“AYOS LANG ba 'to?” marahang tinig ni Selestina na umalingawngaw sa katahimikan. Nakayuko siya dahil nahihiya sa kanyang suot. “Come here, belle,” utos ni Rogue. Ang mga mata nito ay nananatiling nakatuon lamang sa kanya. Ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo sa kanyang kinatatayuan, nangingimi at walang lakas ng loob na lumapit. “Come here, Selestina. I swear, if I’m the one who walks toward you, I won’t be able to control myself,” dagdag nitong banta na mas lalong nagpalakas sa kabog ng dibdib niya. Sa halip na magpatigas ng loob, bahagya pang umatras si Selestina, tila naghahanap ng ligtas na puwang mula sa presensya nito. Ngunit sa huli, para bang nawala ang lahat ng pagtutol sa kanyang mga paa, kaya dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito. Nang tuluyang makalapit si Selestin

