MAAYOS NA nagpatuloy ang seremonya. Walang panata ang binigkas, kahit na iyon ang nakasaad sa programa. Dapat sana ay may oath, pero gaya ng sinabi ni Rogue, "Oaths are a bunch of meaningless, unfulfilled promises," malamig niyang tugon habang walang pakundangan niyang pinutol ang pari. Nagulat ang lahat ng naroroon, napa-igik ang ilan, samantalang si Marco ay napahalakhak. What a best friend, wika niya sa isip, aliw na aliw sa kaartehan ng binata. "You may now kiss the—" Hindi pa man natatapos ng pari sa linya nito nang agad na hinablot ni Rogue si Selestina. Mabilis niyang hinawakan ang balakang ng babae, mariing hinila palapit at siniil ng halik. Lapat na lapat ang kanilang mga labi, ninanamnam niya ang tamis ng halik nito, lasang strawberry. Wala na sana siyang balak huminto kung

