INABUTAN NG gabi si Selestina sa coffee shop. Kailangan niyang mag-overtime dahil absent ang isang kasamahan nila at kulang ng server.
Habang nililinis niya ang counter, parang may mga matang nakatitig sa kanya. Napalingon si Selestina, pero wala namang tao.
Nai-lock niya na ang pinto at naglakad pauwi. Wala na siyang balak pumunta ng bar. Tapos na ang shift niya.
Hindi na bago sa kanya ang maglakad sa gabi. Ilang taon niya na itong ginagawa. Pero parang may sumusunod sa kanya. Lumingon si Selestina sa likuran, wala namang kahit anino na nakikita niya. Agad siyang kinilabutan at nagmamadaling lumakad.
Pagdating sa bahay, nadatnan niyang naghahain ang kanyang ina at si Calliz.
“Good evening, Ma,” bati niya bago yumakap dito.
“Hi, Ate!” nakangiting lumapit sa kanya si Calliz at hinalikan ang pisngi niya.
“Binilhan kita.” Ipinakita niya ang dala na plastic bag sa kapatid.
Nagningning ang mga mata nito.
“Ano ‘yan?”
Nginitian niya ito habang inaabot ang plastic bag.
Kaagad na binuksan ni Calliz 'yon.
“Cellphone!” gulat na napatingin ito sa kanya.
Napasinghap ang kanyang ina. “Saan ka naman kumuha ng pera?”
“Malaking tip lang, Ma. May konting dagdag pa ako para sa aking savings. Matagal nang nangungulit ‘tong si Calliz ng phone, ‘di ba?”
First year college na ang kanyang kapatid. Alam ni Selestina na mahalaga sa pag-aaral ang cellphone kaya sinadya niyang pag-ipunan ang bagay na ibinigay kay Calliz para may magamit ito.
“Kaya mahal na mahal kita, Ate! Your the best!” yakap nito sa kanya.
Natawa si Selestina at niyakap rin ang kapatid.
Masaya silang naghahapunan. Nakipagkwentuhan siya sa ina tungkol sa kanyang trabaho pero hindi niya binanggit ang tungkol kay Rogue. Madaling mag-alala ang ina at ayaw niyang dumagdag sa iisipin nito ang lalaki.
Sa pagod ni Selestina, nakapaidlip agad siya. Pero nagising ang dalaga nang maramdaman may humahaplos sa hita niya pataas at paulit-aulit.
Nagmulat siya. At bumungad kay Selestina ang malamlam nitong mga mata. Bumuka ang bibig niya para sumigaw, pero natakpan ito ng lalaki.
“Shh…” bulong ng lalaki, kasabay ang paglalagay ng daliri nito sa kanyang labi.
Inangat ulit nito ang kamay sa hita niya. Hindi alam ni Selestina kung bakit mabilis na nagrereact ang katawan niyo dito.
“Belle…” bulong ng lalaki, ang boses nito ay mababa at puno ng mapanuksong init habang ibinaon ang mukha sa leeg ni Selestina. Sumunod ang sunod-sunod na mga halik na basa, at parang apoy na unti-unting nilalamon ang katinuan niya.
Alam ni Selestina na dapat siyang umurong. Alam niyang dapat niyang itulak ang lalaking ito, dapat siyang sumigaw. Pero bakit? Imbes na pagtutol, mga ungol ang lumalabas sa labi niya?
“Hmm…” marahang ungol ng lalaki habang marahas na kinakagat ang balat niya bago ito nilamutak ng dila.
Mula sa leeg, bumaba ang halik nito patungo sa kaniyang collarbone. Hinalikan siya nito, iginuhit ng labi ang bawat linya, bago tuluyang bumaba hanggang sa gilid ng kaniyang dibdib.
Unti-unting gumapang ang kamay nito, patungo sa ilalim, sa gilid ng panty ni Selestina. Dahan-dahan nitong ginamit ang dulo ng daliri upang haplusin ang gitna ng dalaga, dahilan para mapaliyad si Selestina. Hindi pa niya kailanman naranasan ang ganitong uri ng kiliti at pagnanasa, at ngayong nararamdaman niya ito, para siyang iniangat sa ulap.
“Ate…”
Nabitawan niya ang hininga nang marinig mula sa labas ang isang boses. Agad siyang natauhan at tinulak palayo ang lalaki.
“Are you asleep? May naririnig kasi akong ingay,” sabi ni Calliz mula sa labas ng pinto.
Napatingin si Selestina sa direksyon ng boses, bago sumagot nang may pilit na kalmado.
“Wala ‘yon, Calliz. Nag-eeexercise lang ako.”
“This night?” may halong pagtataka sa tinig ng kapatid.
“Good night, Calliz,” mabilis na sagot ni Selestina, tinatapos ang usapan.
Paglingon niya muli sa direksyon kung saan niya itinulak ang lalaki, wala na ito. Napunta ang paningin niya sa bintana, nakabukas iyon nang maluwang.
“Nawala na siya,” bulong niya. Hindi niya alam kung sino iyon, madilim ang kanyang silid. At nang maisip iyon, biglang sumiklab ang hiya sa buong katawan niya.
Binaon niya ang mukha sa unan at napasigaw, sabay hampas-hampas sa kama. Narinig iyon ni Calliz, dahilan para bumalik ito sa pinto at bigla itong buksan.
“Ate, ayos ka lang—”
Bago pa matapos si Calliz, lumipad na ang unan diretso sa mukha nito.
“Out!” sigaw niya. Hindi na nag-aksaya ng oras si Calliz, ibinalik ang unan sa kanya, isinara nang malakas ang pinto, at nagmamadaling bumalik sa sariling kuwarto.
“Nakakahiya,” bulong ni Selestina habang muling ibinabaon ang mukha sa unan.
Kinabukasan, nagising siya na may kasamang hikab. Nang tumingin sa orasan, napansin niyang may maliit na papel sa gilid ng mesa. Wala siyang maalalang papel na ganoon kahapon, kaya dahan-dahan niya itong kinuha at binuklat.
You look beautiful when you sleep, Belle...
Iyon ang nakasulat doon. Lalong lumaki ang mata niya. Agad niyang pinunit at itinapon ito.
“May stalker ba ako?” bulong niya sa sarili, nagmamasid sa paligid na baka may makita siyang camera, ngunit wala.
Tumayo siya at nagtungo sa banyo. Tinanggal ang suot na pang-itaas at humarap sa salamin, at doon niya nakita ang sunod-sunod na marka ng labi at kagat mula sa leeg, pababa sa collarbone, at hanggang sa itaas ng kaniyang dibdib. Napahawak siya sa bibig, pinipigil ang malakas na sigaw.
“A-akala ko panaginip lang,” marahan niyang hinahaplos ang mga marka. Napapikit siya, ramdam pa rin sa balat ang init na iniwan ng mga iyon.
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone mula sa kuwarto. Dali-dali niya itong kinuha, isang mensahe mula sa parehong unknown number na tumawag kahapon.
Looking at the art I did on your body, ain’t it? You look beautiful with them, and I would love to taint you more, Mi Amor.
Nabasa niya iyon at agad nagtakip ng duvet sa katawan. Hindi maikakaila, may taong nanonood sa kanya. Para sa isang tao na magpadala ng ganoong mensahe eksaktong oras na sinusuri niya ang kanyang katawan… ibig sabihin, may mata sa loob ng silid.
Sino ka?
mabilis niyang tinipa. Halos agad siyang nakatanggap ng sagot.
The one who will taint your innocence, Belle.
Napakunot ang noo niya.
Anong ibig mong sabihin?
I take it you enjoyed the ministering I did on your body… you’ll be getting more of that, Selestina.
Tigilan mo ako! galit na sagot niya.
I never stay away from what’s mine.
Nabasa niya iyon at ibinagsak ang cellphone sa kama. Hinaplos ang buhok niya sa inis at pinikit ang mga mata.