"BAKIT PARANG binagsakan 'yang mukha mo?" tanong ng kasamahan ni Selestina.
Napapikit siya nang maalala ang nangyari kagabi. Isang bastos na namang costumer ang nakasalamuha niya sa bar.
"Hulaan ko, may nagpa-init na naman ng ulo mo sa bar kagabi?" natatawang tanong ni Mira.
Dalawa ang trabaho ni Selestina. Kapag gabi nasa bar siya bilang barmaid, at sa umaga nasa Café de Lune siya nagtatrabaho bilang server. Kailangan niyang kumayod ng doble para may pangtustos sila sa araw-araw. Walang trabaho ang kanyang ina dahil may sakit ito kaya siya na lamang ang inaasahan ng pamilya.
Iniwan sila ng kanyang ama dahil sumama ito sa ibang babae. Kapag naaalala niya kung paano nagmakaawa ang ina nila para bumalik ang ama, humahapdi ang dibdib ni Selestina. Hindi niya maiwasang magtanim ng galit sa ama.
Ang nangyari kagabi ay hindi lamang 'yon ang una. Marami na siyang nakasalamuhang parehong gusto siyang ikama kapalit ang pera. Ngunit may natitira pa naman siyang dignidad sa sarili. Hangga't kaya niyang magtrabaho na marangal, hindi basta-bastang isusuko ni Selestina ang sarili sa taong walang gusto kun'di ikama lamang siya.
Pero aminin niyang nagulat siya sa presyong sinabi ng lalaki kagabi. Bukod pa sa napaka-attractive nito, ang yaman pa. Pero nakakadismayang bayaran ang tingin nito sa kanya.
Maingat na inilapag ni Selestina ang tasa ng mainit na latte sa mesa ng eleganteng babae. Nagbigay siya ng matamis na ngiti bago tumalikod at bumalik sa counter, hawak pa rin ang kaunting pagod sa balikat.
“Grabe, nakakapagod,” bulong niya sa sarili.
“Good job, Selena.” Tinapik siya ni Harold. “Magaling ang ginawa mo,” ani nito, bago muling ibinalik ang atensyon sa monitor sa harapan niya. Ang kanyang mukha ay muling naging seryoso habang tinitipa ang kabuuang kita ng araw at naghahanda ng ulat para sa kanilang manager.
“Matatapos na rin ang shift mo,” sambit ni Harold, hindi inaalis ang tingin sa screen.
Ngumuso siya. “Anong oras pupunta si Shane dito?” tukoy niya sa girlfriend ni Harold.
“Sabi niya mga alas-singko,” sagot ni Harold, patuloy pa rin sa pagta-type.
Tumango si Selestina, bagaman ang kilos niya'y may halong pagkayamot at pagkainip. Itinukod niya ang baba sa palad at tumingin sa labas ng salamin tila ba hinahanap ang sagot sa pagod ng araw na iyon.
"Selestina, pakikuha naman ng order sa table 7," utos ni Harold.
Agad na tumalima si Selestina at nilapitan ang sinabing table. Hinanda niya ang ngiting nakasanayan sa tuwing may costumers na tatanungin sa order.
"Hello! Welcome to Café de Lune! Ano po ang order ninyo, sir?" tanong niya sa dalawang lalaki.
Abala sa kakatingin ng menu ang isang lalaki at ang kasama naman nito ay nasa cellphone ang atensyon.
“Black Truffle Cappuccino and Tiramisu Royale,” sagot ng lalaking may hawak ng menu.
Tumango siya at nilista 'yon. Pagkatapos ay hinarap ang lalaking abala sa phone nito.
“Kayo po, sir?” tanong niya dito.
Nag-angat ng tingin ang lalaki, at nang makita niya ang mukha nito, napasinghap si Selestina sa gulat. Ang lalaking nasa harap niya, ito ang nag-offer sa kanya ng milyones para lamang makama siya.
“Mi Belle,” bulong ng lalaki. Dumilim ang mga mata nito parang may halimaw sa loob na pilit kumakawala.
“Excuse me,” sambit niya, dahilan para maputol ang malalim nitong pag-iisip.
“He’ll have what I said I’m having,” sabi ng kasamahan nito.
Naramdaman ni Selestina ang madilim at nakakakilabot na aura na nagmumula kay Rogue. At hindi niya nagugustuhan 'yon.
“Right away,” sagot niya agad, pilit umiwas. Paalis na sana siya nang biglang inikot ni Rogue ang katawan niya.
Nanlaki ang mga mata ni Selestina nang bumagsak siya sa kandungan ng lalaki. Pati ang kasamahan ni Rogue, halatang nagulat sa ginawa nito.
“Bitawan mo nga ako! Ano sa tingin mo ang ginawa mo?” galit niyang sabi, pilit siyang kumawala dito pero mahigpit ang hawak nito.
Tumitig ito sa kanya na para bang gusto nitong kuhanin ang kaluluwa niya.
“Your name,” maiksi nitong tanong.
“Malala na ang saltik ninyo sa utak, sir! Bitawan n'yo ako!” balik ko.
Dumilim ang mga mata ni Rogue sa sinabi niya. Saka siya binitawan.
Tumayo si Selestina, galit na galit, nanginginig at nakakuyom ang mga labi sa gilid. Nang tignan niya ang lalaki, mukhang natutuwa pa ito sa reaksyon niya.
“I’ll go get your order, sir,” aniya sa kasama ni Rogue.
Tinapunan niya ng matalim na tingin si Rogue, pero ngumisi lamang ito.
Habang naghihintay si Selestina na matapos ang order. Kinalma niya ang sarili, hindi dapat siya nagpapa-apekto sa gano'ng costumer. Baka ito pa ang dahilan na masisante siya.
Pagkalipas ng limang minuto, bumalik si Selestina dala ang order ng dalawang binata. Maayos niyang ibinaba ang kay Marco. Pero kay Rogue, may halong galit na ibinagsak niya ang kape.
“Enjoy,” malamig niyang sabi at paalis na sana nang marinig niya ang tunog ng pagbuhos. Paglingon ni Selestina, nakita niyang tumapon ang kape sa saig.
“Oops,” sambit ni Rogue, lalong lumalim ang ngisi habang tinititigan siya.
“Bastard…” nangangalaiting bulong niya.
Huminga ng malalim si Selestina. Hinabaan niya ang pasenya, alam niyang sinusubukan lang siya ng lalaki. Pero umabot na ng anim na baso ang tinapon ni Rogue na kape. Kanina pa siya pabalik-balik para kumuha ng order nito.
Pigil ang hinga niya habang inaabot dito ang ika-pitong tasa ng kape. Gusto niyang basagin sa ulo nito ang mug, pero pinigilan ni Selestina ang sarili.
Pagkatapos mailapag ang order nito, tinalikuran niya ang lalaki pero hindi pa siya nakakahakbang, muli na namang ibinuhos ni Rogue ang kape.
“Tangina, anong klaseng pagpapapansin 'yan? Nakakaubos ng ilang baldeng kape," reklamo ni Marco.
Hindi na napigilan ni Selestina. Humarap siya dito at inangat ang kamay para sampalin si Rogue pero huli na. Nahawakan na nito ang kamay niya at hinila siya palapit. Magkalapit ang mukha nila. Halos magdikit ang kanilang ilong.
“Hermosa,” bulong nito. Wala sa ekspresyon nito ang emosyon, pero ramdam niya ang init sa pagitan nila. Napatitig siya sa mga mata nito.
Pero tila natauhan si Rogue. Binitiwan nito si Selestina at marahas na itinulak paatras ang dalaga. Nagulat naman si Selestina dahil kamuntikan na siyang matumba.
Biglang lumabas si Harold mula sa likod. Napansin nitong nakatuon ang mga mata ng lahat sa kanila. Lumapit agad si Harold.
Hinatak ni Harold ang balikat niya.
“Is everything alright?” tanong nito.
Tumango siya pero si Rogue, titig na titig sa kamay ni Harold na nakapatong sa balikat niya. Parang may apoy sa mga mata nito. Akala ni Selestina magsasalita si Rogue, pero tumayo ang lalaki at diretsong lumabas.
Bago ito lumabas, tumingin pa si Rogue sa kanya ng matalim.
Si Marco, matapos ubusin ang cake nito, lumingon sa kanya.
“Pwede bang ipa-pack mo ito?”
“Sure,” sagot niya. Maayos niya itong inilagay sa takeout box.