NAGISING SI Selestina kinabukasan at agad bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng ginawa ni Rogue kagabi, tila mga eksenang ayaw niyang maalala pero masyadong malinaw para mawala. Ibinaon niya ang mukha sa unan, pulang-pula ang pisngi ni Selestina. Walang duda, galit pa rin siya kay Rogue. Sapat na ang kayabangan ng lalaki para gustuhin niyang sakalin ito, ngunit hindi niya maitatanggi na ang paraan ng pagtugon ng kanyang katawan sa presensya nito kagabi ay kakaiba. Para bang may mahika na hindi niya maipaliwanag. Huminga siya nang malalim at bumaling pakaliwa, nakasubsob pa rin ang ulo sa unan, nang mahagip ng mata niya ang isang papel na nakapatong sa maliit niyang mesa. Hindi na siya nagtaka kung sino ang naglagay nito roon. Mabagal niyang iniunat ang kamay at dinampot ang papel. Be r

