Episode 40 Hindi parin ako mapalagay sa natanggap kong death threat kahapon. Gusto kong malaman kung kanino ito galing at bakit niya ako pinadalhan ng ganoon. “Naime?” Napatigil ako sa aking pag iisip nang marinig ko ang boses ni Alec na tinatawag ang aking pangalan. “Yes?” sabi ko at pinilit na ngumiti. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking balikat. “Are you okay?” alala niyang tanong. Huminga ako ng malalim at tumango. “Yeah. I am fine, don’t worry.” Sabi ko. Tumabi siya sa akin dito sa couch at hinarap ako. Nakasuot na siya ng suit niya at papunta na sana siya ngayon sa kanyang trabaho. Napag isipan ko na din muna na hindi muna ako papasok ng trabaho dahil natatakot ako na baka may magpadala na naman nang death threat sa akin. “About sa kumakalat na balita sa akin k

