THE NIGHT'S confession left Selestina drained, emotionally and physically. Nang makauwi siya sa condo matapos ihatid ni Logan, halos bagsak ang katawan niya sa kama. Kahit nakapikit, ramdam pa rin niya ang panginginig ng dibdib niya sa bigat ng katotohanan na sinabi kay Logan. Pagmulat ng kanyang mga mata, may malamig na sikat ng araw na dumadaloy mula sa bintana. Saglit siyang napaikot sa kama, hoping for a little more rest, nang biglang maramdaman niya ang maliit na kamay na marahang yumanig sa braso niya. “Mama…” pabulong pero excited na tawag ni Elijah. Napasinghap siya, pinilit na ngumiti. “Hmm? Sweetheart, maaga pa…” napapaos niyang sabi. “Hindi na, Mama. Gising na 'yung araw, oh. You promised pancakes today!” Napairap siya nang nakapikit pa rin, inaabot ang unan at itinakip

