MARCO BARGE into Rogue’s office, a playful grin plastered on his face. Walang abiso, pumasok ito na parang may dalang balitang hindi puwedeng ipagpaliban.
“Wanna go to that coffee shop today? I heard may promo sila ngayon,” casual na tanong ni Marco habang naglakad papalapit.
Abala sa mga papel sa mesa si Rogue, tumingin lang saglit kay Marco.
“Yeah,” mabilis at walang pag-aalinlangang sagot niya, isang bagay na ikinagulat ni Marco dahil bihira siyang pumapayag agad.
Tumayo si Rogue, kinuha ang kanyang jacket mula sa hanger, at naglakad patungo sa pinto. Bago lumabas, lumingon siya kay Marco na tila hindi pa rin makapaniwala.
“You coming?” maikli niyang tanong.
Tumango si lang si Marco, parang nagulat pa rin sa mabilis na pagbabago ng isip niya.
Habang naglalakad, nagtanong ito, “You don’t wanna go disturb that little girl again, do you?”
Saglit natigilan si Rogue.
Little girl? bulong ni Rogue sa isipan, at biglang sumagi sa kanya ang alaala ng hubog ni Selestina, ang kurba ng kanyang katawan na nakita niya sa camera. A dark chuckle escaped his lips, parang isang mabangis na hayop na tinutukso ng biktima.
“Maybe,” malamig ngunit mapanganib na sagot niya bago lumabas ng pinto. Umiling lang si Marco at sumunod.
Puno ng tao ang lugar dahil sa promo. Pagpasok nina Rogue at Marco, tila biglang bumagal ang ingay, lahat napatingin, may mga bulungan agad sa mga kababaihan.
“Si Rogue Vertudazo ba iyan? I didn’t know he comes to coffee shops like this.”
“He’s so hot.”
“Just one night in his bed and I’d be satisfied.”
“I wonder if he’s big down there…” isang babaeng walang hiya pang ngumiti habang nakatingin sa pantalon ni Rogue.
Marco chuckled, “Wanna have a peek?” biro nito, at laking gulat ni Marco nang may limang babaeng sumigaw ng 'yes' sabay-sabay.
Walang pakialam si Rogue, dire-diretso siyang naglakad papunta sa isang secluded na mesa at umupo. Lumapit ang isang babaeng staff, si Mira.
“Hello, welcome to Café de Lune! Is there anything I can get you, sirs?” Ngumiti ito ngunit halatang masyadong concentrated ang tingin kay Rogue, na agad niyang ikinainis.
“Is there someone named Selestina here?” tanong ni Rogue, hindi maintindihan kung bakit hindi siya naiinis na nabanggit niya iyon. Siguro dahil iba ang bigat ng pangalan na iyon sa kanya.
“Yes, sir. Nasa counter siya,” kagat-labi sagot ni Mira. Sinundan ng tingin ni Rogue at doon tumama ang mata niya sa eksena, si Selestina tumatawa habang may hinahaplos sa dibdib ni Harold.
Agad nagdilim ang mga mata ni Rogue, nanlamig at naging walang emosyon ang kanyang ekspresyon.
“Can you get her to take our order?” malamig na utos niya.
Napatingin si Marco, halatang namumuo ang tanong sa isip nito.
“Are you in love with that waitress?” pang-aasar nito.
“Love? Why waste time falling in love when I can spend that—”
“Same time making billions of dollars… yeah, we get it,” sabat ni Marco at napailing.
Lumapit si Selestina sa mesa nila, may hawak na order pad.
“Hello, welcome to Café de Lune. Can I get you gentle—” naputol ang sasabihin nito nang magtagpo ang mga mata nila ni Rogue.
“Ikaw,” malamig nitong sambit, halatang may galit na kumukulo.
“Anong ginagawa mo dito?” dagdag nito, sabay bagsak ng notebook sa mesa, dahilan para mapalingon ang ibang customer. Agad na ngumiti si Selestina sa mga ito bago muling ibalik ang tingin kay Rogue na parang papatayin nito sa titig.
“Coffee,” sagot ni Rogue, hindi tinatago ang kanyang mga mata na lantad na nakatingin sa cleavage ng dalaga. Dahil sa kilos ni Selestina nang ibagsak ang notebook, bahagyang bumukas ang neckline ng blouse nito.
Mula sa gilid, may ilaw na kumislap, isang phone camera ang kumuha ng litrato. Nagtaas ng kilay si Selestina, tinawid ang mga braso.
“Coffee?” sarkastiko niyang tugon.
“Do you want me to drink you instead?” bulong ni Rogue na may kakaibang ngiti.
“Meaning?” tanong nito, halatang hindi sanay sa ganitong klaseng salita.
At doon lalo siyang nahulog sa bitag ni Rogue, hindi dahil sa halik, kun'di sa walang kamuwang-muwang na kilos nito habang hinahalo ang malinis na inosensiya sa alindog na hindi pa niya namamalayan.
He couldn’t wait to taint her innocence.
Selestina placed the notebook back the table, marahan pero matatag ang kilos, parang sinasabi nitong tapos na ang usapan. Nakatitig si Rogue sa likuran ng dalaga, ang perpektong kurba nito ay nakakaakit tignan. His jaw was tight, his knuckles slightly white as he gripped the armrest of his chair. Marco noticed.
“You’re staring at her like you’re about to—”
“Don’t,” putol ni Rogue, malamig ang tono pero may bahid na babala.
Ipinikit ni Rogue ang mga mata at huminga nang malalim.
Control yourself. Not here. Pero habang mas pinipilit niyang pigilan, mas malinaw sa isip niya ang imahe ni Selestina, ang paraan ng pagtitig nito na may halong galit at kaba, at ang inosenteng anyo na gusto niyang wasakin at angkinin.
Marco leaned closer. “You’re scaring her.”
Rogue’s eyes opened, sharp and unbothered.
“Good.”
•••••••••••••••••••••••••
MATAPOS ANG maikling sagutan, tumalikod si Selestina para bumalik sa counter. Pero bago pa siya makalayo, naramdaman niya ang bahagyang pagdikit ng daliri ni Rogue sa gilid ng kanyang pulso, hindi sapat para pigilan siya, pero sapat para magpadala ng kuryenteng gumapang mula balat niya hanggang batok.
Hindi siya lumingon. Ngunit sa bawat hakbang niya palayo, ramdam niya ang bigat ng titig nito sa likod niya, parang hinihila siya pabalik sa mesa.
Pagdating ni Selestina sa counter, agad siyang sinalubong ng mga order slips, pero kahit gaano karami ang inasikaso niya, hindi mawala sa peripheral vision niya ang silhouette ni Rogue. Imposibleng hindi mapansin, at nakaupo na para bang ito ang sentro ng buong lugar.
Ano ba ‘to? Para bang kahit hindi ito magsalita, naririnig niya pa rin ang boses ng lalaki.
Ilang minuto pa, kinuha niya ang dalawang tasa ng kape at muling lumapit sa mesa nila. Maingat niyang inilapag ang mga ito, pero hindi niya naiwasang maramdaman na muling sumayad sa kanya ang sulyap ni Rogue.
“Thank you,,” ani ni Marco.
“Enjoy your coffee,” malamig niyang sagot, pero alam niyang medyo nanginig ang boses niya. Pagkaalis niya, narinig niya pa ang bahagyang tawa ni Rogue, mababa at halos parang lihim.
At sa bawat hakbang niya pabalik sa counter, pakiramdam ni Selestina ay sinusundan pa rin siya ng mga mata nito, hindi lang basta mata, kun'di yung uri ng titig na nang-aangkin.