ayokong gawin niyang coping mechanism 'yon. Baka asarin pa ako. Ngayong naging kami na, nabawasan ang pagiging mapang-asar niya unlike before. Pero mapang-asar pa rin siya hanggang ngayon. Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Para saan naman 'yon?" "Pampaswerte 'yon," sagot nito. Nilapitan ko si mommy na abala sa pagtingin ng listahan ng bibilhin namin. "Mom," tawag ko sabay pakita sa kaniya ng screen ko. "Say hi to Saff." Tumingin naman ito at ngumiti. "Hello, Saffron. Ingat ka sa pag-uwi." "Salamat, tita. See you later po." Rinig kong sabi nito kay mommy. "Nasa airport na ako." Sabi nito sa akin. Tumigil ako sa paglalakad nang hindi ko na mapansin si mommy. "Ingat ka, Saff." Tumakbo ako sa kinaroroonan ng nanay ko na hindi rin ata napansin na naiwan na ako nito. "Susunduin mo ba ako?" Umiling ako sa kaniya, "No, we'll see each other later." Nginitian ko siya. "See you later, baby!" Kumaway muna ako kay Saffron bago ito p*****n ng tawag. I encouraged him to go to China and he agreed. I want him to rest first. Ayokong sunduin siya sa airport dahil alam kong ipipilit niya na magdate kami. Magpupuyat kami mamaya kaya kailangan niya magkaroon ng sapat na tulog dahil hindi rin siya makakapag-enjoy kung pagod siya. Kinumpleto namin ang mga bilog na prutas at bumili kami ng polka dots na mga damit at lahat ng 'yon ay sinabi ni Saffron! That chinese guy. "Aussie, huwag papakin ang cheese, ha." Paalala ni mommy pagkatapos ako turuan kung paano ang tamang paghiwa. I volunteered to cut the cheese for fruit salad. Wala naman akong ginagawa sa bahay kaya tinutulungan ko si mommy sa paghahanda ng mga lulutuin. Si lola naman ay nagpapahinga muna. Sila kuya ay naglilinis ng buong bahay dahil may paniniwala na naman si Saffron na bawal maglinis sa araw ng January 1 dahil 'yung swerte raw na pumasok sa bahay namin ay mawawala kapag naglinis kami. Naniwala nalang kami dahil hindi kami intsik! Isa kaming Canadian. Si mommy, alam niya na 'yung mga paniniwalang 'yon pero mas maraming alam si Saffron. "Pahingi," nagulat ako nang may biglang kumuha ng cheese na hiniwa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang isubo niya 'yon. "Mommy! Si kuya," sumbong ko. Lumabas si mommy na may hawak na sandok. "Ambrose!" Inilabas ni kuya ang dila niya. "Nasubo ko na." Lumapit ito kay Ambrose. "Pasaway ka talaga." Lumayo si kuya kay mommy nang akmang hahampasin ito ng sandok. "Maglinis ka roon. Tulungan mo 'yung tatay mo." Binelatan ko si kuya saka ako nagpatuloy sa paghiwa. Dahil gusto ko na may ginagawa ako ngayon, ako na rin ang naghalo ng mga pampatamis sa fruit salad. Nang matapos ako tumulong ay umakyat ako para puntahan si Saffire. Malamig ang kwarto nang pumasok ako dahil pinanitili kong bukas ang aircon dahil natutulog kanina si Saffire. Paikot-ikot ito sa kaniyang cage ngayon, hinahabol ang sariling buntot. "Saffire.." magiliw kong tawag dito. Nang marinig ako nito ay nag-wag ito ng tail at tumahol-tahol. Binuksan ko ang cage at agad itong tumakbo papunta sa akin. "You miss mommy?" Hinalikan ko ang noo nito bago ito kargahin. Kinuha ko ang laruan nito saka kami bumaba. Maglalaro kami sa labas ng bahay at baka magngatngat na naman siya ng gamit sa bahay. Hinahayaan naman namin na maglaro si Saffire sa sala basta may bantay dahil baka makasira ito ng gamit. Naglalakad din kami sa subdivision at paikot-ikot lang kami tuwing umaga para mag-exercise. 'Yun ang daily routine namin simula nang mapunta siya sa akin. Kinagabihan, nagluluto na sina lola ng ihahanda namin. Ang mga christmas decors namin sa bahay ay hindi pa namin tinatanggal. As usual, kahit wala pang New Year ay mga nagpapaputok na ng mga paputok. May mga nagpapatugtog ng sobrang lakas. May mga batang masayang nagtotorotot. "Tooot!" Agad akong napatayo nang may biglang malakas na tumunog sa aking tenga. "f**k!" Mura ko sabay lingon kay kuya na tawa nang tawa. "Ang sakit sa tenga." Reklamo ko habang hawak ang butas ng tenga ko. Inabot nito sa akin ang cellphone ko. "Tumatawag si Saffron sa'yo, tanga." Umalis na ito pagkatapos maibigay sa akin. Nakita kong naka-off ang cam at mic kaya in-on ko ito. "Good evening. Pasensya na, nasa labas kasi ako." Pumasok ako sa bahay para marinig si Saffron. "Masakit ba sa tenga?" Pang-aasar nito. "Subukan ko sayo." Naiinis kong sagot. "Kagigising mo lang?" Tanong ko nang makita ang mga mata. Napangiwi ako nang marealize na singkit naman talaga siya. Akala ko kakagising niya lang. "Kanina pa. Naligo lang ako. Papunta na ako d'yan para na rin tumulong." "Mag-ingat ka, ha. Baka may mga nagpapaputok sa labas at matalsikan ka." Paalala ko. Ipinakita niya sa akin ang isang bowl na puro barya. "Nagpabarya ako." Natatawa niyang sabi sa akin. "Ano ang gagawin mo d'yan?" Taka kong tanong. Ang dami nung barya. Ano naman ang gagawin niya diyan? Mukhang ang dami niyang pinabarya dahil puno ang isang balde. Jusko! Ano na naman kaya ang naibulong ng masamang demonyo kay Saffron?! "Ilalapag sa sahig niyo. Kapag New Year na, dadamputin na." Masaya niyang sagot. "Si kuya lang ang magdadampot niyan. Binigay mo nalang sana ng buo." Nakangiwi kong sabi at ngumiti nang may maalala. "Ay, oo nga pala. May pampaswerte akong sasabihin sa'yo." Nakanguso kong sabi, itinatago ang ngiti ko. "Mumurahin mo ata ako, eh." Hula nito. Pinanlakihan ko ito ng mga mata, "Basta! May sasabihin ako sa'yo mamaya." Naging mabilis para sa akin ang lahat. Ilang araw lang matapos ko umamin sa kaniya na may gusto ako sa kaniya. Mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kaniya. I even searched what feeling I have for Saffron now. I love him now. Wala akong alam kung paano mo malalaman kapag mahal mo na 'yung isang tao. I even asked my mom about it. Binigyan niya ako ng advice at isa lang ang sigurado ako. Mahal ko na si Saffron. I know what Wo ai ni means too. Sinabi niya sa akin 'yon nung Christmas. Mas nauna niya akong nagustuhan at minahal. He waited for me to love him back. He's doing good for being my bofriend and that's what atleast I can do for him, love him. From : saff nasa baba na ako ng bahay niyo Pagkabasa ko ng text niya ay nagmadali ako sa pagbaba ng hagdanan. Napatingin pa sa akin ang daddy ko nang makasalubong ko siya saka sinigawan ako na huwag tumakbo. Walang tao sa sala dahil lahat sila ay nasa kusina. Naririnig ko pa ang suway ni mommy kay kuya na nanggugulo sa kanila. Pagkabukas ko ng gate namin ay niyakap siya agad. "Evening," bati ko. Hinalikan nito ang noo ko. "Evening," bati rin nito. "Parents mo?" Tanong nito sa akin. "Nasa loob sila." Sagot ko. Ipinarke niya muna ang sasakyan sa loob ng garahe namin saka pumasok sa loob ng bahay. Naabutan namin si kuya na nakaupo sa sofa, nanonood ng TV, at may subo-subong kutsara. Siguro ay nakulitan na sina mommy kay kuya at binigyan na lamang ng pagkain para manahimik. Lumapit si kuya kay Saffron nang mapansin kami nito. "Bayaw!" Tuwang-tuwang sabi ni kuya. Nagmano si Saffron kay daddy na kabababa lang ng hagdanan, bagong ligo. "Good evening, tito." Ngumiti si daddy, "Good evening, hijo. Feel at home. Huwag ka na mahiya." "Thank you po." Lumabas si mommy na may suot pang apron at may hawak na sandok. "Hello, hijo. Umakyat kayo sa rooftop. Nauna na si Ambrose roon." Ilang oras din kaming naghintay sa aming rooftop bago kami makumpleto. Pabalik-balik sina mommy para kunin ang mga pagkain sa baba. Nag-uusap lang kami ni Saffron tungkol sa nangyari sa kaniya sa China at kung ano ang ginawa niya. Nakangiting lumapit sa amin si mommy para ipakita ang oras ng cellphone niya. Isang minuto na lamang at magpapalit na ng taon! Another year with my family and new year to start with Saffron. "3, 2, 1." Sigaw namin. Hinawakan ko ang braso ni Saffron. "Pst." Tawag ko at napalingon naman siya sa akin. "I love you," I gave him a peck. Napakurap-kurap siya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko pero nang ma-digest niya na ay mahina siyang natawa saka yumuko para mag-level ang paningin namin. "I love you." Hinalikan niya ako sa mga labi ko. Pinapanood lang namin ang mga fireworks sa madilim na kalangitan. Masaya rin kaming kumain at kinakausap nila si Saffron para hindi ito ma-out of place. Uminom muna si daddy ng paborito nitong tsaa. "Saffron, where's your family?" Pinunasan nito ang mga labi. "Nasa China po sila. Nagpumilit lang po talaga ako na makauwi para magkasama kami ni Aussie sa unang new year po namin together." Sagot ni Saffron. Napangiti si mommy. "That's sweet." Pagsingit ni mommy. "Sana all." Ani kuya. Nang matapos kami kumain ay nagpaiwan si mommy at kuya para mailigpit ang pinagkainan namin sa itaas. Nagpaalam naman na si Saffron na uuwi na siya pero narinig siya ni daddy. "Dito ka na matulog, Saffron. Baka mapahamak ka pa sa labas kung uuwi ka." Ani daddy. Ngumiti si Saffron. "Salamat po." "Doon ka na matulog sa kwarto ni Aussie." Tumingin ito sa akin para panlakihan ng mga mata. "Huwag niyong i-lock ang kwarto, ha." Paalala nito. Sumeryoso ang mukha ni daddy. "Saffron, malaki ang tiwala ko sayo kaya huwag mong sisirain." "Opo," ngumiti si Saffron. Pumasok kami sa kwarto ko. Gaya ng sabi ni daddy, hindi namin ni-lock ang pinto. Nauna si Saffron sa akin maglakad para puntahan si Saffire sa cage nito. Kapag wala ako sa kwarto, nilalagay ko siya sa cage niya. Syempre, may laruan siya sa loob kaya hindi siya mabobore. Malaki naman ang cage niya at maliit palang siya kaya pwede siyang magkulit-kulit. Baka makasira siya ng gamit kapag hinayaan ko na maglakad-lakad. Puppy pa siya at hahanap siya ng pwede niyang ngatngatin. Baka mapahamak din siya. "Hello, baby." Bati ko kay Saffire na nakaupo sa harapan ko at nagwawag ang tail. "How was your sleep?" Umupo ako sa sahig para haplusin ang kaniyang ulo. Kinarga ni Saffron si Saffire para tingnan ang mukha nito. "Buti hindi siya natatakot sa mga tunog?" Tanong nito sa akin. Ngumiti ako. "She's okay now. May takip naman ang tainga niya. I asked Theros' mother." Humalakhak si Saffron nang dilaan siya nito sa pisngi. "I'm your daddy Saffron." Pakilala pa nito. Inilapag niya si Saffire sa sahig saka lumapit sa higaan ko para humiga, "Ang boring!" Kinuha ko ang remote na nakapatong sa akinh bedside table. "Let's watch, then." Aya ko. "What do you want?" Inabot ko sa kaniya ang remote para makapili siya ng gusto niyang panoorin. "May napanood ako, 'yon ang panoorin natin." Lumapit sa akin si Saffire na may kagat-kagat na laruan niya. "Go, play." I throw her ball. "Ayan! Nakakatawa 'yan." Napatingin ako kay Saffron nang i-play na niya ang isang Movie na Rom-Com ang genre. "Napanood mo na ata 'yan." Umiling ito at umupo sa kama. "Napanood ko 'yung trailer." Hinawakan ako nito sa kamay saka hinila. "Come." Lumapit naman ako sa kaniya. Umupo ako sa harapan niya kaya niyakap niya ako mula sa aking likuran. Ang kaniyang baba ay nakapatong sa aking balikat at nakikiliti ako sa tuwing nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. Nakasimangot lang ako habang nanonood. Hindi ako maka-relate dahil kinukuwento ni Saffron. Tawa siya nang tawa habang ako naman ay pinapanood siya. Palagi naman siyang tumatawa. Mababaw kasi kaligayahan niya kaya kahit maliit na bagay, pagtatawanan niya. Hinampas ko siya. "Napanood mo na ba 'yan? Spoiler ka!" Naiinis kong sabi. Hindi ako nag-eenjoy sa panonood dahil ang dami niyang comment. Hindi ko alam kung sino ang papakinggan ko, siya ba o 'yung pinapanood namin. Paepal talaga. Natatawang umiling siya. "'Yan kasi 'yung nakita ko sa trailer." Niyakap niya ako sabay halik sa noo ko. Napanguso ako saka inilapit ang labi ko sa kaniya. "Let's kiss, Saff." Tiningnan niya ako saglit bago mag-iwas ng tingin. "Manood nalang tayo. Kung ano-ano ang naisip mo." Ngumuso ito. "Inggitera ka," sabi nito sa akin nang makita namin na ang dalawang bida ay naghahalikan. Napahalakhak ako sa sinabi niya saka umayos na lamang ako ng higa at tumagilid para yakapin siya. Nakahiga ako sa kaniyang braso kaya inaangatan ko pa rin siya ng tingin. Ang gwapo ng boyfriend ko. "Kailan mo ako ipapakilala sa parents mo?" Sa tanong ko ay napalingon siya. "Saka na," sagot nito. "Kailan sila babalik ng Pilipinas?" Tanong ko. "I want to meet your dad. Nakilala ko na ang mommy mo pero hindi niya pa ako kilala bilang girlfriend mo." Kahit hindi ko gusto ang aura ng nanay niya, syempre nirerespeto ko pa rin siya bilang mas matanda sa akin at bilang nanay ng boyfriend ko. "Bakit ba gusto mo na ipakilala kita?" Nagtataka nitong tanong. "Seryoso ka ba sa akin? Bakit ayaw mo ako ipakilala?" Kung ayaw niya na ipakilala ako, sana nung una palang ay sinabi niya. Mas maluwag sa pakiramdam ang legal ang relasyon. Alam ng mga magulang. 'Yung pamilya ko ay napakalaki ng tiwala kay Saffron dahil nakikita naman nila kay Saffron na mahal ako nito at hindi sasaktan. "Ipapakilala naman kita sa tamang panahon." Tinaasan ko ito ng kilay. "Kailan naman 'yon? Kapag hiwalay na tayo?" I asked. Napatingin ito sa akin. "Hindi tayo maghihiwalay," seryoso niyang sabi. "Gusto ko, kapag ipapakilala na kita sa kanila ay buo kami. Ipapakilala kita sa buong Wu." Paninigurado niya. Bigla namang natuwa ang puso ko sa sinabi niya. "Talaga?" Nakangiti kong sabi. "Pupunta tayo ng China?" Excited kong tanong. Hindi pa ako nakakapunta ng China! Nakakatuwa lang na pupunta lang kami ng China para lang ipakilala niya ako sa pamilya niya. Nakangiting tumango ito sa akin sabay halik sa aking pisngi. "I love you, Aussie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD