ILANG ARAW ang lumipas, hindi na nagpakita si Rogue. Pero lagi pa ring kinakabahan si Selestina na baka bigla na lamang sumulpot ulit ang lalaki sa kanyang condo. Hindi siya naniniwalang aksidente ang pagkikita nila. Kilala niya si Rogue, gagawa ito ng paraan kapag may gustong alamin. “Selestina. Anak, dapat umuwi ka na! Hindi ligtas diyan. Lalo na si Elijah, baka may kutob na siya!” nag-aalalang sabi ng kanyang ina sa kabilang linya. Ikweninto niya dito ang pagkikita nila ni Rogue at ang pagpunta nito sa condo. Napalunok si Selestina. “Hindi pa pwede, 'Ma. Hindi ko puwedeng basta iwanan ang trabaho ko. May tinatapos pa ako. Kung biglaan kaming aalis, lalo lamang maghihinala si Rogue.” “Mas importante ang kaligtasan niyo kaysa trabaho, anak! Hindi mo ba kilala si Rogue? Kapag may g

