"GUNNER, SHIELD," mariing wika ni Rogue, puno ng awtoridad. Pinagmasdan ni Selestina habang hinihiwalay ng tinted ang limousine. Nagtagpo ang mga mata nila ni Rogue. Bumaba ang tingin nito sa mapupulang labi niya. Hinaplos 'yon ng hinlalaki ni Rogue. Parang kinuryente si Selestina nang maramdaman ang hawak ni Rogue. Pumikit pa ang lalaki na parang ninamnam ang lambot ng labi niya. Tumitig si Selestina kay Rogue, pinagmamasdan ang anyo ng isang lalaking hindi basta kayang lapitan, isang puwersang naghihiwalay sa kanila gaya ng salaming humahadlang. Hindi niya akalaing magiging asawa siya ng kagaya ni Rogue nang gano'n kadali. "You can scream all you want while I pleasure you, Ma belle épouse. It's Sound proof," napapaos na bulong ni Rogue bago ibinaon ang mukha sa leeg niya. Napasin

