Diyan kalang sa kwarto! Hindi ka lalabas hanggat hindi mo nilalabas ang pera ko! sigaw ni papa habang kinakaladkad ako papunta sa aking kwarto. Gusto kong sabihin na wala akong kasalanan pero sarado na ang kaniyang isip.
"Papa tama na! Nasasaktan na po ako!" Sigaw ko nang maramdamang tila hihiwalay na ang aking buhok sa aking anit. Tinitiis ko lang ang pananakit niya sa akin dahil itinuturing ko parin siyang tatay pero patuloy parin niya akong sinasaktan.
Mabuti nga sayong bata ka! Hindi ka kasi nagtatanda! Manang-mana ka talaga sa nanay mo! Sigaw nito sa akin. Namadahiln akong napaluha ustono
Gusto kong sabihin na wala kaming kasalanan pero para saan pa?Pati ba naman si mama pagbibintangan niya?Matagal ng patay si mama pero alam kong mabait siya.Bata palang ako ng masagasaan ito ng isang humaharurot na sasakyan at hanggang ngayon hindi parin namin alam kung sino ang salarin.Ang sakit lang isipin na nagagawa niyang pagbintangan ng ganon si mama.Gusto kong ipagtanggol si mama pero hindi ko magawa.Napakawalang kwenta ko.Gusto kong sabihin sa kaniya na patawad, hindi mo ako maipagmamalaki as ibang tao kasi wala aking kwentang anak sorry pa sabi ko habang patuloy na umiiyak sa tapat ng bintana ng aking kwarto.Napag-isipan kong magpatiwakal na lamang.Labag man sa kalooban ko ang aking gagawin pero ito lang ang magiging solusyon upang matapos na ang problemang pinapasan ko at matapos narin ang aking paghihirap.