NANLAKI ANG mga mata ni Selestina, at isang walang kasagutang pagnanasa ang nanirahan sa kanyang loob. Ang init na sinimulan ng lalaki ay biglang nawala, iniwan siyang nakabitin sa bangin ng kaligayahan. Napahigpit ang kanyang kapit sa manipis na tela ng negligee. Naghahabol pa siya ng hininga. Pero hindi niya mapigilang mainis. Sinasadya yata ni Rogue na bitinin siya palagi. Para bang ginagawa lamang ni Rogue para pahirapan siya, upang sirain ang kanyang kalooban, at gawing bihag ng isang apoy na ito lamang ang may kakayahang pag-alabin siya nang tuluyan. Nang tumayo si Rogue nang walang babala, natigilan si Selestina, at sa pagkabigla ay nahulog siya sa gilid ng kama. Pilit niyang ikinikiskis ang kanyang mga hita upang hanapin ang kahit anong uri ng lakas, subalit mabilis na kumilos an

