"Kailan mo pa binili 'to?" Nilibot ko ang paningin nang makapasok kami sa malawak na sala. Halos isang oras din ang byahe namin bago marating ang mala-mansyon niyang bahay. Napakalawak ng paligid lalo na't higante ang taas ng kisame nito. Parang higante nga ang nakatira rito, dahil sa laki rin ng mga bintana at taas ng mga kurtina. Nakakasilaw ang ganda ng malalaki at mahahabang chandeliers na nagkalat sa kisame. Nakapaikot ang hagdan patungong second floor. Halatang milyon-milyon ang ginastos niya sa tahanang ito. "Matagal ko na 'tong pinagawa; last month lang natapos." My lips parted. "Ang laki, Gerald. Pagkatapos ikaw lang mag-isa rito?" "Syempre sasamahan mo 'ko." He chuckled. "Kaya nga kita dinala rito eh." Napalunok ako. Pinagpatuloy ko ang paglilibot sa magarbo niyang tahanan.

