NAGISING SI Selestina kinabukasan na may matinding sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Halos hindi niya maigalaw ang mga 'yon, at ang pinakakaunting pag-urong ay nagdudulot ng matinding kirot na para bang muling pinupunit ang kanyang laman. Halos mapaiyak siyang muli, hindi niya alam na mula sa isang madilim na sulok ng silid ay nakaupo si Rogue, malamlam ang mga mata at walang emosyon sa mukha habang pinagmamasdan siya. “Hurt?” malamig na boses ni Rogue ang bumasag sa katahimikan. Napaigtad si Selestina at agad na lumingon sa pinagmulan ng tinig. Doon, nasilayan niya ang anino ng lalaki. “Y-yes…” mahina niyang sagot. Kahit na pilit niyang ipinapakita ang lakas sa labas, nanginginig naman ang kanyang loob. Isang biglaang takot ang umusbong sa kanyang puso para sa lalaking ito matapos a

