Chapter 10: TEENAGER...!!!!!
"Sino yan..?" Tanong ko sa taong kumatok ng pinto..nakalapit na ako rito pero hindi pa rin sumagot ang tao sa labas, binuksan ko na lang..
Baka kasi sila Lisa na yon, dahil nga gagala kami ngayon sa mall. At kong saan saan pa dito sa maynila. Pero hindi sila ang napagbuksan ko, kundi si ate Nicky. Ang babaing nakatira sa kabilang apartment na may asawang ang pangalan ay Troy.
"Oh ate Nicky ano po ang atin..?" Tanong ko dito..
"Naiwan mo kanina Aidan,.." abot nito sakin ng dingdong. Oo nga pala may binili ako kanina sa tindahan hindi ko man lang napansin na wala akong dala kanina at naiwan pa talaga sa bahay nila ate Nicky..
"Hehe, nakalimutan ko ate. Salamat po ha.." inabot ko naman ang binigay nito..
"Wala yon, ako nga dapat ang magpasalamat... sige balik na ako sa loob.." paalam nito..
"Sige ate salamat ulit.... Ingat po.." balik ko dito, kaway lang ang ginanti nito sakin at tuloyan na nga itong nakapasok sa loob.
Tinuloy ko na ang balak ko kanina, ang magbabad ng damit. Madali lang naman kasi ito dahil konti lang naman ang labahan ko, nais ko mang isali na rin ang labahan nilang dalawa ay nakahiyaan ko.
Ayaw kong pumasok sa loob ng kwarto nila ng walang permiso sa dalawa, nasa likod na ako ng bahay ng may marinig akong katok at tawag ng pangalan ko.
Hininto ko muna ang ginagawa ko at alamin kong sino na naman ang kumatok sa labas, pagbukas ko sila Lisa at Mie. Ang laki ng ngisi ko dahil akala ko hindi na nila ako isasama.
"Buti naman at naisipan niyo pa akong puntahan dito, akala ko nga umalis na kayo eh.." sabi ko sa dalawa at pinapasok ko muna sa loob at pinaupo sa sofa.
"Inaya ka kaya namin so dapat lang na tuparin namin yon.." ang sagot ni Mie, pansin kong madaldal nga ito at medyo tahimik naman itong si Lisa. Sumasabat lang kong tinatanong ito o di kaya'y may sasabihin na ito.
"Gusto niyo juice..." Alok ko sa dalawa.. naka ayos na ang dalawa, hindi ko naman alam kong anong oras kami gagala eh..kaya hindi pa ako nakapag ayos..
"Wag na, bihis ka na aalis na tayo..mataas na ang araw mainit..." Sabi ulit ni Mie at patingin tingin lang sakin si Lisa.. kapag titigan ko ito at sa ibang diriksyon naman titingin, wierd...
"Baka pweding maliligo muna ako..?" Pinawisan na kaya ako kanina sa bahay nila ate Nicky baka mangangamoy pa ako at mapahiya sa dalawa.
"Sige pero bilisan mo ha.." si Mie ulit,
"Ok, kuha lang ako ng tuwalya sa taas.." mabilis lang ang ginawa ko. Agad akong umakyat sa taas at bumalik agad sa baba pagkakuha sa tuwalya ko, pero sa handanan pa lang nagtaka na ako.
Wala kasi sila sa sala, kaya hinanap ng aking mata ang dalawa. Pagkadating ko sa sala si Lisa ang nakita ko galing sa pinto. Pabalik na siya ng magkasalubong ang mga mata namin, sigundo din kaming nagtitigan si Lisa ang unang bumawi. Wierd talaga.
"Asan si Mie.?" Tanong ko dito ng umopo uli siya sa sofa, hindi ito tumingin sakin ng sumagot.
"Sa kabila, sasama raw si Janine." Ewan ko kong bakit sumigla ang pagkatao ko marinig ko lang ang pangalan ni Janine, crush ko na yata siya..hehe makaligo na nga para mabango at masamyo ito ni Janine.
"Talaga, maliligo na ako..." Sagot ko dito na tumongo na sa banyo..
Minuto lang ang lumipas tapos na ako, nakasuot lang ng simpling t-shirt at pants binagayan ng sneakers at may gel na rin ang buhok ko pagkatapos ay pabango..hehe
Pagbaba ko kumplito na sila, parang mga diwata ang nasa harapan ko.. kong papapiliin ako ay mahihirapan talaga, subalit dahil bayas ako eh kay Janine ako..hahaha...
"Let's go..!!!!" Masiglang bigkas ni Mie...
***
"Laura.. mag usap nga tayo..?" Biglang lapit sakin ni Ai, break time kasi naming dalawa 20 minutes lang kasali na ang tanghalian..
Sa storage room kami pumunta, may baon naman kami lage kaya hindi na namin kailangang pumunta pa sa labas or sa food court ng mall. O sa kahit saang kainan dito sa loob ng mall.
"Bakit ba Ai, parang siryuso yang sasabihin mo eh. Kinabahan pa tuloy ako.hehe.." sabi ko dito at umopo na sa selya at nilapag na namin ang dalang baon..
"Oo seryuso ito, tungkol ito nong nakaraang Gabi.." parang gets ko na ang ibig sabihin nito, pero kailangan ko pa ring sigurohin.
"Anong ibig mong sabihin Ai..?" Kinabahan pa tuloy ako, pa suspense kasi ang gaga.
"Anong ginawa mo kay Aidan..hmm..?" Ito na, sabi ko na eh. Sigurado naman akong maririnig niya at magigising ito, kasi walang pigil ang mga ungol namin non..
"Ai, sorry... Hindi ko napigilan eh.." pag amin ko..alam na niya yon..
"Laura naman, bakit siya pa.. ang bata niya pa eh.. alam mo ba ang magiging epikto non sa kanya..?" Umiyak na ito, kasalanan ko.. hindi naman kasi talaga mapipigilan ang libog eh lalo na kapag tigang ka na sa original..
"Sorry talaga Ai, pero iniwasan ko naman na siya. Hindi na naulit yon.. promise..." Yakap ko dito..inalo...
"Akala ko nagbibiro lang si Aidan nong nagpatulong siya sakin kung paano magbati, hindi ako naniwala baka may karanasan na ito, pero Laura nakikita ko sa kanyang mga mata ang kainosintihan. Nangangamba akong baka kong ano ang kahihinatnan nito sa kanya.. alam mong sa ganoong edad ay maposok sila at agrisibo..huhu.." mahabang paliwanag niya.. may luha na rin ako, kong may mangyari mang hindi maganda sa ginawa ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Hindi ko naisip yon, pinagdaanan ko pa naman yon dati. Ganon din si Ai, ang maging addict sa s*x. Salamat na lang at nalampasan namin yon ni Ai, ngayon naman ay si Aidan. Anong gagawin ko? Anong gagawin namin..?
***
"Hahaha....!!" Ang tawa naming lahat, sa unang pagkakataon kasi may lalaki kaming kasama. Dati kami lang tatlo ang gumagala, si Lisa, Janine at ako.
Dito namin dinala si Aidan sa amusement park, halos lahat ng rides ay nasubukan namin. Kung tutuosin sawa na kaming tatlo dito, kapag kasi nagka ayaang gumala ito agad ang una sa listahan namin.
Sa mga previous naming gala hindi na kami nagawi dito, maliban sa ngayon dahil kay Aidan. Nong nasa Jeep pa lang kasi kami tinanong na namin siya kong ano ang mga pasyalan ang hindi niya pa napupuntahan at nasusubukan.
Ito ang unang lumabas sa bibig niya, gusto niyang makapunta sa Disneyland. Tawa kami ng tawa sa sinabi niya, pero nabilaukan kami sa mga laway namin dahil seryuso ang kumag.
Dahil walang Disneyland dito sa bansa natin, meron naman tayong amusement park kaya ito na.
Tawa kami ng tawa, dahil si Aidan kulay suka na sa kaputian ng mukha nito.. mali pala sa kaputlaan ng mukha nito.. pero ang lagi niyang sinasabi ay nag enjoy daw siya..hahaha.. kulang na lang ay magsuka na ito eh hehehe..
Sa bawat rides na sinasakyan namin ay ito ang pinaka malakas kong sumigaw, at may paborito na raw siyang rides.. ang karosel hahaha, kaya napabunghalit kaming tatlo ng tawa..
"Ibang klase ka rin Aidan..hahaha..." Sabi ni Janine..
"Bakit ba..wark..wark..." Natatawa na naman kami dahil tinatakpan na nito ang bibig, masusuka na siya.. agad ito naghanap ng trash can at doon inilabas ang nais nitong ilabas..
Umalis naman kami agad ni Janine para bumili ng drinks, naiwan si Lisa dito at hinihimas nito ang likod ni Aidan.
Pagbalik namin naabotan namin sila na nakaupo sa bakanting bench, latang lata si Aidan. Agad kong binigay dito ang binili namin, dahil don nahimasmasan ito.
Umalis kami sa lugar na yon na may dalang ngiti sa mga labi namin at bagong experience dahil kay Aidan.
Sa mall naman kami pumasok at kumain na muna, pagkatapos sa time zone. Doon lumabas ang natural naming pagka teenager, laro lang kami ng laro..