Chapter 11: INOSENTE...!!!
Masaya ang naging pag gala namin ngayong araw, dahil kasi kay Aidan. Hindi naman kasi kita dito ang pagkukunwari, natural ang mga halakhak niya. Ang pagkamangha niya sa mga nakikita, magtataka ka kasi dahil 16 na ito.
Isa lang ang masasabi ko dito, inosente.. hindi ko alam ang buhay nito dati, sabi niya nag aaral naman daw siya dati sa Cebu. May mga kaibigan, sikat kasi ang Cebu. Binansagan kaya itong Queen City of the South, so siyudad na rin.
Pero sa pagkatao ni Aidan, inosente talaga. Ang teorya ko dito bahay/paaralan lang ito, malamang. Umpisa pa lang ng tanungin namin siya kong anong gusto niyang puntahan dito sa maynila ang sagot ba naman sa Disneyland eh wala naman yan dito.
Kaya ang naging pasya saming apat ay dalhin si Aidan sa amusement park, nakakatuwa ang mga naging reaction nito sa bawat ride na sasakyan namin. Natatanaw niya pa lang marami na siyang sinasabi, napasubo kaming magkakaibigan dito dahil gusto niyang sakyan lahat kahit putlang putla na ito.
At hindi nga ako nagkamali sumoka ito, napagpasyahan ulit namin na umalis na sa lugar na yon at igala na namin si Aidan sa mall. Kumain muna kami, at ganon na naman ang reaction niya lumalaki pa ang mga mata. Natutukso na nga akong tanungin ito kong totoo ba ang hinala ko na bahay/paaralan lang ba ito.
Pero hindi ko yon ginawa, nirespito ko ang maliit na kaligayahan nito na alam kong malaki na para dito. Lahat ng bagay na nakapaligid sa kanya ay ikinamangha nito, parang bata ito sa totoo lang. Malungkot kaya ang buhay nito sa cebu? Siguro nga.
"Ang tahimik mo yata ngayon Lisa..?" Tapik sakin ni Janine, na nagpabalik sakin. Malalim na pala ang iniisip ko.
"Wala may naalala lang na nakakalungkot.." sabi ko na lang..
"Ikaw ba yan Lisa.? May side ka palang ganyan, di halata kalog ka kasi..." Sabi nito.. tinaasan ko na lang ito ng kilay sabay ngiti..
"Huhu, mga Bessy.. ubos na budget ko.." umiiyak kunwari na sabi ni Mie ng makalapit na saming dalawa,.
"Oh lakas mong mag aya ng gala tapos wala kanang budget.." pang aasar ni Janine..
"Eh kasi ang gagong yon oh, ayaw tumigil lagi namang natatalo. 326 na lang pera ko manunuod pa tayo ng sine mayamaya.." pinakita pa sa'min talaga ang pera nito.
Isang oras na rin kasi kami dito sa time zone, nagsasawa na nga kami sa paglalaro ng mga games pero itong si Aidan gusto laruin lahat, akala niya hindi pera ang ginagamit na token dito..
"Balikan mo, sabihin mong aalis na tayo para makapanuod na nang sine. Gagabihin tayo nito.." sabi ko kay Mie..
Bumalik na ito kay Aidan, lakas ng tawa na naman naming dalawa ni Janine dahil gusto pa maglaro nitong si Aidan at napilitan si Mie na magpalit ng token sa counter..hahaha..
"Ako na ang bahala sa tickets natin Lisa, hintayin mo na lang ako dito. Ako na kukuha.." paalam nito..
"Ok, bibili na rin ako ng makakain natin sa loob.." habol kong sabi dito, tumango na lang ito dahil malayo na siya..
Tantiya ko matagal pang matatapos si Aidan kaya napagpasyahan ko nang bumili na para sabay kaming matatapos..
Pagbalik ko naghihintay na sila sakin, ngiti lang bawat tugon namin. Pero sa Aidan nagpupumiglas dahil hawak siya ni Mie sa braso parang babalik pa sa loob..
"Hi guys,, kanina pa kayo..?" Bati ko sa kanila ng makalapit na ako bitbit ang pinamili ko..
"Bago lang, ito kasing lalaking ito ayaw pang tumigil hinila ko na lang." Ang sagot ni Mie..
"Tara na..!!" Aya ni Janine..
"Aidan, manunuod na tayo kaya tigilan mo na yan.." babala nito sa lalaki..
"Ang sarap pala maglaro dito, mamaya na lang please.." ang sagot nito kay Mie..
"Haaayy...para kang bata... Ano gusto mo, yang tenga mo ang hihilahin ko..haiyst... pasaway ka pala.. walang ganyan sa inyo..huh..!!" Galit na ba siya..?
"Sorry Mie, bago lang kasi sakin lahat ng ito.." parang napahiya ang loko kaya sumonod na ang dalawa sa'min ni Janine, napailing na lang ako.
****
Muntik ko nang mabitawan ang dala kong mga pagkain namin, dahil sa sigaw ni Aidan. Bakit daw madilim sa lugar na pinasok namin, talaga lang ha.. saan ba siya nakatira na kung maka sigaw daig pang megaphone sa lakas..
Para yatang sumubra ang kainosintihan nito, buti si Mie ang kasabay nito. Namimilipit na nga ito dahil sa higpit nang kapit ni Aidan dito, minsan pa parang matutumba ang dalawa dahil sa mga baitang nang hagdan dito sa loob.
Buti na lang may liwanag galing sa screen ng sinihan kundi bukol bukol na itong si Mie, si Janine naman tawa nang tawa lang.
Sa wakas narating din namin ang mga upoan namin, si Janine sa dulo ako ang sunod tapos si Aidan at last si Mie. Dalawang popcorn ang binili ko hati kami ni Janine at sila naman Aidan at Mie tapos binigay ko na sa kanila isa isa ang mga drinks. Buti tumahimik na si Aidan, at sabay na kaming nanuod ng pilikula.
"Nahihilo na naman ako...." Bulong ni Aidan sakin nang ilapit niya ang bibig nito sa tinga ko..
"Ba-bakit naman Dan, eh wala na tayo sa amusement park..?" Lumingon ako sa kanya pagsagot ko, my goodness. Amoy na amoy ko ang hininga niya, magkaharap kasi ang mga mukha namin at labi.
Kanina pa itong nadarama ko, binabaliwala ko lang at nawala naman pero ito na naman bumabalik. Parang tumigas pa yata ang leeg ko, nagkatitigan kami. Naririnig ko ang mga hiyawan ng mga tao sa paligid ko dahil sa pinanuod naming pilikula pero bakit hindi ako makalingon sa screen ng sinihan, bakit gusto kong titigan na lang si Aidan.
Gwapo si Aidan, maputi matangos ang ilong may labing palaging nakangiti at matang parang inaantok kong iyong titigan. Matangkad pa ito kaya nga ipinagtataka ko dito dahil kong maka asta kanina parang bata, sa edad na 16 lalaking lalaki na kasi ang pigura nito.
Di ko na alam kong ilang sigundo na kaming nagtitigan o minuto na ba ang lumipas, basta nagkasya na lang akong siya ang tignan ko.
"Na-na-nalulula ako Lisa, ang lalaki kasi ng mga tao dyan sa liwanag na yan..." Sabi nito..
"Tugs..."
"Aray..."
"Aray.." nagkauntugan kami, joke ba yon. Saan ba talagang planeta siya nakatira, pambihira sakit pa nang noo ko. Binalik ko na ang tingin ko sa pinapanuod namin, buti naman wala nang bumobulong.
Nawala na sakin ang kaninang nangyari, balik na sa panunuod ang tema. Gaya ng iba nakatutok na ako sa pilikula, at gaya ng iba nakikisigaw na rin ako. Natetense at kinakabahan sa bawat tagpo sa pinanuod, "kyaAAAh...!!" Sigaw ng karamihan, lumitaw kasi ang killer sa likod ng bida..
"Kyahhh...!!"
"Ano ba yan Aidan, kong matakot ka parang mamatay kana. Tignan mo ang drinks ko natapon..!!" Bulyaw ko dito, eh kinabahan at natakot din ako eh kaya nabulyawan ko siya..
Ramdam ko na lang na maraming mata ang nakatingin sakin maging ang mga kaibigan ko, si Aidan parang tinuklaw ng ahas.
"So-sorry Lisa,.." hinging tawad ni Aidan, nainis lang ako dahil pati binti ko basa na tumagos na kasi sa pantalon ko ang drinks na natapon.
"Ok lang..." Sagot ko na lang at binalik na ang tingin ko sa pilikula.
"Anong nangyari..?" Bulong na tanong ni Janine..
"Si Aidan kasi subrang OA, natapon ang drinks ko at sa paa ko pa tumilapon.." walang ganang bulong ko rin dito.. Wala na akong gana sa pinanuod ko kaya tumayo na ako para pumunta sa restroom..
"Kyahhh...!!!" Sigaw na naman ng mga tao, ganon din sila Aidan at Mie. Buti pa sila tuloy ang saya, dinaanan ko na lang sila at tuloy-tuloy nang bumaba at lumabas ng sinihan.
Pagkadating ko sa cr, ay nilinis ko na lang ang nabasang pantalon ko ang lagkit na ng binti ko. Pagkalinis ko ay sa labas na lang ako ng sinihan nag antay sa tatlo, patapos na rin naman kasi ang pilikula dahil paubos na ang mga tauhan sa pilikula nang umalis na ako. Malamang ang bida at killer na lang ang natira, sayang nga lang at hindi ko matatapos. Bibili na lang ako ng DVD tape ng BLOODY CRAYONS..
Sayang lang dahil di ko na enjoy, minuto lang may mga tao nang nagsilabasan inabangan ko na lang sila at nakita ko naman. Alam kong hinanap nila ako, kaya ako na mismo ang lumapit sa mga kasama ko.
"Hey guys.." bati ko sa kanila agad naman nila akong nakita..
"Lisa, ok kana..?" Tanong ni Mie na may pag alala, bakit naman siya ganon parang lumabas lang..
"Oo naman noh,.." masigla kong sabi dito..
"Buti naman,.." niyakap na ako ni Mie, ganon talaga ang bff ko malambing..
"So anong next..?" Ani Janine sa'min..
"pagabi na guys..." Sabi ko naman..
Sinulyapan ko lang ang lalaki, wala man lang pakialam sa mga nakapaligid sa kanya. Nakatutok na naman ang lalaki sa entrada papasok sa time zone.
"Hoy, Aidan tara na..!!" Hila dito ni Mie,
"Traffic lang ang sasalubong natin kapag umuwi tayo ngayon, gala na lang ulit tayo dito." Ang suhistyon ni Janine...
"Tara....!!"
"Tara...!!"
Sang ayon nang lahat...