"Lumabas ka rito! Rinoa!" Nangangatog na ang mga tuhod ko nang mapatingin ako kay manang. Hindi tumigil sa pagwawala si Nathan sa labas. Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. "Ako ng bahala." Naglakad palabas ng sala si manang. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong estatwang nanginginig sa takot. Pinagmasdan ko lang si manang na tinungo ang labas. Pumwesto ulit ako sa pader sa tabi ng pintuan. Bahagya akong sumilip sa labas. Mariin akong napapikit sa kalabog ng gate na siguradong paulit-ulit niyang sinisipa. "Ijo, anong kailangan mo?!" Mariin akong pumikit nang marinig na ang boses ni manang. Pakiramdam ko hindi tama na siya pa ang humarap sa gago kong asawa. "Ang asawa ko! Ilabas ninyo siya!" "Anong asawa? Pasensya na ijo pero hindi ko alam

